Professional Documents
Culture Documents
I. Layunin:
Naipapaliwanag ang pagkakaroon ng mga sentrong pampamayanan ng mga Pilipino
sa Panahon ng Espanyol
II. Paksang Aralin
Paksa: Pagpapaliwanag ng Pagkakaroon ng mga Sentrong Pampamayanan ng mga
Pilipino sa Panahon ng Espanyol
Sanggunian: K to 12 CG AP 5 A 1.3
Kapaligirang Pilipino pp. 202-213
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balitaan
Mangangalap ng balita na may kaugnayan sa aralin
2. Pagganyak
Pagpapakita ng mga larawan ng mga dayuhang sumakop sa ating bansa. Kilalanin
sila.
B. Panliang na Gawain
1. Gawain
Panonood ng video clips tungkol sa Pamayanang Pilipino sa Pananakop ng
mga Espanyol at Impluwensya ng Kulturang Espanyol
2. Pagsusuri
Sino ang marinong Portugues na nag-alok ng paglilingkod sa hari ng Spain
upang marating ang kapuluan?
Kailan sinimulan ni Magellan ang paglalayag patungo sa Asya at marating
ang Moluccas?
Ano ang ibig sabihin ng Sanduguan?
3. Paghahalaw
Ano-ano ang mga kulturang Espanyol na tinaggap ng mga Pilipino?
4. Aplikasyon
Pangkatang Gawain
Pangkat I
Ano ang Impluwensya ng mga Espanyol tungkol sa” Relihiyon”?
Pangkat 2
11
Mga Impluwensya ng Espanyol sa mga “Sakramento’’
Pangkat 3
Mga Impluwensya ng mga Espanyol tungkol sa mga Pista””
Pangkat 4
Mga impluwensya ng Espanyol tungkol sa “Sistema ng Edukasyon”
IV. Pagtataya
Panuto: Basahin ang mga tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga Espanyol ang naunang dumating sa bansa. Sinako nila ang Pilipinas sa
loob ng ____ na taon.
A. 331 B. 332 C. 333 D. 334
2. Si ________ ay isang marinong Portuges na nakarating sa kapuluan ng Pilipinas?
A. San Lucas de Barraneda
B. Ferdinand Magellan
C. Rajah Humabon
D. Rajah Suliman
3. Ang ______ ang pangunahing impluwensya ng mga Espanyol sa mga Pilipino.
A. KrIstiyanismo
B. Iglesia ni Kristo
C. Protestante
D. Born Again
4. Ang pinuno ng barangay ay tinawag na _______.
A. Cabeza de Barangay
B. Mayor
C. Kapitan
D. Punong Barangay
5. Ang pangkat ng mga barangay ay binuo at itinatag ay tinatwag na pueblo o
bayan. Pinamumunuan ito ng ___________.
A. Gobernadorcillo
B. Gobernador
C. Governor
D. Alkalde
V. Takdang Aralin
Magtala ng mabuti at di mabuting epekto sa pananakop ng mga Espanyol.
12
Mabuting Epekto Di-mabuting Epekto
Inihanda ni :
DOLLY B. MENDOZA
Guro I- Pililla Elementary School Central
13