You are on page 1of 3

Region III

Schools Division Office of Olongapo City


District IV-B
BANICAIN ELEMENTARY SCHOOL
Olongapo City

January 15, 2021

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan V

I. Layunin
Sa loob ng apat napung (50) minutong talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang
makamit ang 75% bahagdan ng pagkatuto sa mga sumusunod:
1. Naibibigay ang kahulugan ng reduccion
2. Naibabahagi ang mahalaga o mabuting naging epekto ng reduccion sa mga
Pilipino
3. Nakapagbabahagi ng halimbawa ng reduccion sa kasalukuyang panahon

II. Nilalaman
A. Paksa: Reduccion
B. Sanggunian: Araling Panlipunan: Pilipinas bilang Isang Bansa
p. 125-127 AP5PKEIIc-d-5

C. Kagamitan sa Pagkatuto
PPT, LAPTOP, Googlemeet

III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Pagbati
2. Pagtala ng Lumiban

B. Paglinang na Gawain

1. Pagganyak

“ Operation Larawan”

Magpapakita ang guro ng mga larawan na may halong salita.


Tutukuyin ng mga mag-aaral ang salitang mabubuo mula sa mga larawan.

2. Pagtatalakay

 Anong salita ang inyong nabuo mula sa mga larawan?


(Magpapakita ang guro ng 2 larawan ng halimbawa ng reduccion)
 Mula sa mga larawan, maaari nyo bang ipaghalintulad ang pamumuhay
ng ating sinaunang mga ninuno at ang kanilang pamumuhay ng
dumating ang mga Espanyol sa ating bansa?
 Ano ang reduccion?

3. Paglalapat
Sa kasalukuyang panahon, makikita pa ba ang bakas ng pueblo sa ating
lugar? Ipaliwanag.

4. Pagpapahalaga

Mayroon bang naging mahalaga o mabuting epekto ang reduccion sa


ating mga Pilipino?

5. Paglalahat
Bakit ipinatupad ng mga Espanyol ang reduccion?

 Ipinatupad ng mga Espanyol ang reduccion o ang paglilipat sa mga


katutubo mula sa orihinal nilang tirahan tungo sa bayan o pueblo
upang mas madaling maipalaganap ang kolonyalismo at Kristiyanismo.

IV. Pagtataya

Panuto: Kompletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagtukoy sa tamang salita.


Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

visita pueblo cabecera

simbahan reduccion

1. Ang reduccion _ ay ang sapilitang pagpapatira sa mga katutubo mula sa orihinal


nilang tirahan tungo sa bayan.
2. Ang tawag sa bayang itinatag ng mga Espanyol batay sa patakarang reduccion ay
pueblo .
3. Simbahan ang naging sentro ng pueblo na siyang naging himpilan ng
Kristiyanisasyon.
4. Ang tawag sa tirahang nasa ilalim ng tunog ng kampana ay cabecera .
5. Ang mga nayon o baryon a nakapaligid sa cabecera ay tinatawag na visita .
V. Takdang Aralin
Iguhit sa papel ang mga gusali malapit at sa paligid ng inyong plaza. Pagkatapos, itala
ang kaugnayan ng iginuhit na plaza sa patakarang reduccion ng mga Espanyol.

Inihanda ni:

DIANA LYN M. SINFUEGO


Teacher I

You might also like