You are on page 1of 18

YUNIT II Mga Isyung Politikal at Pangkapayapaan

Aralin 3 Mga Isyung Politikal


MODYUL 12: Migrasyon
MODYUL 13: Isyu sa Pambansang Teritoryo
MODYUL 14: Katiwalian at Korapsiyon
MODYUL 15: Dinastiyang Pampolitika (Political Dynasties)
Aralin 4 Mga Isyung Pangkapaligiran
MODYUL 16: Ang Usapin sa Kapayapaan (Peace Talk)
MODYUL 17: Isyu sa Kapayapaan para sa Nagkakaisang Bansa (United Nations)
MODYUL 18: Mga Isyung Kinakaharap ng ASEAN

YUNIT II Mga Isyung Politikal at Pangkapayapaan


Aralin 3 Mga Isyung Politikal
MODYUL 12:
Migrasyon
Mga layunin:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan at mga katangian ng migrasyon
2. Nasusuri ang pinagmulan at epekto ng migrasyon sa kabuhayan ng bansa
3. Nakagagawa ng mga mungkahi upang masolusyunan ang migrasyon sa bansa
4. Napahahalagahan ang mga paghahanay ng mga hakbangin upang mabigyang solusyon ang mga isyu ng
migrasyon sa bansa
5. Nakasusulat ng isang sanaysay na magbubukas sa mga isyung kinakaharap ng mga migrante
Taluntunin natin
Suriin ang talaan. Isulat sa ibaba ang reaksiyon mo rito.

Number of Deployed Landbased OFW 2014


Saudi Arabia – 402,837
UAE – 246,231
Singapore – 140,205
Qatar – 114,511
Hong Kong – 105,737
Kuwait – 70,098
Taiwan – 58,451
Malaysia – 31,451
Bahrain – 18,958
Canada – 18,107
Pagsusuri:
Pahalagahan Natin
I. Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa mga isyung kinakaharap ng mga migrante at ihayag din ditto ang inyong mga
opinyon.

II. Kung reregaluhan mo ang isang OFW, ano ang ibibigay mo sa kanya? Iguhit ito sa ibaba, maaaring bagay o simbolo at
ipaliwanag ito batay sa inyong damdamin nararamdaman ngayon.
Subukan natin
I. Sagutin ang bawat tanong.
1. Paano nagsimula ang migrasyon sa Pilipinas?
2. Bakit tinatawag na “Bagong Bayani” ang mga OFW?
3. Paano naaapektuhan ang ekonomiya ng bansa sa pagdami ng migrante?
4. Paano kinakategorya ang mga migrante sa ating bansa?
5. Bakit nangyayri ang peminisasyon sa hanay ng mga migranteng lumalaban sa ating bansa?
II. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pahayag.
______________1. Ang paglikas sa ibang bansa upang doon maghanapbuhay at manirahan
______________2-3. Ang bahagi ng proseso ng produksiyon sa mga atrasadong bansa dahil sa murang lakas-paggawa
______________4-7. Mga paraan upang mabawasan ang gastusin ng mga kapitalista sa pagpapasweldo sa mga
manggagawang Pilipino.
______________8. Kahulugan ito ng LEP
______________9. Ito ang konseptong pyudal kung saan ang tao ay itinuturing bilang baka o manok.
______________10. Ito ang kahulugan ng OWWA.
III. Pangkatang Gawain. Bumuo ng tatlong pangkat at suriin ang sumusunod na mga isyu. Iulat sa klase ang mga ideya at
opinyon ng mga kasapi ng pangkat.
a. Mga transactional crime – Ang penomena ay migrasyon sa loob at labas ng Asia sa kasalukuyan ay dala na rin
ng globalisasyon. Bunsod din ng
Solusyunan Natin:
Saliksikin ang bawat kaso at bigyan ng solusyon.
Case Study # 1
Ang kaso ni Mary Jane Veloso sa Indonesia.
Case Study #2
Ang pagbitay sa tatlong Pilipino sa China na sina Sally Ordinario Villanueva, Elizabeth Batain, at Ramon Credo.
Panoorin at Suriin Natin
1. “Flor Contemplacion”
Idinerehe ni Joel Lamangan
Pinagbidahan ni Nora Aunor
2. “Migrante”
Idinerehe ni Joel Lamangan
Pinagbidahan ni Alen Dizon
3. “Anak”
Idinerehe ni Rory Quintos
Pinagbidahan ni Vilma Santos
MODYUL 13:
Isyu sa Pambansang Teritoryo
Mga Layunin:
1. Nailalarawan ang nasasakupang teritoryo ng Pilipinas
2. Nakapagmumungkahi ng mga konsepto batay sa isyu ng pambansang teritoryo ng Pilipinas
3. Nasusuri ang mga isyung kinapapalooban ng pambansang teritoryo ng Pilipinas
4. Napapahalagahan ang pakikipaglaban ng mga Pilipino batay sa mga isyu ng pambansang teritoryo ng Pilipinas
5. Nakasusulat ng isang reaksiyong papel batay sa umiiral na mga isyung teritoryal ng Pilipinas
Taluntunin natin
Suriin ang cartoon sa ibaba. Ipaliwanag ang kahulugan nito.

