You are on page 1of 6

 Isang magandang araw sa inyong lahat, ako’y nalulugod na humarap at iulat sa inyo ang paksang aking

napili. Pero bago ang lahat, magkaroon muna tayo ng isang laro.

 Palaro: Hulaan ang nasa kahon. ( Kinakailangan ninyong hulaan ang nasa loob ng kahon, ngunit tandan

ang mga patakaran sa larong ito, isang salita lamang ang kailangang sasabihin ng bawat isa, at ito ay

sasagutin ko lamang ng OO o HINDI. Ang mga salitang ibinigay ninyo ang mga magiging clue para

malaman ninyo kung ano nga ba ang nasa loob ng kahon.

 Panimulang bahagi Slide 4:

o Pamagat- sa pagdaan ng ating pamagat sa dekonstraksiyon, tumutukoy ito

sa kung may gamit pa ba ang pambansang wika sa panahon ng

globalisasyon? SA TINGIN NINYO? MERON PA NGA BA?

 : MAY-AKDA:

o Sumulat ng Historical Fiction- (Secret of the 18 mansions) -patungkol sa

contemporary Philippine & Chinese history at may pagka-aktibista ang

dating nito.

o Nanirahan sa China noong panahon ng Martial Law at bumalik noong

panahon ng People Power Revolution.

o Kinilala sa Asiaweek Short Story Competition

o Gawad CCP

o Don Carlos Palanca Memorial Award

o UP CWC National Fellow for Translations

 WIKA: Ano ba ang pagkakatanda ninyo sa naging kasaysayan ng wikang

Filipino bago ito kilalanin ngayon pambansang wika ng Pilipinas?

-Sinaunang Tagalog - Impluwensiya ng mga Tsino, Arabe at

Sanskrit - Panahon ng Kastila ( Batay kay Padre Pedro Chirino nakita nya sa

tagalog ang 4 na katangian ng pinakadakilang wika sa daigdig (HIWAGA AT

HIRAP NG EBREO, NATATANGI NG SALITA LALO SA PANGNGALANG

PANTANGI NG GREYEGO, PAGIGING BUO NG KAHULUGAN AT

ELEGENTE NG LATIN, SIBILISADO AT MAPITAGAN NG ESPANYOL.

Batay ito sa mga aklat na naglalahad ng kasaysayan ng wikang Filipino at sa


isang artikulo rin na nasulat ni Dr. Miclat na may pamagat na Ang Kalagayan

ng Filipino sa Panahon ngayon.

- SWP Tagalog ang magiging wikang pambansa ( Kautusang

tagapagpaganap blg. 134, 1937

- Pilipino- (Kautusang Pangkagawaran blg. 7, 1959 Jose Romero)

- Filipino (Kautusang Pangkagawaran Blg. 22, s. 1987)

 GLOBALISASYON Ano ba para sayo ang konsepto ng Globalisasyon?

- Sa pagbabahagi ng konsepto ni Dr. Miclat sa Gloalisasyon ito ay…

screen

- Dahil dito, naglahad ng iba’t ibang pangyayari o kaganapan si Dr.

Mario na ibabahagi ko sa inyo ngayon.

- Textbook: napansin niya sa isang science textbook na kanyang ineedit halimbawa ay sa chapter ng

elektrisidad. Itinampok sa bukana ng aklat ang mga baba- Huwag basta basta itusok ang socket, huwag

magpapalit ng bombilya, huwag hahawakan ang kawad nang basa ang kamay at marami pang huwag.

Imbis na makuha ang ideya o pagtuklas sa kung ano ang elektrisidad (interes) ay siyang nauna ng

matanim sa isip ng mga mag-aaral takot.

- Gasolinahan: noong hayskul siya may isang entrepreneur ang magbubukas ng gasolinahan sa kanilang

kanto, ibinalita ito ng kanyang tita, ikinatuwa ito ng kanyag inang progresibo ngunit ang sabi ng

kanyang tiya “ Natutuwa ka? Paano kung sumabog yan? Edi damay tayong lahat?

- Nuclear Powe lab. Sa UP 1950: “kung ano-anong halimaw ang ipinasok sa eksena. Ibinigay na

konsepto sa atin ay ang tungkol sa pagsabog na nangyari sa Hiroshima at Nagasaki hindi ang tungkol sa

malinis at murang pagkukuhanan ng enerhiya. Kaya ang siste bawat bansang nakapaligid sa atin ay

nakikinabang sa nukleyar tulad ng TAIWAN, HONGKONG, TSINA,JAPAN.

