You are on page 1of 12

Back page mam : BALITA

BES, Napanatili ang korona


Ni: Sofia Rose Belong

Muling pinatunayan ng mga Bacsilian, ang kanilang kahusayan at kagalingan sa


larangan ng larong badminton.
Sa nakaraang INAA meet na ginanap sa Lungsod ng Laoag noong Oktobre 28-
30, 2015 sa INNHS muling nakipaglaban ang mga manlalaro ng mababang paaralan
ng Bacsil na kinabibilangan nina
______________________________,_________________________,_________________________ at
______________________________sa pang- isahang laro at
_________________________________,
______________________________,_________________________,___________________________
Sa pandalawahang laro.
Ang mga baguhang manlalaro ay muling sinanay araw-araw ,at may mga
gabing nagsakripisyo sila sa kanilang paaralan upang mahasa at mapaghusay pa
ang kanilang kakayahan sa paghampas ng bola na may tamang lakas sa tamang
direksyon.May mga gabing pinapanaginipan pa ang kanilang pag-eensayo kung
saan sila ay natatalo.Nagkaroon tuloy sila ng mga agam-agam sa kani-kanilang
sarili.
May mga gabi ding nadarama nila ang pagod at sakit ng katawan sanhi ng pag-
eensasayo ngunit dagling naalis amg mga ito dahil sa magandang resulta ng kani-
kanilang laban.Ang mga kinatatakutan at inaakalang pagkabigo ay nauwi sa
pagpapanatili ng kanilang korona.
Ang mag-uwi ng gintong medalya sa kanilang paaralan ay isang napakalaking
karangalan para sa mga taga Bacsil lalo na sa mga mag-aaral na patuloy pa rin sa
kanilang pangarap na mapabilang sa koponan ng larong Badminton.
Ang kanilang tagumpay ay handog ng Panginoon na siyang nagbigay sa kanila
lakas ng loob na harapin ang mga pagsubok,kaya naman walang hanggang
pasasalamat ang kanilang bukambibig.
Nagpasalamat din sila sa kanilang mga magulang sa walang sawang pagsuporta
at pagmamahal, sa kanilang mga tagapagsanay lalo kay si Gng. Delia Ruadap, kay
G. Rodolfo M. Mariano ang Punong Guro ng nasabing paaralan at ang hindi
matatawarang pagbibigay din ng pasasamat sa lahat ng tumulong at nag-abot ng
kanilang munting donasyon sa larong badminton.
Sa mga Bacsilian,Mabuhay tayong lahat.
MANZANILLO, Pasok sa RIAA
Ni: Sopia Rose Belong

Alam ng lahat ng taga Bacsil na ang pagkapasok ni Cristina Manzanillo sa RIAA


ay hindi inaasahan lalo na sa batang si Manzanillo.
Ang inaakalang paglalaro lang ng Javelin at Discus throw kay Cristina sa
kanilang paaralan ay siyang
nagbigay sa kanya ng karangalan noong nakaraang INAA,Oktobre 28-30 na ginanap
sa Lungsod ng Laoag.
Isang batang masayahin, masipag lalo na sa kanyang pag-aaral, matapat at may
takot sa Diyos iyan lamang ang mga katangiang nakita ko sa kanya.kaya naman sa
kanyang pagkapanalo sa larong Javelin at Discus throw ay lalo pang nadagdagan
ang aking paghanga.
Sa aking panayam, nasabi ni Manzanillo na itoy isang laro lamang hindi
pinaghandaan lalong hindi pinag-ensayuhan,bagkus ito ay isang larong hindi
inaasahang magbubunga ng magandang kinahihinatnan.
Sa murang isipan ng batang si Cristina ay posibleng iyon ang kanyang pananaw
ang makapaglaro lamang, ang mabigyan ng kanyang sarili ng munting kasiyahan,
ngunit sa isipan ng marami siya pala ay batang may ibubuga din sa larangan ng
larong Athletics.
Sa kanyang mga magulang buong pusong nagpapasamat ang mga taga
Bacsilian dahil isa namang patunay na ang Mababang paaralan ng Bacsil ay patuloy
pa rin kanyang paglipad at sa dako pa roon ay muling maghahanap ng punong
kanyang pagpapahingahan at doon babalikan ang mga pagsubok na kanyang
binalikat ngunit may ngiting sa kanyang labiy magbibigkas,laro lamang kaibigan
pero nagbibigay inspirasyon sa bawat nilalang.
1.Front page mam flor,he!He!