Kahulugan:
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________
Pahalagahan Natin
Isulat sa kahon ang iyong saloobin sa pahayag sa ibaba.
“Ang tunay na yaman ay ang mga natural na yamang binibigay sa atin ng ating Panginoon: TAO, LUPA, TUBIG,
PAMILYA, AT PANANAMPALATAYA.”
Subukan Natin
I. Sagutin ang bawat tanong.
1. Ano ang nilalaman ng Doktrinang Pangkapuluan? Paano ito nabuo?
2. Bakit nagkaroon ng isyu sa teritoryo ang China at Pilipinas?
3. Bakit inilapit ng Pilipinas sa ASEAN ang problema sa West Philippine Sea?
4. Bakit naninindigan ang Pilipinas na bahagi ng bansa ang Scarborough Shoal?
5. Bakit naninindigan ang Sultan ng Sulu na angkinin ang Sabah na bahagi ng soberanya ng Pilipinas?
II. Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:
1. Doktrinang Pangkapuluan –
2. Artikulo 1, Saligang Batas 1987 –
3. West Philippine Sea –
4. ITLOS –
5. Administrative Order No. 29 –
III. Pangkatang Gawain: Bumuo ng apat na pangkat at magsagawa ng debate. Ihayag ang mga kasalukuyang pangyayari
sa isyung ito.
Anong bansa ang dapat sumakop sa Scarborough Shoal
Solusyunan Natin
Basahin ang mga case study. Magbigay ng reaksiyon tungkol dito.
Case Study # 1
Idudulog ng Pilipinas sa International Tribunal ang territorial dispute sa pagitan ng Pilipinas at China. Ayon sa
Department of Foreign Affairs, layunin nito ang matigil na ginagawang hakbang ng China na labag sa soberanya ng
bansa.
Ipinatawag ng DFA si Chinese Ambassador Ma Keqing para iabot ang note verbale upang ipaalam sa China na
idudulog na ng Pilipinas sa United Nations Tribunal ang usapin sa West Philippine Sea.
Ayon kay Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario, naubos na ng Pilipinas ang halos lahat ng political at
diplomatic avenue para ayusin ang usapin sa West Philippine Sea kaya’t nagpasya na ang pamahalaan na idulog na ito sa
Arbitral Tribunal sa ilalim ng Article 7 ng United Nations Convention on the Laws of the Sea (UNCLOS).
Umabot na sa labinglima ang note verbal o protesta ng Pilipinas sa umano’y mga paglabag ng China sap ag-
aangkin ng mga teritoryo sa West Philippine Sea.
“The Philippine has exhausted almost all political and diplomatic avenues for a peaceful negotiated settlement
of its maritime dispute with China. On numerous occasions, dating back to 1995, the Philippines has been exchanging
views with China to peacefully settle these disputes. To this day, a solution is still elusive, we hope that the arbitral
proceedings shall bring this dispute to a durable solution,” pahayag ni DFA Secretary Albert del Rosario.
Base sa statement of claim ng Pilipinas, naninindigan ito na sakop ng bansa ang teritoryong 200 nautical miles sa
EEZ ng Pilipinas kaya’t nasakop na nito ang Scarborough Shoal maging ang Kalayaan Group of Islands.
Tinututulan din ng bansa ang pagtatayo ng China ng mga istruktura sa mga inaangkin nitong teritoryo at ang
pagtatatag ng administrative unit para mamahala sa lugar.
Ang Arbitral Tribunal ay binubuo ng limang miyembro. Itinalaga naman ng Pilipinas si Judge Rudiger Wolfrum na
dating president ng International Tribunal on the Laws of the Sea o ITLOS bilang miyembro nito habang inaasahang mag-
aapoint din ang China.
Si Solicitor General Francis Jardeleza naman ang legal representative ng Pilipinas sa arbitral proceedings. Ayon sa
DFA, posibleng tumagal ng tatlo hanggang apat na taon bago madesisyunan ang ganitong usapin.
Pinagkunan: www.philstar.com
Case Study # 2
Naninindigan ang pamilya ng Sultan ng Sulu na malinis ang kanilang hangarin sa pag-angkin sa teritoryo ng Sabah
na bahagi ng Pilipinas.
Ayon sa anak ni Sultan Jamalul Kiram III na si Princess Jacel Kiram, bagama’t wala pang opisyal na statement ang
kanilang pamilya dismayado ang mga ito sa naging pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino.
Sa isang pulong balitaan sa Quezon City, sinabi ng prinsesa na ipagpapatuloy nila ang pag-angkin sa Sabah bilang
Karapatan at soberanya ng bansa na dating Borneo.
Ayon pa kay Princess Jacel, inihahandog niya ang kanyang panata para pag-angkin sa Sabah sa lahat ng mga
patriotikong Pilipino sa sinilangan niyang bansa at at pagsisilbihan hanggang kamatayan.
Mariing sinabi ng anak ng Sultanato ng Sulu na ang Sabah ay teritoryo na pag-aari ng Pilipinas. Sinasabi pa ng
Prinsesa ng Sulu na naninindigan sila na hindi sila aalis sa Sabah dahil bahagi ito na Pilipinas.
Ayon pa kay Princess Jaycel, ang kanilang pag-angkin sa Sabah ay Karapatan ng bansa.
Pinagkunan: www.remate.ph,2013
Panoorin at Suriin Natin
Panoorin at sumulat ng isang reaksiyong papel tungkol sa mga sumusunod.
1. “Ang Pag-angkin ng China sa Ilang Teritoryo ng Pilipinas”
www.youtube.com/watch?v=av4mdGO4X7E
2. “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?”
Idinerehe ni Eddie Romero
Pinagbidahan ni Christopher de Leon

MODYUL 14:
Katiwalian at Korapsiyon
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang mga sanhi ng katiwalian at korapsiyon bilang isyu ng bansa
2. Nasusuri ang mga sanhi ng katiwalian at korapsiyon sa pamahalaan
3. Napahahalagahan ang mga batas na lumalaban sa katiwalian at korapsiyon
4. Nakabubuo ng isang kapasyahan na susugpo sa mga kaso ng katiwalian at korapsiyon ng bansa
5. Nakapagbabalita ng isang pagtatalo o debate na magpapahayag ng bawat saloobin sa mga isyu laban sa
korapsiyon
Taluntunin Natin
Pamilyar lahat tayong lahat sa korapsiyon. Kabi-kabila ang paglalantad sa diyaryo at telibisyon ng mga tiwaling
opisyal ng gobyerno. Marami na ang naglalabasang isyu laban sa mga indibidwal na nasangkot sa isyu ng katiwalian at
korapsiyon. Sa modyul na ito, ipaliliwanag kung ano uri at sanhi ng korapsiyon.
Bilugan mo ang mga salitang naaangkop sa isyu ng katiwalian at korapsiyon.