- Konstitusyon: nagkakaroon ng pagpaplano sa konstitusyon natin para maging episyente ang probisyon

ng saligang batas lalo na sa pagpapaunlad ng ekonomiya para di tayo mapag-iwanan, ngunit puro

halimaw nanaman ang ipinasok sa isip ng mga mamamayan.

Ito yung mga ilang patunay ni Dr. Miclat na iba ang konsepto na naipapasok sa isipan ng mga Pilipino

patungkol sa globalisasyon. Tila ba nagkakaroon tayo ng takot na sumubok, na sumugal o sumabay sa

kahingian ng mundo.
Baka po nalilito kayo kung bakit tila patungkol ata sa ekonomiya o politika, itong ibinahagi nya dahil sa

pagiging guro po nya ng multidisiplinaryong Asian at Phil. Studies inuugnay nila di lang sa wika o

panitikan ang kanilang mga areas of studies kundi maging sa ekonomiya, politika,kultura, lipunan din

para maging holistiko ang pagkakaunawa dito.

At ibinahagi rin ni Dr. Miclat sa tekstong ito ang pagtira nila ng kanyang pamilya sa China 1971-1986.

Muli silang bumalik daw sa China at napansin ng kanyang anak ang modernong imprastraktura ng

China at naikompara pa nito ang pagiging moderno ng mga lungsod ng China kaysa sa mga lugar sa US.

- Habang ang pamilya niya ay namamasyal, siya naman ay dumalo noon sa mga talakayan sa iba’t

ibang uniersidad sa CHINA, tinanong nila ang kanilang host kung ano ang sikreto ng kaunlaran nila,

ANO KAYA ANG SAGOT? SCREEN

- Agad na sumagot sa wikang Tsino, Globalisasyon! At yung sa anila…

 : Sa bahaging ito tukuyin naman natin ang 5 sangkap ng globalisasyon na naging daan sa mga Tsino

para muling makabangon sa gutom at pagdarahop.

 Unahin natin ang Liberalisasyon at Deregulasyon- sa halip na pagbibigay lamang ng direksiyon sa

gawaing pang-ekonomiya. Halimbawa noong nauso ang larong Rubic cubes na nagmula sa bansang

Czechoslovakia at naimbento ng isang professor tila nawili ang lahat sa paglalaro nito at nagkaroon ng

iba’t ibang kompetisyon sa bawat bansa. Kung wala pang plano ang gobyerno sa produksiyon nito,

walang gagawa .kapag nasama pa lamang ito sa plano ng estado sisimulan ang produksiyon at pag

naaprobahan ang badyet, taon-taon magkakaroon ng produksiyon nito sa loob ng 5 taon kahit hindi na

uso sa mga panahong iyon ang rubic cubes at mapalitan na ng iba. Anong mangyayari? Ibubudega ang

karamihan tas yung mga ilalabas ay ibebenta ng mas mababa kaysa sa gastos sa produksyon- ibigsabihin

LUGI. Sa mga piling aytem nagkakaroon ng subsidy. Saan kinukuha ito? ----Goyerno

 Kapag laging ganito ang sistema, lagi ring may imbalance- mahihirapan sa pondo ang gobyerno kasi

oversupply hindi mabawi ang pondo, isang produksyon pa lang yan, paano pa ang sa pagkain, damit,

mga pangangailangan ng tao tulad ng bigas , gasoline o kuryente. Kung laging paluwal ang gobyerno
saan kukuha ng pondo? Pwedeng sa buwis o sa mga utang panloob o panlabas- Bangkarote ang bansa-

mahihirapan lalo ang mga mamamayan.

 No, 2: Dapat ang gobyerno ay magbigay lamang ng pangkalahatang direksiyon at hindi ng

napakaespesipikong plano sa poduksiyon ng consumer goods. Ito ang tinatawag na deregulasyon at

liberasisasyon. PERO HINDI NAMAN IBIG-SABIHIN NA ITO AY GOBYERNONG WALANG

KAPLANO-PLANO.

 Free Market - #3 Halimbawa naman sa agrikultura- Naging mahirap yun para sa mga mambubukid

dahil nagbabantayan sila sa isa’t isa para di malamangan dahil nakadepende sa itrinabaho ang parte nila

sa ani, - lagi silang salat. PERO nang palayain sa kolektibong pagsasaka at hayaan sila na magtinda ng

mga produkto sa pamilihan , nagsipag ang mga magsasakang Tsino.

 Privatization- sa mga pampublikong serbisyo ano ang napapansin natin? ----- Mabagal, maraming

proseso lalo na kung patungkol sa pondo ng bansa ang magiging transaksyon. Ngayon maari itong

magresulta sa pagiging inefficient ng kahit na anong gobyernno.

 Sa pabahay, gobyerno ang nagpapatayo ng mga apartment na pinauupahan sa mamabang halaga .