Colobong, Villanueva, Panalo sa


Pandistritong Patimpalak
Ni: Cristel Lyka Bangloy

Ang nasabing patimpalak ay ginanap sa mababang paaralan ng West Central


noong Agosto sa Royal Building sa nasabing paaralan.
Ang nasabing patimpalak ay dinaluhan ng labing tatlong paaralan ng Dingras II.
Sila ay nagkaroon ng patimpalak sa pag-awit at pagbigkas ng tula na kung saan
may inimbitahang panauhin na siyang magbibigay katungkulang sa bawat hatol sa
mga mag-aaral na kasali sa patimpalak.Nagbigay din ng Mensahe ang punong guro
ng nasabing paaralan na si G. Romualdo Pascua.Ipinagbigay alam sa mga batang
naroroon , mga guro at magulang ang kahalagahang ng paggamit ng sariling wika
at ang dahilan ng hindi pagdalo ng ating mahal na ina ng ikalawang Distrito na si
Gng. Caroline P. Calili.
Nagkaroon ng simpleng programa.Nagbigay ng mga patuntunan o patnubay ang
Pandistritong tagapag-uganay sa Filipinop na si Gng. Rhapsody R. Agustin, at
kalaunay ang pagbibigay hudyat ng pagsisimula ng paligsahan.
Sa wakas, ang hinintay ng lahat ang paggawad ng mga nanalo. Sa pagbigkas ng
tula nakuha ng mababang paaralan ng Bacsil ang Ikalawang pwesto, at itoy walang
kundi si Ayana Colobong ng ikalawang baitang at ang kanyang tagapagsanay ay si
Gng. Virginia D. Valencia. At ang nakakuha din ng ikalawang pwesto sa patimpalak
sa pag-awit ay walang iba kundi si Nicole Villlanueva ng Ikatlong baitang at ang
kanilang tagapagsanay ay si Gng. Rhapsody R. Agustin. Ang lahat ng pinagpaguran
ay napuno ng walang katapusang kaligayahan lalo na ng ang mga magulang ng
mga batang iyong pinag-alayan ng buong oras ay nagpasalamat sa iyo, mayroon
pang nagbigay ng pasasalamat sa facebook at tumawag ng long distance para lang
ikaw ang mapasalamatan.Iyon ang nagbibigay inspirasyon naming mga guro ang
munting pasasalamat at pagtanaw ng buong puso ay amin ng kasiyahan higit
kaninuman ang maibigay naming ang aming buong suporta sa bawat batang buong
pusong ibibigay din ang kanilang sarili para mapaghandaan ang kanilang
kinabukasan. Sa lahat ng Sumali sa Patimpalak pinalad man o hind,natalo man o
nanalo mabuhay kayong lahat. Mabuhay ang mga batang bayani.
2. Bacsilian, Pasok sa Pandibisyong
patimpalak
Ni:Cristel Lyka Bangloy

