You are on page 1of 1

Jasmine Louise Alcera Mr.

Laurence Sipagan
12 - St. Maximilian Kolbe Pagsulat sa Filipino

1. West Philippine Sea.


Habang patuloy na inookupa ng Tsina ang Dagat Kanlurang Pilipinas, kasabay
nito ang kanilang pagaangkin na ang parteng ito raw ay kanilang pagmamay-ari. Para
sa akin, ito ay isang nakakahiyang aksyon at sumisira sa maayos na samahan ng
dalawang bansa. Sa ruling ng PCA o Permanent Court of Arbitration noong 2016,
pagmamay-ari pa rin ng pilipinas ang Dagat Kanlurang Pilipinas. May batas at
paguutos na itinalaga ang UNCLOS() at inilathala ng ruling na ito na nilabag ng
bansang Tsina ang soberanya ng Pilipinas sa Dagat Kanlurang Pilipinas.
Nagappatunay lamang na ang usaping ito ay pawang walang saysay dahil ayon sa
batas ng UNCLOS, ang Dagat Kanlurang Pilipinas ay nakapaloob sa Exclusive
Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Sa tingin ko rin ay hindi mabuti na pagtibayin
lalo ang relasyon ng ating bansa sa Tsina kung ang mga pilipinong mangingisda ang
naaapektuhan ng paglabag na ito. Kung hindi nirerespeto ng Tsina ang desisyon ng
korte ay hindi ito patas para sa mga mangingisda na ito lamang ang ikinabubuhay.
Bukod pa ron, para lamang tayong nakikipag patintero sa pagkakaroon ng kapayapaan
sa bawat bansa kung patuloy itong binabalewala ng Tsina.

References:
● https://www.duranschulze.com/philippines-vs-china-what-you-need-to-know-about-th
e-territory-dispute/
● https://www.manilatimes.net/2022/09/25/news/national/philippines-has-no-territorial-
conflict-with-china/1859634

You might also like