G H O S T P R O B A
P A G N A N A K A W
K O M I S Y O N B A
A S U H O L C G U N
W A R L A X F K O P
K N E P O T I Y B A
I C Y R U Z S D C T
K H O N E P M O O O
I A A X U K O F A N
L M C R L A G A Y G
X H O I K J Q N L M
Y K A T I W A L I B
Z F E U Y O R K A O
S A B W A T A N N Y
Pahalagahan Natin
I. Lagyan ng tsek ang mga gawaing nagpapakita ng katapatan sa tungkulin at ekis ang nagpapakita ng korapsiyon. At
pagkatapos ay ibahagi sa klase ang maaari mong gawin upang maiwasan ang minarkahan mo ng ekis.
_______1. Pagbibigay ng lagay na salapi sa mga pulis
_______2. Pagpapakita ng katapatan sa SALN
_______3. Pagbabayad ng buwis nang tapat
_______4. Pagpapatong ng presyo o halaga ng proyekto ng pamahalaan
_______5. Panunuhol sa mga empleyado upang makamit ang kontrata
_______6. Pang-aabuso ng kapangyarihan sa tungkulin
_______7. Pagbibigay ng perang pambayad upang mas bumilis ang transaksyon
_______8. Paghingi ng komisyon sa mga kontrata ng pamahalaan
_______9. Pagpapadrino sa empleyado ng pamahalaan upang maipasok sa tungkulin ang hindi kuwalipikadong aplikante
_______10. Pandarambong sa pera ng pamahalaan at ilagay ito sa pansariling account sa banko
II. Sumulat ng isang bukas na liham para sa Pangulo ng Pilipinas. Bigyan-diin ang nasksihang katiwalian at korapsiyon sa
inyong lugar.
Subukan Natin
I. Sagutin ang bawat tanong.
1. Ano ang katiwalian o korapsiyon?
2. Bakit nagaganap ang korapsiyon sa bansa?
3. Paano sinusugpo ng pamahalaan ang mga katiwalian at korapsiyon sa bansa?
4. Ano-ano ang mga epekto ng katiwalian at korapsiyon sa bansa?
5. Paano naparurusahan ang mga indibidwal na napatunayang gumawa ng mga katiwalian at korapsiyon sa
pamahalaan?
II. Isulat sa patlang ang tinutukoy sa bawat pahayag.
______________________1. Ito ang batas na nagtataguyod ng isang mataas na pamantayan ng etika at nagtataas sa
lahat ng mga tauhan ng pamahalaan na gumawa ng tama na mga pahayag ng ari-arian
______________________2. Ito ang batas na sumusugpo sa pandarambong o plunder
______________________3. Tanggapan na nag-iimbestiga sa mga reklamo laban sa mga opisyal at empleyado ng
pamahalaan at nagsisilbing “people’s watchdog” ng pamahalaan
______________________4. Ang batas na kilala rin bilang “Act Further Defining the Jurisdiction of the Sandigangbayan”
______________________5. Ito ang batas na nagbibigay sa Pangulo ng kapangyarihan na magpasimula ng mga paglilitis
upang mabawi ang mga illegal na ari-arian ng mga opisyal at empleyado ng pamahalaan
______________________6. Tumutukoy ito sa sistema ng pagnanakaw o pagbubukas ng pera
______________________7. Ito ang batas na nagtatala ng lahat ng mga kasanayang tiwali ng sino mang pinuno ng
pamahalaan, nagdedeklarang hindi naaayon sa batas
______________________8. Ito ang bantay ng mga operasyong pangsalapi ng pamahalaan
______________________9. Ang opisinang ito ang nangangasiwa sa pangkalahatan at ispesipikong pagganap ng mga
katungkulang opisyal upang ang mga batas ay angkop at mailapat
______________________10. Kodigo ng Pag-aalsa at Pamantayang Etikal para sa mga opisyal at empleyadong
pampubliko
III. Pangkatang Gawain: Saliksikin at iulat ang mga sumusunod na isyu sa katiwalian at korapsiyon at iugnay ito sa mga
kasalukuyang isyu ng korapsiyon sa ating pamahalaan.
1. Coco Levey Fund Scam
2. Fertilizer Fund Scam
3. Secret Bank Account at Plunder ni dating Pangulong Joseph Estrada
4. PEA-Amari Scandal
Solusyunan Natin
Pag-aralan at pagtalunan ang mga sumusunod na kaso.

Ayon sa isang akademikong pag-aaral, nais ng nakararaming mga Pilipino na ipatupad ang parusang kamatayan
sa mga kurakot na opisyal ng pamahalaan. Bukod sa parusang kamatayan, ang mga Pilipino ay nagmungkahi rin na ang
mga whistle blower o naglalantad ng korapsiyon ay bigyang bahagi ng salaping kinukurakot ng mga opisyal bilang
pabuya sa mga ito.

Case Study #1
Pork Barrel Scam – ang isyung ito ay kinasasangkutan ng ilang mga senador at kinakatawan ng Pilipinas. Ito ay
inilantad ng whistle blower na si Benhur Luy noong Hulyo 2013. Ito ay tinatawag sa media na “ina ng lahat ng scam”.
Case Study #2
Ang isyung kaso na inilantad laban kay Dating Pangalawang Pangulong Jejomar Binay. Ayon sa Isyu ay nagkaroon
ng over pricing ang mga gusaling ipinatayo sa Makati at kinalkal na tagong yaman ng Pamilyang Binay.
Case Study #3
Ang isyu laban kay Dating PNP Chief Director General Alan Purisima. Batay sa kaso na inilantad sa publiko ay may
tagong yaman sa Nueva Ecija ang nasabing heneral.
Panoorin at Suriin Natin
I. Paanoorin ang pelikulang “Hustisya” na idinerehe ni Joel Lamangan na pinagbidahan ni Superstar Nora Aunor
II. Gumawa ng pansariling rubrik sa panunuri ng pelikula.
III. Pagsulat ng isang suring-pelikula na nagbibigay-diin sa isyu ng korapsiyon sa pamahalaan.

MODYUL 15:
Dinastiyang Pampolitika
(Polical Dynasties)
Mga Layunin:
1. Naipapaliwanag ang konsepto ng isyung dinastiyang pampolitika sa bansa
2. Nasusuri ang ugat na pinagmulan ng dinastiyang pampolitika sa bansa
3. Napapahalagahan ang mga Pilipinong nagsusulong laban sa dinastiyang pampulitika sa bansa
4. Nakasbubuo ng mga mungkahi upang magkaroon ng kamalayan ang mga Pilipino sa isyu ng dinastiyang
pampulitika sa bansa
5. Nakagagawa ng debate sa isyu ng usapin ng dinastiyang pampulitika sa bansa
Taluntunin Natin
Kilalanin ang mga sumusunod. Isulat sa ibaba ang pangalan at posisyon sa pamahalaan ng bawat larawan. Suriin
ang kanilang pinagmulang pamilya.
Pahalagahan Natin
Isulat sa tsart ang mga katangiang nais taglayin ng mga pinuno ng ating bayan at ipaliwanag ito.

Ang mga gusto kong katangian ng isang pinuno ng ating Bakit?


bayan
1.

2.

3.

4.

5.