Naghari ang walang hanggang tawanan at pagkakaroon ng kantiyawan


kung sino ang magbibigay blow-out sa mga batang nanalo sa Math Festival
na ginanap sa bulwagan ng Mababang paaralan ng West Central noong
Nobiembre 6-7, 2015.
Bago mag-umpisa ng nasabing patimpalak lahat ay nininerbiyos,natatakot
at mayroon pang umiyak na mga batang kasali.Nagkaroon ng isang munting
programa at nagbigay ng alituntunin ang Pandistritong tagapag-ugnay sa
Matematika na si Gng. Catherine I. Romualdo tungkol sa mga dapat gawin at
wastong pagsagot sa sagutang papel.
Ang mga batang kasali ay nagkaron ng malawang pagbabalik aral at pag-
eensayo upang mapahusay pa lalo at malinang ang kani-kanilang
kakahayan sa pagsagot sa mga tanong.Ika nga ang Matematika daw ang
pinaka-ayaw pag-aralan ng mga bata, ngunit patuloy pa rin ang pagbibigay
ng pagsubok ating gobyerno sa pamamagitang Deped para lalong
mapaghusay ang itinatagong galing ng mga mag-aaral sa asignaturang
matematika.
Ang bawat batang kalahok ay nagtagisan ng talino sa numero.Ipinakita
nilang malawak ang kanilang kaalaman para masagot ang bawat tanong sa
kanilang papel.
At sa wakas ang resulta, ang hinihintay ng lahat . Bawat isa ay nasasabik
kung ano ang kahihinatnan ng kani-kanilang mga anak,kung sila ba ay
isasabak sa mas mataas na lebel o hindi na kinaya dahil sa nakahirap na
tanong.
Ika nga sa kasabihang, Do your best,And God Will do the rest. Ito siguro
ang kagustuhan ng ating Panginoong Diyos ang manalo muli ang mga mag-
aaral ng mababang paaralan ng Bacsil. Sa unang baitang nakuha ni Yash
Mitzvah Pillos ang Ika-anim na pwesto, Si John Deniel Agapinan ang
nakakuha Ikatlong pwesto,sa ikawang baitang.Samantalang sa ika-apat na
baitang ay nakuha ni_________________________, sa ____na pwesto,Sa ika-
limang baitang nakuha ni____________ang ika- _______________na
pwesto,si_________ sa ika-____ na pwesto, si _____________ang nakakuha ng
ika-________ na pwesto. Sa IKa-anim na baitang nakuha ni _________,Ika-____
na pwesto, at _______________ sa ika ____na pwesto. Sila ang pambato ng
ating paaralan sa gaganaping pandistritong patimpalak sa Nobiembre 26-27
na gaganapin sa Lungsod ng Laoag. Ang lahat ng biyayang ibigay ay buong
pusong nagpasalamat ang mga mag-aaral, mga guro, mga magulang at ang
kanilang ulong guro na si G. Rodolfo M. Mariano. Walang hanggang kasiyahan
ang kanilang nadarama lalo na ang mga magulang na sa kanilang puso ay
may mga anak na ipinagmamalaki hindi lang sa larangan ng akademya kundi
pati na rin sa pagmamahal sa kanilang pag-aaral.
Ang paghatol sa kakayahan ng isang bata ay para mo na ring sinabing
walang kakayahan ang isang guro na baguhin ang kanyang mga mag-
aaral.Kaya sa ating mga guro maraming salamat muli at sana sa susunod
pang araw ay hindi pa rin kayo magsasawa sa amin.

3. Salado, Kampeon sa DAMATH


Ni: Jane Agapinan

Ang buong pamilya ng mga mga Salado ay nagulat sa pagkapanalo ng


kanilang anak na si Mark Denver sa DAMATH na ni ginanap sa Mababang
paaralang ng West Central sa Royal building buong araw ng sabado, ika-7,
2015.
Nakababagot na laro, nakaka-antok at ano pang naka ang pwedeng ikabit
sa larong DAMATH.Walang gustong matalo lahat ay pursigidong lumaban
para masabing kampeon sa DAMATH.
Kaya nga hindi pa nagsisimula ang laro ay kanya-kanyang pwesto sa
ibat- ibang silid sa nasabing paaralan upang sanayin muli ang kani-kanilang
pambato.Binigyan ng kaukulang mga tekniks sa pagtira o sa pagsulong ng
mga chips na kanilang ititira sa kalaban. Ang bawat pagsulong ay parang
mga sundalong handang mamatay sa labanan.
Ang mga naglaban ay mahigit labing tatlong paaralan ng Dingras, District
II. Labing tatlong mag-aaral ang nagtagisan ng talino sa pag-usad ng kani-
kanilang mga chipsmatira nag matibay.
Ngunit kalaunay sa lahat ng mga pambato ng labing tatlong
eskuwelahansa level 3, nanaig ang kagalingan, ang pambato ng mag-aaral
ng mababang paaralan ng Bacsil na si Marc Denver Salado,ang kanyang
tagapagsanay ay si Gng. Delia S. Ruadap.
Sa simula ng laro,ayon sa kanya nakita niyang magagaling ang kanyang
mga kalaban,ngunit hindi niya pinairal ang takot sa kanyang isipan, bagkus
iyon ang daan upang lalo pang niyang pagtibayin ang pananampalataya sa
Panginoon at ibinigay na suporta ng mga magulang ang kanyang sandata
upang matamo ang kanyang tagumpay.
Sa level I naman nakuha ni Cheska Paula Baniaga,nasa ikalawang baitang
ang ika-apat na pwesto,na sinanay ni Gng, Virginia D. Valencia.
Iyan ang patunay na ang mga guro, mag-aaral, mga magulang at ang
ulong guro na si G. Rodolfo M. Mariano ng mababang paaralan ng Bacsil ay
may pagkaka-isa lalo na sa pagbibigay karangalan sa kanilang paaralan.
Higit kaninuman sa Panginoong Maykapal na siyang nagbigay ng lahat ng
kanilang tagumpay ang walang hanggang pasasalamat.

