You are on page 1of 7

FILIPINO 5

THIRD QUARTER – WEEK 4

Pamantayang Nilalaman:
Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pagsasalita sa pagpapahayag ng sariling ideya,
kaisipan, karanasan at damdamin
Naipamamalas ang kakayahan sa mapanuring pakikinig at pagunawa sa napakinggan

I. LAYUNIN:
LC #7 Naibabahagi ang isang pangyayaring nasaksihan (F5P5-IIIb-e-3il)
#8 Nakagagawa ng isang timeline batay sa nabasang kasaysayan (F5PB-Ie-18)
#9 Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto (F5P5-IIIf-h-6.6)

II. PAKSA:
Pagbahagi ng isang Pangyayaring Nasaksihan
Paggawa ng Timeline Batay sa Nabasang Kasaysayan
Pagsalaysay Muli sa Napakinggang Teksto

Sanggunian
Alab Filipino 5 TG p. 90/ LG p. 101, TG p. 138/ LG p. 148, TG p. 131/ LM p. 140-
141
Mga Banghay Aralin sa Filipino 5 p.385, p. 67
https://brainly.ph/question/60741
http://philippineclipart.blogspot.com/2017/08/nagmamano.html
https://www.mirror.co.uk/news/world-news/watch-how-kids-react-adults-5776062
https://www.slideshare.net/sherilldue/espchap2-l7

III. PAMAMARAAN
A. Pagsisimula ng bagong aralin
Tingnan ang mga larawan sa ibaba

Ano-ano ang mga magagandang katangian ang ipinapakita sa larawan?

B. Paghahabi sa layunin ng aralin

Lagyan ng ang kahon kung ang pangungusap ay tama


at kung ito ay mali. Isulat sa sagutang papel ang sagot.

1. Ang pagiging matapat ay magandang kaugalian.


2. Hindi kinalulugdan ang matapat na bata.
Page 1 of 7
3. Dapat magsabi ng totoo sa lahat ng oras.
4. Hindi dapat isinasauli ang mga bagay na napupulot sa may-ari.
5. Mahal ng Diyos ang batang matapat.
C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong aralin
Mayroon ka na bang nasaksihang pangyayari tungkol sa katapatan?
Ang pagiging matapat ay ang pagsasabi ng totoo.
Ang mga batang matapat ay kinagigiliwan ng mga tao.
Sa ating paksa ngayon, makikita ang pagbabahagi ng isang pangyayaring nasaksihan,
pangyayaring nagpapakita ng katapatan ng isang tao.

D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan # 1

HALAW SA AKLAT NA MGA BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IKALIMANG BAITANG


PAH. 262
Ibigay ang mga kahulugan ng mga salitang may guhit.
1. Nilagay sa loob ng kanyang portpolyo ang mga mahalagang papeles ni Itay.
2. Gumawa siya ng paraan upang matunton ang may-ari ng pera.
3. Pararangalan si Jessie sa kanyang mabuting ginawa.

Basahin ang teksto at sagutin ang mga tanong pagkatapos.


Halaw sa aklat na mga banghay aralin sa Filipino Ikalimang baitang(pahina 385) Akda nina
Gng. Liwayway R. Atienza, Gng. Emma C. Caparas et.al

Taksi Drayber, Pararangalan


Isang taksi drayber, 40 taong gulang, may asawa at pitong anak at naninirahan sa
478 Miguelin, Sampalok, Maynila.
Isang mayamang negosyante ang nakaiwan sa taksi ni Renato Pascual ng isang
portpolyo na naglalaman ng P30,000 at ng mahahalagang papeles. Sapagkat hindi alam
ng drayber kung sino sa nagging pasahero niya ang nakaiwan, dinala niya ang portpolyo
sa tagapagsalita ng isang palatuntunan sa himpilan ng radio upang matunton ang may-ari.
Hindi nagtagal at dumating ang mayamang negosyante na si Angelito Chua.
Inilarawan niya ang nawawalang portpolyo at ang mga laman nito. Nang buksan ang
portpolyo ng susing dala niya, napatunayang siya ang may-ari. Bilang gantimpala
pinagkalooban niya ng P5,000 ang matapat na tsuper.
Hindi nagtagal at pararangalan si Renato Pascual sa Sabado, ika-8 ng Disyembre
ng gobernadora ng Laguna dahil sa kanyang katapatan.
1. Sino ang matapat na taksi drayber?
2. Ano ang nakita ng drayber sa loob ng kanyang taksi?
3. Paano naibalik ng drayber ang portpolyo ng may-ari?
4. Paano nalaman na si Angelito Chua ang may-ari ng portpolyo?
5. Bakit pararangalan si Renato Pascual?