Subukan Natin
I. Sagutin ang mga tanong.
1. Paano nagsimula ang political dynasty sa ating bansa?
2. Bakit hindi naipatutupad ang batas laban sa political dynasty?
3. Paano mabubuwag ang political dynasty sa ating bansa?
4. Bakit nagkakaroon ng Mabuti at masamang epekto sa ating bansa ang political dynasty?
5. Kung ikaw ay isang botante, iboboto mo ba ang isang kandidato na kabilang sa pamilya na may political
dynasty? Bakit?
II. Bilugan ang sampung salita na may kaugnayan sa isyu ng political dynasty.
C E S T R A D A C R D E F G
Y C A Y E T A N O L I K J H
R S A L I G A N G B A T A S
U V M O P N Q M I T I K E N
S I K A M A G A N A K N U Z
A L R U T V S Y Z Y C R A V
M L A Q U I N O C N S E S Y
A A W E H X Y R I V M O R O
N R O V I L L A F U E R T E
1. Estrada 6. Villafuerte
2. Villar 7. Binay
3. Cayetano 8. Saligang Batass
4. Recto 9. Mayor
5. Aquino 10. Kamag-anak

III. Pangkatang Gawain


1. Bumuo ng apat na pangkat at suriin ang pahayag sa ibaba.
2. Iulat sa klase ang mga ideya at opinyon ng mga kasapi ng pangkat.
“Ang politika ay sining ng pamamahala at paglilingkod-
bayan. Ngunit, nauwi ito sa isang larangan na ipinataw laban
sa mas nakararaming mahihina at maralita ang mga interes ng
iilang makapangyarihan at mayayaman”.
Solusyunan Natin
Magsaliksik tungkol sa mga sumusunod at pagkatapos ay bigyang reaksiyon ang mga nakalap na impormasyon.
Case Study #1
“Saligang Batas 1987, Article II, Sec 6” – The state shall guarantee equal access to opportunities for public service
and prohibit political dynasties as may defined by law.”
Case Study #2
“Political Dynasty ng Amapatuan vs. Mangudadatu at ang Maguindanao Massacre”.
Case Study #3
Anti-Dyanasty Movement Laban sa political dynasties
1. Davao – Rodrigo Duterte
2. Pampanga – Dennis Pineda
3. Camarines Sur – Luis Villafuerte
4. Valenzuela City – Sherwin Gatchalian
Panoorin at Suriin Natin
Panoorin ang mga sumusunod na mga pelikula at gumawa ng isang reaksiyong papel batay sat ema ng bawat isa.
1. “Bayan Ko: Kapit sa Patalim”
Idinirehe ni Lino Brocka
Pinagbidahan ni Philip Salvador
2. “Eskapo”
Idinerehe ni Chito Roño
Pinagbidahan nina Christopher de Leon at Richard Gomez
3. “Aguila”
Idinerehe ni Eddie Romero
Pinagbidahan nina Fernando Poe Jr. at Amalia Fuentes

MODYUL 16:
Ang Usapin sa Kapayapaan
(Peace Talk)
Mga Layunin:
1. Naipapaliwanag ang kasaysayan ng Bangsamoro peace talk
2. Nasusuri ang mg nilalaman ng usapin sa kapayapaan sa Bangsamoro
3. Nagkakaroon ng kamalayan ang mga Pilipino sa usapin ng Bangsamoro
4. Napahahalagahan ang mga adhikain ng mga Pilipinong nagsususlong ng kapayapaan sa mundo
5. Nakagagawa ng mga panukala tungkol sa usapin sa kapayapaan sa ating bayan
Taluntunin Natin
Awitin at bigyan ng kaukulang galaw ang awit sa ibaba sa pamamagitan ng kamay lamang

Let There Be Peace on Earth


Let there be peace on earth,
And let it begin with me
Let there be peace on earth
The peace that was meant to be

With God as our Father,


Brothers all are we,
Let me walk with my brother,
In perfect harmony.

Let peace begin with me,


Let this be the moment now,
With every step I take
Let this be my solemn vow,

To take each moment and live each moment


In peace, eternally.
Let there be Peace on Earth
And let it begin with me.
Pahalagahan Natin
Isulat sa ibaba ang inyong saloobin tungkol sa salitang KAPAYAPAAN.

Subukan Natin
I. Sagutin ang mga tanong.
1. Paano nagsimula ang kasunduang pangkapayapaan sa Mindanao?
2. Sa iyong palagay, bakit may mga Pilipino na hindi sumang-ayon sa Bangsamoro Basic Law?
3. Ano ang nagging pahayag ng Dating Pangulo Benigno Aquino III tungkol sa BBL?
4. Bakit masasabi na naiiba ang kasunduang Bangsamoro sa MILF at MNLF?
5. Paano tutugunan ng Bangsamoro Basic Law ang mga suliranin sa kapayapaan at seguridad na nakakahadlang
sa kabuhayan ng ating bayan?
II. Isulat sa patlang ang kahulugan ng sumusunod na mga daglat at mabigyan ng kasisipan para sa bawat isa?
1. MILF
2. BBL
3. MNLF
4. ARMM
5. SAF
6. OIC
III. Pangkatang Gawain: Bumuo ng apat na pangkat at gumawa ng isang panel discussion at pag-usapan ang isyu na nasa
ibaba.

