You are on page 1of 59

Araling Panlipunan 6

Unang Markahan
MELC-based Competencies
Ang Pagsibol ng Kamalayang Pilipino

PANIMULANG PAGSUSULIT:

Panuto. Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.

1. Ano ang pinakamahabang pag-aalsang naganap laban sa Kastila?


A. Magat Salamat C. Tablot
B. Dagohoy D. Bankaw

2. Saan naganap ang pag-aalsa sa Bankaw?


A. Cagayan C. Bohol
B. Hilagang Luzon D. Leyte

3. Sino ang ikalawang patnugot ng La Solidaridad?


A. Marcelo H. del Pilar C. Jose Rizal
B. Graciano Lopez Jaena D. Mariano Ponce

4. Sino ang sumulat ng “Fray Botod” na tumutuligsa sa mga pang-aabuso at


gawaing di-mabuti ng mga prayle?
A. Jose Rizal C. Mariano Ponce
B. Marcelo H. del Pilar D. Graciano Lopez Jaena

5. Ano ang itinatag at pinamatnugutang pahayagan ni Marcelo H. del Pilar?


A. Diariong Tagalog C. Kalayaan
B. La Solidaridad D. La Independencia

6. Ano ang pahayagan ng Kilusang Propaganda?


A. Kalayaan C. La Solidaridad
B. War Bulletin D. La Independencia

7. Sino ang gumamit ng sagisag na Plaridel?


A. Marcelo H. del Pilar K. Dr. Jose Rizal
B. Graciano Lopez Jaena D. Mariano Ponce

8. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit bigo ang mga naunang pag-aalsa?
A. Pera K. Kawalan ng Pambansang Pagkakaisa
B. Armas D. Tao
9. Sino ang sumulat ng nobelang Noli at El Fili?
A. Marcelo H. del Pilar K. Graciano Lopez Jaena
B. Jose Rizal D. Antonio Luna

10. Alin sa mga sumusunod na pag-aalsa ang hindi nakabatay sa pagnanais ng


kalayaan sa pananampalataya?
A. Igorot K. Lakandula
B. Tamblot D. Bankaw

11. Ang mga dahilan ng hindi pagtatagumpay ng mga naunang pag-aalsa ay ang
mga sumusunod maliban sa:
A. Kulang as armas at sandata ang mga Pilipino
B. Hindi pa nagkakaisa ang mga Pilipino
C. Walang karanasan ang mga Pilipino sa pakikihamok
D. Watak-watak ang mga ginawang pag-aalsa

12. Piliin kung alin ang hindi tama sa mga sumusunod na pangungusap.
A. Ninais ni Dr. Jose Rizal na magkaisa ang mga Pilipino.
B. Ninais ni Dr. Jose Rizal na maging isang opisyal sa pamahalaang Kastila.
C. Ninais ni Dr. Jose Rizal na baguhin ang pamamalakad ng mga prayle.
D. Ninais ni Dr. Jose Rizal na bumalik sa Pilipinas upang tumulong sa mga kapwa
Pilipino.

13. Liberalismo ang tawag sa kaisipang galing sa Europa na nagpapakita ng:


A. Pagbibigay ng pagkakataon sa pagpapalayas ng mga prayle sa Pilipinas.
B. Pagpapalaya sa mga nasasakdal
C. Pagbibigay ng kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipan
D. Pagpapahayag ng pagkamuhi sa mga Kastila

14. Ang pinakamahalagang pangyayari na nagpaigting sa pagkagalit ng mga


Pilipino sa mga Kastila:
A. Pagpapataw ng buwis
B. Pangingibang-bansa ni Jose Rizal
C. Pagbabawal sa pakikipagkalakalan
D. Pagpatay sa Tatlong Paring Martir

15. Ang ikinaiba ng Kilusang Propaganda sa kilusang pag-aalsa:


A. Paggamit ng marahas na paraan
B. Paggamit ng mapayapang paraan
C. Pangingibang-bansa ng kasapi
D. Pag-aaral upang maging matalino

ARALIN 1 PAG-AALSA LABAN SA MGA ESPANYOL

Noong una, naging maganda ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mga


Espanyol. Nakipagkaibigan sila sa mga ito at tinanggap ang mga handog
ng pakikipagkaibigan. Nadama nila ang paggalang ng mga Espanyol sa kanilang
kaugalian pati ang pamumuno ng matatanda sa barangay.

Hindi inakala ng mga Pilipino na ang magandang pakikipagkaibigan ay


palabas lamang ng mga Espanyol upang makuha nila ang tiwala at kalooban ng mga
Pilipino. Sa kanilang pamamahala, kapansin-pansin ang mga patakarang hindi
makatao. Ikinagalit ito ng maraming Pilipino na naging daan ng mga pagaalsa. Di
ba’t ito’y nagpapakita ng kagitingan ng mga Pilipino? Sasagutin natin iyan sa
araling ito.

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bago tayo magsimula, mag-isip muna tayo.


Mayroong mga kasabihan sa ibaba. Maaari mo bang ipaliwanag ang mga ito?

1. “Walang mang-aalipin kung walang paalipin”.


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
2. “Nasa pagkakaisa ang tagumpay”.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

Naipaliwanag mo ba ang mga kaisipang iyon? Talakayin naman natin ngayon


ang kaugnayan ng mga kasabihang iyan sa mga nangyaring pakikipaglaban ng
ating mga ninuno.

Tinalakay sa mga naunang modyul ang maraming katiwalian sa pamamahala


ng mga Espanyol. Dahil sa mga katiwaliang iyan, nagsimula ang maraming pag-
aalsa. Isa-isahin natin ang mga dahilan:
1. Hindi nagkaroon ng pantay na karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng
pamahalaang Espanyol. Nagbunga ito ng mga pansariling pagnanais na
maipaghiganti ang sarili, kamag-anak o kababayan sa pagmamalupit ng mga
Kastila.

2. Ninais ng mga Pilipino na magkaroon ng kalayaan at pagsasarili.


Napakatagal nang panahon na sila ay naging sunud-sunuran sa mga dayuhan.

3. Dumanas ng paghihirap sa kamay ng mga Espanyol ang mga katutubo


bunga ng paniningil ng buwis, sapilitang pagtatrabaho, at iba pang patakaran ng
pamahalaan. Nakadama ng masidhing paghihikahos ng mga Pilipino.

4. May mga opisyal na Espanyol at ng simbahan ang naging lubhang


mapagmalabis. Napakaraming naitalang pag-aalsa sa panahon ng mga Kastila.
Suriin mo ang mga ito batay sa sumusunod na talahanayan.

Talahanayan. MGA PAG-AALSA NG PILIPINO LABAN SA MGA ESPANYOL


Napansin mo marahil na puro bigo at hindi naging matagumpay ang mga
naitalang pag-aalsa. Nangangahulugan ito na sa mga panahong iyon, hindi pa lubos
na handa ang mga Pilipino. Watak-watak kung sila ay kumilos. Karamihan ay
walang armas at angkop na panlaban sa mga baril at kanyon ng mga Kastila.
Higit sa lahat, mas matapat ang maraming Pilipino sa Kastila kaysa sa kapwa
nila Pilipino. May mga Pilipinong naging taksil at isinuplong ang mga kasamahan.
Marubdob man ang pagnanais na labanan ang mga mananakop, ang mga pag-aalsa
ay may iba’t ibang dahilan naman. Hindi rin lubos na nakiisa sa mga katutubo ang
mga mayayamang angkan na nagtatamasa ng kaginhawaan sa ilalim ng mga
Kastila. Higit pa riyan, ang mga nagbangon ay nakipaglaban sa mga Kastila hindi
bilang Pilipino, kundi bilang Ilokano, Kapampangan o Bisaya. Samakatwid, di pa
nabubuo ang isang diwang Pilipino.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Subukan mo kung iyong


natatandaan ang mga halimbawa ng mga pag-aalsa. Pagtapat-tapatin
ang Hanay A at Hanay B sa pamamagitan ng paglalagay ng guhit sa
magkatugmang bilang at titik.

Tandaan Mo! Dahil sa pagiging masunurin at matapat


ng mga Pilipino sa mga Espanyol, naging mapagsamantala
ang mga Espanyol sa kapangyarihan. Di nabigyan ng
katarungan ang mga Pilipino sa maraming larangan, kahit sa
relihiyon. Ito ang naging hudyat para sila ay lumaban sa
Espanyol. Hindi naging matagumpay ang mga naunang pag-aalsa dahilan sa
kawalan ng pambansang pagkakaisa. Wala pang nabuong iisang diwang
Pilipino, kulang sa mga lider na may kakayahang pag-isahin ang mga
katutubo, at hindi sapat ang katapatan sa kapwa-Pilipino.

Gawain 3: Paglalapat 1. Kung ikaw ay isang batang mag-aaral noong


panahon ng Kastila, paano mo maipapakita ang iyong pakikiisa as
pagtataguyod ng kalayaan? Idrowing mo ang iyong sarili sa kahon noong
panahon ng Kastila at punan mo ang bilog ng iyong mga iniisip na plano.

ARALIN 2 ANG NASYONALISMONG PILIPINO

Ang bunga at epekto ng mga patakarang kolonyal sa Pilipinas, ang


matagal na panahon ng pananakop, at pang-aapi at katiwalian ng mga
pinunong Espanyol ang unti-unting nagbuklod sa isipan at puso ng mga
Pilipino upang malinang ang damdaming makabansa. Bagama’t bigo ang mga
naunang pagaalsa, unti-unti silang nagkaroon ng lakas at pagnanasang maging
malaya at makapagsarili. Tatalakayin sa araling ito kung ano ang nagbigay-lakas
upang magkaisa ang mga naaaping Pilipino sa panahon ng mga Kastila. Handa ka
na ba?
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Isulat mo ang sarili mong pagkaunawa sa
salitang “nasyonalismo”. Maglagay sa bilog ng mga salitang maiuugnay sa
kaisipang iyan.

Mga Salik na Nakapagpausbong ng Damdaming Nasyonalismo


Ang damdaming nasyonalismo ay ang pagkakaroon ng iisang adhika para sa
Inang Bayan: ang mapabuti ito. Anu-ano ang mga salik na nagbunsod sa mga
Pilipino upang isulong ang adhikaing iyan?

1.Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan:


Dahil dito, maraming nakarating sa ibang bansa. Namulat ang mga Pilipino
sa sariling kalagayan at natutong makisalamuha sa ibang dayuhan. Dahil sumigla
rin ang kalakalan sa Maynila, naganyak ang halos lahat ng uri ng tao sa
pangangalakal.

2. Pagkakaroon ng pang-gitnang uri ng lipunan (middle class):


Dulot ng kanilang kalagayan sa buhay kinalaban ng mga Pilipino ang mga
Espanyol at prayle at humihiling ng mga pagbabago. Ipinadala nila sa Espanya at
iba pang bansa ang kanilang mga anak upang magaral. Sila ang bumuo sa pangkat
ilustrado, na siyang nagpasimula ng paghiling ng pagbabago at nagtanggol sa mga
karapatan ng mga Pilipino.

3. Pagsibol ng kaisipang liberal sa Pilipinas:


Dala ng Espanyol ang mga kaisipang liberal na ito buhat sa Europa.
Ipinamalas nila ito sa kanilang malayang pagkilos at pananalita. Ang ganitong
kaisipan, bagamat hindi tuwirang ipinalaganap ay tumimo sa isipan ng mga
katutubong Pilipino.

4. Ang Kilusang Sekularisasyon


Ang kilusang sekularisasyon ay itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng
mga paring sekular sa mga parokya. Mayroong dalawang uri ng paring katoliko sa
ating bansa noon. Ang regular at ang sekular. Ang paring regular ay kabilang sa
isang orden tulad ng Agustinian, Pransiskano, at iba pa. Ang paring sekular naman
ay hindi kabilang sa kahit anong orden. 14

5. Si Gobernador Carlos Maria dela Torre


Naniniwala siya sa liberalismo at ipinamalas niya ito sa pamamagitan ng mga
patakaran at mahusay na pakikitungo sa mga Pilipino. Pantay-pantay ang pagtingin
niya sa mga Espanyol at mga Pilipino.

6. Ang Pag-aalsa sa Cavite noong 1872


Noong panahon ng pamamahala ni Goberdor Izquierdo naging mahigpit at
nagdulot ng pahirap sa mga Pilipino ang kanyang mga kautusan. Inalisan niya ng
karapatan at kabuhayan ang mga manggagawang Pilipino sa Cavite na hindi
nagbabayad ng taunang buwis. Lumaki ang isyu tungkol sa pag-aalsa sa Cavite at
sinabi ni Izquierdo na ito’y isang rebolusyong naglalayong pabagsakin ang
pangunahing Espanyol sa Pilipinas. Ngunit sa katunayan, hindi rebolusyon ang
naganap sa Cavite kundi isang protesta lamang ng mga sundalo at manggagawa.

