You are on page 1of 4

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 2

I. LAYUNIN

A. PAMANTAYANG PANGNILALAMAN

 Naipamamalas ang pang-unawa sa bahaging ginagampanan ng bawat panahon.

B. PAMANTAYAN SA PAGGANAP

 Naipagmamalaki ang pagka-Pilipino at ang bansang Pilipinas na may


pagpapahalaga sa ekonomiya ng bansa batay sa mga kasanayan at sa mga
karanasan noon tungo sa kalayaan at kaunlaran.

C. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Pagkatapos ng pag-aaral ng kabanata, ang mga mag-aaral ay inaasahang :

1. nailalarawan ang kalagayang pangkabuhayan ng Pilipinas sa pagdaan ng panahon.

2. nasusuri ang tungkulin ng bawat panahon na maitaguyod ang bansang Pilipinas.

3. natutularan ang pagsisikap na ginawa ng mga sinaunang tao sa pagpapaunlad ng


ekonomiya ng bansa.

II. NILALAMAN

A. Paksang Aralin: Pagtatalakay sa Kalagayang Pang-Ekonomiko ng Pilipinas sa Iba't


Ibang Panahon- Espanyol, Amerikano, Hapones, Komonwelt, Republika.

B. Sanggunian : Araling Panlipunan Ekonomiks 2/Melcs Based

C.Kagamitan : Laptop, Manil Paper, Pentel Pen

III. PAMAMARAAN

A. Panimulang Gawain:

1. Balik -aral

 Magsasagawa ang mga bata ng ibat ibang klase ng graph batay sa mga
sumusunod . Pagkatapos , magbibigay ng halimbawa at ipapaliwanag ang mga
ito.
 Antropolohiya
 Kasaysayan
 Agham Pampulitika
 Heograpiya
 Sosyolohiya
 Pilosopiya

2. Pagganyak

 Bawat pangkat ay bibigyan ng pinagsamang larawan batay sa kalagayang


pang-ekonomiko ng pilipinas sa iba't ibang panahon . Ipamamahagi ang mga
larawan sa akmang panahon nito , at ipapaliwanag kung ano ang nasa
larawan.

B. Panglinang na Gawain

1. Gawain

"Imahen Ko , Suriin Mo "!

 Ang ilang mag - aaral ay pupunta sa unahan upang tukuyin at ipaliwanag ang mga
larawan.

2. Pagtatalakay

 Mga Gabay na Tanong :


1. Anong panahon kaya nagsimulang umunlad ang bansang pilipinas ?
2. Magbigay ng pangunahing pananim sa panahon ng republika.
3. Sa iyong palagay, Nakabuti ba sa ekonomiya ng Pilipinas ang pagsandal sa
ekonomiya ng United States ? Ipaliwanag .

C. Pangwakas na Gawain

1. Paglalahat

 Ano-ano ang mga kalagayang pang-ekonomiko ng pilipinas sa ibat ibang


panahon ?
 Sa tingin mo , nagkaroon ba ng negatibo at positibong naiambag ang bawat
panahon sa bansang Pilipinas ?
 Anong panahon ang mas nakatulong sa bansang pilipinas?
 Bakit sinakop ang bansang Pilipinas ng mga hapones at ano ang naging resulta
nito ?

2. Paglalapat : Pangkatang Gawain

Panuto : Magsasagawa ang bawat pangkat ng talahanayan at pupunan ang mga ito
batay sa mga pangyayari sa kalagayang pang- ekonomiko ng Pilipinas sa ibat ibang
panahon.

Panahon ng Espanyol Panahon ng Amerikano Panahon ng Hapones

Panahon ng Komonwelt Panahon ng Republika

IV. Pagtataya

I. Panuto : Isulat kung anong panahon nangyari ang bawat inilalarawan sa ibaba . Isulat
ang tamang sagot sa papel.

1. Sa pamilihan, barter ang ginagamit noon kung saan hindi na kailangan ng pera.
2. Nasira ang mga pananim, namatay ang mga alagang hayop at natigil ang
produksyon sa mga pagawaan at pabrika .
3. Napaunlad nang mabuti ang anim na pangunahing produkto ng pilipinas - palay,
mais, niyog, abaka, asukal, at tabako .
4. Sa tulong ng United States nagsimulang bumangon muli ang pilipinas.
5. Itinatag ang National Development Company upang pangasiwaan ang operasyon
ng ilan sa mga industriya.

V. Takdang - Aralin

Panuto : Sagutin ang tanong batay sa sariling pagpapahalaga.


Saang panahon naging maunlad ang kalagayan ng ekonomiya ng Pilipinas ? Sa iyong
palagay nakaapaekto ba rito ang ugali ng mga mamamayan? Pangatwiranan .

You might also like