Hindi kontento si Sec. Leila de Lima sa pananaw ng DOJ-NBI Special panel na hindi aplikale sa Mamasapano
incident ang Republic Act 9851 o ang batas na nagpaparusa sa mga paglabag sa International Humanitarian Law o IHL.
Kaya’t pinarerepaso nito sa panel ang mga kasong maaring isampa sa 90 suspek sa ilalim ng IHL.
Una nang sinabi ng special panel sa kanilang report na hindi aplikable ang IHL sa insidente sa Mamasapano dahil
may umiiral na tigil-putukan sa pagitan ng gobyerno at mga rebeldeng Moro.
Ngunit naniniwala si Sec. de Lima na may paglabag sa IHL dahil pinatay pa rin ang mga sugatan at sumuko nang
SAF Commandos.
Solusyunan Natin
Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod na mga case study. Pag-usapan sa klase ang maaaring gawin sa
bawat kaso.
Case Study # 1
Gumawa ng mga hakbangin upang mabigyan ng linaw ang kaso ng Moro Islamic Liberation Front laban sa Special
Action Force.
Maaaring maharap sa kasong kriminal ang mga miyembro Moro Islamic Liberation Front (MILF) na sangkot sa
madugong engkwentrong ikinamatay ng 44 Special Action Force Commando kahit pa may usapang pangkapayapaan ang
ang gobyerno at MILF.
Ito ang inihayag ni Justice Secretary Leila de Lima sa pagharap sa ikalawang araw ng pagdinig ng Senado ukol sa
Mamasapano clash.
Sabi ng kalihim, may kinalaman ang pagsasampa ng kaso sa paglabag ng MILF sa ipinatutupad na ceasefire
agreement.
“Criminal liability on the part of the MILF in this case might not be different from ordinary situations where a
crime was committed and that perpetrators who are identified are criminally liable unless they are able to successfully
invoke either exempting or justifying circumstances,” ani de Lima.
Pero maging ang mga miyembro ng SAF aniya ay maaari ring maharap sa kasong administratibo dahil din sa
paglabag sa tigi-putukan.
“Administrative liability of those in the government side however is different. The peace process has generated
a set of agreements on the cessation of hostilities between the government and the MILF. Rhis agreement have been
integrated in the operation guidelines of the AFP and PNP for law enforcement.”
“Any violation of these guidelines should necessarily entail administrative liability,” giit ni de Lima.
Dagdag pa ng kalihim, kapwa responsibilidad ng gobyerno at MILF na sundin ang GRP-MILF Agreement on the
General Cessation of Hostilities noong 1997, na nagsasabing: “It shall be the responsibility of the GRP and MILF to take
immediate and necessary actions to stop any violation and punish respective forces who violated these implementing
guidelines.”
Gayon man, wala aniyang ano mang peace agreement ang maaaring magsuspinde sa gobyerno na magpataw ng
criminal action laban sa political o common crimes sa pagitan ng magkabilang panig.
Pinagkunan: dzm.com.ph

Case Study # 2
Panukalang “Bangsamoro Basic Law” – Nahaharap sa
mga Balakid
Inihain sa Kongreso ng administrasyong PNoy noong Setyembre 2014 ang panukalang “Bangsamoro Basic
Law”(BBL), na maaaring makaapekto sa ating pambansang soberanya, integridad na pang-teritoryo, at ilang probisyon
ng ating pambansang Saligang Batas. Ang mga probisyon ng BBL ay matagal na negotiating panel ng administrasyong
PNoy at ng Moro Islamic Liberation Front (MILF), kasama na rin ang maraming “miron” o pakialamero sa mga
negosasyon. Ang “Bangsamoro” ay isang bagong konsepto ng mas malawak na awtonomiya para sa pamamahala sa mga
teritoryong Muslim, na magiging iba sa kasalukuyang pamamalakad ng Autonomous Region of Muslim Mindanao
(ARMM) na bubuwagin matapos maipasa ang BBL.
Nabubuo ang mga panukala hinggil sa Bangsamoro sa matagal na panahon ng mga usapang pangkapayapaan,
pangunahin na sa pagitan ng administrasyong PNoy at ng MILF, na ang mga pormal na paghaharap ay ilang ulit na
ginanap sa Malaysia. Ang BBL ay kakaiba sa dating konsepto ng Bangsamoro Juridical Entity (BJE) na itinulak ng
imperyalismong Kano bilang pagpabor nang husto sa papet nitong MILF – sa pamamagitan ng mga tinatawag na “peace
research foundations” sa USA – noong panahon ng rehimeng Gloria M. Arroyo.
Maaalala na napigilan lamang ang pirmahan sa kasunduang “BJE” sa Kuala Lumpur (sa pagitan ng rehimeng
Arroyo at ng MILF, na kaharap pa sana sina US Ambassador Kristie Kenney at ang mga tagapalakpak mula sa grupong
Maoista) nang madaliang idineklara ng Korte Suprema na ang BJE ay labag sa ating Saligang Batas. Ang “BJE” kasi ay may
konseptong halos nagsasarili, at may malaking kapangyarihan sa pagbibigay pahintulot sa mga dayuhang korporasyon sa
pagkuha ng mga likas na yaman sa teritoryo nito.
Ang BJE ay sasakop din sa malawak na teritoryo na kabibilangan ng ilang lalawigan na hindi naman kasama
ngayon sa ARMM (dahil hindi naman predominantly Muslim ang populasyon). Higit pa rito, ang armadong puwersa ng
MILF (ang “Bangsamoro Islamic Army”) ay bibigyan ng tungkulin sa pangangalaga ng seguridad sa ilalim ng BJE. Maaalala
rin na noong idineklarang unconstitutional ang BJE ay nagwala ang mga puwersa ng MILF at nanunog sa mga lugar ng
mga Kristiyano sa ilang bayan ng Cotabato. Bandang huli, ang mga teroristang pag-atakeng iyon ay isinisi na lamang sa
“break-away” group na nagmula sa MILF, na kung tawagin ay Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF)
Sa panahon ng administrasyon PNoy ay muling pinayuhan ito ng mga Kano na ipagpatuloy ang usapang
pangkapayapaan sa MILF. Naghanda ang Japan ng sikretong pagpupulong sa Tokyo sa pagitan ni PNoy at ng pinuno ng
MILF na si Al-Hajj Murad Ebrahim. Sa pamamagitan ng patuloy na impluwensya ng mga dayuhang pamahalaang
nagsilbing miron o “contact group” at facilitators” sa usapang pangkapayapaan, naipilit pa rin ang maraming pribisyon
na halos katulad ng sa dating BJE, lalo na sa aspeto ng “wealth-sharing” sa pagitan ng pambansang pamahalaan at ng
pamahalaang Bangsamoro. Pangunahin sa dayuhang mga bansang nagpayo hinggil sa bagong konsepto ng
“Bangsamoro” ay ang USA, Japan at UK – na pawang interesado sa likas na yaman ng Mindanao at ng mga karagatan
nito.
Ang pangunahing “facilitator” naman ng mga pag-uusap ay ang Malaysia, na matagal na nag-tustos sa
pagbangon ng MNLF at MILF, simula pa noong 1970s, upang kontrahin ang pag-aangkin sa Sabah ng Pilipinas at ng
sultanato ng Sulu. Hindi nakapagtataka na ang isinusulong na bagong konsepto ngayon ng “Bangsamoro” ay convenient
pa rin sa anumang nanaisin sa hinaharap ng imperyalismo – ang pagkontrol sa yaman ng teritoryong mapapasailalim sa
Bangsamoro, at maging ang paghihiwalay sa teritoryong iyon bilang isang nagsasariling "statelet” kung sakaling
nanaising ng imperyalismo ang higit na pagpapahina sa kabuuan ng ating bansa.
Pinagkunan: www.pjp1930.org
Case Study # 3
Ang Konsepto ng Kapayapaan
Ano ng aba ang konsepto ng kapayapaan? Ang kaguluhuan sa Mindanao ang pinakamatagal nang suliranin ng
buong Pilipinas sa usapin ng kapayapaan. Dahil sa matagal nang panahon ang dumaan sa pagtataguyod ng kapayapaan
sa lugar na ito ay lubhang naaapektuhan ang kabuhayan at antas ng pamumuhay sa Mindanao.
Matatagpuan sa Mindanao ang mga pamayanang pinakamahirap sa bansa gaya ng Maguindanao ang mga
pamayanang pinakamahirap sa bansa gaya ng Mindanao. Walang maayos na hanapbuhay sa lugar na ito. Ang karamihan
sa mga tao ay hindi nakapag-aral. Wala rin halos natatanggap na tulong sa pamahalaan at wala ring oprtunidad para
gumanda ang kanilang buhay. Walang pagamutan, ospital na mahusay, at mga health center man lang. Wala rin gaanong
paaralan sa lugar at ang kalsada ay lubak-lubak na bato sa tuwing tag-init at animo’y putikang lubluban ng kalabaw sa
tag-ulan. Wala ring lugar ang kapayapaan maging sa kanilang isipan dahil gutom at poot sa dibdib ang laman nito. Anong
kapayapaan ang aasahan sa ganitong sitwasyon? Samakatuwid, masasabi natin na hanggang naghihikahos ang Muslim sa
Mindanao ay hindi matatapos ang kaguluhan doon at hindi rin matatagpuan ang kapayapaan dito.
Mula sa “Shooting Range” ni Raffy Tulfo, Marso 31,2014
Case Study # 4
Bangsamoro, naiibang Kasunduang Pangkapayapaan
Marami na ang pamahalaang nagtangkang resolbahin ang problemang kapayapaan sa Mindanao. Ang Jabidah
Massacre sa panahon ni Marcos, ARMM sa rehimeng Cory at Ramos, PEACE PACT kay Estrada hanggang kay Arroyo at
ngayon ay ang Bangsamoro. Ang mahalagang tanong dito ay paano ba naiiba ang Bangsamoro sa mga nakaraang usaping
pangkapayapaan sa ating kasaysayan.
Ang pangakong pagkakaroon ng kalayaang magpasya para sa mga kapatid nating Muslim sa Mindanao ang
pangkaraniwang sangkap sa tratadong nais isulong ng mga gobyernong nagtangkang tapusin ang problemag ito sa ating
kasaysayan. Ngunit sa kasamaang palad ay walang nagtagumpay sa mgaito at nagpatuloy lamang lumago at dumami ang
mga kilusang nagtutulak sa kasarinlan ng Mindano.
Mas naging matindi pa ang labanan nang maglunsad ng “all out war” si Dating Pangulong Estrada laban sa MILF
at lalo pang naghirap ang mga taga-Mindanao. Mas dumami rin ang mga bagong miyembro ng kanilang kilusan dahil sa
poot at nais na paghihiganti sa gobyerno ng Pilipinas. Para sa kanila ay kahit kalian ay hindi naging bahagi ng Pilipinas
ang Mindanao.
Makikita sa ating kasaysayan na hindi kalian man nagwagi ang gobyernong Español sa planong pananakop sa
Mindanao. Nagpatuloy ang pakikidigma ng mga kapatid nating Muslim para ipaglaban ang kanilang Kalayaan sa lupang
tinubuan hanggang dumating ang mga Amerikano. Hindi rin nagtatagumpay ang mga Amerikano na hikayatin sila kaya’t
may pagkakataon noong nais na ng pamahalaang Commonwealth na ihiwalay ng Mindanao sa itatayong Republika ng
Pilipinas.
Ang Bangsamoro Framework ay naglalayong gawing isang independyenteng estado ang Mindanao na
pinamumunuan ng isang Prime Minister. Ito na kasi ang pinakamalapit sa ipinaglalaban ng mga kapatid nating Muslim na
kasrinlan at hindi tuluyang pagkakahiwalay dito bilang bahagi ng ating bansa.
Mula sa basic law na pinagtibay ng pamahalaan at mga kasaping grupong Muslim sa usaping Bangsamoro ay
gagawa ang Kongreso at Senado ng batas ayon sa rekomendasyon ng Bangsamoro Framework. Dahil dito ay
mangangailanagn ng isang referendum para sa pagbabagong ito sa ating Saligang Batas.
Mula sa “Shooting Range” ni Raffy Tulfo, Marso 31,2014
Panoorin at Subukan Natin
1. “Jose Rizal”
Idinerehe ni Marilou Diaz Abaya
Pinagbidahan ni Cesar Montano