7. Pagbitay sa Tatlong Paring Martir


Ang pinakamalaking pagkakamali ni Gobernador Izquierdo ay ang
pagpapabitay niya sa tatlong Pilipinong pari, sina Padre Gomez, Padre Burgos at
Padre Zamora, ngayon ay kilala bilang Gomburza. Tumanggi si Gregorio Meliton
Matinez na ipahubad ang abito ng tatlong pari bago sila patayin. Naniniwala siya
na walang kasalanan ang mga ito. Iniutos niya na patunugin ang mga kampana sa
lahat ng simbahan sa Maynila sa oras ng kanilang kamatayan.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Isulat ang tsek (√) sa patlang kung ang
sumusunod ay salik na nakapagpausbong ng damdaming nasyonalismo.
Lagyan ng ekis (X) kung hindi.
________ 1. Republika ng Biak na Bato
________ 2. Panggitnang uri ng lipunan
________ 3. Kaisipang liberal sa Pilipinas
_______ 4. Ang Kilusang Sekularisasyon
________ 5. Saligang Batas ng Malolos
________ 6. Si Gobernador dela Torre
________ 7. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan
________ 8. Pag-aalsa sa Cavite noong 1872
________ 9. Republika ng Malolos
________ 10. Pagbitay sa Tatlong Paring Martir

Tandaan Mo! Maraming dahilan ang pag-usbong ng


damdaming Pilipino: ang pagkamulat sa mga kaisipang liberal,
paglawak ng pakikipagkalakalan. at pakikitungo sa mga taga-
ibang bansa, pagkamulat ng panggitnang uri ng mamamayan
(middle class) at mayayaman sa lipunan, at patuloy na
pagmamalabis ng mga kastilang opisyal. Kung noong una ay hindi matanggap
ng mga Pilipino ang hindi pantay na pagtingin sa ating lahi, lalong nagalit ang
mga Pilipino sa pagkapatay sa tatlong paring Pilipino kaya’t itinuring silang
martir. Ang pagtatanggol lamang sa karapatan ng mga paring Pilipino ang
kanilang kasalanan. Ang pangyayaring ito ang lalo pang nagpagising sa
damdaming nasyonalismo ng mga Pilipino.

Gawain 3: Paglalapat Ikumpara mo ang mga naganap sa panahon ng Kastila


na nagpausbong ng damdaming Pilipino, at ang mga kaganapan sa
kasalukuyang panahon na nagpaunlad din ng damdaming Pilipino. May
magkakatulad ba?

Mga Nagpausbong sa Damdaming Pilipino


Panahon ng Kastila Kasalukuyang Panahon

Aralin 3 ANG KILUSANG PROPAGANDA

Umigting ang damdaming Pilipino at lumawak pa ang mga pag-


aalsa nang bitayin ang tatlong paring martir. Kaagad naming
pinarusahan ng mga Espanyol ang sinumang mahuling kumikilos laban
sa mga Espanyol sa pamamagitan ng pagpapatapon sa kanila sa labas ng Pilipinas.
Maraming Pilipino ang ipinatapon sa Islas Marianas noong 1872 dahil sa pag-
aalsa laban sa mga Espanyol. Dalawang uri ng paglaban sa mga Kastila ang
namayani. Ang una ay ang pag-aalsang rebolusyunaryo, at ang kilusang
propaganda. Tatalakayin sa araling ito ang kilusang propaganda.

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Subukan mong ilarawan ang mga sumusunod na


bayani natin ayon sa iyong pagkakakilala.

Ang Pagsibol ng Kilusang Propaganda


Naging tambad sa mga Pilipinong ilustrado o nakapag-aral ang mga tiwaling
pamamahala ng mga Kastila. Nakita nila ang pangangailangan sa pagbabago ng
pamamalakad o reporma. Isinulong nila ang pagmumungkahi ng mga reporma na
sinikap nilang maiparating sa mga opisyal ng pamahalaan sa Espanya. Nabuo ang
kilusang propaganda at nakilala sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena at Marcelo H.
del Pilar bilang mga pangunahing propagandista.

Mga Layunin ng Kilusang Propaganda


Nilayon ng mga propagandista na gumamit ng mapayapang paraan upang
matamo ang kanilang karapatan. Nagmungkahi sila ng mga sumusunod para sa
kalutasan ng mga suliranin sa Pilipinas:
1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa
harap ng batas.
2. Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang Pilipinas.
3. Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Kortes ng Espanya.
4. Sekularisasyon ng mga pari o parokya sa Pilipinas. Graciano Lopez Jaena
Dr. Jose Rizal Marcelo H. del Pilar 18
5. Pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag,
pagpupulong at paghaharap ng mga karaingan laban sa mga pang-aabuso.
6. Bigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino na maipagtanggol ang
sarili sa mga kasalanang ipinararatang sa kanila.
Nagtatag ng pahayagan ang Kilusang Propaganda. Ito ang La Solidaridad.
Nagsilbing instrumento ang pahayagan upang magsama-sama ang ating mga
bayani at maipahayag ang kanilang damdamin. Si Graciano Lopez Jaena ang
hinirang na patnugot ng nasabing pahayagan na naglabas ng unang isyu noong ika-
15 ng Pebrero, 1889.

Sa pagpapalaganap ng mithiing Pilipino ay kasama rin sina Mariano Ponce,


Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, at ilan pang hindi naging masigasig sa banding
huli. Gumamit sila ng iba’t ibang sagisag upang hindi makilala at mailigtas ang
kanilang mga kaanak kung sakaling paghigantihan sila ng mga Kastila.

Dahilan sa sila ay mga anak-mayaman, ilan sa mga propagandista ay naging


aktibo habang nasa Madrid at Europa.

Ang mga Layunin ng La Solidaridad Nilayon ng La Solidaridad ang mga


sumusunod:
1. Tumulong sa mapayapang paraan upang makamtan ang mga pagbabago sa
pulitika at lipunan.
2. Ilantad ang nakalulunos na kalagayan ng mga Pilipino sa bansa upang
mabigyang-lunas ng Espanya.
3. Hadlangan ang masasamang impluwensya ng nepotismo (paggamit ng
impluwensya upang mapaunlakan ang isang kaanak) at konserbatismo (pagiging
makaluma) sa pamamalakad ng pamahalaan.
4. Itaguyod ang mga kaisipang liberal at kaunlaran ng bansa.
5. Ipaglaban ang makatuwirang mga mithiin ng mga Pilipino sa buhay,
demokrasya, at pamumuhay na mapayapa at maligaya.
6. Ilantad ang mga di kanais-nais na gawi ng mga prayle at mga tiwaling
patakaran ng simbahan.
7. Sikaping himukin ang mga Pilipino tungo sa pagkakaisa.

Naging maayos ang unang isyu ng pahayagang La Solidaridad. Ang


ikalawang isyu nito ay isinulat sa Madrid, Espanya. Ang unang patnugot na si
Graciano Lopez Jaena ay sumulat ng Fray Botod na tumuligsa sa mga pang-aabuso
ng mga prayleng Espanyol. Ang ikalawang patnugot ay si Marcelo H. del Pilar.
Itinatag at pinatnugutan niya ang Diariong Tagalog noong 1882 kung saan inilathala
niya ang karaingan at kahilingan para sa mga pagbabago ng mahihirap. Sa La
Solidaridad, gumamit siya ng sagisag na “Plaridel”. Si Dr. Jose Rizal, ang ating
Pambansang Bayani, ang sumulat naman ng nobelang Noli Me Tangere kung saan
tinalakay niya ang maling sistema ng lipunan na nagpapahirap sa mga Pilipino
noon. Sa kanyang akdang El Filibusterismo, tinalakay naman ni Jose Rizal ang mga
gawain ng isang rebolusyonaryo. Sa pagsulat sa La Solidaridad, gumamit si Rizal
ng mga sagisag sa panulat tulad ng “Dimasalang” at “Laong-Laan”. Ang iba pang
manunulat at ang kanilang mga sagisag ay sina: Mariano Ponce (Tikbalang, Naning
at Kalipulako), Dominador Gomez (Romiro Franco), Antonio Luna (Tagailog), at
Jose Maria Panganiban (Jomapa).

Hindi nalaunan at nagsara ang La Solidaridad bunga ng maraming balakid na


kinaharap nito. Kulang ang pondo, walang kalayaan ang operasyon, at walang
pagkakaisa ang mga Pilipino.

Si Dr. Jose Rizal


Naging pangunahing propagandista at nagbuwis ng kanyang buhay dahil sa
kilusang propaganda si Dr. Jose Rizal. Nabanggit na natin ang mga isinulat niyang
aklat: Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang mga aklat na iyan ay nagsilbing
tagabukas ng isipan ng maraming mamamayan.

Ipinadala si Jose Rizal sa Madrid at Europa ng kanyang kapatid upang si


Paciano na mag-aral at paghandaan ang misyon ng propaganda. Si Paciano ay
naiugnay sa tatlong paring martir sapagkat siya ay malapit na kaibigan ni Padre
Burgos. Sa ibang bansa, bagamat maraming sumusuporta sa kilusang propaganda,
nalimi ni Rizal na hindi lubusang magtatagumpay ang kilusan kung hindi pag-
iisahin ang mga Pilipino. Nadama din niya na kailangang bumalik sa sariling bansa
upang pagisahin ang mga Pilipino.

Itinatag ni Dr. Jose Rizal ang samahang La Liga Filipina sa Pilipinas bunga ng
pagkabigo ng Kilusang Propaganda sa Espanya na makamit ang mithiin nito. Ang
La Liga Filipina ay isang pansibikong organisasyong sinimulan ni Rizal pagbalik
niya sa Pilipinas. Ang mga layunin ng La Liga ay ang mga sumusunod:
1. Magkaroon ng pagkakaisa ang buong kapuluan para sa kapakanan ng lahat.
2. Matugunan ang bawat kaanib sa panahon ng pangangailangan.
3. Makipaglaban sa lahat ng uri ng kasamaan at kawalang katarungan.
4. Maisulong ang edukasyon, agrikultura, at pakikipaglaban.
5. Maisagawa ang mga pagbabago o reporma sa pamahalaan.

Ngunit hindi lumaganap ang adhikain ng La Liga. Dahilan sa kanyang mga


isinulat at mga gawaing pang-reporma, ipinahuli si Jose Rizal ng pamahalaang
Kastila, isinangkot sa mga pag-aalsa at ipinabaril sa harap ng madla noong
Disyembre 30, 1896 sa Bagumgayan ngayon ay Luneta o Rizal Park. Kung nabigo
man ang kilusang propaganda, nagkaroon naman ng damdaming makabayan na
nagbunsod sa himagsikan.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Isulat sa patlang ang mga


sagisag ng mga sumusunod:

___________________ 1. Dr. Jose Rizal


___________________ 2. Antonio Luna
___________________ 3. Dominador Gomez
___________________ 4. Jose Ma. Panganiban
___________________ 5. Marcelo H. del Pilar
___________________ 6. Graciano Lopez-Jaena
___________________ 7. Mariano Ponce

Tandaan Mo! Hindi naging matagumpay ang La


Solidaridad bunga ng maraming balakid na kinaharap nito
tulad ng kakulangan ng pondo, kawalang kalayaan ng
operasyon, at hindi pagkakaisa ng mga Pilipino. Nagtatag si
Dr. Jose Rizal ng La Liga Filipina upang maging daan ng
pagkakaisa ng mga Pilipino. Nabuwag ang samahan dahil sa kawalan ng tiwala
ng mga kasapi sa mga layunin ng asosasyon. Ang pagkamartir kay Dr. Jose Rizal
ang nagbigay ng lakas loob sa ibang Pilipino upang labanan ang mga Espanyol.

Gawain 3: Paglalapat Tinangka ng mga Propagandista na sa


pamamagitan ng pluma at papel ay makamit ang kalayaang minimithi.
Ipalagay mo na isa kang propagandista. Pumili ng isang isyu sa iyong
lugar o sa buong Pilipinas na kailangang bigyang-pansin ng
pamahalaan. Sumulat ng isang sanaysay o kolum sa dyaryo upang magmungkahi
ng dapat gawin sa isyung mapipili mo.

