You are on page 1of 6

Instructional Strategy: Jigsaw

Baitang 5
Paksang Aralin Araling Panlipunan
Markahan Ikalawang Markahan

I. Layunin
Naipapamalas ang mapanuring pag-unawa sa mga
Pamantayang
pangyayari, motibo at epekto nang pananakop ng mga
Pangnilalaman
Espanyol sa Pilipinas.
Naipapahayag ang pagkilala at pagpapahalaga sa mga
Pamantayan sa Pagganap mahahalagang pangyayari sa pananakop ng mga Espanyol
sa mga katutubong Pilipino.
1. Natatalakay ang mga motibo at pangyayaring naganap
Mga Kasanayan sa sa pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
Pagkatuto 2. Nasusuri ang naging impluwensiya ng mga Espanyol sa
pamumuhay ng mga Pilipino.
II. Nilalaman Ang Kolonisasyon ng Espanyol
III. Mga Kagamitang
Panturo
Araling Panlipunan 5 Learner’s Module
Sanggunian
Youtube: https://youtu.be/3QuickqsnK8
 Laptop / Telebisyon
Iba pang kagamitan  Mga Larawan
 Visual Aids
IV. Pamamaraan
Bago ang Aralin 1. Pagbabalik-aral at Pagganyak
Magpapakita ang guro ng mga larawan na may kaugnayan
sa kultura ng mga sinaunang Pilipino. Kabilang na rito ang
pananamit o kaugalian, at ang sistema ng paniniwala
(Animismo at Islam) ng mga sinaunang katutubong
Pilipino.
Huhulaan ito ng klase at ipapaliwanag ang kanilang
nalalaman tungkol sa litratong ipinakita ng guro base sa
kanilang nakaraang talakayan.
Itatanong ng guro sa klase ang mga sumusunod:
1. Sa inyong palagay, mahalaga bang malaman natin
ang kulturang mayroon ang mga sinaunang
Pilipino? Bakit?
2. Sa kasalukuyan, nakikita natin ang ilan sa
pagbabago ng kultura ng mga Pilipino kumpara
noong sinanunang panahon. Ano kaya ang ilan sa
mga dahilan ng mga ito?
11. Paglalahad ng mga paksa at mga Layunin
“Masasalamin sa inyong mga kasagutan ang kultura ng
mga katutubong Pilipino noon. Sa paglipas ng
panahon, unti-unting nagbago ang kultura at
pamumuhay ng mga Pilipino. Ilan sa mga dahilan nito
ay ang impluwensiya ng mga dayuhang nanakop sa
ating bansa, isa na dito ay ang mga Espanyol.
Ang pokus ng ating aralin ngayong araw ay ang
kolonisasyon o ang pananakop nga mga Espanyol sa
PIlipinas.”

Ipapabasa sa mga mag-aaral ang mga layunin ng


aralin.
1. Pagtatalakay (15 minuto)
Oras ng Pagtatalakay
I. Tatalakayin ng guro ang mga motibo ng
pananakop ng mga Espanyol, ipapanood ng
guro ang mga mahahalagang pangyayari at
ipapakilala ang mga taong may kaugnayan sa
pananakop at pagdating ng mga Espanyol sa
Pilipinas.
o Ang Pagdating ni Ferdinand Magellan sa
Pilipinas
o Ang Pagdaraos ng Unang Misa
o Ang Labanan sa Mactan
II. Tatalakayin ng guro ang mga sumunod na
ekspediyon ng mga Espanyol gamit ang visual
aids.
o Ang Pagdating ni Ruy Lopez de Villalobos
o Ang Pagdating ni Miguel Lopez de Legazpi
sa Pilipinas
1. Itatanong ng guro sa klase: “Batay sa ating
talakayan, ano sa tingin niyo ang isa sa mga
naging dahilan kung bakit tayo nasakop ng
mga Espanyol noon?”
2. “Ano ang pangyayari sa pananakop ng mga
Espanyol at pinakatumatak sa inyong
isipan? Bakit?”

11. Gawain: Jigsaw (10 minuto)


Ilalahad ang panuto para sa gawaing jigsaw puzzle.
1. Hahatiin ang klase sa tatlong (3) grupo. Pipili
ang bawat grupo ng pinuno na magpapadaloy
ng kanilang diskusyon mamaya.
2. Bawat grupo ay bibigyan ng kahon na
naglalaman ng mga pirasong papel na kanilang
bubuoin.
3. Bibigyan ng limang minuto ng guro ang mga
mag-aaral upang buoin ang mga larawang
naging motibo ng pananakop ng mga Espanyol.
Mga larawang kanilang mabubuo:

4. Pagkatapos nilang maubo ang mga larawan,


magkakaroon sila ng limang minuto upang
ipaliwanag kung paano iyon naging motibo ng
mga Espanyol sa pananakop at magbibigay ang
mga mag-aaral ng pangyayaring naganap sa
panahon ng mga Espanyol bilang patunay sa
kanilang mga kasagutan.

Pagkatapos ng Aralin 1. Pagbubuod (5 minuto)


Itatanong ng guro ang mga sumusunod:
1. Ilang taon nasakop ng mga Espanyol ang
Pilipinas?
2. Ano ang tatlong naging pangunahing motibo
ng mga Espanyol sa kanilang pananakop?
Bilang pagtataya, sasagutan ng mga mga-aaral ang
mga sumusunod sa kanilang sagutang papel.
Panuto: Piliin ang salitang makabubuo ng talata.
Isulat ang inyong napiling sagot sa isang malinis na
papel.

Nagsimula ang pagtungo ng mga Espanyol sa


Pilipinas nang hindi sinasadyang makarating ang
ekspedisyon ni (1. Magellan/Legazpi ) sa pulo ng
Homonhon noong 1521. Naipakilala ang relihiyong
(2. Islam / Kristiyanismo) sa mga katutubo ng mga
Espanyol. Hindi nagtagumpay sa pagsakop si
Magellan dahil sa pagkamatay nito sa (3.
Limasawa / Mactan) na nagdulot ng ( 4.
Pagkakaroon ng interes / kawalan ng interes) ng
Hari ng Espanya ng sakupin ang Pilipinas. Noong
1564, ipinadala ni Haring Felipe si (5. Legazpi /
Villalobos) upang tuluyang sakupin ang Pilipinas.
(6. Nagtagumpay / Nabigo ) ang mga (7.
Espanyol/ Hapones) na masakop ang Pilipinas.
Nagtatag si Legazpi ng unang pamayanang
Espanyol sa (8. Bohol / Cebu) at naging
pangunahing lungsod ang (9. Maynila / Cavite)
noong (10. 1571/1550).
111. Kasunduan:
Batay sa talakayan, gumuhit ng isang senariyo na tumatak
sa iyong isipan base sa mga pangyayari noong panakop ng
mga Espanyol. Ilagay ito sa malinis na papel. (Ipapasa sa
susunod na pagkikita.)
ST. AUGUSTINE COLLEGES FOUNDATION, INC.

You might also like