2. “Sakay”
Idinirehe ni Raymond Red
Pinagbidahan ni Julio Diaz

3. “Thy Womb”
Idinerehe ni Brillante Mendoza
Pinagbidahan ni Nora Aunor

MODYUL 17:
Isyu sa Kapayapaan para sa Nagkakaisang Bansa
(United Nations)
Mga Layunin:
1. Natutukoy ang United Nations bilang pinakamalaking samahang pandaigdig para sa kapayapaan
2. Nasusuri ang mga layunin at adhikain ng United Nations para sa kapayapaan ng daigdig
3. Nakagagawa ng mga hakbangin upang mapagigting ang kapayapaan sa daigdig
4. Napahahalagahan ang isinusulong na kapayapaan sa daigdig ng United Nations
5. Nailalapat ang mga hakbangin ng United Nations sa pagpapanatili ng kapayapaan sa Daigdig
Taluntunin Natin
Suriin ang karikatura at pag-usapan ito sa klase.
Ano ang mensahe ng karikatura? May hidwaan bang nagaganap?
Pahalagahan Natin
Isulat sa inilaang espasyo ang iyong saloobin sa pahayag sa ibaba.
“Ang kapayapaan ay tulad ng isang puno, nag-uugat sa katotohanan,
nakatayo sa katarungan, nabubuhay sa pag-ibig, pinasasagana ng Kalayaan,
at nagkakaroon ng kaganapan ng buhay sa kapayapaan”
Subukan Natin
I. Sagutin ang mga tanong.
1. Paano nabuo ang United Nations?
2. Bakit hindi maaaring maging kasapi ng United Nations ang Vatican?
3. Bakit nasasangkot ang United Nations sa gulo ng China at Pilipinas?
4. Paano isinusulong ng United Nations ang mga layunin at adhikain nito sa gitna ng kaguluhan sa daigdig?
5. Paano makatutulong ang United Nations sa mga minoryang pangkat sa nangyayaring diskriminasyon sa
daigdig?
II. Isulat ang kahulugan ng mga sumusunod.
1. FAO
2. UNESCO
3. UNICEF
4. UNHCR
5. ILO
6. UNEP
7. UNDP
8. UNIDO
9. IFAD
10. UNODC
IV. Pangkatang gawain: Bumuo ng apat na pangkat at magsagawa ng kunya-kunyaring pagpupulong ng United Nations.
Talakayin sa pulong ang nagaganap na terorismo sa mundo. Gawing sandigan ang artikulong nasa ibaba.