_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Sa Panahon ng Himagsikang Pilipino

PANIMULANG PAGSUSULIT:
Bilugan ang titik ng tamang sagot:

1. Ang pagkakaalam na may Katipunan na ay nagsimula lamang sa:


A. away ng dalawang kasapi
B. liham na nakumpiska ng mga Kastila
C. artikulong nakasulat sa pahayagan
D. kwento ng mga nagtatag

2. Sa unang yugto ng himagsikan, kinilalang mahusay na pinuno sa labanan si:


A. Andres Bonifacio
B. Ladislao Diwa
C. Teodoro Patinio
D. Emilio Aguinaldo

3. Kasama sa walong lalawigan na nag-alsa noong panahon ng himagsikan ang


Cavite, Laguna, Maynila, Bulakan, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga at:
A.Romblon
B.Quezon
C. Batangas
D. Mindoro Oriental

4. Ang kawalan ng pagkakaisa ng mga lider sa himagsikan ay nagdulot ng:


A. katiwalian
B. tagumpay
C. kapangyarihan
D. kabiguan

5. Ang ibig sabihin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato ay:


A. Kastila pa rin ang mamumuno sa bansa.
B.Pilipino ang mamumuno sa bansa.
C.Malaya na ang mga Pilipino.
D.Mananatili ang isang Pilipino na mamuno ng bansa.
6. Kung ang pangkat Magdiwang ay kay Andres Bonifacio, ang kay Emilio
Aguinaldo naman ay pangkat:
A.Magtanggol
B.Magalang
C.Magdalo
D.Magsadia

7. Ang posisyon ni Andres Bonifacio sa pamunuan ng mga maghihimagsik sa


naganap na kumbensyon sa Tejeros ay:
A. pangulo
B. kapitan heneral
C.direktor ng interior at lokal na pamahalaan
D.direktor ng digmaan 4

8. Nahatulang mamatay ang magkapatid na Andres at Protacio Bonifacio sa


kasalanang:
A. pagtataksil sa bayan
B. pagkampi sa Kastila
C. pandaraya sa eleksyon
D. pagpapabaya sa tungkulin

9. Ang Kasunduan sa Biak-na-Bato ay nagsasaad na ang mga rebeldeng Pilipino ay:


A. papatawan ng parusa
B. patatawarin sa kasalanan
C. papaalisin lahat sa Pilipinas
D. pagtatrabahuhin sa tanggapan

10. Layunin ng Kasunduan sa Biak-na-Bato na:


A. itigil ang labanan para sa ikatatahimik ng bansa
B. ibigay na ang kalayaang hinihingi ng Pilipinas
C. itago sa lahat ang mga anomalya sa pamahalaan
D. ituloy ang labanan kahit may Kasunduan
ARALIN 1 ANG KATIPUNAN AT ANG PAGLAGANAP NG REBOLUSYON

Narinig mo na marahil ang Katipunan o KKK. Marahil ay batid mo na


ang papel ng Katipunan sa himagsikang Pilipino. Ang araling ito ay
susuri sa mga kaganapan at kadahilanan na
nagbunsod sa Katipunan upang pangunahan ang himagsikan. Susuriin din kung
ano ang mga kahinaan at kalakasan ng rebolusyong kanilang isinulong. Handa ka
na ba?

Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na iyong:

1. Matatalakay ang mga layunin ng Katipunan; at


2. Maipaliliwanag ang mga kadahilanan at kaganapang nagsulong sa himagsikan.

Gawain 1: Pag-isipan Mo!

Ikaw ba ay nakaranas na ng pagkikimkim ng galit sa ibang tao?


Tsekan ang mga dahilan kung bakit ang isang tao ay maaaring magalit sa iba: a.
Binastos e. Ninakawan b. Ipinahiya f. Pinagtawanan c. Sinaktan g. Pinagsalitaan ng
masakit d. Inapi i. Pinintasan Ano ang maaaring gawin ng isang tao kung hindi niya
makayanan ang kanyang galit?
1._______________________________________________________________
2._______________________________________________________________
3._______________________________________________________________

Pagsabog ng Kinikimkim na Galit

Sa mga nakaraang modyul, natalakay natin kung ano ang dinanas na


kalupitan ng mga Pilipino noong panahon ng Kastila. Napag-alaman din natin ang
pagsisikap ng mga propagandista na mapagbago ang sistema ng pamamahala ng
mga Kastila.

Nagwakas ang kilusang propaganda sa pagkamartir ni Dr. Jose Rizal sa


Luneta noong 1896. Ang galit sa mga opisyal na Kastila at sa mga prayle, na matagal
nang kinikimkim ng mga Pilipino, ay unti-unting umabot sa sukdulan noong huling
bahagi ng ika-19 na siglo. Noong panahong aktibo ang kilusang propaganda,
nagkaroon din ng depresyong ekonomiko na higit na nagpahirap sa mga Pilipinong
manggagawa at nakaapekto kahit na sa mga nakatataas na antas sa lipunan noong
1891-1895. Naragdagan pa ito ng pag-atake ng mga pesteng balang sa mga palayan
ng Gitnang Luzon noong 1896. Idagdag mo pa rito ang tagtuyot na sumira rin sa iba
pang pananim. Ang lahat ng ito ay nagdulot ng krisis pang-ekonomiko na
nagpasidhi ng miserableng pamumuhay ng lahat ng Pilipino. Kinailangang kumilos
ang lahat at humanap ng mga paraan upang mapabuti ang kalagayan ng bansa!

Nang araw na ipatapon si Rizal sa Dapitan, isinilang ang Katipunan.


Nagpapahiwatig ito ng paglilipat ng pamumuno mula sa mga kamay ng mga
asimilistang ilustrado tungo sa mga kamay ng isang separatistang lider na kabilang
sa mahihirap.

Nang madakip si Rizal, ang mga kasapi ng repormistang La Liga Filipina ay


nahati sa dalawa. Ang una ay ang Cuerpo De Compromisarios na nagpatuloy na
sumuporta sa La Solidaridad. Ang ikalawa ay binuo ng mga radikal na pinamunuan
ni Andres Bonifacio, isang tagasunod ni Dr. Jose Rizal na kabilang sa mga
mahihirap. Itinatag ni Bonifacio ang Katipunan upang makipaglaban sa mga Kastila
at matamo ang kalayaan sa kamay ng mga mananakop sa pamamagitan ng
madugong rebolusyon.

Ang Pilosopiya ni Andres Bonifacio

Ang Katipunan ang siyang tagapagmana ng rebolusyonaryong tradisyon ng


mga Pilipino, ang tradisyon ng maliliit laban sa mga Kastila sa loob ng tatlong daang
taong pananakop ng Espanya. Itinatag ito ni Andres Bonifacio, isang mahirap na
taga-tondo, na walang naabot kundi ika-apat na baytang sa elementarya. Sa
pamamagitan ng sariling pagsisikap ay natuto siyang bumasa ng Kastila at Tagalog.
Masipag siya, matiyaga, at mahilig magbasa kaya’t mataas ang isip.

Nang madakip si Dr. Jose Rizal, umigting ang paniniwala ni Bonifacio na


isang sandatahang pag-aalsa, at hindi reporma lamang, ang makapagbabago sa
kalagayan ng bansa. Higit sa lahat, ninais niya na tuluyang lumaya sa kamay ng
mga Kastila. Sinasabi sa aklat ni Teodoro Agoncillo na: “Mula nang itatag niya ang
Katipunan hanggang sa sumiklab ang himagsikan, si Bonifacio ang tunay na
Supremo at kaluluwa ng kilusang may layong hanguin ang bayan sa kaalipinan.
Utang sa kanya ang pagkakaroon ng himagsikan na sa kasaysayan ng Pilipinas ay
siyang pinakamakulay at pinakamahalaga.”

Ang Katipunan
Noong Hulyo 7, 1982, matapos hulihin ng mga Kastila si Dr. Jose Rizal
nagpulong sa isang maliit na bahay sa Daang Azcarraga ngayo’y Claro M. Recto,
sina Andres Bonifacio, Ladislao Diwa, Deodato Arellano, at ilan pang kasama.
Itinatag nila ang Kataas-taasan Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng
Bayan o KKK ito ang Katipunan.

Sa simula ng pagkatatag nito, ang Katipunan ay naglayong pukawin ang


damdaming nasyonalismo at ibalik ang kalayaan ng mga Pilipino. Naniwala din ang
mga Katipunero na kailangan ng pagkakaisa upang makamit ang minimithing
kalayaan.

Kaya naman pinagyaman nila ang pagtutulungan, pagmamahal sa bayan, ang


pagkakapantay-pantay, at pagkakapatiran ng mga Pilipino. Ngunit higit sa lahat,
itinaguyod ng samahan ang pamamaraang mabagsik at pangahas – ang pag-aalsa.
Noong una’y isang lihim na samahan ang Katipunan. Ang mga miyembro ay
palihim kung magpulong.

Ang pagpaparami ng miyembro ng samahan ang unang pinagtuunan ng mga


gawain ng mga Katipunero. Pangalawa ang pagtatalakay at pagpaplano ng mga
gawaing nagpapakita ng pagtutulungan, pagmamahal sa bayan at pagkakapatiran.
Tatlong layunin ang isinulong: (1) kasarinlan para sa bayan, (2) pagtuturo ng
kagandahang-asal sa pag-iisip at paggawa, pagtatakwil sa mga bulag na paniniwala,
at (3) pagtatanggol sa maralita at mahihina. Nakapaloob ang mga ito sa Kartiya ng
Katipunan na binuo ni Emilio Jacinto, ang tinaguriang Utak ng Katipunan.

Ang paraan ng pagsapi ay masalimuot ngunit mabisa. Ang isang kasapi ay


kukuha ng dalawang bagong kasapi na hindi magkakilala. Ang kumuha lamang
ang may kilala sa kanila. Bawat isa sa dalawang bagong kasapi ay kukuha rin ng
tigdalawang bagong kasapi, kaya’t parami nang parami ang mga naging miyembro.
Nang malaunan, hinayaan nang kumuha ang mga kasapi ng kahit anong dami.
Kaya’t lalong lumaki ang mga miyembro at nagtatag na ng lupong pamunuan. Si
Andres Bonifacio ay tumangging maging pangulo at naging interbentor o
tagapamagitan lamang. Kaya’t iba’t iba ang naging pangulo ng Katipunan.

Bawat kasapi ay nagdaraan sa mahigpit na pagsubok na nagtatapos sa


paghiwa sa may pulso ng kaliwang bisig at gagamitin ang sariling dugo sa pagpirma
ng pagiging kasapi.
Gaya ng mga repormista, nagtatag din ng lihim na diyaryo ang Katipunan,
ang “Kalayaan.” Ito ay naglayong mapalaganap ang mga simulain at mithiin ng
samahan.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang mga sumusunod ay galing sa


“Mga Aral ng Katipunan.” Ipaliwanag ang nasasaad na kaisipan.

1. Ang kasipagan sa paghahanap buhay ay pagmamahal din sa sarili, sa asawa,


anak, kapatid o kababayan.

2. Sa taong may hiya, salita’y panunumpa.

3. Ang buhay na hindi ginugugol sa isang malaki at banal na kadahilanan ay


kahoy na walang lilim, at damong makamandag.

3. Ang babae ay huwag mong tingnang isang bagay na libangan lamang, kundi
isang katuwang sa mga kahirapan nitong buhay.

Tandaan Mo! Nang mabigo ang Kilusang Propaganda, naitatag ang


Katipunan, sa pamumuno ni Andres Bonifacio, upang isulong ang
himagsikan. Lihim na samahan ang Katipunan, at mahigpit ang pagsubok sa mga
nagnais sumapi dito. Isinulong ang Katipunan ang mga aral na naglalayong
itaguyod ang pagkakaisa, pagtutulungan ng mga mahihirap, paggalang sa mga
karapatan ng mga kababaihan at kalalakihan, at kagandahang-asal sa isip at gawa.

ARALIN 2 ANG SIGAW SA PUGADLAWIN AT ANG PAGLAGANAP NG


REBOLUSYON

Dumami ang kasapi at ang lihim ay nabunyag. Ang araling ito ay


tatalakay sa pagkakabunyag ng Katipunan, kahalagahan ng
Pugadlawin at paglaganap ng rebolusyon sa buong kapuluan. Pagkatapos ng
araling ito, inaasahang iyong: 1. Masusuri ang mga pangyayari sa paglaganap ng
rebolusyon; at 2. Matutukoy ang mga mahahalagang tao at ang kanilang mga
ginampanan sa rebolusyon laban sa Kastila.

Gawain 1: Pag-isipan Mo!

Direksyon: Hanapin ang mga titik at bumuo ng pangalang isasagot sa mga tanong
sa ibaba.

