You are on page 1of 19

Unang markahan- Ikaanim na Linggo

Unang araw

Aralin 9

9.1 DEKLARASYON NG KASARINLAN NG BANSA

Layunin: Napagsusunod - sunod ang mga pangyayari tungkol sa

Deklarasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas

Napapahalagahan ang mga pangyayaring naganap sa deklarasyon ng


kasarinlan ng Pilipinas.

Aktibiti 1

Panuto: Basahin ang paksa tungkol sa deklarasyon ng kasarinlan ng

Pilipinas

http://filiopietismprism.blogspot.com/2013/04/one-hundred-years-ago-today-at-phillips.html

118
Nang makabalik si Aguinaldo sa Maynila noong ika-19 ng Mayo

1898 ay agad siyang nagtatag ng pamahalaang diktatoryal at

itinalaga ang sarili bilang pangulo nito. Layunin ng pamahalaang ito

na pag–isahin ang pagkilos ng mga Pilipino sa buong bansa laban sa

mga Espanyol. Upang pagtibayin ito, ipinahayag ni Emilio Aguinaldo

ang kalayaan ng Pilipinas mula sa Espanya noong ika -12 ng Hunyo,

1898 sa kanyang tahanan sa Kawit, Cavite. Dito unang iwinagayway

ang pambansang watawat ng Pilipinas. Dito rin pinatugtog ang ating

pambangsang awit, ang Marcha National Filipina na isinulat ni Julian

Felipe. Binasa rin ni Ambrosio Rianzares Baustista ang “Deklarasyon

ng Kalayaan ng Pilipinas”. Ang pangyayaring ito ay puno n kasiyahan

at pagdiriwang at dinaluhan ng maraming Pilipino.

Noong ika-23 ng Hunyo, 1898, binuwag ni Aguinaldo ang

pamahalaang diktatoryal at ibinalik ang pamahalaang rebolusyonaryo

ngunit siya ay nananatiling pangulo ng bagong pamahalaan.

Aktibiti 2

Ayusin ang JUMBLED LETTERS. Sabihin sa mga mag -aaral

na ang dalawang salitang na kanilang bubuuin ay

magkasingkahulugan.

119
N A A Y A L A K

S A R K A I N N A L

Aktibiti 3

Pagpapanood ng isang videoclips tungkol sa Deklarasyon ng

Kasarilan ng Pilipinas https://youtu.be/mi4YLEqV90o

Sagutin ang mga sumusunod na tanong batay sa napanood na video.

1. Tungkol saan ang pinanood na video presentation?

____________________________________________

2. Sa inyong palagay, mahalaga ba ang pagkakaroon ng

kalayaan ng isang bansa?

____________________________________________

3. Kailan ninyo masasabi na malaya ang isang bansa?

____________________________________________

4. Anu Ano ang maaring maibunga ng pagkakaroon ng

kasarinlan?

____________________________________________

120
5. Kung kayo ay naging bahagi ng rebolusyonaryo, ano ang

magiging ambag ninyo sa pagkakamit ng kalayaan?

_____________________________________________

Aktibiti 4

Pagpapaliwanag ng mahahalagang pangyayaring naganap sa

pagkakamit ng kasarinlan sa pamamagitan ng pangkatang gawain.

PANGKATANG GAWAIN

Pangkat I – IPA –ABAKADA MO!

Pagsusunod -sunod ng pangyayari gamit ang mga

larawan

Pangkat II – IARTE MO!

Pagsasadula -dulaan sa pagpapahayag ng Kasarinlan

ng Pilipinas

Pangkat III – IUGNAY MO!

A. Hunyo 12, 1898

B. Kawit, Cavite

C. Ambrosio Rianzares Baustista

D. Julian Felipe

E. Marcela Agoncillo

121
______1. sumulat ng Deklarasyon ng Kalayaan ng

Pilipinas

______2. iwinagayway ang watawat ng Pilipinas

______3. sumulat ng pambansang awit ng Pilipinas

______4. tumahi ng watawat ng bansa

______5. Ipinahayag ang kalayaan ng Pilipinas

Pangkat IV – IGUHIT MO!

Iguhit ang simbolo ng kumatawan sa pagkakaroon

ng kasarilan ng Pilipinas. Ipaliwanag.

Aktibiti 5

Gamit ang episodic organizer, Itala ayon sa pagkakasunod

sunod ang mahahalagang pangyayari sa Pagdedeklara sa Kasarinlan

ng Pilipinas.

A. Ipinahayag ni Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng Pilipinas

mula sa Espanya noong ika -12 ng Hunyo, 1898 sa kanyang

tahanan sa Kawit, Cavite.