TANDAAN
Naibabahagi ang pangyayaring nasaksihan sa pamamagitan ng paglalarawan ng
pangyayari at ng sariling pananaw tungkol dito.

Kung mayroon kang pipiliin upang tumanggap ng Parangal para sa Ulirang


Mamamayan, sino ito? Tumukoy ng isang kasapi ng iyong pamayanan na
nagpapakita ng katangi-tanging pagsisikap sa loob at labas ng kanyang tahanan.
Sumulat ng talata na may lima hanggang pitong pangungusap na naglalarawan sa
kanya. Magbahagi rin ng isang pangyayaring iyong nasaksihan na nagpapakita ng

Page 2 of 7
kanyang kontribusyon sa kanyang pamilya o sa kanyang pamayanan. Gawin ito sa
iyong kwaderno.

__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Babasahin muli ng iyong magulang o tagapag-alaga ang tekstong Taksi Drayber,


Pararangalan. Pakinggang Mabuti at unawain. Pagkatapos marinig ay muling
isalaysay ang iyong napakinggan sa pamamagitan ng pagbuo sa talata sa ibaba.
Gawin ito sa iyong sagutang papel.Kopyahin ang talata.

Taksi Drayber, Pararangalan


Si Renato Pascual ay isang __________________. Naiwan ng isang
mayamang negosyante ang kanyang ______________ sa taksi. Dinala ni
Renato ang portpolyo sa himpilan ng ______________. Hindi nagtagal ay
dumating ang may-aring si ________________. Si Renato ay
_________________ ng gobernador ng Laguna sa Sabado ika-8 ng
Disyembre.

Tandaan: Sa pagsasalaysay muli ng teksto, hindi kailangang naisusulat o


naisasalay ito ng kaparehong salita. Maaari nang itama bastat nakukuha ang
tamang ideya.

E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan #2


Tukuyin sa loob ng mga panaklong ang kahulugan ng salitang may guhit.
1. Galit si Pangulong Duterte sa mga tiwaling mga taong nanunungkulan sa pamahalaan.
(kurakot, politiko)
2. Tahasan niyang sinabi na aalisin sila sa puwesto nila. (hatulan, hayagan)
3. Maraming nagbuwis ng buhay sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaan. (pagsulpot, pagtago)
4. Kapit-bisig ang mga Pilipino upang makamit ang Kalayaan. (pagtitiwala, pagtutulungan)
5. Nailuklok si Rodrigo R. Duterte bilang presidente noong 2016. (nailagay, naalis)

HALAW SA AKLAT NA BATAYANG AKLAT NG ALAB FILIPINO 5 (pah. 140-141)


MGA MAY AKDA: PATRICIA JO C. AGARRADO, MARICAR L. FRANCIA, PERFECTO R.
GUERRERO III, GENARO R. GOJO CRUZ

Kilala ang bansang Pilipinas dahil sa mga hinahangaang taong nagbigay karangalan sa
bansa tulad nina Manny Pacquiao, Lea Salonga, Gloria Diaz at iba pa. Bukod dito, may
ilan ding pangyayari ang naglagay sa bansa sa mapa ng mundo, nang maganap ang
mapayapang rebolusyon sa EDSA noong 1986.

EDSA 1, Isang Mapayapang Paglaya


Noong taong 1986 ay nalagay ang Pilipinas sa mapa ng mundo bilang isang bansa na
mapayapang nakapagpatalsik ng isang diktador na pangulo. Ito ay dahil sa isang rebolusyon na
hindi nagkaroon ng madugong engkuwentro, bagkus ay kinilala ang pagkakaisa at paggalang ng
mga Pilipino sa kalayaan at kapayapaan.