Mga Tanong
• Ano ang isa sa walong lalawigan na nag-aklas laban sa Kastila?
• Sino ang pareng nagsumbong sa Katipunan sa mga Kastila?
• Sino ang ina ng Katipunan?
• Saan ang lugar kung saan ang hudyat ng rebolusyon ay ginawa?
• Sino ang kasapi ng Katipunan na nagbulgar sa samahan?
• Ano ang samahan na dating sinapian ni Bonifacio?
• Ano ang samahang itinatag ni Andres Bonifacio?
• Sino ang supremo? • Sino ang alcalde ng Kawit, Cavite?
• Ano ang pahayagan ng mga Katipunero?
• Sino ang isang sikat na lider ng Katipunan?
• Sino ang ating pambansang bayani? Natukoy mo ba ang mga pangalang
hinihingi?
Talakayin natin ngayon ang kanilang kahalagahan. Basahin mo ang mga
sumusunod at matutuwa ka kung malalaman mong tama ang iyong isinagot. Handa
ka na ba?
Ang Pagkakabunyag ng Katipunan
Imposibleng maitago at manatiling lihim ang mabilis na lumalagong
samahan. Ang mga miyembro nito ay gabi-gabing nagpupulong. Nagsimulang
maghinala at kumalat ang mga balita na mayroong lihim na samahan laban sa mga
Kastila.
Noong Agosto 19, 1896 natiyak ng mga Kastila ang katotohanan ng Katipunan.
Nabunyag ito dahil sa galit ng dalawang katipunerong empleyado ng Diaryo de
Manila. Ibinunyag ni Teodoro Patiño (isa sa mga katipunero), ang lihim sa kanyang
kapatid na si Honoria na nagtrabaho sa isang bahay-ampunan. Sinabi ni Honoria sa
isang madre, si Sor Teresa, ang tungkol sa samahan. Sinabi ni Sor Teresa ang
natuklasan kay Padre Mariano Gil na siyang nagsumbong sa mga opisyal na Kastila.
Dahil dito, nilusob and Diaryo de Manila at kinumpiska ang mahahalagang
ebidensya tungkol sa Katipunan, tulad ng mga dokumento at armas. Nagkaroon ng
maraming pag-aresto sa mga katipunero.
Sigaw sa Pugadlawin
Ang mga katipunerong nakatakas ay nagtungo sa Balintawak, isang nayon sa
Kalookan, at nagtipon sa Pugadlawin noong Agosto 23, 1896. Dito ay nagpulong sila
sa 13 bahay ng anak ni Melchora Aquino, kilala bilang “Tandang Sora” at “Ina ng
Katipunan”. Nagkasundo ang mga katipunero sa panahon na upang lantarang
lumaban sa mga Kastila. Pinangunahan ni Bonifacio ang pagpunit ng kanilang mga
sedula, bilang tanda ng pagsuway sa pamahalaang España. Kanilang itinaas ang
mga sandata at sabaysabay na sumigaw ng “Mabuhay ang Pilipinas”. Ito ang
tinatawag na sigaw sa Pugadlawin na naging hudyat ng pagsisimula ng unang
himagsikang Pilipino. Bagamat pinagpayuhan ni Dr. Jose Rizal si Andres Bonifacio
na huwag munang mag-alsa dahil hindi pa sila handa, isinulong din niya ang pag-
aalsa ng Katipunan.

Lagablab ng Himagsikan
Ang unang sagupaan ng mga magkalabang tropa ng Kastila at Katipunan ay
nangyari sa San Juan Del Monte noong Agosto 29, 1896. Pinamunuan ang mga
katipunero nina Bonifacio at Jacinto. Ngunit napilitang umatras ang mga katipunero
nang dumating ang mga dagdag na kawal ng mga Kastila.
Wari’y isang hudyat ang paglalabang iyon. Nang mga sandali ring iyon,
sabaysabay na nag-alsa at nakipaglaban ang mga rebelde sa Santa Mesa, Pandacan,
Pateros, Taguig, San Pedro Makati, Caloocan, Balik-Balik, San Francisco de
Malabon, Kawit, at Noveleta sa Cavite. Sa dakong hilaga, ang mga rebelde ng San
Isidro, Nueva Ecija, Pampanga at Tarlac ay nakipaghamok din. Sa Laguna, Batangas
at Cavite, ang mga rebelde ay panabay na sumalakay sa mga garison ng mga Kastila
na pawang nagitla sa mga pagsalakay.
Nang si Bonifacio at iba pang lider tulad ni Jacinto, Macario Sakay, Apolonio
Samson, Faustino Guillermo at Heneral Lucino ( alyas Payat) ay nagtayo ng kampo
sa may Marikina matapos ang digmaan sa San Juan, marami ang dumating upang
sumapi sa rebolusyon.
Nagitla ang noo’y Gobernador Heneral na si Ramon Blanco nang makitang
nagaalsa ang buong Katagalugan kasama ang Kapampangan at Tarlac.
Kinabibilangan ito 14 ng walong lalawigan: Batangas, Cavite, Laguna, Maynila,
Bulacan, Nueva Ecija, Tarlac at Pampanga. Ang mga lalawigang ito ang bumubuo
ng walong sinag ng araw sa ating pambansang bandila.

Batas Militar
Upang mapigil ang paglaganap ng rebolusyon, inilagay ng mga Kastila ang
walong lalawigang ito sa ilalim ng batas militar. Hinalughog ang mga bahay at ari-
arian ng mga pinaghihinalaang tumutulong sa mga rebelde. Ang mga sumukong
rebelde ay ikinulong sa Fort Santiago at pinahirapan. Ang iba naman ay itinapon sa
malalayong lugar. Marami ring pinatay tulad ng ginawang masaker sa labintatlong
pari sa Cavite na tinaguriang “Trece Martires”. Higit sa lahat, hinatulan ng
kamatayan si Dr. Jose Rizal at binaril sa Bagumbayan noong Disyembre 30 1896.
Ang pagka-martir ni Dr. Rizal ay nagsilbing gatong na lalo pang nagpaalab ng
damdaming nasyonalismo upang isulong pang lalo ang rebolusyon.
Ang “paghahasik ng lagim” na ipinatupad ni Gobernor Heneral Ramon Blanco
ay hindi nagpahina ng loob ng mga Pilipino. Bagkus pinalakas pa nito ang pwersa
ng rebolusyon. Sumali na rin kalaunan sa pag-aaklas ang Bataan, Zambales,
Camarines Sur at Camarines Norte. Ang rebolusyon ay nakarating hangang Puerto
Princesa sa Palawan at lumaganap sa buong kapuluan.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sagutin mo sa iyong kwaderno


ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang ibig sabihin ng pagpunit ng cedula ng mga katipunero?


2. Makatarungan bang daanin ng mga katipunero sa rebolusyon ang kanilang
paghahangad ng kalayaan?
3. Ano ang epekto sa mga Pilipino ng pagbaril kay Jose Rizal sa Bagumbayan?
Tandaan Mo! Nang mabunyag ang Katipunan marami sa mga kasapi nito ang
inaresto. Ang mga nakatakas ay nagpunta sa Pugadlawin at dito pinunit nila
ang kanilang mga cedula at dito inihudyat ang simula
ng rebolusyon para sa kalayaan. Walong lalawigan ang unang sumali sa pag-aalsa.
Dumami ang sumapi sa samahan at sumama sa paghihimagsik, hanggang ang
rebolusyon ay kumalat sa buong kapuluan. Ang pagkamartir ni Dr. Jose Rizal ang
nagpaalab ng damdaming makabayan at nagpasulong sa rebolusyon.

Gawain 3: Paglalapat Ipagpalagay mo na ikaw ay isa sa mga


katipunerong nabuhay noon at nakipaglaban. Itala sa iyong “diary” ang
naganap na pakikipaghamok mo sa alinmang lugar
na pinangyarihan ng paglalaban. Gawing makatotohanan ang iyong pahayag na
maaaring basahin ng iyong mga apo at apu-apuhan.
Ang mga Kababaihan

Basahin at unawain mo ang teksto sa ibaba.


Bahaging Ginampanan ng mga Kababaihan
Ang mga kababaihan sa panahong ito ay aktibong nakibahagi sa paglutas ng
mga suliraning panlipunan. Ang dating pantahanan lamang ay lumabas at
nakilahok sa mga gawaing nakatulong sa pag-unlad ng kabuhayan. May mga
nagtayo ng negosyo at ang iba naman ay pumasok sa mga tanggapan at pabrika
upang makatulong sa kita ng mag-anak. May mga babae rin na pumasok sa pulitika
at mayroon ding mga gumawa ng lingkod-bayan. Narito ang ilan sa kanila:

Geronima Pecson Aurora Quezon Francisca Reyes Aquino

Anu-ano ang kanilang mga bahaging ginampanan para sa bayan?


Geronima Pecson
Malaki ang naging bahagi niya sa pagpapaunlad ng edukasyon. Bilang unang
babaing senador, isinaalang-alang niya ang kapakanan ng mga guro sa
pamamagitan ng pagpapatuloy ng mga batas sa edukasyon tulad ng Batas sa
Edukasyong Pang-elementarya ng 1953, Batas sa Edukasyong Bokasyunal, at batas
na nagpapahintulot na makapagsanay ang mga guro sa mga paaralang pansining.
Nagtatag din siya ng iba’t-ibang samahang pansibiko at panlipunan.
Aurora Quezon
Naging unang ginang siya ng Pilipinas sa panahon ng panunungkulan ni
Manuel Quezon bilang pangulo ng bansa. Sa pagiging unang ginang ng bansa,
ginugol niya ang kanyang panahon sa paglilingkod sa nangangailangan. Sa tulong
niya, naitatag ang Assosacion de Damas Filipina. Isa itong institusyon na
nangangalaga sa mga ulilang lubos at mga babaing naligaw ng landas. Kasama rin
siya sa White Cross na tumutulong sa mga manggagawa at kanilang mga anak.
Francisca Reyes Aquino
Naging tanyag siya sa pagpapanatili ng katutubong sayaw at awiting Pilipino.
Pinag-aralan niyang mabuti ang ating mga katutubong sayaw at tugtugin sa
pamamagitan ng pagsasaliksik at pagtungo sa malalayong bayan sa Luzon at
Visayas. Gumawa siya ng aklat tungkol dito na ginagamit ngayon ng marami sa
pagtuturo ng mga katutubong sayaw at awitin. Sila ay ilang halimbawa lamang ng
mga babaing naghandog ng kanilang talino at paglilingkod para sa bayan.

Gawain 1: Sagutin mo.


1. Anu-ano ang mga bahaging ginampanan ng mga kababaihan sa Ikatlong
Republika?
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Magbigay ng halimbawa ng mga babaing naggugol ng panahon sa
paglilingkod at pagkakawanggawa para sa mga Pilipino.
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Gawain 2: Isa-isahin ang mga nagawa ng mga babaing Pilipino sa iba’t-


ibang larangan.
Mga Natatanging Babae Mga Nagawa Para sa Bayan
TANDAAN NATIN! Naging aktibo sa pagganap ng iba’t-ibang
bahagi ang mga kababaihan sa Ikatlong Republika sa
pamamagitan ng pagkakawanggawa, pagbahagi ng talento, at pagtugon sa
pangangailangan ng kapwa.

Gawain 3: May mga kababaihan na nagkawanggawa para sa kanilang


kababayan. Ikaw, may magagawa ka bang paglilingkod sa iyong kapwa? Ano
ang naibahagi mo bilang munting mamamayan ng bansa?
Itala mo ito.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
Gawain 4: Sipiin mo ang graphic organizer sa iyong notebook. Dito mo itala
ang iyong sagot sa katanungang ito: Anu-ano ang bahaging ginampanan ng
mga kababaihan sa Ikatlong Republiika?
Ang Digmaang Pilipino at Amerikano (1899-1902)

PANIMULANG PAGSUSULIT:
Subukang sagutin ang mga sumusunod na katanungan at alamin kung
gaano mo kaalam ang mga pangyayari sa panahon ng pananakop ng
mga Amerikano.
Basahin at suriin ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang Tama o Mali sa
bawat patlang.
1. Ang interes ng Amerikano sa Pilipinas ay itinago sa patakarang malayang
kalakalan.
2. Relihiyon ang pinakamahalagang institusyon sa ilalim ng pamamahala ng
mga Amerikano.
3. Pamahalaang militar ang unang pamahalaang itinatag ng mga Amerikano
sa Pilipinas.
4. Napalawak ng edukasyong Amerikano ang tradisyunal na papel ng
kababaihan sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa pangangalaga ng bahay at
pamilya.
5. Ang Unang Komisyong Pilipino na inatasan ni Pangulong McKinley na
mag-imbestiga sa kalagayan ng Pilipinas ay nagbigay ng kapaki-pakinabang na
rekomendasyon tungo sa ikagagaling nito.
6. Ang mga patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Amerikano ay
naging daan ng pagbubukas ng pamilihang Pilipino sa ibang bansa sa mundo.
7. Ang Batas Torrens ay nag-alis ng karapatan sa mga katutubong Pilipino na
linangin ang sariling lupain.
8. Ang patakarang agraryo na ipinatupad ng mga Amerikano ay naging daan
sa pagbili at pamamahagi ng mga dating lupang pag-aari ng mga Kastilang Prayle.
9. Ang Parity Rights ay kasunduang nabuo sa pagitan ng mga Pilipino at
Amerikano na nagbigay ng karapatan sa mga Amerikano upang linangin ang ating
mga likas na yaman.
10. Ang patakarang Benebolenteng Asimilasyon ay nagsasaad ng tunay na
pagtulong at paggabay ng mga Amerikano sa mga Pilipino.

