You are on page 1of 26

KONTEMPORARYONG

ISYU NG LIPUNAN
Isyung Teritoryo ng Bansa
Q4Week5 Day4
Balik-aral tungkol sa
napag-aralan
kahapon
( Katiwalian sa
pamahalaan )
Ano-ano ang mga
maaring epekto ng
katiwalian sa
bansa?
Kung ikaw ay
aagawan ng isang
bagay na mahalaga sa
iyo, ano ang magiging
reaksyon mo?
https://www.youtube.com/watch?v=JlHLsdrTpp8
Gawain 1:
Pangkat 1 - Gagawa ng pag-uulat
tungkol sa Scarborough Shoal.
Pangkat 2 – Magsasagawa ng
rally tungkol sa pagtutol.
Pangkat 3 – Magsasagawa ng talk
show ng pag – interbyu kay
Pangulong Duterte.
Think-Pair-Share

Bakit mahalagang
ipagtanggol ang
teritoryo ng
bansa?
Aplikasyon:

Kung ikaw ay bibigyan


ng pera para makuha
ang bagay na
mahalaga sa’yo,
ibibigay mo ba ito?
Values at GAD Integration:

*Sa panahon ng mga mga Espanyol


papaano ipinagtanggol ng mga
Pilipino ang ating bansa? Anong
kaugaliang Pilipino ang kanilang
ipinakita?
*Sino sino ang mga nagpakita ng
pagmamalasakit para sa ating bansa?
Paglalahat/Gawain 2

Sa tulong ng isang
graphic organizer,
magtatala kayo ng
mga epekto ng pag-
agaw ng teritoryo.
Epekto ng pag-agaw sa
teritoryo
Pagtataya: ( Pangkatang Gawain )
Magkakaroon ng ng isang debate tungkol sa pag-
aagawan ng teritoryo.Ang bawat pangkat ay
magkakaroon ng opinyon tungkol sa sumusunod
na pahayag:
NGAYON nararapat ipakita ng mamamayan ang pagkakaisa laban sa ginagawa ng
China na pag-angkin sa teritoryo na hindi naman sa kanila. Nararapat tumindig ang
lahat at ipamalas sa China na buo at nagkakaisa ang mga Pilipino para idepensa ang
Panatag Shoal o Scarborough Shoal. Kapag nakita ng China na sama-sama ang mga
Pilipino at handang ipaglaban ang Panatag Shoal, baka hindi na igiit ang kanilang pag-
angkin na wala naman sa katwiran. Baka sakaling matanggap na nila na mali nga sila
sa pag-angkin sa teritoryo ng Pilipinas. Baka mapag-isip-isip nila na napakalayo ng
China sa Panatag Shoal at wala nga silang karapatang makipag-agawan dito. Ang
Panatag Shoal ay 124 nautical miles mula sa Zambales kaya malinaw na pag-aari ito
ng Pilipinas.
Walang matibay na pinanghahawakan ang China na sakop nila ang
Panatag Shoal. Ang pinagbabasehan lamang nila ay historical claim
at ang ganitong basehan ay hindi pinaniniwalaan ng United Nations
Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). Noong 1903, isang
map ang ginawa ng United Armed Forces at doon ay kabilang ang
Panatag sa mga grupo ng isla na pag-aari ng Pilipinas. Nakakakuha
ang Department of Foreign Affairs (DFA) ng kopya ng map at maaari
itong ipresentang ebidensiya na sakop nga ng Pilipinas ang Panatag.
Lumulubha ang sitwasyon ukol sa pag-aagawan sa Panatag Shoal. Halata naman ang ginagawa
ng Chinese authorities na panggigipit sa produktong galing sa Pilipinas. Hindi na pinapasok ang
1,500 container vans ng saging at hinayaan na itong mabulok sa tatlong port. Umano’y may peste
raw ang mga saging. Pinabulaanan naman ng Bureau of Plant Industry ng Pilipinas na may peste
ang saging.
Walang magagawa kung tanggihan ng China ang produktong Pinoy. Hindi sila mapipilit. Mas
mabuti kung huwag nang ipilit sa kanila ang mga saging at papaya. Maghanap na lang ng ibang
bansa na pagdadalhan ng mga produkto. Hindi lang naman China ang nangangailangan ng saging.
Huwag silang pilitin.
Ang mahalaga, ipakita ng mga Pilipino sa China na idedepensa ang teritoryo sapagkat nakasi­
sigurong pag-aari ito ng Pilipinas. Magkaisa at ipaglaban ang karapatan.
Mas dikit ngayon ang Pilipinas at Tsina sa ilalim ni Pangulong
Rodrigo Duterte.
Pero sa kabila ng magandang relasyon ng dalawang bansa,
patuloy lang ang Tsina sa pagpapalakas ng puwersa at pasilidad
nito sa mga pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.
Mismong si presidential spokesman Harry Roque ang nagsabi,
naniniwala pa rin ang Pilipinas sa "good faith" o "kagandahang
loob" ng Tsina.
Takdang-aralin:
Pag-aralan ang mga
nakaraang aralin.
Maghanda para sa isang
pagsusulit sa susunod na
pagkikita.
Maraming
Salamat…
Pagtataya:
Suriin ang mga pahayag tungkol sa mga
suliraning kinaharap ng bansa. Lagyan ng:
MS – malubhang suliranin
DMS – di – gaanong malubhang suliranin.
HS – hindi suliranin
1. Kakulangan sa mga paaralan.
2. Maraming walang trabaho.
3. Korupsiyon at katiwalian sa
pamahalaan.
4. Mababang sahod ng mga
manggagawa.
5. Terorismo.
6. Panliligalig ng oposisyon at
pulitiko.
7. Pagtatangkang kudeta ng mga
sundalo.
8. Madalas na pagdaraos ng rali ng
iba’t ibang sektor.
9. Tangkang pagrerebelyon at
pagpapabagsak ng pamahalaan.
10. Paghihirap ng taumbayan dahil
walang matirhan at makain.
11. Pagdami ng mga dayuhan.
12. Paglabag sa mga karapatan ng
tao.
13. Paglala ng kriminalidad.
14. Pagbili ng mga imported na
kalakal.
15. Paglaki ng populasyon.
* Kung ikaw ang pangulo ng bansa,
anong programa ang iyong
ipapatupad upang malutas ang
kahirapan at mapaunlad ang
pamumuhay. Ipaliwanag ang inyong
kasagutan.

You might also like