B. Iwinagayway ang pambansang watawat ng Pilipinas.


122
C. Noong ika -23 ng Hunyo, 1898, binuwag ni Aguinaldo ang

pamahalaang diktatoryal at ibinalik ang pamahalaang

rebolusyonaryo.

D. Pinatugtog ang ating pambangsang awit, ang Marcha

National Filipina na isinulat ni Julian Felipe.

E. Nang makabalik si Aguinaldo sa Maynila noong ika -19 ng

Mayo 1898 ay agad siyang nagtatag ng pamahalaang

diktatoryal at itinalaga ang sarili bilang pangulo nito.

V. Takdang Aralin

Ano ang kahalagahan ng pagdedeklara ng Kasarinlan ng

Pilipinas.

Unang Markahan – Ikaanim na Linggo

Ikalawang Araw

Aralin 9

9.2 KAHALAGAHAN NG PAGDEDEKLARA NG KASARINLAN NG

PILIPINAS

Layunin: Napapahalagahan ang pagdedeklara ng kasarinlan ng

Pilipinas

123
Kahalagahan ang pagdedeklara ng kasarinlan ng Pilipinas

Aktibiti 1

Pagpapanood ng video presentation,

https://youtu.be/K3m3QGxgIT8. Pasagutan ang mga tanong

pagkatapos:

1. Tungkol saan ang napanood na video presentation?

2. Magkaroon ng maikling talakayan ukol dito.

Aktibiti 2

Pangkatang Gawain

Pangkat Mapanuri

Suriin ang larawan. Ano ang ipinahihiwatig nito?

Ipaliwanag.

http://filiopietismprism.blogspot.com/2013/04/one-hundred-years-ago-today-at-phillips.html

124
Pangkat Manunulat

Itala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasarinlan.

Pangkat Mandudula

Ipakita sa pamamagitan ng dula – dulaan ng

kahalagahan ng pagkakaroon ng kasarinlan.

Pangkat Malikhain

Sa pamamagitan ng malikhaing pag iisip, gumuhit ang

pangkat na nagpapakita ng kahalagahan ng pagkakaroon

ng kasarinlan.

Aktibiti 3

Sagutin ang mga pamprosesong tanong matapos ang

panonood.

1. Ano ang kahulugan ng kasarinlan?

________________________________________________

2. Ano ang kahakagahan ng pagkakaroon ng kasarinlan?

________________________________________________

3. Sa iyong palagay, bakit mahalagang magkaroon ng kasarinlan

ang isang bansa?

_________________________________________________

4. Ano-ano ang salik sa pagkakamit ng kasarinlan?

125
_______________________________________________

5. Sa panahon ngayon, masabi mo bang ganap na malaya ang ating

bansa? Ipaliwanag.

_______________________________________________

Aktibiti 4

A. Pagbibigay ng Kaalaman

Paano mo pahahalagahan ang pagkakaroon ng

kasarinlan ang ating bansa?

B. Pakikibahagi

Sa iyong opinyon, makatarungan ba ang nagaganap na

hidwaan sa pagitan ng China at ng Pilipinas. Ano ang masasabi

mo sa pag-aagawan ng teritoryo ng lupa sa bansa. Masasabi

mo bang ganap na malaya na ang ating bansa?

______________________________________________

Aktibiti 5

Gumawa ng poster na nagpapakita ng kahalagahan ng

pagdedeklara ng kasarinlan ng Pilipinas. Markahan ang mga

mag –aaral ayon sa panuntunan ng pagkakagawa ng likhang

sining.

126
RUBRIK SA PAGMAMARKA

ISKOR PAMANTAYAN

Pinakamaganda ang poster, nagpamalas ng


5 pagkamalikhain at may pagkakaisa ang 3
kasapi
Maganda ang poster at may pagkakaisa ang 3
4
kasapi
Maganda ang pagkakaguhit ng poster ngunit
3
walang kulay
2 May iginuhit, hindi malikhain at walang kulay
1 Hindi natapos sa takdang oras ang pagguhit

V. Takdang Aralin

Pag-aralan ang tungkol sa Kongreso ng Malolos at ang

kahalagahan nito.

Unang Markahan- Ikaanim na Linggo

Ikatlong Araw

Aralin 9

9.3 ANG KONGRESO NG MALOLOS

Layunin: Natatalakay ang kongreso ng Malolos.

