You are on page 1of 9

Aralin1.

2 :Pagsusuri sa Kahulugan at Konteksto ng


Kolonyalismo

Bilang ng Araw : 1 Araw


I. Layunin:
Nasusuri ang kahulugan ng kolonyalismo at ang konteksto nito kaugnay ng

pananakop ng Espanya sa Pilipinas

II. Paksan Aralin:

Paksa: Pagsusuri sa Kahulugan at Konteksto ng Kolonyalismo

Sanggunian : AP5PKE- IIa-1.2 Pilipinas Isang Pagsulyap at Pagyakap dd.71-73

Araling Panlipunan I dd.41-44

Ang Kasaysayan ng Pilipinas dd.18-22

Kagamitan: larawan ng Espanyol/Espanyola,ANNA Chart,Movie Roll,Graphic

Organizer, powerpoint presentation ,Fish bone .Awit,

Pagpapahalaga:Maging mapanuri sa nangyayari sa bansa

III.Pamamaraan

A. Panimulang Gawaina

1.Balitaan

Balitaan tungkol sa mga pandaigdigang na isyu.

2.Balik-Aral

Pagsagot sa Graphic Organizer


KAHULUGAN NG
KOLONYALISMO
Ano ang kahulugan ng kolonyalismo?

10
3.Pagganyak

Pagpapakita ng larawan ng Espanyol/Espanyola

 Sino ang nasa larawan?

 Saan sila nakatira?

 Nakapagsuot ka na ba ng kasuotang ito? Bakit? Kailan?

 Ano ang alam mo tungkol sa Pagdating ng Mga Espanyol

Gamitin ang ANNA sa pagtatala ng kasagutan

Paksa A N NA

11
Nais Malaman

Alam Na Nalaman Na

Ferdinand Magellan

Kristiyanismo

Paano nakarating

ang Espanyol sa

Pilipinas?

Layunin /Pakay sa

pagpunta sa bansa

B.Panlinang na Gawain

1.Gawain 1- Panonood ng Movie Roll

Matapos panoorin ang Movie Roll tungkol sa KolonyalismoI

Ipasuri ang tunay na nangyari nang dumating ang mga Espanyol.

Gabay na tanong

 Bakit nagpapaligsahan ang Spain at Portuges sa pagtuklas ng bagong

lupain?

 Ano ang dahilan ng digmaang Portuges at Spain?

 Ano ang nag-udyok sa kanila na sakupin ang Pilipinas?

 Sino ang nakatuklas ng Pilipinas?

 Ano ang hinahanap ni Magellan?

 Saan siya nakarating?

 Bakit naakit ang mga dayuhan sa Pilipinas?


12
 Sino ang tumanggi na masakop ang Pilipinas?

 Sino ang nagpangalan sa ating bansa?

 Nagtagumpay ba sila na masakop anng Pilipinas?

 Suriin natin ang napanood na video,ano ang kahulugan at konteksto ng

kolonisasyon?

Gawain 2 – Pagbasa sa powerpoint presentation

Ang isa sa mga pinakakilalang manlalayag sa Europa ay na nakarating sa

Asya ay si Ferdinand Magellan. Sa paglalayag ay dala ng kanyang 5 barko

* Trinidad

* San Antonio

* Santiago

*Concepcion at Victoria

Sa pagsara ng pasilangang ruta patungong Asya dahil sa mga Turkong

Muslim,naghanap ang mga manlalakbay ng pakunlurang ruta. Sa pangunguna

ng Espanya at Portugal,nilakbay nila ang Karagatang Atlantiko.Isa sa mga

layunin nito ay upang mapuntahan ang isla ng rekado o spices

Moluccas(Indonesia) Ilan sa mga halimbawa ng panrekado ay

paminta ,bawang, luya,nutmeg at cinnamon.