ARALIN 1: ANG PUTOK NA NAGPASIKLAB SA DIGMAANG PILIPINO AT


AMERIKANO

Ang digmaang Pilipino at Amerikano ay nagsimula noong gabi ng ika-4 ng


Pebrero, 1899. Ito’y nangyari matapos makapatay ng tatlong Pilipinong
sundalo ang dalawang boluntaryong Amerikano na nagpapatrulya sa Calle
Santol, Maynila.
Humigit kumulang na dalawang taon ang itinagal ng digmaan. Handa ka na bang
tuklasin ang mga pangyayaring nagpasiklab sa digmaang ito?

Gawain 1: Pag-isipan Mo!


Masdan ang larawan at suriin ang ipinahihiwatig nito hinggil sa
pagsisimula ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Ano ang
iyong naramdaman?
Ang Pinagsimulan ng Digmaang Pilipino-Amerikano

Matatandaan na habang malapit nang makubkob ng mga rebolusyonaryong


Pilipino ang mga Kastila sa Intramuros, nagsidaong ang mga sundalong Amerikano
sa baybayin ng Maynila. Noong Agosto 13, 1898, nagkaroon ng labanan di-umano
sa pagitan ng mga Espanyol at Amerikano. Nang matalo ang mga Espanyol,
nahalinhan ng bandila ng Amerikano ang bandila ng Espanya.

Dahilan sa patuloy na pakikipag-usap ni Hen. Emilio Aguinaldo sa mga


opisyal na Amerikano, sa simula’y walang tuwirang pakikipaglaban sa pagitan ng
Pilipino at Amerikano. Ang mga kawal Amerikano ay may utos na huwag babaril
kung hindi naman sila direktang pinapuputukan ng mga Pilipino. Ngunit noong
Pebrero 4, 1899, isang boluntaryong sundalo na taga-Nebraska, Estados Unidos, na
nagngangalang William W. Grayson, ang unang nagpaputok ng baril. Ito ang
pagsisimula ng mahigit na dalawang taong digmaan ng mga Pilipino at Amerikano.
Nangyari ito sa Bantayan (Outpost) Blg. 2 sa Calle Santol, sa pagitan ng Ramon
Magsaysay Blvd. at Calle Sta. Mesa na ngayon ay kilala bilang Old Sta. Mesa.

Batay sa estatistika, tinatayang 126,000 na sundalong Amerikano ang


nakabilang sa nabanggit na digmaan, at 4,234 na mga sundalong Amerikano at
16,000 sundalong Pilipino naman ang nangasawi.

Ipinakita ng mga Pilipinong sundalo ang kanilang katapangan. Kahit sa


pakikidigma mga lumang riple, bolo at mga anting-anting lamang ang kanilang
gamit ay hinarap nila ng buong giting ang mga Amerikanong sundalo. Ninais sana
ng Pamahalaang Aguinaldo sa tulong ni Pedro Paterno na pigilin ang lumalaganap
na labanan. Nagmungkahi sila ng pakikipag-usap kay Gobernador Heneral Elwell
Otis, ang Amerikanong gobernador militar sa Pilipinas, ngunit ito’y tumanggi. Sa
ilalim ni Gob. Heneral Otis, naitatag ang pamahalaang militar. Lumaganap ang
pagtugis ng mga Amerikano sa mga rebeldeng Pilipino sa paligid ng Maynila gaya
ng La Loma, Quezon City; Maypajo, Caloocan City; at Daang Azcarraga (Claro
M.Recto Avenue ngayon), Maynila. Isinunod nila ang pagkubkob sa kabisera ng
pamahalaang Rebolusyonaryo sa Malolos, Bulacan noong ika-31 ng Marso, 1899.

Hindi kaagad nadakip si Pangulong Aguinaldo at ang kanyang mga


pangunahing tagapayo sa dahilang nailipat nila ang kabisera ng Rebolusyonaryong
Pamahalaan sa San Isidro, Nueva Ecija. Nagpatuloy ang labanan at nagkaroon ng
paghahati sa pagkapanalo sa pagitan ng mga Pilipino at Amerikano. Nanalo ang
mga Pilipino sa Polo, Bulacan nang mapatalsik si Heneral Lloyd Wheaton at
mapatay si Lt. Col. Harry Egbert. Sa Quingua (Plaridel) ay napagtagumpayan nina
Heneral Gregorio del Pilar ang labanan at tinalo nila ang hukbo ni Maj. Franklin Bell
at Col. John Miller Stotsenbergna kasamang nasawi sa labanan. Sa San Mateo, Rizal
ay napatay si Heneral Henry Lawton ng grupo nina Heneral Licerio Geronimo.

Isang malungkot na pangyayari sa panahon ng digmaan ay ang pagpatay kay


Heneral Antonio Luna, isang mahusay na Heneral Rebolusyonaryo noong
Hunyo,1899 sa Cabanatuan. Ang kanyang pagkamatay ay nagdulot ng
demoralisasyon sa hanay ng mga Pilipinong rebolusyonaryo. Ngunit hinihinala na
ang pagkamatay niya ay may kaugnayan sa kanyang pagpaparusa sa Kawit Company
ng insubordinasyon at sa tunggalian ng kapangyarihan sa loob ng Pamahalaang
Aguinaldo. Noong Nobyembre, 1899, binuwag ni Pangulong Aguinaldo ang regular
na hukbo ng mga rebolusyunaryo. Binuo niya ang isang desentralisadong kumando
ng mga gerilya sa iba’t ibang sonang militar.

Naging mahirap sa mga sundalong Amerikano na dakpin ang mga Pilipinong


Rebolusyonaryo. Ang mga ito’y malayang nakagagalaw sa mga sibilyang
komunidad at itinago ng mga mamamayan. Dahil dito, nagsimula ang pananakot at
paghihigpit ng mga Amerikano sa mga sibilyan. Ayon kay Gregorio Zaide, may
200,000 sibilyan ang namatay na ang malaking bahagi ay dahil sa gutom at mga
karamdamang dala ng digmaan. Ang pamahalaang Aguinaldo ay di gaanong
naging epektibong awtoridad sa buong kapuluan kundi naging organisado at
malakas lamang sa rehiyon ng Katalugan. Gayunpaman, nagtanggol ang mga
Pilipinong taga Visaya at Mindanao at nanatili ang labanan sa mga kabundukan ng
Iloilo, Cebu at Bohol. Ang mga magtatanim ng tubo sa Negros ang isa sa mga grupo
ng mga Pilipino na tuwirang tinanggap ang pamahalaang Amerikano.
Noong Marso 23, 1901. Gayunpaman, nadakip na si Pangulong Aguinaldo ng
mga Amerikano sa Palanan, Isabela., nagpatuloy pa rin ang mga labanan hanggang
sa taong 1903 sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Sa Mindanao ay nagkaroon ng malaking hadlang ang Hukbong Amerikano


dahil sa masidhing pagtutol ng mga Kristiyanong Pilipino na tanggapin ang
pamamahala ng mga Amerikano. Noong Agosto, 1899 ay nagkaroon ng kasunduan
sa pagitan nina Heneral John C. Bates, representante ng Pamahalaang Amerikano,
at Jamal-ul-Kiram II, Sultan ng Sulu, tungkol sa di pakikialam ng mga Amerikano
sa nasabing isla. Subalit noong taong 1903, nagkaroon ng malaking impluwensya
ang pamahalaang Amerikano sa mga lalawigan sa Mindanao. Tinulungan nila ang
mga ito sa pagpapaunlad, naging maluwag ang mga patakarang ipinatupad,
ipinagbawal at ginawang kasalanan sa batas ang pang-aalipin, nagtayo ng mga
paaralang hindi Muslim ang kurikulum, at nagtatag ng mga pamahalaang lokal.
Ang pamamahala ng mga Amerikano sa Mindanao ay umabot hanggang noong
taong 1914. Naipatupad nila ang pagpapalit sa Batas Shariah o Batas Islamiko.

Labanan sa Look ng Maynila


Isang mahalagang pangyayari ang tuluyang nagpasimula sa Digmaang
Amerikano-Espanyol. Ito ay ang pasabugin ang barkong MAINE ng U.S.A.,sa
baybayin ng Havana sa Cuba ,noong Pebrero 15,1898.Ikinamatay Ito ng higit
kumulang 246 na katao.Bagama't walang tambayan,isinisi ng US sa Spain ang
insidente at naghudyat sa pormal na pagpapahayag ng pakikidigma ng US sa Spain
noong ABRIL 25,1898.
Sa utos ni Kalihim John D.Long ng Us,naglayag ang gumbo ni Commodore
George Dewey,mula Mirs Bay malapit sa Hong Kong,patungong Pilipinas.Gamit
ang Battle cry "Remember the Maine" ginapi ng mga Ito ang Hukbong pandagat ng
mga Espanyol sa ilalalim ni Admiral Patricio Montojo sa Manila Bay noong Mayo
1,1898.Ang pangyayaring Ito ang tinaguriang Battle Of Manila Bay.

Commodore Dewey Admiral Montojo


Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman
Suriin mo nga ang larawan sa ibaba. Ipaliwanag mo ang pangyayari
batay sa iyong nabasa at naramdaman.

Tandaan Mo!
Ang pagsisimula ng Digmaang Pilipino-Amerikano ay nangyari
noong ika-4 ng Pebrero, 1899
Tinatayang 126,000 na sundalong Amerikano ang nakabilang sa
Digmaang Pilipino-Amerikano. May 4,234 na mga sundalong Amerikano at
16,000 na sundalong Pilipino ang nasawi sa digmaang ito.
May 200,000 sibilyan ang namatay sa digmaan dahil sa gutom, mga
karamdaman, at pananakot ng mga sundalong Amerikano.
Lumaganap hindi lamang sa Luzon ang digmaan kundi maging sa mga isla ng
Visaya at Mindanao.
Maraming pagbabago ang naiambag ng pamahalaang Amerikano sa Mindanao
gaya ng pagtatatag ng isang lalawigan, maluwag na pagpapatupad ng mga
patakarang pagbabawal ng pang-aalipin, pagtatatag ng mga paaralang di Muslim
ang kurikulum, at pagtatatag ng lokal na pamahalaan.
Gawain 3: Paglalapat
May maga lugar na nagsisilbing tagapagpaalala ng
magpahanggang ngayon ng Digmaang Pilipino-Amerikano.
Punan ang “matrix “ sa ibaba ng mga pangalan ng mga heneral na
Pilipino at Amerikano na nagkaroon ng bahagi sa digmaang ito. Itapat ang kanilang
pangalan sa mga lugar na naging bahagi ng labanan.

Mga Heneral na Pilipino at


Mga Lugar na Pinangyarihan ng Amerikano na nagkaroon ng
Labanan kaugnayan sa labanang
nangyari:
La Loma, Quezon City

Maypajo, Caloocan

Daang Azcarraga, Maynila

Polo, Bulacan

Quingua (Plaridel), Bulacan

San Mateo, Rizal

Cabanatuan, Nueva Ecija

Ang Batas Ukol sa Watawat ng 1907

Isa pa sa mga pamamaraang ginamit ng mga Amerikano upang sikilin ang


Nasyonalismong Pilipino ay ang pagpasa ng Batas 1696 noong 1907. Ito ay nauukol
sa pagbabawal ng pagdidispley o pagwawagayway ng watawat ng Pilipinas, at
anumang simbolo, banner at mga kagamitan na nagpapahayag ng pagtutol sa
pamamalakad ng mga Amerikano. Sa paniniwala ng mga Amerikano ang kanilang
watawat ay di gaanong pinahahalagahan ng mga Pilipino at bagkus ay nais nilang
gamitin ang watawat ng ilipinas gaya ng palagiang ginagawang pagdidispley ng
Partido Nacionalista ng watawat ng Katipunan ng sila’y manalo sa eleksyon ng
1907. Ang batas na ito ay ipinatupad sa mahabang panahon
hanggang sa magkaroon ng pag-amenda noong taong 1919.
Nagbago ang sa kaisipan ng mga Amerikano at pinayagang
gamitin ng mga Pilipino ang ating sariling watawat sa
anumang okasyon.