Pagpapahalaga sa mga nagawa ng Kongreso ng Malolos

127
ALAMIN

Ang Kongreso ng Malolos

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na maging malaya,

minarapat nilang tumawag ng kongresong bubuuin ng mga

kinatawang halal ng lalawigan. Noong ika-16 ng Setyembre 1898,

pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos. Ang mga kinatawan ay mga

85 mamamayang nabibilang sa may mataas na pinag-aralan,

matalino, at maykaya sa buhay. Sila ay nagpulong sa Simbahan ng

Barasoain sa Maloos, Bulacan. Sa pamumuno ni Felipe G. Calderon,

ang mga kinatawan ng kongreso ay naghanda ng saligang batas.

Ang saligang batas ay nagtadhana ng isang pamahalaang

demokratiko. Ang mga nagawa ng Kongreso ng Malolos ay ang mga

sumusunod: paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan; pagkilala sa

kalagayan ng bawat isa; libreng edukasyong pampubliko sa antas

elementarya; pangangalaga ng buhay, bahay at ari-arian; at

pangungulekta ng buwis. Itinatag ni Aguinaldo ang Unang Republika

ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan noong Enero 23, 1899. Siya rin ang

naging kauna-unahang Pangulo ng Republika ng Pilpinas.

Ang itinatag na Republika ng Pilipinas ay binuo ng tatlong

sangay: ang tagapagpaganap o ehekutibo, tagapagbatas o


128
lehislatibo, at hudikatura. Magkahiwalay ang kapangyarihan ng mga

ito. Pinaghiwalay din nito ang tungkulin ng simbahan at tungkulin ng

estado. Ang mga karapatan ng tao at ang kapangyarihan at tungkulin

ng mga opisyal ng pamahalaan ay nakasulat din dito.

Aktibiti 1

Pangkatang Gawain

Panuto: Basahin ang nilalaman ng teskto. Iulat sa klase ang

isinasaad nito gamit ang iba’t ibang pamamaraan ng pag-

uulat

Pangkat Magbabalita - Pagkakabuo ng Kongreso ng Malolos

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na maging

malaya, minarapat nilang tumawag ng kongresong

bubuuin ng mga kinatawang halal ng lalawigan. Noong

ika-16 ng Setyembre 1898, pinasinayaan ang

Kongreso ng Malolos.

Pangkat Artista- Mga Nagawa ng Kongreso ng Malolos


Ang mga nagawa ng Kongreso ng Malolos ay ang mga

sumusunod: paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan; pagkilala sa

kalagayan ng bawat isa; libreng edukasyong pampubliko sa antas

129
elementarya; pangangalaga ng buhay, bahay at ari-arian; at

pangungolekta ng buwis. Itinatag ni Aguinaldo ang unang Republika

ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan noong Enero 23, 1899. Siya rin ang

naging kauna-unahang Pangulo ng Republika ng Pilpinas.

Pangkat Organizer

Panuto: Punan ang organizer. Gamit ang metacards, isulat ang

mga mahahalagang naganap sa kongreso ng Malolos.

Mga mahahalagang naganap sa kongreso ng Malolos.

Mga mahahalagang naganap sa kongreso ng Malolos: Noong

ika-16 ng Setyembre 1898, pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos;

Ang mga kinatawan ay mga 85 mamamayang nabibilang sa may

mataas na pinag-aralan, matalino, at maykaya sa buhay ay

nagpulong sa Simbahan ng Barasoain sa Maloos, Bulacan; Sa

pamumuno ni Felipe G. Calderon, ang mga kinatawan ng kongreso

ay naghanda ng saligang batas. Itinatag ni Aguinaldo ang unang

Republika ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan noong Enero 23, 1899 at

siya ay nahalal bilang Pangulo ng Unang Republika.

130
Aktibiti 2

Panuto: Sagutin ang mga tanong.

1. Bakit nabuo ang kongreso ng Malolos?

2. Kailan pinasinayaan ang kongreso ng Malolos?

3. Ano ang mahalagang naganap sa Barasoain Church?

4. Sino ang namuno sa paghahanda ng saligang batas?

5. Ano-ano ang nagawa ng kongreso ng Malolos?

6. Sino ang nahalal na pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas?

Aktibiti 3

Panuto: Sagutin at ipaliwanag.

1. Sa palagay mo maganda ba ang naging epekto ng

pagkakaroon ng kongreso ng Malolos?

2. Anong kaugnayan nito sa ating kasalukuyang pamumuhay

bilang isang mamamayang Pilipino?

Aktibiti 4

Panuto: Basahin ang talata. Punan ng angkop na detalye ang

bawat patlang.