Mga Layunin sa Pananakop ng Mga Espanyol

Merkantilismo

Ito ang kaisipang nagsusulong saang lakas at kapangyarihan ng bansa ay

nakasalalay sa dani ng pilak at ginto nito. Nangunana ang mga bansang

13
Portugal at Espanyol sa paghahanap ng mga ito. Ang mga bansang

mananakop (mother country) ang nakikinabang sa yaman ng lupaing sinakop

ng kolonya.Ang mga kolonya ang nagging tagatustos ng mga hilawa na

materyales na ginagamit ng mga bansang Europeo.

Gawain 3 Debate

Talakayin ang mga tanong sa pangkat at bumuo ng

1. Ebidensya at suporta sa panig ng Oo at Hindi

2. Suriin angmga tanong at itala ang mga impormasyon at pahayag ng bawat

miyembro sa posisyon ng Oo at Hindi

3. Magtulungan ang bawat pangkat sapagbuo ng konklusyon at dahilan .

4. Panghuli ,pumili ng tagapagsalita para maibahagi ang inyong pananaw sa

buong klase.

Pasagutan ang tanong:

 Pabor ka ba na muling mapasailalim ng dayuhan ang ating bansang

Pilipinas?

2. Pagsusuri

Sagutin ang mga sumusunod na tanong

*Anong dalawang bansa ang nanguna sa paggalugad/ pagtuklas sa Pilipinas?

 Ano ang tunay na layunin ng kolonyalismo?

 Paano lumaganap ang kolonyalismo?

 Mayroon bang naitulong ang kolonyalismo sa bansa?

14
3. Paghahalaw

 Ayon sa inyong napanood/ nabasa sa talata ano ang kahulugan ng

kolonyalismo?

 Ano ang dahilan na nagbunsod sa mga dayuhan na magtungo sa Asya?

 Alin sa mga dahilan sa pagpunta ng mga kanluranin sa Asya higit na

nakaimpluwensya sa kanilang desisyon sa pananakop?

 Paano tinanggap ng mga bansang Asyano ang mga naganap na pananakop?

 Sa inyong palagay nakabuti sa mga bansa sa Asya ang dahilang ito sa

pananakop ng mga kanluranin?

1. Aplikasyon

Pangkat 1 Pagsagot sa Fish Bone

Batay sa napanood /narinig/nabasa ninyo ,ano ang naiisip mo kapag nakita mo

ang salitang KOLONYALISMO

Ilagay ang sagot sa Fish Bone

Pangkat 2-Pakikinig sa Awit/ Papapakita ng Interpretative Dance

Bayan Ko

Ang bayan kong Pilipinas

15
Lupain ng gintot bulaklak

Pag-ibig ang sa kanyang palad

Nag-alay ng ganda’t dilag

At sa kanyang yumi at ganda

Dayuhan ay nahalina

Bayan ko binihag ka

Nasadlak sa dusa

Ibon mang may layang lumipad

Kulungin mo ay umiiyak

Bayan pa kayang sakdal dilag

Ay di magnasang malkaalpas

Pilipinas kong minumutya

Pugad ng luha at dalita

Aking adhika

Makita kang sakdal laya

Itanong:

Ano ang isinasaad ng awitin?

Ano ang dahilan at nahalina ang mga dayuhan sa bansang Pilipinas?

Bakit hinangad ng mga Pilipino ang kalayaan?

Pangkat 3- I-Jingle mo ! Kolonisasyon sa Asya

Gumawa ng Jingle tungkol sa kolonisasyon sa Asya

16
Pangkat 4-Paggawa ng sulat

Kung ikaw ay isa sa mga mamamayan na nabuhay noonpanahon ng

Espanyol gumawa ka ng sulat sa iyong raha tungkol sa paraan na makatutulong

upang di masakop ng mga dayuhan ang bansang Pilipinas.

IV.Pagtataya

Pasuri ang mga larawan sa ibaba. Pabuo ang kahulugan ng kolonyalismo gamit

ang concept map.

Watawat ng Spain

Mapa ng daigdig

Watawat ng Portuges

Ginto at pilak

Korona ng hari lilikas na yaman

17
V. Takdang Aralin

Gumawa ng isang sanaysay “Ang sariling pagkakakilanlan ay nawawala dahil sa

kulturang dayuhan”

18

You might also like