Supresyon o Pagbabawal sa Pagtatatag ng mga


Nasyonalistikong Partido Politikal Patuloy na ipinagbawal
ng awtoritaryanismong Amerikano ang pagtatatag ng mga
nasyonalistikong partido politikal, na naghahangad ng
kalayaan. Malaki ang pagtutol ng mga Pilipino sa kautusang
sapagkat mawawalan sila ng karapatang pampulitika.
Minabuti ng mga Pilipino na baguhin ang kanilang mga
platapormang pang-kalayaan. Isinulong nila ang awtonomiya o pagsasarili.
Ilan sa mga Partidong Pulitikal na ito ay ang Partido Nacionalista na itinatag ni
Pascual Poblete noong Agosto 1901 (Iba ito sa Partidong Nacionalista noong 1907).
Nilayon ng partidong ito ang pagkakaroon ng sariling pamahalaan at pagkakaroon
ng kalayaan. Ang Partido Democrata na itinatag naman nina Jose Maria de la Viña,
Leon Ma. Guerrero, Alberto Barreto at Justo Lukban ay naglayon din ng kalayaan
ngunit sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan. Ang Partido
Federalista ay isa sa mga partidong itinatag ng mga elitista o
mayayamang Pilipino na nakapag-aral. Sinasabing ang partidong ito ay
pinamumunuan ng mga Pilipinong maka-Amerikano gaya nina Trinidad
Pardo de Tavera, Cayetano Arellano, Florentino Torres, Felipe Buencamino,
Pedro Paterno, Benito Legarda at Baldomero Roxas. Nilayon ng nasabing
partido na ang Pilipinas ay maging bahagi ng State of Federal Union. May
dalawang bahagi ito: ang preliminary phase na kung saan ay tatanggapin ng
mga Pilipino ang soberenidad ng mga Amerikano at ang constitutional phase
na magbigay sa Pilipino ng pagkakataon na maging bahagi ng
representasyon sa Kongreso ng Amerika at Federal Union. Ngunit ang mga
programang inilunsad ng Partido Federal ay di naging katanggap-tanggap
sa mga masang Pilipino. Dahil dito, minabuti ng mga Pilipinong elitista na
baguhin ang kanilang plataporma. Kanila ring hinalinhan ang pangalan ng
partido bilang Partido Nacional Progresista. Isinulong nito ang layunin na
magkaroon ng isang nagsasariling pamahalaan sa tulong ng mga
Amerikano hanggang sa dumating ang panahon na maari nang
pagkalooban ng kalayaan ang Pilipinas.

Ang mga pamamaraang inilunsad upang sikilin ang nasyonalismo ay


nagdulot ng kabutihan at di-kabutihan sa lipunang Pilipino. Bukod sa
benebolenteng asimilasyon, may marahas ding pamamaraan ang mga
amerikano sa kanilang pagsakop sa Pilipinas at pagpapatupad ng mga
patakaran. May iba’t ibang pamamaraan din ang mga Pilipino sa
pagtatangkang makamit kalayaan. May marahas at may mahinahon. May
maka-masa at may maka-elitista. Ngunit nagkaroon ng malaking
impluwensya sa sistema ng pamamahala ang mga elitista at edukadong
Pilipino. Ang kanilang patuloy na paghahangad na makabilang ang
Pilipinas sa Federal Union ay posibleng palatandaan na di sila tunay na
naghahangad ng paglaya sa mga kolonyal na aspeto ng pamumuhay.
TANDAAN MO!
Pagkaraang makapagtatag ng Pamahalaang Militar,
nagpatupad ang mga Amerikano ng mga programang
sumikil sa kalayaan ng mga Pilipino.

Ang Batas Sedisyon ay ipinatupad upang sikilin ang kalayaan ng mga


Pilipino sa pagpapahayag.

Ang Batas sa Brigansiya ay ipinatupad upang sugpuin ang pag-aalsa ng


mga Rebolusyonaryong Pilipino na tinaguriang mga rebelde o bandido.

Si Makario Sakay ay isang patriotikong Pilipino na nagsulong ng


tuwirang paglaya ng mga Pilipino kaya’t ipinapatay ng mga
Amerikano sa salang pagre- rebelde.

Ang Batas Rekonsentrasyon ay ipinairal upang ilipat sa ibang lugar ang


mga residente ng mga bayan at lalawigang pinaniniwalaang
pinamumugaran ng mga rebeldeng Pilipino.

Ang Batas 1696 noong 1907 ay nagbawal ng pagdidispley o


pagwagayway ng watawat ng Pilipinas, gayundin ang mga simbolo at
mga kagamitang nagpapahayag ng pagtutol ng mga Pilipino sa
pamamalakad ng mga Amerikano.

Nagtatag ang mga Pilipino ng mga partido politikal upang isulong ang
sariling pamamahala at kalayaan.
Gawain 3: Paglalapat
Kung ikaw ay nabuhay sa panahon ng Pananakop ng
mga
Amerikano at naging kabilang sa naghangad ng kalayaan, sino sa
mga bayani sa listahan ang susundin mong pinuno? Lagyan ng tsek
ang iyong napili. Isulat ang dahilan ng iyong pagpili sa ikalawang
linya.

1. Apolinario Mabini

2. Makario Sakay

3. Trinidad Pardo de Tavera

4. Cayetano Arellano

5. Teodoro M. Kalaw
ANG PILIPINAS SA PANUNUMBALIK NG DEMOKRASYA

PANIMULANG PAGSUSULIT
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan.
Pagkatapos ay pumili ka ng tamang sagot mula sa talaan
sa ibaba. Isulat ang titik ng pinili mong sagot sa patlang sa bawat bilang.

_____1. Ang kanyang pagkamatay ang nagpasulong ng isang pambansang


damdamin tungo sa isang mapayapang rebolusyon.
_____ 2. Nakilala siya sa buong Pilipinas at sa buong daigdig sa kanyang
mapayapang pakikilaban bilang isang maybahay at isang pangulo ng bansa
upang maibalik ang demokrasya sa Pilipinas.
_____3. Ang lansangang naging simbolo ng mapayapang rebolusyon para
sa demokrasya sa Pilipinas
_____4. Huling hakbang ni Marcos upang ipakita na ang Pilipinas ay may
demokrasya.
_____5. Ang naging armas ng mga taong nagrebolusyon sa EDSA.
_____6. Nagpasumpa kay Gng. Corazon Aquino bilang Pangulo ng
Pilipinas.
_____7.Itinawag sa naganap sa EDSA noong Pebrero 22, 1986.
_____8. Ang islogan na nagpasulong sa “People Power.”
_____9. Dahilan ng pagbabalik ni Ninoy Aquino sa Pilipinas. _____10. Ang
kulay na simbolo ng “People Power.”
_____11. Pinangalanan ang lugar na ito bilang alaala sa pagkabayani ni
Ninoy Aquino.
_____12. Tawag sa probisyonal na Konstitusyon ng bagong tatag na
pamahalaang Aquino.
_____13. Ang kalipunan ng mga pinuno na binuo upang baguhin ang
SaligangBatas ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Aquino.
_____14. Unang demokratikong hakbang upang isangguni sa mga
mamamayan ang bagong Saligang-Batas.
_____15. Opisyal ng simbahang Katoliko na tumulong kay Gng. Corazon
Aquino na manawagan sa mga tao upang magtipon sa EDSA noong Pebrero
24, 1986.
ARALIN 1 ANG PAGBUBUWIS NG BUHAY NI NINOY AQUINO AT
PAG-USBONG NG PAMBANSANG PAGKAKAISA

Sa araling ito, matutuklasan mo ang naging dahilan ng pag-


usbong ng panibagong damdaming nasyonalismo noong 1986.
Ito ang naging patnubay sa mga pagkilos ng sambayanang
Pilipino tungo sa pagpapanumbalik ng pamahalaang demokrasya.

Gawain 1: Pag-isipan Mo

Kilala mo ba ang nakalarawan sa salaping ito? Tama ka. Sila ay si Cory


Aquino at Ninoy Aquino. Tanungin mo ang iyong mga magulang o ilang
matatanda sa inyong lugar kung sino siya. Ano ang kanilang mga nagawa
para sa Pilipinas? Ilista ang mga natuklasan mo:
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ang Batas Militar

Marahil, malinaw na sa iyo na sa likod ng mga mahahalagang


pagbabago sa ating bansa ay may mga dakilang tao at pangyayari. Ang
kalayaan ng mga Pilipino sa pamamahala ay naagaw sa pagdating ng mga
mananakop. Pinagpunyagian ng mga bayani ng ating lahi na muli at muli
itong makuha sa pagdaraan ng panahon, mula sa mga Kastila, sa mga
Amerikano, at sa mga Hapon.

Nang tayo’y makapagsarili at lubos na napasakamay ng mga Pilipino


ang pamamahala, nagkaroon ng katiwasayan at kapanatagan ng loob ang
mga mamamayan. Nakaranas tayo ng demokrasya sa ilalim ng Estado at sa
pamamahala ng Pilipino mismo. Subalit sa pagdating ng panahon ng batas
militar, ang demokrasyang napanalunan ay muling naagaw. Ang masakit,
kapwa Pilipino din ang umagaw. Sa panahon ng batas militar, ang liderato
ng pamahalaan ay naipon sa Pangulong Marcos at sa mga taong nakapaligid
sa kanya, unang-una na ang militar. Ang mga kalabang partido ay nawalan
ng karapatang magbigay ng anumang puna at makilahok sa pag-ugit ng
mga batas. Ang mga lider ng oposisyong partido ay isa-isang minatyagan at
pinagbintangang subersibo o kalaban ng pamahalaan. Lahat ng kritiko,
manggagawa man o propesyonal ay pinaghinalaang subersibo. Sila’y
tinugis at ikinulong ng walang paglilitis.

Maraming manggagawa, intelektuwal, at propesyonal ang humiling


ng pagbabago o kaya’y tumulong sa mga karaniwang mamamayan upang
ipakipaglaban ang kanilang karapatan. Subalit marami sa kanila ang
nakulong nang walang ebidensya, pinaslang ng militar, o naglahong parang
bula. May mga propesyonal at intelektuwal na “ipinatapon sa ibang bansa”
o inutusang lumabas ng bansa. Ang iba’y tumakas at nagkanlong sa ibang
bansa upang makaiwas sa kapahamakan.

Walang karapatan sa pamamahayag noong panahon ng batas militar.


Sinumang mahulihan ng mga dokumentong tumutuligsa sa pamahalaan ay
nalagay sa panganib. Isinara ang mga pahayagan, radyo at telebisyon, at ang
mga itinira ay ipinailalim sa pamahalaan. Gayundin, ang mga matataas na
tao sa 7 lipunan na iginagalang sa larangan ng negosyo at serbisyong
publiko ay inalisan ng karapatan sa kanilang mga negosyo at korporasyon.
Naisalin ang mga kapangyarihan sa pagmamay-ari ng mga korporasyon
kay Pangulong Marcos, sa kanyang mga kaanak at sa kanyang mga
“cronies” o alalay at kaibigan.

Ang Pagbubuwis ng Buhay ni Ninoy Aquino


Ang itinuring na pinakamabigat na puwersang maaaring
magpabagsak kay Marcos sa isang malinis na halalan ay si Senador Benigno
Aquino. Isa siyang matalinong pulitiko at mambabatas na naglingkod bilang
isang mamamahayag at naging senador. Siya ay inaasahang mangunguna
bilang kandidato ng oposisyon sa pagkapangulo kung hindi sana
nagdeklara ng Batas Marsyal ang Pangulong Marcos.

Kilala bilang karibal sa Pangulong Marcos sa pwesto si Ninoy Aquino,


nabigo siyang makipaglaban ng patas sa dahilang ginamit ni Pangulong
Marcos ang lahat ng makinarya ng gobyerno upang mapanatili ang sarili sa
puwesto. Nakulong si Ninoy, kasama ng iba pang mga kilalang lider ng
demokrasya sa bansa na sina Senador Jovito Salonga at Jose Diokno. Bukod
sa kanila, di mabilang ang dami ng mga lider ng oposisyon ang nakulong o
nawalan ng tungkulin sa pamahalaan. Sa maraming taong pagkabilanggo,
kahit sa loob ng kulungang militar ay nagawa ni Ninoy na magpahayag ng
kanyang mga plataporma para sa bayan sakaling siya ay palayain.
Maraming beses niyang hinamon si Marcos na ibalik ang mga prosesong
demokratiko sa bansa.