Ang Terorismo sa Mundo


Usap-usapan sa buong daigdig ang pagbomba sa iba’t ibang panig ng Asia. Kabilang dito ang masklap na
pagbomba sa isang lugar panturista sa Bali, Indonesia noong Oktubre 12, 2002 na ikinamatay ng mahigit na 200 katao at
ikinasugat din ng mahigit na 200 pa.
Noong Disyembre 30, 2000, apat na sunod-sunod na pagsabog ng bomba sa iba’t ibang panig ng Metro Manila
ang gumimbal sa Pilipinas. Tinaguriang itong Rizal Day Bombing. Sa Mindanao, may naganap ding pagsabog ng bomba sa
isang palaruan sa Maguindanao noong 2004 at sa Paliparan sa Davao noong 2003. Lahat ng ito ay ibinibintang na gawa
ng mga terorista na naghahasik ng lagim at gumagamit ng dahas upang isulong ang kanilang layunin.
Napabalita rin ang mga kidnapping o pagdukot ng mga dayuhan sa Pilipinas. Nagresulta ng sunod-sunod na
pagbihag ng mga dayuhan sa Pilipinas sa pagbaba ng sigla ng turismo. Kabi-kabila ang mga babala ng mga babala ng mga
pamahalaan ng ibang bansa sa kanilang mamamayan ukol sa panganib na banta ng terorista sa Pilipinas at sa iba pang
bahagi ng Asia. Ikinabahala rin ito ng mga lokal at dayuhang namumuhunan sa Pilipinas. Ibayong pagbabantay rin sa mga
matatao at estrehikong lugar tulad ng Paliparan, daungan ng barko, imbakan ng langis, at istasyon ng pampublikong
sasakyan ang isinagawa ng pamahalaan.
Upang labanan ang banta ng terorismo, naglaan ang pamahalaan ng mas malaking pondo sa Sandatahang Lakas
ng Pilipinas. Nangangahulugan ito na mas madaragdagan ang mga kagamitan at pagsasanay na military sa halip na
gamitin ang pondo sa mga pangunahing serbisyong panlipunan tulad ng kalusugan, edukasyon, pabahay, at iba pa.
Nangamba rin ang marami nang lumaganap iba’t ibang uri ng bioterrorism tulad ng paggamit ng anthrax at iba pang
nakamamatay na virus at bacteria.
Noong Setyembre 11, 2011, pinasabog ng mga terorista ang ilang bahagi ng United States, kabilang ang World
Trade Center. Bilang tugon ng United States at mga bansang kaalyado nito, naglunsad sila ng malawakang giyera laban
kay Saddam Hussein, pinuno ng Iraq. Ang giyerang ito ay nagresulta sa sapilitang pagpapauwi ng marami sa mga
Pilipinong nagtatrabaho sa Iraq. Ikinabahala ito ng maraming Pilipinong may mga mahal sa buhay na nagtatrabaho at
naninirahan sa Iraq at maging sa mga karatig-bansa.
Ang pagkakasangkot ng ilan sa mga grupong Islamic Fundamentalist o mga radikal na Muslim sa sa Western Asia
ay tuwiran at di-tuwiranng nakakaapekto sa pangkalahatang imahe ng mga kapatid nating Muslim sa Pilipinas. Ang
Islamic Fundamentalist ay nagtataguyod ng kanilang radikal na layunin at gumagamit ng dahas upang mapaabot ang
kanilang hinihiling. Dahil sa kagagawan ng ilang miyembro ng mga grupong Islamic Fundamentalist, mas lumaganap ang
diskriminasyon at maling impresyon sa mga Muslim sa Mindanao. Sa kabuuan, karamihan sa mga Muslim ay
namumuhay nang mapayapa at maayos.
Sa pangkalahatan, malawak ang naging epekto ng terorismo sa pampulitika, pang-ekonomiya, pangkalusugan, at
pangkapayapaang aspeto ng lipunang Pilipino.
Mula sa https://tl-ph.facebook.com
Solusyunan Natin
Ang United Nations ay nababahala sa mga usapin ng mga sumusunod na kaso. Magsaliksik tungkol sa mga ito at
iulat sa klase ang mga natuklasan.
Case Study #1
Ang paglabag sa karapatan ng mga bata
Case Study #2
Ang paglala ng kagutuman sa mundo, halimbawa sa Africa
Case Study #3
Ang Diskriminasyon sa mga Kababaihan at Katutubo
Malaking usapin sa Asia ang diskriminasyon sa hanay ng kababaihan. Maaari itong iugnay sa nananaig na
patriyarkal na kultura sa ilang sektor ng lipunan sa rehiyon. Subalit hindi rin maitatanggi ang epekto ng mga panlabas na
puwersa. Ayon sa Network Overseas Opposed to U.S. Troops, may direktang kaugnay ang laganap na prostitusyon ng
kababaihan tuwing may mga pagsasanay na militar ang puwersang Pilipino at Amerikano. Ganito rin daw ang realidad sa
mga lugar sa South Korea at Japan kung saan may mga base militar rin ang puwersang Amerikano.
Maliban sa kababaihan, may mga paglabag din sa karapatang pantao ng mga katutubo sa Asia. Sa
pangkalahatan, Malaki rin ang populasyon ng mga katutubo sa Asia. Ang mga katutubo ay kolektibo ring tinatawag ng
indigenous people o katutubong mamamayan. Sa pangkalahatan, ang mga katutubo sa Asia tulad ng mga Ami, Atayal, at
Bunun ng Taiwan; Ainu ng Japan; Tibetan ng China; at iba pa ay dumaranas ng diskriminasyon at pagmamalupit mula sa
ibang mga pangkat etnoliggwistiko sa kanilang bansa. Sa Pilipinas, sinasabi ng ilang pag-aaral na ang mga Igorot sa
Cordillera, Ilongot sa bulubundukin ng Caraballo at Sierra Madre, Aeta sa Central Luzon, Mangyan sa Mindoro, Lumad at
maging ilang Muslim sa Mindanao ay halimbawa ng mga katutubo na naging biktima ng paglabag sa karapatang pantao,
pangangamkam ng lupaing ninuno, militarisasyon at iba pa.
Mula sa “Mga Isyu at Problema sa Pilipina”, 2012
Case Study #4
Ang terorismo na naganap sa Paris, France at Beirut, Lebanon at ang mga isyu ng ISIS bilang usapin ng United
Nations.
Panoorin at Subukan Natin
Panoorin ang mga sumusunod na mga pelikula
1. “Red Saga”
Idinerehe ni Gabriela Krista Llunch Daleng
Pinagbidahan ni Tatay Pido
2. “Orapronobis”
Idinerehe ni Lino Brocka
Pinagbidahan nina Gina Alajar, Dina Bonnevie, at Philip Salvador
3. “City After Dark”
Idinerehe ni Ishmael Bernal
Pinagbidahan nina Rio Locsin, Cherie Gil, Lorna Tolentino, at Alma Moreno

