You are on page 1of 1

TEKSTONG ARGUMENTATIBO

WPS: PAG-AARI GA MGA PILIPINO

Isa parin sa pinakadakilang hamon na kinakaharap ng bansa hanggang sa kasalukuyan ay ang isyu ng agawan sa
pagitan ng Tsina at Pilipinas sa teritoryong West Philippine Sea o South China Sea. Ngunit alin nga bang bansa
ang nararapat na manindigan nito?

Ang West Philippine Sea ay isang dagat na matatagpuan sa kanlurang bahagi ng Pilipinas at sa timog na bahagi
ng Tsina. Ang nasabing teritoryo ay mas malaki kaysa sa kabuuang lupa ng Pilipinas, at ang malaking lugar na
ito ng dagat ay isang mapagkukunang-dagat, may hawak ng magandang ecosystem, may kakayahang suportahan
ang medidina o siyentia, at mayaman sa mga isda, langis, at iba pang mga likas na yaman. Ito ang dahilan kung
bakit pinagtatalunan ng bansang Pilipinas at Tsina ang pagkakaroon ns soberenya sa teritoryong ito. Sa batayan
ng paninindigan sa kung sino ang may karapatan nito, masasabi kong ang Pilipinas ang mas may karapatan sa
nasabing teritoryo. Hindi pag-aari ng Tsina ang WPS kundi pag-aari ito ng Pilipinas sa kadahilanang ito ay
bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas, walang basehan ang 9 Dash Line na paninidigan ng
Tsina sa pag-angkin sa WPS, at ito and desisyong inilabas ng pandaigdigang Permanent Court of Arbitration
(PCA) sa kasong isinampa ng Pilipinas sa China ukol dito.

Walang matibay na pinanghahawakan ang Tsina na sakop nila ang WPS. Ang pinagbabasehan lamang nila ay
ang historical claim na tinatawag na 9 Dash Line. Ito ay isang U shaped form kung saan ang lahat nang nasa loob
nito ay pag-aari ng Tsina sa pandagat man o panhimpapawid. Ang historical claim na ito ay hindi pinaniniwalaan
ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) sapagkat wala itong basehan sa pandaigdigang
batas. Isa pa, ang WPS ay nasa loob ng 200 nautical miles bilang bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng
Pilipinas. Ibig sabihin, eksklusibong may karapatan ang Pilipinas sa mga likas na yaman sa bahaging ito ng
dagat.
Para sa akin na bilang isang Pilipino ay may karapatang sabihin na atin ang isla na iyan sapagkat nasa ilalim ito
ng ating EEZ at sumusunod naman tayo kung ano ang nasa batas.

Nung mga nakaraang taon din ay matatandaan na ipinaglaban ng Pilipinas ang kanyang karapatan sa WPS sa The
Hague sa Netherlands sa Kapuluan ng UN Arbitrary Court at ito ay pinaboran ng nasabing korte noong 2016.
Pormal na nagsampa ng kaso ang Pilipinas laban sa China noong Enero 22,2013 sa PCA dahil sa namumuoung
tensiyon sa pinag-aagawang teritoryo. Ayon sa desisyon ng PCA ay hindi pag-aari ng Tsina ang West Philippine
Sea. Tinatapakan ng “nine dash line” ng China ang “200 nautical miles” na EEZ ng Pilipinas na nakasaad sa
internasyunal na tratado ng UNCLOS na pinirmahan ng kapwa ng China at Pilipinas, gayundin ang 165 iba pang
bansa. Kung titignan, solid ang mga ebidensya na bahagi ng Pilipinas ang WPS sapagkat wala namang “nine
dash line” ng China na nilalaman ng UNCLOS.

Sa kabila nito ay patuloy parin ang reklamasyon ng bansang Tsina sa WPS at sa kabila ng pagiging mulat sa
isyung ito ay natatakot parin ang mga Pilipino na banggain ang China dahil sa katotohanang matatalo ang mga
Pilipino kung giyera ang usapan. Ngunit, konstitusyunal at moral na tungkulin dapat ng administrasyong Duterte
na igiit ang mga karapatan, karangalan, at dignidad ng bansa upang panindigan ang pag- angkin ng Pilipinas sa
mga teritoryo nito. Sa kabila nito, kinakailangan ang pagkakaisa ng mga Pilipino upang ipaglaban ang soberenya
ng Pilipinas sa nasabing teritoryo. Kailangang maging matatag at tumindig tayo upang ipamalas natin ng buo at
pagkakaisa natin bilang mamamayang Pilipino na idepensa na ang WPS sapagkat malinaw naman na ito ay para
sa atin.

You might also like