Pandistritong Press Conference Ginanap


Ni: Cristina Manzanillo

Ang pandistritong School Press Conference ay ginanap sa bulwagan ng


mababang paaralan ng West Central kung saan idinaos ang isang munting
programa na dinaluhan ng mga batang manunulat at mga pinunong
patnugot ng mga pampaaralang pahayagan.
Nagbigay ng patnubay na tuntunin ang pandistritong tagapag-ugnay sa
Pampaaralang Pahayagan na si Gng. Merilyn Lucas na tumalakay sa mga
dapat gawin lalo na sa mga kailangan ng mga batang sasali sa patimpalak sa
ibat ibang bahagi nito.
Nabigyan ng ibat ibang topiko ang mga napiling guro upang ipamahagi
ang kanilang kaalaman sa larangan ng pagsusulat.Nagbigay sila ng mga
stratehiya at makabagong pag-uusapan tungkol sa ibat ibang
bahagi.Nandiyan sila ay nagbigay ng mga impormasyong sa mga baguhang
batang manunulat at kanila itong maiaplay sa kani-kanilang eskuwelahan.
Nagbigay sila ng mga wastong pamamaraan upang lalo pa nilang
mapaganda at mapahuasay ang kanilang kagalingan sa pagsulat ng tula,
mga lathalain,pagsulat ng balitan at iba pa.
Sa Pagtatapos ng Press conference, nagkaroon ng aplikasyon sa bawat
mag-aaral, dahil sa angking kagalingan naipamalas. Sina Cristina Manzanillo
ay nakuha ang Unang Pwesto sa tagaguhit ng kartun, Sofia Rose Belong,
nakuha ng ikatlong pwesto sa Balitang isport at sina Jane Agapinan ,nakuha
ng ika-pitong pwesto sa Lathalain at Cristel Lyka Bangloy, nakuha ng Ika-
pitong pwesto sa pagsulat ng balita. Pinasalamatan nila ang kanilang mga
tagapagsanay na sina Gng. Virginia d. Valencia at Bb. Flordeliza B. Agcanas.
Sa pagsulat ng Pampaaralang pahayagan kailangan dito ang
tiyaga,wastong pag-iisip,maaliwalas na kapaligiran at higit sa lahat may puso
ang taong gumagawa nito upang sa bawat salitang kanyang bibitawan at
isusulat ay nararamdaman ng bawat mambabasa nito.Hindi man nila
naranasan,hindi man nila nakita,hindi man nila lubusang maintindihan pero
ang bawat pighati, suliranin, mga pagsubok, mga pagsuko, mga tagumpay
na ipinaparating, tayo ay lubos na nasisiyahan sapagkat sila ang mga
munting bayaning naghahatid ng balita,kuro-kuro at minsan mga palaisipan
na di natin kayang ipaliwanag bagkus ito ay ating inuunawa at binibigyan ng
sapat na pagtimbang upang maintindihan sila,dahil sa murang edad
naintindihan nila ang mga pangyayaring hindi pa dapat.

Jane Agapinan
Punong Patnugot

Jane Agapinan Cristel Lyka Bangloy Sofia RoseN


Belong
Patnugot sa Lathalain Patnugot sa Balita Patnugot sa
Isport

Cristina Manzanillo
Tagaguhit ng Kartun

Marc Denver Salado, Nadine Agapinan, Dana Marie Salado


Mga manunulat

Gng. Virginia D. Valencia


Bb. Flordeliza B. Agcanas
Tagapayo

Rodolfo M . Mariano
Ulong guro III

Gng. Caroline P. Calili


Tagapagmasid Pampurok

Liham sa Patnugot

Mahal kong Patnugot,


Bago ang lahat, nais kong pasalamatan muli ang mga bumubuo
sa patnugutan sa pagkakaroon ng pagkakataon na maibahagi ang aming
mga saloobin at natamong karangalan, mga pangyayaring naganap sa mga
buwang nagdaan sa amimg paaralan.
Sa pagkakataong ito muling kami ay nagpapasalamat sa aming
mga tagapayo, ang ulong guro III at lahat ng mga miyembro ng
Pampaaraalang pahayagan,kung wala sila ay hindi siguro mabubuhay at
hindi naming maipararating aming mga gustong sabihin sa pamamagitan ng
pagsusulat.
Sa lahat ng Bumubuo ng UBBOG maraming salamat po
,pagpalain nawa kayo ng Poong maykapal. Mabuhay po kayo.

