You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 5

I – LAYUNIN:

A. Pamantayang Pangnilalaman:

Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa konteksto,ang bahaging ginampanan


ng simbahan sa, layunin at mga paraan ng pananakopng Espanyolsa Pilipinas at ang epekto
ng mga ito sa lipunan.

B. Pamantayan sa Pagganap:

Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto at


dahilan ng kolonyalismong Espanyol at ang epekto ng mga paraang pananakop sa
katutubong populasyon

C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto:

Naipapaliwanag ang mga dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol AP5PKEIIa-2

1. Natutukoy ang mga dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol.


2. Nakagagawa ng graphic organizer tungkol sa dahilan at epekto ng pananakop ng
mga Espanyol
3. Nabibigyan ng halaga ang mga layunin ng kolonyalismong Espanyol.

II – NILALAMAN:

Pagsasailalim ng Katutubong Populasyon sa Kapangyarihan ng Espanya

III – MGA KAGAMITANG PANTURO:

Mga pahina sa Gabay ng guro, pp. 108


DepEd TV ETULAY AP5 Q2 Week 1
SLM sa Araling Panlipunan, Q2 Week 1

References: https://lrmds.deped.gov.ph/create/detail/257
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18260168869
https://discover.hubpages.com/health/6-Ayurvedic-Spices-For-A-Happy-Gut
https://www.pinterest.ph/pin/523684262898289335/
http://panahonngmgaespanyol.blogspot.com/2013/10/ang-kolonisasyon-at-kristiyanismo.html
https://www.flickr.com/photos/nccaofficial/18439891972/player/7efe2a8e78
https://www.pinterest.ph/frappeh/rice-pot-kaldero-caldron/
https://tl.lamscience.com/types-rocks-soil
https://www.gutenberg.org/files/18273/18273-h/images/
https://purepng.com/photo/27708/objects-gold-crown
https://www.kindpng.com/imgv/bxmwwT_png-of-bibles-and-crosses-clip-art-bible/
https://www.pngitem.com/middle/TmbThx_desktop-wallpaper-gold-gold-bar-money-metal-png/

IV – PAMAMARAAN:

MGA
PAMAMARAAN GAWAIN
KAGAMITAN
A. Balik-aral sa Gamit ang graphic organizer, tukuyin ang mga larawang may PPT
nakaraang aralin kaugnayan sa KOLONYALISMO. Idikit ito sa mga taluyot ng Graphic
at/o pasimula ng bulaklak. Organizer
bagong aralin.
B. Paghahabi sa Tingnan ang mga larawan PPT
layunin ng aralin Itanong: Anu- ano ang tawag sa mga ito?
Ano ang sinisimbolo ng bawat larawan?

C. Pag-uugnay ng Hatiin ang mga mag-aaral sa tatlong pangkat at ipagawa ang PPT
mga halimbawa mga sumusunod: Activity
sa bagong aralin Sheets
Pagsasanib: EPP (EPP5AG0a-1)
Pangkat 1: Kumpletuhin ang mga sumusunod na salita na
tumutukoy sa bawat larawan.

Pangkat 2: Sagutan ang mga katanungan. Isulat ang titik


lamang ng iyong sagot.

a. Limasawa c. Sto. Nino


b. Paganismo d. Raja Humabon

____1. Isang paniniwala mayroon ang Pilipinas bago dumating


ang mga Espanyol.
____2. Dito naganap ang unang misa.
____3. Siya ay isang katutubong pinuno sa Cebu na tumanggap
kay Magellan at nagpabinyag sa Kristiyanismo noong 1521
____4. Isang imahen ng batang Hesus na tanda ng pagiging
Kristiyano na inihandog ni Magellan kay Humabon.

Pangkat 3: Bilugan ang mga larawang nagpapakita ng mga


namumuno sa mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga
Espanyol.
Rajah Datu Babaylan Alipin Prayle
Soliman Lapu-lapu

D. Pagtalakay ng Gamit ang mga sagot sa pangkatang gawain, talakayin ang PPT
bagong tatlong layunin ng mga Espanyol sa pagsakop sa Pilipinas.
konsepto at
paglalahad ng 1. Makuha ang mga kayamanang taglay ng mga
bagong masasakop na lupain
kasanayan #1
2. Maipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo

3. Makamit ang karangalan at kapangyarihan bilang


nangungunang bansa sa paggalugad ng mga bagong
lupain.