Nabuo ang kongreso ng Malolos dahil sa pagnanais ng mga

Pilipino na maging ______. Noong _______________, pinasinayaan


131
ang kongreso ng Malolos. Sa pamumuno ni _________, ang mga

kinatawan ng kongreso ay naghanda ng saligang batas at nagpulong

sa __________ Church. Itinatag ng konstitusyon ang isang malayang

Republika ng Pilipinas at nahalal na pangulo si ___________.

Takda

Ano ang kahalagahan ng kongreso ng Malolos?

Unang Markahan – Ikaanim na Linggo

Ikaapat na Araw

Aralin 9

9.4 KAHALAGAHAN NG KONGRESO NG MALOLOS

Layunin: Natatalakay ang Kongreso ng Malolos.

Aktibiti 1

Panuto: Bumuo ng mga salita mula sa mga sumusunod na jumbled

letters. Magbigay ng opinyon tungkol sa inyong nabuong

mga salita.

S K N O R G O E g n

L M O A L S O

132
Aktibiti 2
Panuto: Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong.

https://xiaochua.net/2013/01/24/xiaotime-22-january-2013-saysay-ng-republika-ng-malolos/

Ang parada sa pagpapasinaya sa Kongreso ng Malolos

Ang Kongreso ng Malolos

Dahil sa pagnanais ng mga Pilipino na maging malaya,

minarapat nilang tumawag ng kongresong bubuuin ng mga

kinatawang halal ng lalawigan. Noong ika-16 ng Setyembre 1898,

pinasinayaan ang Kongreso ng Malolos. Ang mga kinatawan ay mga

85 mamamayang nabibilang sa may mataas na pinag-aralan,

matalino, at maykaya sa buhay. Sila ay nagpulong sa Simbahan ng

Barasoain sa Maloos, Bulacan. Sa pamumuno ni Felipe G. Calderon,

ang mga kinatawan ng kongreso ay naghanda ng saligang batas.

133
Ang saligang batas ay nagtadhana ng isang pamahalaang

demokratiko. Ang mga nagawa ng Kongreso ng Malolos ay ang mga

sumusunod: paghihiwalay ng simbahan at pamahalaan; pagkilala sa

kalagayan ng bawat isa; libreng edukasyong pampubliko sa antas

elementarya; pangangalaga ng buhay, bahay at ari-arian; at

pangungulekta ng buwis. Itinatag ni Aguinaldo ang Unang Republika

ng Pilipinas sa Malolos, Bulacan noong Enero 23, 1899. Siya rin ang

naging kauna-unahang Pangulo ng Republika ng Pilpinas.

Ang itinatag na Republika ng Pilipinas ay binuo ng tatlong

sangay: ang tagapagpaganap o ehekutibo, tagapagbatas o

lehislatibo, at hudikatura. Magkahiwalay ang kapangyarihan ng mga

ito. Pinaghiwalay din nito ang tungkulin ng simbahan at tungkulin ng

estado. Ang mga karapatan ng tao at ang kapangyarihan at tungkulin

ng mga opisyal ng pamahalaan ay nakasulat din dito.

Mga Tanong:

1. Tungkol saan ang inyong binasang talata?

2. Paano itinatag ang kongreso ng Malolos?

3. Anu-ano ang mga nagawa ng kongreso ng Malolos?

134
4. Ano-ano ang kahalagahan ng mga nagawa ng kongreso ng

Malolos?

5. Sa inyong palagay makatutulong ba sa mga mamamayang

Pilipino ang pagkakatatag ng Unang Republika ng Pilipinas?

6. Bakit mahalaga ang pagkakatatag ng kongreso ng Malolos?

Aktibiti 3

Pangkat I- Pagbuo ng K W L tsart (Know-Want-Learn)

Know - Kongreso ng Malolos

Want- Bakit mahalaga ang Kongreso ng Malolos?

Learn –(Pasasagutan sa mga bata ang tanong sa Want)

Punan ang tsart na ito.

Know Want Learn

Pangkat II - Paggawa ng POSTER

Gumawa ng poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa

nagawa ng kongreso ng Malolos

Pangkat III - Isang INTERBYU


135
Magsagawa ng interbyu tungkol sa mga nagawa ng kongreso

ng Malolos.

Aktibiti 4

Panuto: Sagutin ang mga tanong. Ipaliwanag ang sagot.

1. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa mga nagawa ng

Kongreso ng Malolos?

2. Sa inyong palagay ano ang epekto ng mga nagawa ng

Kongreso ng Malolos sa pamumuhay ng mga Pilipino?

Gawin Mo

Itala ang mga nagawa ng Kongreso ng Malolos.

Takda
Gumawa ng isang tula tungkol sa pagpapahalaga sa mga

nagawa ng Kongreso ng Malolos.

136

You might also like