You are on page 1of 4

Instructional Planning

(The process of systematically planning, developing, evaluating and managing the instructional
process by using principles of teaching and learning - D.O. 42, s. 2016)

Detailed Lesson Plan (DLP) Format

DLP Blg.: 4 Asignatura: ARALING PANLIPUNAN Baitang: 6 Markahan: Una Oras: 40 mins.
Mga Kasanayan: Nasusuri ang epekto ng kaisipang liberal sa pag-usbong ng Code:
Hango sa Gabay Pangkurikulum damdaming nasyonalismo
Susi ng Pag-unawa na Ang mga tao sa lipunan sa panahon ng mga Espanyol ay nauuri ayon sa kalagayan nila sa
Lilinangin: buhay.May iba’t ibang uri at umusbong ang uring mestizo sa panahong ito.
Adapted Cognitive Process Dimensions (D.O. No. 8, s. 2015)
Domain 1. Mga Layunin (Mga Kategorya)
Kaalaman–Ang pagkilala ng mga kilalang bagay o impormasyan hango sa karanasan o pag-uugnay.
Pag-unawa Naipaliliwanag ang ambag ng pag-usbong ng uring mestizo

Kasanayan: Ang kakayahang gawing madali ang mga mahihirap na Gawain sa pamamagitan nang maingat, mayos at madaliang ganapin mula sa nalalaman na,
pagsasanay at mga Gawain.
Paglalapat Nakabubuo ng isang piramide na bumubuo sa halong lahi ng mga Pilipino.

Kaasalan Ang paglinang ng mga saloobin, emosyon, kawilihan at pagpapahayaga ng mga mag-aaral
Pagpapahalaga - Naipakikita ang pagkakaisa at pagkamalikhain sa bawat gawain
Kahalagahan Mga prinsipyo o mga pamantayan ng pag-uugali ng mga mag-aaral; ang mahalaga ay ang sariling paghuhusga sa buhay.
Higit pa sa buhay dito sa daigdig, hindi lamang ang kayamanan at katanyagan, ang mas nakakaapekto sa walang hangganang buhay ng nakararami,.
(Mga
Karagdagang pagpapahalaga sa pang-araw-araw na pamumuhay ng tao.)
Makatao Naipakikita ang buong pusong pagtanggap sa kakilanlan ng kapwa
2. Nilalaman Pagsibol ng Kamalayang Nasyonalismo
(Ang pag-usbong ng Uring Mestizo )
3. Mga Kagamitang 1. Mga larawan
Sa pagtuturo 2. MELC
3.Laptop / TV
4.Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6 pp.21-36
4. Pamamaraan
4.1 Panimulang Gawain (2 Balik- aral
minuto).  Tumawag ng iilang mag -aaral at ipabasa ang kanilang ginagawang paglalarawan tungkol
Suez Canal
4.2 Mga Gawain/Estratehiya (8 Pagpapakita ng mga larawan. Kilala ba ninyo ang nasa larawan?
minuto).
Ang mga nasa larawan ay mga Pilipinang may mga magulang na taga ibang bansa.

 Si Marian Rivera ay isinilang sa Madrid Spain.Ang kanyang ama ay isang Espanyol at


ang kanyang ina ay isang Pilipina.
 Si Anne Curtis ay isinilang sa Australia . Ang kanyang ama ay isang Australyano at
ang kanyang ina ay isang Pilipina.
 Pia Wurtzbach sa Germany. Ang kanyang ama as isang Aleman at ang kanyang ina
ay isang Pilipina.
4.3 Pagsusuri (2 minutes). 1.Ano ang masasabi ninyo tungkol sa mga Pilipinang nasa larawan?
2.Sila ba ay tunay na mga Pilipina? Bakit?
3. Sila ba ay matatawag nating mga mestizo o mestiza ? Bakit?
4.Ano ang ibig sabihin ng mestizo?

4.4. Pagtatalakay (12 na


minuto).
PAG-USBONG NG URING MESTIZO

Makapangyarihang Espanyol
(Peninsulares at Insulares)

Panggitnang-uri (Clase Media)


(Ilustrado, Mestizong Espanyol, at
Intsik

Karaniwang mamamayan

Mestizo – tumutukoy sa mga Pilipino na hindi purong Pilipino . Sila ‘y mga anak ng
Pilipino at Kastila o Pilipino at Tsino.

Noong panahon ng mga Espanyol , ang mga tao sa lipunan ay nauuri ayon sa kalagayan
nila sa buhay.Makikita ito sa ilustrasyon.Ang pinakamaliit na bahagi na nasa bahaging itaas
ay binubuo ng iilang Espanyol na kinabibilangan ng mga opisyal , prayle , at mga kawani sa
pamahalaan.Ang pangkat na ito ay binubuo ng mga Peninsulares o mga Espanyol na
ipinanganak sa Espanya at Insulares o mga Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas.
Ang nasa gitnang bahagi naman ay ang kakaunting bilang ng mga Pilipinong binubuo ng
mga kapitan at ng kanilang mga kamag-anak , ng mga Pilipinong may katungkulan sa
pamahalaan , ng mga may-ari ng lupa , at mestizong Espanyol o mga anak ng mga Espanyol
sa mga katutubo.