Unang-una dito ang pagtawag ng pambansang halalan upang mataya


kung ang mga tao ay kuntento pa o hindi na sa kanyang liderato. Hiniling
niya kay Marcos ang pagpapanumbalik ng pambansang pagkakaisa sa
ilalim ng kanyang panukalang “rekonsilyasyon” o pagkakaisa ng oposisyon
at administrasyon, pagpapatigil ng paniniil at pagbubuwag ng batas militar.
Subalit lahat ng ito’y nawalan ng saysay. Pitong taon at pitong buwang
nakulong si Ninoy. Noong taong 1980, pinayagan siyang pumunta sa
Amerika sa dahilang siya’y may karamdaman at doo’y magpapagamot.
Tumanggap siya ng maraming banta na maaari siyang mapahamak kung
itutuloy niya ang pagbalik.

Noong Agosto 21, 1983, pagkaraan ng tatlong taong pamamalagi sa


Amerika, nagpasyang umuwi si Ninoy alang-alang sa pinakamimithi
niyang reskonsilyasyon sa bansa. Ang Pilipinas ay nasadlak na sa malaking
pagkakautang. Nagsisilisan na ang mga mamumuhunang dayuhan sa
bansa. Ang mga mamamayan ay naghihirap, at ang pamahalaan ay bulag sa
mga kinakailangang pagbabago. Sa kanyang mga liham at mga isinulat bago
siya lumulan ng eroplanong magdadala sa kanya sa Pilipinas, natanim sa
isip ng mga Pilipino ang binitawan niyang mga salita.

“The Filipino is worth dying for.” Ang Pilipino ay karapat-dapat


pagbuwisan ng buhay. Maraming tao ang nagpunta sa Manila International
Airport o MIA. May mga dala silang dilaw na laso o kaya ay nakasuot ng
damit na kulay dilaw. May mga banderang dilaw din na iwinawagayway.
Sa mga plakard ay nakabandila ang malaking pangalan ni Ninoy. Sa
kanyang pagbaba sa MIA, sinalubong ng militar si Ninoy Aquino sa loob ng
eroplano at muling inaresto. Dinala siya sa likod ng labasan at dumiretso sa
Tarmac o babaan na hindi ipinagagamit sa sibilyan.

Sa Tarmac ay binaril diumano ng isang assassin o bayarang kriminal


si Ninoy Aquino. Nagtangka diumano ang mga kasama niyang militar na
iligtas siya at dahil doo’y nabaril at namatay ang taong bumaril kay Ninoy.
Nagpalagay ang mga tao na walang hustisyang darating.

Ang Pag-usbong ng Diwa ng EDSA

Sa pagkamatay ni Ninoy, umusbong ang diwa ng EDSA.


Pinaglamayan ng bansa si Ninoy. Dinumog ang kanyang libing. Libu-libong
tao ang naghatid sa kanya sa huling hantungan at nabuo ang islogang
“Hindi ka nag-iisa!” Sa mga sumunod na taon mula 1983 hanggang 1986, di
mabilang na rally at martsa ang isinagawa ng iba’t ibang grupong sibiko.
Pinanguhanan ng kanyang asawang si Corazon Aquino, na kilala sa tawag
na Cory, ang pagrarally sa Liwasang Bonifacio, simbahan ng Santo
Domingo, sa Luneta at Quirino Grandstand upang alalahanin ang iba’t
ibang petsang may kinalaman kay Ninoy: 9 Agosto 21: Pagkamatay ni Ninoy;
Setyembre 21, National Day of Sorrow (sa dahilang ito ang araw ng deklarasyon ng
Batas Marsyal); Nobyembre 27: Kapanganakan ni Ninoy.

Naging laman si Cory ng mga entablado at dininig ng mga tao ang


kanyang mga panawagan. Libu-libong mamamayan mula sa iba’t ibang
antas ng buhay ang nagsidalo, nagsipagmartsa at di natakot sa mga militar.
Kasabay ng paghiling ng hustisya para kay Ninoy, hinihiling nila ang
pagalis ni Marcos sa puwesto at pagbabalik ng demokrasya. Hindi naniwala
ang pamahalaang Marcos na ayaw na sa kanya ng mga mamamayan.
Samantala’y pinapayuhan na siya ng bansang Amerika kung saan may
malaking pagkakautang ang bansa na ayusin ang lumalalang gulo sa
Pilipinas. Noong buwan ng Nobyembre, 1985, nagpahayag si Pangulong
Marcos na magaganap ang isang biglaan o snap election upang maipakita
na nais pa rin ng mga Pilipino na siya ang mamuno.

Inaasahan niyang sa muli niyang pagkahalal ay mahihinto na ang


maraming reklamo laban siya. Isinulong ng mga tao sa pangunguna ni G.
Chino Roces, dating may-ari ng pahayagang ipinasara ni Marcos, ang
kandidatura ni Cory Aquino. Nangalap siya ng isang milyong pirma upang
makumbinsi si Cory na kailangan siya ng bayan. Noong unag linggo ng
Pebrero 1986, isinagawa ang halahan. Nagkaroon ng malawakang
pananakot ng militar, pamimili ng boto, at pagpapalit ng balota.
Nagkamatayan sa pangangalaga ng balota at maraming sibilyan ang
nasaktan. Pinokralama bilang siyang nanalo si Marcos at nagsimulang
maghanda sa kanyang inagurasyon.

Malawakan ang mga kilos portestang sumunod sa Kalakhang Maynila


at mga karatig-pook. Naglunsad si Cory Aquino at nagsimula ang “civil
disobedience” o hindi pagsunod sa mga patakaran ng pamahalaan at hindi
pagtangkilik sa mga produkto pinamumuhunan ng mga “cronies” ni
Marcos. Nang “mag-walk-out” o umalis ang mga nagsisipagkanbas ng boto
sa halalan at ideklara nilang dinaya ang mga numero sa botohan, lalong
lumakas ang puwersa ng mga taong nagsipagmartsa at nagkilos protesta.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng timeline ng


mga pangyayaring nagpausbong ng sinasabing diwa ng EDSA.
Ilagay sa kahon ang iyong timeline.

Petsa Pangyayari
Tandaan Mo!
Si Ninoy Aquino ay isa sa mga senador ng oposisyon na nakulong sa
panahon ng Batas Militar. Nagbuwis siya ng buhay alang-alang sa
rekonsilyasyon sa bansang Pilipinas. Ang pagkamatay ni Ninoy Aquino ay ng
pag-usbong ng kamalayang Pilipino upang mapanumbalik ang demokrasya.

Gawain 3: Paglalapat Ang dating Manila International Airport o MIA


kung saan napatay si Ninoy Aquino ay tinatawag ngayong Ninoy
Aquino International Airport o NAIA. Sa palagay mo ba ay karapat
dapat itong ipangalan sa kanya? Naging makabuluhan ba ang pagbubuwis
ng buhay ni Ninoy Aquino? Sumulat ng dalawang talata tungkol sa mga
tanong na iyan.
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
ARALIN 2 ANG EDSA AT ANG “PEOPLE POWER”

Sinabi sa Aralin 1 na umusbong and diwa ng EDSA sa pagkamatay ni


Ninoy Aquino. Ano ba ang diwa ng EDSA? Sa araling ito, susulyapan
natin ang mga naganap sa EDSA at aalamin kung bakit ito ay
nagtagumpay.

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Tunghayan mo ang mapa. Nasaan ang


EDSA sa mapa? Nakarating ka na ba dyan? Ano ang alam mo tungkol
sa EDSA?

INSERT MAP OF EDSA DURING THE PEOPLE POWER REVOLUTION

Ang Pag-aalsa ng Militar

Sa lumulubhang mga pangyayari noong panahon ng batas marsyal,


nagkaroon ng diskuntento sa ranggo ng mga militar. Nagbalak ng isang
coup d’etat o tangkang pag-agaw ng militar sa pamahalaan. Noong Pebrero
22, 1986, isinagawa ng mga military na kasangkotang plano. Ang mga
rebeldeng sundalo ay pinangunahan ni Kalihim Juan Ponce Enrile ng
Tanggulang Pambansa at ni Fidel V. Ramos, Vice-Chief of Staff ng Hukbong
Sandatahan ng Bansa at INSERT MAP OF EDSA DURING THE PEOPLE
POWER REVOLUTION

Pinuno ng Kampo Krame. Nagtipon sila sa Kampo Krame. Subalit


habang sila ay naghahanda, ay napag-alaman ni Pangulong Marcos ang
kanilang balak. Nakakita ang mga mamamayan ng pag-asang mabago na
ang pamahalaan. Sa dahilang maaring ikamatay ng mga sundalong rebelde
ang kanilang pagbalikwas, dumagsa ang mga tao sa gitnang lansangan sa
harap ng Kampo Krame upang kahit paano ay mabigyan ng proteksyon ang
mga nagaalsang sundalo. Ang lansangang ito ay ang Epifanio Delos Santos
Avenue o EDSA. Ninais ng simbahan sa pangunguna ni Cardinal Sin na
maiwasan ang pagdanak ng dugo ng Pilipino kapwa Pilipino. Nanawagan
din ang maybahay ni Ninoy na si Cory Aquino sa mga tao upang magsidalo
sa EDSA at sama-samang manalangin tungo sa mapayapang solusyon sa
nakasisindak na pangyayari.

Ang Diwa ng EDSA

Libu-libong mamamayan ang pumunta sa EDSA. Sinalubong nila


nang walang takot ang mga tangke ng militar na nasa ilalim ng Chief of Staff
ni Marcos 13 na si Gen. Fabian Ver. Naghahanda ng pagsalakay sa Kampo
Krame ang mga militar kung saan nagtipon ang mga sundalong rebelde.
Hinihintay lamang nila ang utos ni Pangulong Marcos. Sa pamamagitan ng
Radyo Veritas, Katolikong istasyon ng radyo, nakaabot sa mga tao ang mga
panawagan at nakapagsagawa ng mga pagkilos ang mga rebeldeng militar
at sibilyan.

Nang ipaputol ni Marcos ang brodkast sa Veritas, humanap sila ng


ibang istasyon ng radyo sa pangunguna ni June Keithley at naipagpatuloy
ang pagkilos. Sa loob ng limang araw, nagkapit -bisig ang mga pari at
madre, at mga karaniwang mamamayan upang manalangin, magbigay ng
bulaklak sa mga kalabang militar, at himukin ang mga militar ng
pamahalaan na ihinto ang pagsalakay.

Umabot ng apat na araw ang pagbabantay ng mga tao sa EDSA. Ang


kahabaan ng EDSA ay napuno ng maraming tao. Nagdasal sila araw at gabi,
nag-awitan, at ipinanalangin ang tahimik na pag-alis ni Marcos sa
Malakanyang. Noong Pebrero 25, 1986, sinikap pa rin ni Marcos na siya ay
mailuklok bilang Pangulo ng Pilipinas. Nanumpa siya sa harap ni Cesar
Virata na noo’y Punong Ministro ng kanyang diktadurya. Samantala,
nagkaroon din ng seremonya sa Club Filipino sa Makati. Idineklara ang
isang rebolusyonaryong pamahalaan at pinanumpa si Gng. Corazon Aquino
sa harap naman ni Chief Justice Claudio Teehankee, upang kung sakaling
bumagsak si Marcos, ay hindi maiiwang walang pangulo ang bansa.

Lumabas sa telebisyon ang panunumpa ni Marcos, subalit hindi


natapos ang seremonya at naputol ang mga linya ng radyo at telebisyon ng
gobyerno. Nang mangyari ito, tuluyan nang nawalan ng kapangyarihan si
Pangulong Marcos. Kinailangang magdesisyon siya kung sasalakay ang
mga militar sa EDSA o lisanin niya ang Malakanyang upang maiwasan ang
pagdanak ng dugo. Pinili niya ang pangalawa. Noong gabi ring iyon, siya at
ang kanyang pamilya ay lumulan sa isang eroplanong naghatid sa kanya sa
Hawaii, kung saan doon na siya inabot ng kamatayan.

Ang rebolusyong naganap sa EDSA ay kinilala sa buong mundo


bilang halimbawa ng isang mapayapang rebolusyon na sa Pilipinas unang
nasaksihan. Ang pag-aalsang naganap ay tinawag sa kasaysayan na “EDSA
people power.” 14 Ang pagkakaisa at damdaming makabayan ang
nagbunsod sa ganitong pagaalsa. Ito ang diwa ng EDSA.
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ilista mo ang mga taong
naging mahalagang bahagi ng EDSA. Sabihin ang kanilang
naging papel sa “People’s Power Revolution”.

