You are on page 1of 4

Ikalawang Linggo

Unang Araw

BANGHAY – ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN V

I. LAYUNIN:
A. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa konteksto, ang bahaging ginampanan ng simbahan sa
layunin at mga paraan ng pananakop ng Espanyol sa Pilipinas at ang epekto ng mga ito sa lipunan.
B. Pamantayan sa Pagganap:
Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa konteksto at dahilan ng
kolonyalismong Espanyol at ang epekto ng mga paraang pananakop sa katutubong populasyon.
C. Kasanayan sa Pagkatuto
Naipaliliwanag ang mga dahilan at layunin ng kolonyalismong Espanyol
1. Naipaliliwanag ang iba’t ibang pananaw hinggil sa pagkakatatag ng kolonyang Espanyol sa
Pilipinas.
II. NILALAMAN
Iba’t Ibang Perspektibo Ukol sa Pagkakatatag ng Kolonyang Espanyol sa Pilipinas
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian: AP5PKE-IIb-4
Sulyap sa Kasaysayan ng Pilipinas, pp.113 - 115
Pilipinas Bayang Minamahal, pp. 73 - 75
Kayamanan, pp. 103 - 105
1. Mga pahina sa Teksbuk: pp.113 - 115
pp. 73 - 75
pp. 103 - 105
2. Iba pang Kagamitang Panturo: tsart, graphic organizer
IV. PAMAMARAAN
A. Balik - Aral
Sagutin ang palaisipan ukol sa mga pangyayaring nagbigay-daan sa pagdating mga
Espanyol. Gamitin ang mga larawan at mga titik bago ang bawat bilang gabay upang mas
madali itong masagutan.
1. Siya ang nanguna sa paghahanap sa Moluccas at unang Espanyol na nagtangkang sakupin
ang Pilipinas. Napatay siya ng grupo ni Lapu- Lapu.
F____________________

M____________________
2. Bilang ng siglo na nasakop ng Espanya ang Pilipinas.

Pananakop ng mga Kastila

1565 1898

T______________

3. Ang munting pulo na pinagdaungan ng mga Espanyol                

H______________________
4. Siya ang unang Pilipino na nakipagkasundo sa mga Espanyol.

K _________________

5. Lugar na pinagdausan ng unang misa sa bansa.

L ___________________

6. Pangalan ng barkong ginamit ni Magellan na nakaikot sa buong mundo  at napatunay na 
ang mundo ay hindi patag o flat kundi may hugis na oblate spheroid.

V__________________
7. Pinuno ng Mactan na itinuturing na unang bayani ng bansa

L___________________

8. Pinamunuan niya ang eskpedisyong nagpasimula ng matagumpay na pananakop ng 
Espanya sa Pilipinas at siya ring naging unang gobernador.

M ____________________
D ____________________

9. Lalawigang naging unang panahanan ng mga Espanyol sa bansa na matatagpuan sa 
Visayas at tinawag ding Santissimo Nombre.

C ____________________

B. Pagganyak
Panuto: Ipakita ang THUMBS UP kung may katotohanan ang pahayag at THUMBS DOWN
kung ito ay mali.
1. Ang mga Pilipino ay natutuwa sa pagdating ng mga Eapanyol.
2. Kusang loob na inanyayahan ng mga Pilipino ang mga Kastila para dumayo sa Pilipinas.
3. Kinilala agad ng mga katutubo ang kapangyarihan ng mga Kastila.
4. Buong tapang na lumaban ang pangkat ni Lapu-Lapu sa mga Kastila.
5. Nagpamalas ng kagitingan at katapangan ang mga Pilipino sa pagtatanggol sa bansa laban
sa mga mananakop.
C. Paglalahad
Sa panahon ng kolonyalismo ay sinakop at inangkin ang ating mga lupain, nawalan tayo ng
kalayaan at karapatang gumawa sa halip naging sunud-sunran tayo. Ang mga pangyayaring
ito ang nagbigay-daan para mabuo ang galit at pagnanasa ng mga katutubong labanan ang
mga mananakop.
D. Pagtatalakay
1. Ano ang naramdaman ng mga Pilipino sa pagsakop ng mga Kastila sa ating bansa?
2. Ano ang ipinapahiawatig ng pagtanggi ni Lapu - Lapu sa pananakop ng mga Kastila?
3. Bakit tinanggap ng ilang pinuno ang alok ng pakikipag - sanduguan ng mga Kastila?
4. Bakit nagkakaiba ang mga resksiyon ng mga katutubong Pilipino sa pananakop ng mga
Kastila?

E. Paglalapat
OPINYON MO IBAHAGI MO!
Nakabuti ba o nakasama ang pananakop ng mga Kastila sa Pilipinas?
F. Paglalahat
Itanong: Anong kaalaman ang natutunan ninyo sa tinalakay na aralin?
* Sari - sari ang naging pananaw o reaksiyon ng mga katutubong Pilipino sa pananakop
ng mga Kastila.
* Hindi nagkakaisa ang mga Kastila sa pananaw o reaksyon nila sa pananakop ng mga
Kastila ngunit ito ay nagpapahayag ng ang mga Pilipino ay malayang pumili ang
kanyang pananaw.
G. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Tukuyin ang mga pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas ang nagpapakita ng pagsang-
ayon o di pagsang-ayon sa pananakop ng mga Kastila. Isulat ito sa talahanayan.

Sang - ayon Di Sang - ayon

H. Karagdagang Gawain Para sa Takdang - Aralin at Remediation


Sa iyong pananaw, mainam at epektibo ba ang mga paraang ginamit ng mga Kastila sa kanilang
pananakop?

V. MGA TALA
________________________________________________________________________________
_
________________________________________________________________________________
_
________________________________________________________________________________
_

VI. PAGNINILAY

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya
B. Bilang ng mga mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa remediation.
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mga-aaral na magpapatuloy sa remediation
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong ng
lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyonan sa
tulong ng aking punungguro at superbisor?
G. Anong kagamitang panturo ang aking nadibuho na nais
kong ibahagi sa mga kapwa ko guro?

You might also like