Ayon sa dalubhasang historyador na si Teodora Agoncillo , may dalawang uri ng


Pilipinang nakitungo sa mga Espanyol;
Una ay ang mayamang Pilipinang siyang hanap ng mahihirap na Espanyol sa bansa
Ikalawa ay ang mga alilang may itsura na pinagsamantalahan ng mga among Espanyol.
Ang pinakailalim na bahagi ng piramide ay binubuo ng mga karaniwang Pilipino na may
pinakamalaking bahagdan sa lahat na maituturing na mahihirap at hindi nakapag-aral na
tinatawag na Indio ng mga Espanyol.
Noong mga taong 1880 , nagkaroon ng pagbabago sa uri ng mga taong kabilang sa
ikalawang uri o gitnang uri.Ang mga nakapag -aral sa kolehiyo at unibersidad at mga
mangangalakal ay napabilang na rin sa grupong ito na tinatawag na mga Illustrado.Ang mga
pamilyang illustrado ay yaong may,kaya o nakaririwasa ay nakapagpaaral ng mga anak sa
Espanya at iba pang bansa sa Europa.Kabilang sa mga Pilipinong nakapag-aral sa ibang
bansa ay sina Jose Rizal , Graciano Lopez Jaena , Marcelo H. Del Pilar , Mariano Ponce ,
Antonio Luna , Felix Hidalgo at marami pang iba.

`4.5 Paglalapat (6 na minute) Gamit ang iyong notebook sa Araling Panlipunan , sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1.Ilarawan ang Peninsulares at Insulares
2. Ano ang kaibahan ng pisikal na anyo ng mga mestizo kung ikukumpara natin sa mga
katutubong Plipino?

4.6. Pagtataya
(Mga Pamamaraan) (6
min)
Pasulit Punan ng tamang sagot. Hanapin ang mga sagot sa loob ng kahon.
Illustrado Peninsulares Indio

Insulares Mestizo Teodora Agoncillo

____________1.Espanyol na ipinanganak sa Espanya

____________2.Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas

____________3.may mga pinag-aralan

____________4. dalubhasang historyador

____________5.mahihirap at hindi nakapag-aral

4.7 Takdang-Aralin (2 Sa isang buong bondpaper gumuhit ng isang piramide na bumubuo sa halong lahi ng mga
min)
Pilipino

4.8 Paglalagom/Panapos Kung ikaw ay nabubuhay sa panahon noon , saang pangkat ka gustong mapabilang ? Bakit?
na Gawain (2 min)

5. Mga Tala Itala sa ibaba ang mga di inaasahang ganapin subalit huwag limitahin sa pagpapatuloy lamang na banghay-aralin sa susunod na araw sakaling
ito ay ituturo muli o kakulangan ng oras, paglilipat ng aralin sa sussunod na araw o sakaling may suspensiyon ng klase.

6. Pagninilay Magnilay sa iyong mga estratehiyang pagtuturo. Tayain ang paghubog ng iyong mga mag-aaral sa bawat linggo. Paano mo ito
maisasakatuparan? Ano pang tulong ang maaari mong gawin upang sila’y matulungan? Tukuyin ang maaari mong itanong/ilahad a iyong
tagamasid sa anumang tulong na maaari nilang ibigay sa iyo sa inyong pagkikita.
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha
ng 80% sa
pagtataya..
B. Bilang ng mag-
aaral
nanangangailanga
n ng iba pang
Gawain sa
remediation?.
C. Nakakatulong baa
ng remedial?
Bilangng mag-aaral
na nakaunawa sa
aralin?
D. Bilang ng mag-
aaral na
magpapatuloy sa
remediation?.
E. Alin sa mga
estratehiyang
pagtuturi ang lubos
na nakakatulong?
Paano ito
nakakatulong?
F. Anong suliranin na
aking naranasan
ang nabsolusyunan
ng akong punong-
guro o tagamasid?
G. Anong kagamitang
panturo ang aking
nabuo na maaari
kong mabahagi sa
aking kapwa guro?

Bibliograpiya:

https://tl.wikipedia.org/
https://www.youtube.com/watch?v=bh2cd9RiQbM
Inihanda ni:
Pangalan: JOSIE H. MONTERDE Paaralan: Pagsabungan Elementary School
Posisyon/Designasyon: Teacher 3 Sangay: Mandaue City

Checked by: Approved:

RICHARD M. ROMEO GEMMA H. TANGOAN


Master Teacher School Head

You might also like