Page 3 of 7
Sa loob ng humigit-kumulang na dalawampung taon ay nabiktima ang mga Pilipino ng
isang kapwa Pilipino. Idineklara ni Pangulong Ferdinand E. Marcos ang Batas Militar. Sa mga
panahong iyon ay namayani si Marcos bilang diktador. Hinuli at kinulong ang sinumang
tumaliwas sa kaniya. Maraming ipinagbawal, maraming hinuli at ikinulong. Isa na rito si dating
Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Palagian at tahasan ang kaniyang pagkontra sa
administrasyon ni Marcos, hanggang sa ipinatapon siya sa America.
Bumalik si Ninoy Aquino sa Pilipinas noong Agosto 21, 1983 ngunit siya ay pinatay sa
paliparan. Dito nagsimula ang pagsiklab ng galit ng mga Pilipino. Dumami ang kilos-protesta na
hayagang kumokontra kay Marcos. Dumating ang 1986 at nahikayat ang biyudang si Corazon
“Cory” Aquino na labanan si Marcos sa pagkapangulo. Natalo si Cory at marami ang
nakadamang siya ay labis na dinaya. Hanggang sa isang panawagan ni Jaime Cardinal Sin,
nagpunta ang mga Pilipino sa EDSA, at dito nagsimula ang apat na araw a rebolusyon.
Sa kabila ng pagharang ng mga militar at sundalo, hindi napigilan ang mga mamamayan
na magtipon-tipon sa EDSA. Sa kabila ng ng mga armas at kagamitan ng mga kakampi ng
diktador, hindi nagpadala ang mga Pilipino sa karahasan. Ang baon nila sa EDSA ay rosaryo,
bulaklak, at pagkain; ang kanilang mga armas ay pagkakaisa at panalangin.
Sa loob ng apat na araw, nagkapit-bisig ang mga militar, relihiyoso, politiko, at mga
ordinaryong Pilipino. Walang naganap na labanan at barilan, hanggang sa napalambot ang puso
ng mga sundalo at mga pulis. Bumaligtad sila kay Marcos hanggang sa umalis ng bansa ang
pamilya ng diktador.
Nailuklok si Cory Aquino bilang pangulo ng bansa sa mapayapang paraan. Siya ay
kinilala bilang Ina ng Demokrasya at Haligi ng Mapayapang Paglaya

Ano-ano ang mga pangyayari bago at matapos ang EDSA


Bago
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
Matapos
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Ang timeline ay isang grapikong pantulong na nagpapakita sa pagkasunod-sunod ng mga


pangyayari sa pamamagitan ng linya. Maaaring ayusin ang timeline ayon sa oras, petsa o
pangyayari na may maikling paglalarawan o detalye tungkol dito. Makatutulong sa higit na
pag-unawa kung lalagyan ng larawan kaugnay ng paksa ng timeline.

Ramon Diosdado Corazon C. Joseph Ejercito Benigno


Magsaysay Macapagal Aquino Estrada Aquino III
1953 1961 1986 1998 2010

1948 1957 1965 1992 2001 2016


Elpidio Carlos P. Ferdinand E. Fidel V. Gloria Rodrigo R.
Quirino Garcia Marcos Ramos Macapagal- Arroyo Duterte

Halimbawa: Timeline ng mga naging Pangulo ng Pilipinas mula taong 1948

Page 4 of 7
Balikan ang binasang teksto kaugnay ng mapayapang EDSA 1. Gumawa ng timeline na
magpapakita ng sunod-sunod na mahalagang pangyayari sa EDSA 1. Isulat sa loob ng kahon
ang sagot. Gawin ito sa sagutang papel.Kopyahin ang timeline.