Laging kulang ang pondo, di nagiging sapat para mabigyan ng pabahay ang lahat, - sama ng loob, intriga

ang inaabot tas kapag may mapalad na mapili sa paahay buong angkan ang nagsisiksikan. Kung may

privatization housing mararamdaman ng mga mataas ang kit ana makabayang duty nila ang bumili ng

sarili nilang bahay.

 Sa edukasyon- ano ang pangako ng pamahalaan sa edukasyon sa bansa noon pa man? Libreng

edukasyon mula primarya hanggang kolehiyo. – Pero kulang ang pondo iilan lang ang nakapapasok sa

paaralan, Kaya’t kinailangan ng pribadong paaralan.

 Transparency- o yung pagbubukas ng libro de kuwentas sa publiko.

 : Sa mga round o miting ng mga kasapi pinag-uusapan ang problema sa kalakalan, paggwa ng iskedyul ng

mga konsesyon ng taripa, paglilinaw sa mga alituntunin ng pag-eexport at inport. LIPAT SA slide 12 -

 : Anong pananaw mo sa panahay na ito?


 Maraming bansa ang nakikinabang sa globalisasyon- SINGAPOR, HONGKONG, TAIWAN, SOUTH

KOREA AT MALAYSIA. Pero mayroon ding mga bansa ang pumirma sa WTO ngunit hindi ipinaalam sa

mamamayan ang implikasyon nito hal. BRAZIL, ARGENTINA,COLUMBIA.

 sa pagpapalago ng mundo natin ngayon hindi na lamang globalisasyon ng ekonomiya ang

nakapagpapabago, hindi rin ang paglilipat ng pamahalaan tungo sa ekonomiyang itinakda ang pamilihan

Kinakailangan din ng mundo ngayon ang demokratisasyon at sa makatuwid marami na ang nakakikitaan ng

….

 : papel ng wika sa globalisasyon : mas binibigyang diin pa nila ang kanilang wikang pambansa (KOREA,

ISARAEL, MALAYSIA, VIETNAM)

Halimbawa sa Japan Kahit na ang mga taga Okinawa ay may ibang wika kinakailangan pa rin

nilang gamitin sa paaralan ang wikang Hapones.

Sa China- ang mga taga Shanghai sa Tsina ay may ibang wika rin pero kinakailangan nilang

magsalita ng Tsinong Mandarin sa Beijing sa lahat ng pinuprocude nilang pelikula sa Shnaghai Film

Studio.

Sa Thailand kung saan nagsisilipatan na ang mga produksyon ng sabon at shampoo na dating

Made in the Philippines , nakikita natin sa kanilang mga label na wikang Thai ang gamit, pero binibili pa

rin natin kahit di natin maintindihan ang nakasulat. Slide 16

 : LAHAT NG MGA BANSANG IYAN NANINIWALA SA PAGGAMIT AT NAGPUPURSIGI na

matuto ng pandaigdig na lingua franca pero natagpuan nila yung niche (nich) sa buong mundo gamit ang

wika nila.

 : 98% - ang dating kalihim ng DECS na si Bro. Andrew Gonzales ng De La Salle University ay naniniwala

na ang mga Pilipino ay nakauunawa ng Filipino.

8th - Ang tagalog ay pangwalo sa lahat ng wikanng pinakaginagamit sa Amerika ito

ay batay kay Ka Blas Ople at naririnig sa mga public address system na patalastas

ng mga produkto sa Saudi Arabia, Bahrain at Dubai.

49% Tagalog- Sa survey naman na isinagawa ng Social Weather Station 1998 sa isang Open-ended na

tanong na saang lengguwahe nila mas gustong nasusulat ang mga teksbuk sa paaralang prmarya.

31%- Tagalog English tas 20% English

Gasolinahan. Kung titignan natin ang Filipinas ay gitnang gitna sa mundo. Pinaka kanto. Tanong sa

slide.
: Panahon ng KAstila - ang mga produktong galing Asya ay tinitipon sa Maynila at dinadala sa

Acapulco, Mexico at tska ikakalat sa Amerika at Europa. Yumaman ang Espanya sa 250 taon dahil sa

Galleon Trade. ----- rebulsyon

Panahon ng Amerikano : Iniyabang ng noong pangulo na si McKinley na ang lahat ng linya ng

nabigasyon ay nagtatagpo tagpo sa Piliinas. Batay pa nga sa kanya KUNG SINO ANG

MAKAKONTROL SA PILIPINAS AY SIYANG MAKAKAKONTROL SA BUONG MUNDO. dahil

sa estratehikong lokasyon ng ating bansa.

You might also like