You are on page 1of 20

KONTEMPORARYONG ISYU NG LIPUNAN

Isyung Teritoryo ng Bansa


Q4Week5 Day4

Maylene M. Tubig
M. Kalaw MS
Sino ang nais magbahagi
sa ginawa
ninyong takdang-aralin?
Pagbibigay ng limang
posibleng epekto ng
katiwalian sa pamahalaan.
Ano-ano ang mga
maaring epekto
ng katiwalian sa
bansa?
Kung ikaw ay
aagawan ng isang
bagay na mahalaga sa
iyo, ano ang magiging
reaksyon mo?
https://www.youtube.com/watch?v=JlHLsdrTpp
8
Lalong umiinit ang tensyon sa pinag-
aagawang Scarborough Shoal o
Huangyan Island sa pagitan ng Tsina
at Pilipinas. Isiniwalat ng media ng
pamahalaang Tsina na hindi na nito
papayagan ang panghihimasok ng
mga barkong pandagat ng Pilipinas
sa Dagat Timog Tsina.
Ibinandera ng China Daily ang isang
komentaryo noong Mayo 8, 2012,
kung saan iginiit ng bansang Tsina na
“hindi na nito papayagan ang hindi
katanggap-tanggap” na pagkilos sa
alitan ng Scarborough Shoal, at
ibinunyag ang estratehiyang
diplomatiko ng Tsina bilang
pagpapamalas ng kanilang soberanya
sa Dagat Timog Tsina.
Think-Pair-Share
Bakit mahalagang
ipagtanggol ang
teritoryo ng bansa?
Kung ikaw ay bibigyan
ng pera para makuha
ang bagay na
mahalaga sa’yo,
ibibigay mo ba ito?
Bakit?
Sa tulong ng isang
graphic organizer,
Magtatala kayo ng
mga epekto ng
pag-agaw ng
teritoryo.
Epekto ng pag-agaw
sa teritoryo
Pangkatang Gawain
Magkakaroon ng ng isang debate tungkol sa
pag-aagawan ng teritoryo.Ang bawat pangkat
ay magkakaroon ng opinyon tungkol sa
sumusunod na pahayag:
NGAYON nararapat ipakita ng mamamayan ang pagkakaisa
laban sa ginagawa ng China na pag-angkin sa teritoryo na
hindi naman sa kanila. Nararapat tumindig ang lahat at
ipamalas sa China na buo at nagkakaisa ang mga Pilipino
para idepensa ang Panatag Shoal o Scarborough Shoal.
Kapag nakita ng China na sama-sama ang mga Pilipino at
handang ipaglaban ang Panatag Shoal, baka hindi na igiit
ang kanilang pag-angkin na wala naman sa katwiran. Baka
sakaling matanggap na nila na mali nga sila sa pag-angkin
sa teritoryo ng Pilipinas. Baka mapag-isip-isip nila na
napakalayo ng China sa Panatag Shoal at wala nga silang
karapatang makipag-agawan dito. Ang Panatag Shoal ay
124 nautical miles mula sa Zambales kaya malinaw na pag-
aari ito ng Pilipinas.
Walang matibay na pinanghahawakan ang China
na sakop nila ang Panatag Shoal. Ang
pinagbabasehan lamang nila ay historical claim
at ang ganitong basehan ay hindi
pinaniniwalaan ng United Nations Convention
on the Law of the Sea (UNCLOS). Noong 1903,
isang map ang ginawa ng United Armed Forces
at doon ay kabilang ang Panatag sa mga grupo
ng isla na pag-aari ng Pilipinas. Nakakakuha ang
Department of Foreign Affairs (DFA) ng kopya
ng map at maaari itong ipresentang ebidensiya
na sakop nga ng Pilipinas ang Panatag.
Lumulubha ang sitwasyon ukol sa pag-aagawan sa Panatag Shoal.
Halata naman ang ginagawa ng Chinese authorities na panggigipit
sa produktong galing sa Pilipinas. Hindi na pinapasok ang 1,500
container vans ng saging at hinayaan na itong mabulok sa tatlong
port. Umano’y may peste raw ang mga saging. Pinabulaanan naman
ng Bureau of Plant Industry ng Pilipinas na may peste ang saging.
Walang magagawa kung tanggihan ng China ang produktong Pinoy.
Hindi sila mapipilit. Mas mabuti kung huwag nang ipilit sa kanila ang
mga saging at papaya. Maghanap na lang ng ibang bansa na
pagdadalhan ng mga produkto. Hindi lang naman China ang
nangangailangan ng saging. Huwag silang pilitin.
Ang mahalaga, ipakita ng mga Pilipino sa China na idedepensa ang
teritoryo sapagkat nakasisigurong pag-aari ito ng Pilipinas.
Magkaisa at ipaglaban ang karapatan.
Mas dikit ngayon ang Pilipinas at Tsina sa
ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Pero sa kabila ng magandang relasyon ng
dalawang bansa, patuloy lang ang Tsina sa
pagpapalakas ng puwersa at pasilidad nito sa
mga pinag-aagawang teritoryo sa West
Philippine Sea.
Mismong si presidential spokesman Harry
Roque ang nagsabi, naniniwala pa rin ang
Pilipinas sa "good faith" o "kagandahang
loob" ng Tsina.
Pag-aralan ang mga
nakaraang aralin.
Maghanda para sa
isang pagsusulit sa
susunod na
pagkikita.

You might also like