MODYUL 18:
Mga Isyung Kinakaharap ng ASEAN
Mga Layunin:
1. Naipaliliwanag ang mga isyung kinakaharap ng mga kasapi ng ASEAN
2. Nasusuri ang mga sanhi at bunga ng mga isyung kinakaharap ng mga kasapi ng ASEAN
3. Nakagagawa ng mga mungkahi upang masolusyunan ang mga isyu sa kabuhayan at kapayapaan
4. Napahahalagahan ang samahang ASEAN sa kanilang mga adhikain at mithiing mapanatili ang kapayapaan
5. Nakasusulat ng isang sanaysay na magbubukas sa kamalayan ng mga Pilipino
Taluntunin Natin
Tukuyin sa mapa nga Asia ang mga bansang kasapi ng ASEAN. Isulat ang mga ito sa ibaba at tukuyin ang kabisera
ng bawat isa.

Pahalagahan Natin
Sumulat ng mga pamamaraan kung paano mo mapahahalagahan ang mga adhikain at layunin ng ASEAN.
Subukan Natin
I. Sagutin ang mga tanong.
1. Paano nabuo ang samahang ASEAN?
2. Bakit natagalan bago naging kasapi ang bansang Cambodian sa ASEAN?
3. Ano ang nilalaman ng ASEAN Summit?
4. Paano sinusulong ng ASEAN ang matiwasay na usapin sa pagitan ng Pilipinas at China?
5. Paano nakatutulong ang ASEAN sa pang-ekonomiyang suliran ng mga bansa sa Asia?
II. Isulat ang mga importanteng pangyayari sa ASEAN batay sa mga sumusunod na petsa.
1. Agosto 8, 1967
2. Hulyo 23, 2006
3. Enero 8, 1984
4. Abril 30, 1999
5. Hulyo 28, 1992
III. Pangkatang gawain: Bumuo ng apat na pangkat at gumawa ng isang PowerPoint presentation tungkol sa mga isyung
kinkaharap ng ASEAN. Ihandang iulat ito sa klase.
a. Isyung pang-ekonomiya/Kabuhayan
b. Isyung Pangkapayapaan
c. Isyung Pampolitika
d. Isyung Pang-isports
Solusyunan Natin
Pag-usapan sa klase ang sumusunod na mga case study.

Case Study #1
Mabilis na Paglaki ng Populasyon sa Asia
Mainit ang pagtatalo sa usapin ng mabilis na paglaki ng populasyon sa Pilipinas. Isa ang Pilipinas sa mga bansang
may pinakamataas na paglaki ng populasyon sa Asia sa kasalukuyan. May mga nagsasabi na ang malaking populasyon ay
isa sa maraming sanhi ng kahirapan at ayon sa argumentong ito , patuloy ang paglaki ng populasyon sa kabila ng
papaunting likas na yaman ng bansa. Ayon sa Fighting Poverty in Asia and the Pacific, isang Website ng Asian
Development Bank (ADB), ang pataas na bilang ng populasyon ay nakadagdag sa dami ng mahihirap na mamamayan.
Ibinigay nitong halimbawa ang kaso ng India 450 milyong mahihirap na mamamayan at ng China na may 225 milyong
mahihirap na nagdarahop. Ang dalawang bansang ito ang tanging may higit na isang bilyong populasyon sa daigdig.
Mula sa pamelaleighesconde.blogspot
Case Study #2
Isyu sa West Philippine Sea, sentro ng usapin ng ASEAN
Naging sentro ng usapin ang pinag-aagawang teritoryo sa Spratlys Islands o West Philippine Sea sa nagpapatuloy
na dialogo ng ASEAN kasama ang China sa Naypyidaw, Myanmar.
Sa naturang pagtitipon, iginigiit parin ng China ang kanilang Karapatan para depensahan ang inaangkin nilang
teritoryo. Bagamat nilinaw ng China na hindi sa pamamagitan ng dahas ang kanilang pagdepensa ng nasasakupang lugar.
Nabatid na nanawagan din si US Secretary of State John Kerry, na kabilang sa dumadalo sa pagpupulong, na iwasan ang
karahasan sa pinag-aagawang teritoryo. Samantala, malugod naman tinanggap ni Foreign Affairs Secretary Albert F. del
Rosario ang balitang gumagandang relasyon sa pagitan ng ASEAN at China sa iba’t ibang larangan.
Mula sa www.bomboradyo.com
Case Study # 3
Kaso sa Teritoryo ng West Philippine Sea
Sa isa niyang State of the Nation Address (SONA), binigyan diin ni Pangulong Benigno Simeon Aquino ang
posisyon ng bansa sap ag-angkin nito sa teritoryo.
“Kung may pumasok sa inyong bakuran at sinabing sa kanya na ang kanyang kinatatayuan, papayag ba kayo?
Hindi po yata tamang ipamigay na lang natin sa iba ang sadyang atin talaga.”
Panoorin at Subukan Natin
Panoorin ang pelikula at sumulat ng reaksiyong papel batay sa tema ng pelikula at iugany ito sa mga isyung
kinakaharap ng ASEAN
1. “Tatlong Taong Walang Diyos”
Idinerehe ni Mario O’ Hara
Pinagbidahan nina Nora Aunor, Christopher de Leon, at Bembol Rocco
2. “Oro, Plata, Mata”
Idinerehe ni Peque Gallaga
Pinagbidahan nina Joel Torre, Liza Lorena, Sandy Andolong, at Cherie Gil

You might also like