E. Pagtalakay ng Pagsasanib: FILIPINO (F4PN-IIIi-18.2) PPT


bagong Gumawa ng graphic organizer na nagpapakita ng mga layunin o Activity
konsepto at dahilan ng pananakop ng mga Espanyol at pipili ako ng tatlong Sheets
paglalahad ng mag-aaral na magpepresenta ng kanilang gawa.
bagong
kasanayan #2 Diagram ( Sanhi at Bunga ng Pananakop ng mga Espanyol)
Sanhi: Isulat dito ang dahilan ng pananakop ng mga Espanyol.
Bunga: Isulat dito ang epekto ng kanilang pananakop

F. Paglinang sa Pagsasanib: PE (PE1PF-Ia-h-2) PPT


kabihasnan Tayo ay maglaro gamit ang mga steps na natututunan natin sa
(Tungo sa PE. Tukuyin ang tinutukoy na layunin ng mga Espanyol sa
Formative kanilang pananakop sa bawat pahayag at gawin ang mga
Assessment) sumusunod ng tatlong beses.

Padyak : Kayamanan
Palakpak: Kristiyanismo
Snap: Karangalan

1. Nangongolekta ang mga Espanyol ng iba’t ibang


sangkap o spices na maaaring dalhin sa kanilang bansa.
2. Pagbibinyag sa mga katutubo sa relihiyong
Kristiyanismo.
3. Gobernador Heneral ang pumalit na pinuno sa mga Datu
at Sultan.
4. Pagkakaroon ng Pamahalaang Sentral
5. Pagpapatayo ng simbahan sa iba’t ibang lugar sa
Pilipinas
6. Nagkaroon ng kalakalan sa iba’t ibang panig ng mundo.
G. Paglalapat ng Pagsasanib: ESP (EsP5P – IIc – 24) PPT
aralin sa pang- Sagutan:
araw-araw na 1. Sang-ayon ka ba sa dahilan at layunin ng mga Espanyol
buhay kung kaya’t naging abala sila sa pagtuklas ng mga
bagong lupain? Bakit?

2. May naidulot bang kabutihan ang pananakop ng mga


Espanyol, sa mga Pilipino at sa bansa? Ipaliwanag.
3. Kung ikaw ang hari ng Spain, tuluyan mo bang
sasakupin ang Pilipinas?

4. Paano mo pahahalagahan ang mga ambag ng


kolonyalismong Espanyol sa bansa?

H. Paglalahat ng
Matapos ang talakayan, ano ang inyong natutunan tungkol sa
aralin
mga layunin o dahilan ng mga Espanyol sa kanilang pananakop
sa Pilipinas?
I. Pagtataya ng PPT
Aralin Tukuyin kung ang sumusunod na pahayag ay layunin ng
pananakop ng mga Espanyol. Isulat ang L kung layunin at HL
kung hindi sa patlang.
_____1.Makuha ang kayamanang taglay ng ating bansa.
_____2.Makipagpalitan ng kalakal.
_____3.Ipalaganap ang relihiyong Kristiyanismo.
_____4.Makapag-asawa ng mga Pilipino.
_____5.Nais nilang magpalawak ng kanilang nasasakupan.

J. Takdang aralin
Bilang isang mag-aaral, sa iyong palagay ano kaya ang Pilipinas
sa ngayon kung hindi tayo sinakop ng mga Espanyol? Gawin sa
iyong kwaderno.

ANNOTATIONS In this lesson, pupils who belong to the IP group can relate.
Activities in C. Pag-uugnay ng mga halimbawa sa bagong
aralin are contextualized and differentiated. Pangkat 3 activities
could be given to the pupils who belong to the IP group because
they could relate to it.

Inihanda ni: Noted:

MARY GEMELIE B. SORSOGON RAFAEL B. RICARTE, JR.


Guro Head Teacher II

You might also like