Mga Tao Naging Papel Nila


1. __________________ = _________________________________________
2. __________________ = _________________________________________
3. __________________ = _________________________________________
4. __________________ = _________________________________________
5. __________________ = _________________________________________

Tandaan Mo!
Ang rebolusyon sa EDSA o “EDSA People’s Power Revolution” ay
isang mapayapang pag-aalsa ng mga mamamayan bunsod ng
isang diwang nagkakaisa at nananalangin para sa mapayapang solusyon sa
kaguluhan ng bansa. Ipinakita ng ”EDSA People’s Power Revolution” na
maaaring magkaroon ng pagbabago sa mapayapang paraan.

Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ang tatanugnin, makikilahok


ka ba sa rebolusyong nagyari sa EDSA? Paanong magiging
makabuluhan ang mga nangyaring kabayanihan sa EDSA?
Ipaliwanag sa tatlong talata lamang ang iyong sagot.

ARALIN 3 ANG PAMAHALAANG AQUINO AT ANG


PANUNUMBALIK NG DEMOKRASYA SA PILIPINAS

Sa pagkakatalaga kay Gng. Corazon Aquino, nanumbalik ang


demokrasya sa Pilipinas. Tatalakayin sa araling ito kung paano niya
pinamunuan ang lugaming bansa at paano niya isinulong ang mga
patakarang demokratiko.

Gawain 1: Pag-isipan Mo! Sino ba si Cory Aquino? Maglista ng


mga katangiang alam mo tungkol sa kanya. Pagkatapos ay
ikumpara mo ang iyong ginawa sa mga nakasaad sa aralin. Ang
Pamahalaang Aquino sa Panahon ng Pagbabago Si Pangulong Corazon
Aquino ang ika-7 Pangulo ng Republika ng Pilipinas at siya ring kauna-
unahang babae na naging Pangulo ng bansa.

Nang makaalis ang mga Marcos, nagdiwang ang mga Pilipino.


Nagsimulang manungkulan si Pangulong Aquino sa gitna ng maraming
suliraning naiwanan ng tumakas na pangulo. 16 Itinatag ng bagong
pangulong Aquino ang tinatawag na Transitional Revolutionary
Government sa ilalim ng isang Freedom Constitution na binuo pagkatapos
niyang manumpa. Maraming ginawang proklamasyon ang Pangulong
Aquino upang mapadali ang pagbabalik ng mga prosesong demokratiko.

Ang Freedom Constitution ay batay sa Proklamasyon Blg. 3 at


nagsilbing gabay sa pamamalakad ng pamahalaan habang wala pang
pormal na Saligang-Batas. Agad ding pinalabas ni Pangulong Aquino ang
Proklamasyon Blg. 9 na bumuo ng CON-CON o Constitutional Convention
o Kumbensyong Konstitusyonal na siyang naatasang bumuo ng Saligang-
Batas ng 1987. Pagkaraang mabuo ang Saligang-Batas na nabanggit, nagdaos
ng isang plebisito o referendum noong Pebrero 2, 1987, kung saan
sinangayunan ng mamamayan ang bagong Saligang-Batas. Nang
napagtibay ang Saligang-Batas ng 1987, nagwakas ang pamahalaang
rebolusyonaryo at naibalik ang mga prosesong demokratiko sa bansa.

Mga Pagbabago sa Pamahalaan at ang Pagsibol Muli ng Demokrasya

Muling re-organisasyon ang pamahalaan. Una’y binuwag ang


sistemang parlyamentaryo at ibinalik ang sistemang presidensyal. Muling
sumigla ang mga pulitiko at nagtatag ng iba’t ibang partido pulitikal.
Nagsulong at pinagtibay ang isang Kodigo ng Pamahalaang Lokal o Local
Government Code na nagpalawak ng tungkulin sa sariling pamamahala ng
mga pamahalaang lokal.

Ito ay upang magbigay ng kakayahan at karapatang mamuno ang mga


nasa mahihirap na lugar. Nang panahon din ng panunungkulan ni
Pangulong Aquino, isinulong naman ng nagkakaisang bansa o UN ang
Education for All o Edukasyon Para sa Lahat. Ang mga reporma sa
edukasyon ay umikot sa pandaigdigang hamon na paunlarin ang batayang
edukasyon sa elementarya at sekundarya gayundin, sa pagbibigay ng
oportunidad sa mga hindi nakakapag-aral pamamagitan ng sistemang non-
formal o di pormal.

Naging sentro ang Education for All ito ng programang pang-


edukasyon ng administrasyong Aquino. 17 Isinulong ni Pangulong Aquino
ang mga usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Communist Party of the
Philippines, NPA, at MILF. Pinaimbestigahan din niya ang paglabag sa
karapatang pantao noong panahon ni Marcos.

Nagtalaga siya ng isang komisyon na naglayong maibalik ang mga


ninakaw na yaman ng bansa noong panahon ni Pangulong Marcos. Ibinalik
niya ang sistema ng paglilitis at pagdinig ng mga usapin sa korte. Ang mga
naging biktima ng mga mapang-abusong militar ay binigyan ng
oportunidad upang makapagsampa ng kaso at magkamit ng hustisya.

Pinagbuti ang sistema ng kuryente, transportasyon at komunikasyon.


Binuksang muli ang mga pahayagan, istasyon ng radyo at telebisyon. Unti-
unting bumalik ang malayang pamamahayag. Pinagbuti ang serbisyo at
palatuntunang pangkalusugan. Pinagbuti ang komersiyo at sistema ng
bangko at pagpapautang. Pinagbuti ang turismo at ipinagpatuloy ang
paglinang ng sining at kultura.

Higit sa lahat, muling pinayagan ang malayang pamamahayag upang


maiparating ang mga hinaing ng mga mamamayan sa pamahalaan. Sa
panahon ng Pangulong Aquino, nagkaroon ng mahalagang papel ang civil
society sa pagsusulong ng mga programa para sa mga manggagawa at
mahihirap. Hindi lahat nang nangyari ay mabulaklak sa panahon ng
Pangulong Aquino. Marami ring nagnais, sa hanay ng mga militar na
halinhan si Pangulong Aquino at nagsagawa ng mga coup d’etat.

Subalit dahil nasa likod ni Pangulong Aquino ang pamahalaan, ang


simbahan, at mga mamamayan, naisulong din niya ang pagpapanumbalik
ng demokrasya. Noon at magpahanggang ngayon, kinikilala bilang “Ina ng
Bansa” si Pangulong Aquino at sa kanyang hudyat at hikayat, muling
natitipon ang mga tao upang magkaisa sa mapayapang protesta laban sa
mga tiwaling opisyal.

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Sinasabing


nanumbalik ang demokrasya sa bansa sa mga naganap na
pangyayaring inilarawan sa modyul. Mula sa mga nabasa mo sa
mga aralin, anu-ano ba ang katangian ng demokrasya. Ilista mo ang ilan at
ipaliwanag:
_____________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Mula sa aralin, ilista mo ang mga ginawang pagbabago ng pamahalaang


Aquino:

Pampulitika Pangkabuhayan Panlipunan

_______________ __________________ __________________


_______________ __________________ __________________
_______________ __________________ __________________
_______________ __________________ __________________
_______________ __________________ __________________

Tandaan Mo!
Ang panunumbalik ng demokrasya ang katangi-tanging nagawa ni
Pangulong Corazon Aquino. Sa isang demokrasya, may kalayaan ang
mga mamamayan sa pagpili ng kanilang mga pinuno; sa pamamahayag; sa
mapayapang pagtitipon upang magprotesta; at sa pagkakamit ng mataas na
kalidad ng buhay at hustisya.
Gawain 3: Paglalapat Ilagay mo ang iyong sarili sa kalagayan ni
Pangulong Corazon Aquino. Gagawin mo rin ba ang kanyang mga
ginawa kung ikaw ang pumalit kay Pangulong Marcos? Ano ang iba pang
dapat niyang ginawa? Sumulat ng isa o dalawang talata.

Kung ako si Pangulong Aquino,______________________________________


____________________________________________________
____________________________________________________
____________________________________________________
PANGHULING PAGSUSULIT:

1. Ang Gobernador Heneral na naniniwala sa liberalismo at nagpamalas ng


mahusay na pakikitungo sa mga Pilipino ay si:
A. Narciso Claveria C. Carlos Ma. dela Torre
B. Izquierdo D. William Draper

2. Ang gumamit ng sagisag na Taga-ilog:


A. Dominador Gomez C. Mariano Ponce
B. Antonio Luna D. Jose Ma. Panganiban

3. Sino ang naging pinuno ng pag-aalsa sa Pampanga?


A. Francisco Maniago C. Andres Malong
B. Pedro Ladia D. Felipe Catabay

4. Ang sagisag na ginamit ni Mariano Ponce:


A. Taga-ilog C. Plaridel
B. Jomapa D. Tikbalang

5. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pag-aalsa maliban sa:


A. pagmamalupit sa mga katutubo
B. di pantay na pagtingin sa mga Pilipinong Pari
C. pang-aagaw ng mga lupain sa mga magsasaka
D. pagpapaalis sa hari ng Espanya

6. Ang pinunong tinanggihan na maging isang pari at nagtatag ng isang


kapatirang panrelihiyon na tinawag na Confradia de San Jose:
A. Hermano Pule C. Palaris
B. Diego Silang D. Lakandula

7. Ang dahilan ng pag-aalsa ay dahil sa monopolyo ng pamahalaan sa


paggawa ng basi:
A. Diego Silang C. Gabriela
B. Francisco Dagohoy D. Pedro Mateo
8. Ang samahang itinatag ni Jose Rizal upang magkaisa ang mga Pilipino:
A. Kilusang Propaganda C. Katipunan
B. La Liga Filipina D. Mason

9. Ang katawagan o sagisag na ginamit ni Dr. Jose Rizal:


A. Plaridel C. Jomapa
B. Taga-ilog D. Laong-Laan

10. Ang sumulat ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo at siya


nating pambansang bayani:
A. Marcelo H. del Pilar C. Graciano Lopez-Jaena
B. Jose Rizal D. Antonio Luna

11. Ang susunod ay mga hangarin ng mga repormista o kilusang


propaganda maliban sa isa:
A. Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang Pilipinas.
B. Pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pamamahayag,
pagpupulong at pagharap sa mga karaingan sa pamahalaan.
C. Itaguyod at palaganapin ang himagsikan.
D. Ilantad ang mga di kanais-nais na gawain ng mga prayle.

12. Ano ang pinakamahalagang salik na nagpausbong sa damdaming


nasyonalismo?
A. Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaidigang kalakalan.
B. Pagsibol ng kaisipang liberal ng Pilipinas.
C. Pagpatay sa tatlong paring martir o GOMBURZA.
D. Pangingibang-bansa ng mga mahistrado.

13. Ang diyaryong itinatag ng Kilusang Propaganda:


A. La Independiente
B. Manila Bulletin
C. La Solidaridad
D. La Liga Filipina

14. Kilusang itinaguyod ng mga paring Pilipino upang ipagtanggol ang


kanilang karapatan:
A. Liberalisasyon
B. Kristiyanismo
C. Pilipinisasyon
D. Sebularisasyon

15. Ang mga Pilipinong maykaya at nakapag-aral na siyang bumuo ng


panggitnang uri ng lipunan o middle class noong panahon ng Kastila:
A. Ilustrado C. Sekular
B. Propagandista D. Indio

16. Ang Gobernador Heneral na nagpatibay sa Gumburza:


A. Carlos Ma. dela Torre C. Polavieja
B. Narciso Claveria D. Izquierdo

17. Naging adhikain ng mga Pilipinong ngunit di pinahintulutan ng mga


Kastila:
A. Lubusang paglaya sa mga Kastila C. Makapag-aral
B. Representasyon sa Cortes D. Makapunta sa Espnaya

18. Mga kalayaang ninais makamit ng mga Pilipino ngunit di pinahintulitan


ng mga Kastila:
A. Matutong bumasa at sumulat
B. Magsuot ng damit ng Europa
C. Mamahala sa sariling bansa
D. Maging Katoliko

19. Ano ang ikinaiba ni Dr. Jose Rizal sa mga Pilipinong propagandista?
A. Ninais niyang bumalik sa sariling bansa
B. Ninais niyang sa Espanya manirahan habambuhay
C. Ninais niyang magsulat
D. Ninais niyang magkaroon ng pagbabago sa Pilipinas

20. Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay


ang kilusang propaganda?
A. Kakulangan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa Pagsusulong ng reporma.
B. Kakulangan ng mga lider.
C. Kakapusan sa katalinuhan at kahusayan sa pagsulat.
D. Katamaran ng mga Pilipino.

You might also like