1
3 5

2 4

F. Paglinang sa kabihasnan
Piliin ang titik ng tamang sagot.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Sino ang nanawagan sa mga mamamayang Pilipino upang pumunta sa EDSA?
a. Jaime Cardinal Sin c. Cory Aquino
b. Ferdinand Marcos
2. Ano-ano ang mga baon o dala ng mga mamamayang Pilipino nang
tumungo sa EDSA?
a. Itak at sibat b. baril at batuta c.rosaryo at bulaklak
3. Ilang araw naganap ang rebolusyon sa EDSA?
a. dalawa b. tatlo c. apat
4. Kailan nalagay ang Pilipinas sa mapa ng mundo?
a. 1986 b. 1987 c. 1988
5. Paano nakamit ng mga Pilipino ang ang Kalayaan at kapayapaan sa
sinasabing diktador na dating Pangulong Marcos?
a. nag-away ang mga Pilipino c. nagkagulo ang mga Pilipino
b. nagkaisa ang mga Pilipino
G. Paglalapat ng aralin sa pang araw-araw na buhay
Kung ikaw ang tatanungin, susunod ka ba sa panawagan ni Jaime Cardinal Sin na
pumunta sa EDSA para ipaglaban ang ating Kalayaan? Bakit?

H. Paglalahat ng aralin
Paano ka makakatulong upang mapanatili ang kapayapaan sa lipunan?

I. Pagtataya ng Aralin
A. Pakinggan at Unawain ang tekstong babasahin ng magulang o tagapag-alaga
HALAW SA AKLAT NA MGA BANGHAY ARALIN SA FILIPINO IKALIMANG
BAITANG(pahina 67)
MGA MAY AKDA GINANG LIWAYWAY R. ATIENZA, GINANG EMMA C. CAPARAS
ET.AL

Ang Magkapatid
Inip na inip si Aling Cristina. Ika-11:30 na nang tanghali ay hindi pa dumadating
ang dalawang anak niyang sina Ronnie at Mirriam, mula sa paaralan. “Ano kaya ang
nangyari sa dalawang iyon? “O, bakit ngayon lamang kayo?” tanong ni Aling Cristina.

Page 5 of 7
“Kasi po, monitor po ako,” sagot ni Ronnie. “Hinihintay ko po ang kuya Ronnie,”
dugtong ni Mirriam. “Nang naghintay kami ng traysikel may nakita kaming dalawang
batang lilingon-lingon sa mga tinapay na nakadispley. Maputla sila at parang gutom na
gutom. Nang Makita sila ng may-ari ay binulyawan sila at pinaalis. Naawa po ako sa
dalawang bata, kaya ibinigay ko ang sobrang sampung piso sa baon ko,” sabi ni Ronnie.
Idinagdag ko po ang limang piso ko,” sabi naman ni Mirriam. “Nagpasalamat po sila.”
“Mabuti ang ginawa ninyo mga anak,” sabi ni Aling Cristina. ”Pagpalain kayo ng
Diyos.”

Pagkatapos marinig, isalaysay ang iyong napakinggan sa pamamagitan ng pagbuo sa


talata sa ibaba. Gawin ito sa sagutang papel.Kopyahin ang talata.

Ang Magkapatid
Inip na inip si Aling Cristina sa kahihintay sa kanyang ____________ anak
na sina Ronnie at Mirriam. Hinintay pa kasi ni Mirriam si Ronnie. Habang nag-
aabang sila ng ___________ may nakita silang dalawang batang maputla at
________. Ibinigay nila ang sobra nilang ___________ sa mga bata. Mabuti daw ang
ginawa nila kaya pagpapalain sila ng ___________.

B. Isulat ang wastong bilang (1-5) sa bilog ayon sa pagkasunod-sunod na


pangyayari sa timeline.

Timeline Noong Digmaang Amerikano at Hapones


1. Disyembre 7,1941 – binomba ang Pearl Harbor ng mga Hapones.
2. Hulyo 7, 1937 – sumiklab ang digmaan sa Asya.
3. Pebrero 12, 1942 – Ang hukbo ni Homma ay sumalakay sa kampo USAFFE.
4. Agosto 6, 1945 – ibinagsak sa Lungsod ng Hiroshima ang unang bombing
atomika.
5. Setyembre 1, 1939 – sumiklab ang digmaan sa Europa.

J. Karagdagang Gawain para sa takdang aralin/o remediation


Isalaysay ang paborito mong kuwentong napakinggan sa pamamagitan ng paggamit ng timeline.

Page 6 of 7
_______________________
Pamagat

1 3 5

2 4

Page 7 of 7

You might also like