You are on page 1of 3

National Capital Region

Division of Quezon City


CARLOS L. ALBERT HIGH SCHOOL
Quezon City
TEACHING LOG

I. Pamantayan:
Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang Pangganap
(Content Standard) (Performance Standard)
Naipamamalas ang mga mapanuring pag - unawa sa Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at
konteksto, ang bahaging ginampanan ng simbahan sa pagpapahalaga ng konteksto at dahilan ng
layunin at mga paraan ng pananakop ng Espanyol sa kolonyalismong Espanyol at ang epekto ng mga
Pilipinas at ang epekto nito sa mga lipunan. paraang panakakop sa katutubong populasyon.
Pamantayan sa Pagkatuto (LC)
Naipamamalas ang pag – unawa at pagpapahalaga sa pagkakabuo ng kapuluan ng Pilipinas at mga sinaunang
lipunan hanggang sa malalaking pagbabagong pang – ekonomiya at ang implikasyon nito sa lipunan sa simula
ng ikalabing siyam na siglo, gamit ang batayang konsepto katulad ng kahalagang pangkasaysayan (historical
significance), pagpapatuloy at pagbabago, o ugnayang sanhi at epekto tungo sa paglinang ng isang batang
mamamayang mapanuri, mapagmuni, responsable, produktibo, makakalikasan, makatao, at makabansa at
may pagpapahalaga sa mga usapin sa lipunan sa nakaraan at kasalukuyan tungo sa pagpanday ng maunlan
na kinabukasan para sa bansa.

Mga Layunin:

1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng kolonyalismo at ang kaugnayan nito sa pagtungo at pagsakop ng Espanya
sa Pilipinas.
2. Nakapagbibigay ng saloobin hinggil sa naging reaksyon ng mga ninunong katutubo nang dumating ang mga
kastila sa Pilipinas.
3. Nabibigyang – halaga ang bayani na nag – alay ng buhay para sa kalayaan.

II. Nilalaman:
1 Kwarter: Kwarter : Ikalawang Kwarter: Pamahalaang Kolonyal ng Spain.

2 Paksa: Aralin 6: Ekspedisyon ng Spain sa Pilipinas

3 Sanggunian: Kayamanan pp. 102 -107

4 Kagamitan: Laptop, Projector, Pantulong Biswal

III. Pamamaraan:
1. Panimulang Gawain
A. Pagbati
B. Panalangin
C. Pagpuna sa kaayusan ng silid – aralan
D. Balik Aral

Mga Mungkahing Gawain


A. BAYAN KO
Ipapakita ng guro ang liriko ng kantang “Bayan Ko” ni Freddie Aguilar at susuriin ng mga mag –
aaral ang nilalaman ng kanta.

Pamprosesong Tanong:
 Sa inyong palagay, ano ang ipinahihiwatig ng awiting “Bayan Ko”.
 Ano kaya ang pakiramdam ng isang ibon na ikinulong sa hawla at tinanggalan ng kalayaan?
 Bakit mahalaga ang kalayaan?
B. HANAPIN NATIN ANG NAWAWALANG MGA LETRA!
1.. S_A_N at P_L_P_N_S

2. G_N_O

3. KR_S_IY_NI_M_

4. K_R__GA_AN

5. PA_P_L_S_

Pamprosesong Tanong:

 Ano – ano ang naging layunin ng mga Espanyol upang magtungo sa Pilipinas?
 Paano maiuugnay ang mga layunin na ito upang sakupin ng mga Espanyol ang Pilipinas?

C. KILALANIN NATIN!

Pamprosesong Tanong

 Sino ang nasa larawan?


 Sa iyong palagay, tama ba ang naging reaksyon ng ating mga ninunong katutubo nang dumating ang
mga kastila?
 Naging mahalagang instrumento ba ang Kristiyanismo sa simulang pagsakop ni Magellan sa Pilipinas?
Bakit?
 Anong katangian ni Lapu Lapu ang hinangaan mo? Ipaliwanag ang iyong sagot.
 Ano ang naging epekto ng paglalakbay ni Magellan patungong Pilipinas?

D. PAGLALAPAT

Sa kasalukuyan, kung may dayuhan na mananakop sa ating bansa, papayag ka ba? Kung hindi, bilang
isang mag - aaral ano ang maari mong gawin upang labanan ang banta ng pananakop sa ating bansa?

IV. Kasunduan

Ibigay ang mga ekspedisyon na ipinadala ng Spain sa Pilipinas at ang naging ambag nito sa pagsakop
sa bansa.

Inihanda ni: Cherry Rose A. Castro

You might also like