Lubos na gumagalang,
Marc Denver Salado

Mensahe:
Editoryal
Umarangkada! UBBOG Saan ka
papunta?
Ni: Cistina Manzanillo

Ang muling pag-arangkada ng Opisyal na pahayagan sa Filipino ng


mababang paaralan ng Bacsil ay muli pinatunayan na sila lamang ay
nararapat bigyang din halaga dahil nag-uwi muli ang mga miyembro nito ng
karangalan sa larangan ng pagsusulat noong nakaraang School Press
Conference na ginanap sa Bulwagan ng mababang paaralan ng West Central
noong Nobyembre 3, 2015.
Ang pagsakay muli sa jeep ng UBBOG ay muling pinatunayan na ang
pagsusulat ay nasa puso ng bawat mag-aaral. Sila ay nabigyan ng kakaibang
talento upang maipahayag ang kanilang mga saloobin at mabigyann pansin
sa pamamagitan ng paghahahatid nila sa ating pampaaralang pahayagan
ang kanilang nais na pag-usapan, ang kanilang nais na iparating sa kanilang
mga guro at mga mga magulang, ang kanilang nais na baguhin, at kanilang
mga inaasam-asam. Di man nila ito kayang bigkasin pero kaya nilang isulat.
At sa bawat pagpatak ng tinta sa kanilang hawak na bolpen at lapis
siguradong maipararating nila sa kinauukulan ang kanilang hinaing.
Alam nating lahat na ang pagnanais na mabuhay muli ang UBBOG, tayo
ay bumuo ng mga baguhang batang manunulat, gaanu man kahirap ang
pagbibigay ng kaalaman sa kanila, nananalaytay sa kanilang mga ugat ang
kakayahang magsulat at sila ay walang hirap na haharapin ang mga
pagsubok sa darating pang mga araw. Mawala man ang kanilang mga
tagapayo, san man sila pupunta, sisiguraduhin nilang hindi nila pababayaan
mawalang muli ang Pampahayagang pampaaralan dahil dito lang nila
kayang ipahayag ang kanilang tunay na nararamdam. Dito lang nila
mararanasan ang paglipad ng malaya na walang paghatol sa kanilang
kakayahan, dito lang nila malalasap ang kaligayang sa murang edad ay
kanilang magagawa ng walang taong haharang sa gusto nila.
Ang pagsusulat ay buong pusong ginagawa hindi pinag-aaralan at hindi
ginagawang puhunan para sa sariling kapakanan.

Lathalain

Edukasyon: Kalasag sa Pag-unlad


Ni: Jane Agapinan
Anong mga pagpapahalaha ang makatutulong sa pag-unlad ng ating
kakayahan?

Isa sa mga ito ang pagpapahalaga sa edukasyon.Ayon sa isang Kawikaan,


Mas maganda ang kinabukasan ng atong may pinag-aralan.
Maraming patunay na maraming kabataan nagtatapos sa
elememtarya,Hayskul at maging sa kolehiyo ay nakakamit ang magandang
buhay.Dahil lamang sa pagsasakripisyo ng mga magulang,ginagawa nilang
arwa ang gabi kumita lamang ng kaunting pera upang may maidagdag sa
pang-araw-araw na gastusin.kayat pinagbubuti ng mga kabataang ang
kanilang pag-aaral dahil nakikita nila ang hirap at pagod sa kanilang mga
magulang. Minsan pa may mga kabataang nagtratrabaho sa araw
samantalang nag-aaral sa gabi. Ibayong hirap ngunit pag nakamit ang
tagumpay lahat ng pagsasakripisyo ay mawawala. Kasiyahan at
pagmamalaki ang kapalit dahil natupad din sa wakas ang mga minimithing
pangarap.

Kaya pahalagahan ang edukasyon dahil itoy kalasag sa pag-unlad.


Maraming umaasa sa atin higit kaninuman ang ating mga magulang dahil
gusto nating silang mabigyan ng magandang buhay kahit sa mga nalalabing
araw nila sa mundong ibabaw. Mabigyan lang sila ng konting ginhawa sa
buhay ay masasabi mong tagumpay ako sa aking tungkulin,maipagmamalaki
ka na ng ating bansang Pilipinas dahil sa patuloy na pag-usbong ng butil na
naging puno at namunga ng pagkarami-rami dahil dito kahit sino, ang
Edukasyon ang patuloy na kalasag ng magandang buhay.Hindi nananakaw
,hindi nakukuha bagkus dinadala ito kahit san ka magpunta.

Sa Puso ng Bawat Tao


Ni: Jane Agapinan

You might also like