You are on page 1of 3

Mga isyu sa South China Sea, pinag-usapan sa bilateral talks ng China at Pilipinas

Sa unang araw ng kanilang bilateral talks, ibinahagi ng mga kinatawan ng Pilipinas at China ang kanilang mga
karanasan sa pinag-aagawang teritoryo sa South China Sea.

Pinangunahan ni Philippine Ambassador to China Jose Santiago Sta. Romana ang delegasyon ng Pilipinas, habang
si Chinese Vice minister for Foreign Affairs Liu Zhenmin naman sa China.

Inilarawan ng magkabilang kampo ang kanilang Bilateral Consultative Meeting sa Guizhou bilang “frank, in-depth and
friendly.”

Sa kanilang joint statement, sinabi nila na muling ipinahayag ng pagkabilang partido ang kanilang kagustuhan na
makahanap ng paraan upang mas mapatatag ang “trust and confidence” sa isa’t isa.

Nagpalitan anila sila ng mga pananaw sa iba’t ibang mga isyu ng Pilipinas at China na may kaugnayan sa South
China Sea.

Nagkasundo rin sila na pag-uusapan pa ito nang mas masinsinan, upang malaman kung ano ang mga bagay na
maari nilang gawin upang maresolbahan ang mga ito.

Bukod dito, napag-usapan din ang “next-step practical maritime cooperation” ng dalawang bansa at ang posibilidad ng
pagtatayo ng mga rechincal working groups.

Tindig ni Duterte sa West Philippine Sea noong SONA pinuri sa pahayagang Tsino

MANILA, Philippines — Pinalakpakan sa Chinese media ang ginawang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong
Lunes, partikular ang desisyon niyang hayaang mangisda ang mga Tsino sa loob ng exclusive economic zone ng
bansa (West Philippine Sea).

Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address, ipinaliwanag kasi ni Duterte kung bakit niya ginawa ito.

"Kaya sinabi ko, 'Let us do this mutually.' Of course, when Xi [Jinping] says, 'I will fish,' who can prevent him?" sabi ng
presidente.

"When I said, 'I allowed [them to fish],' that was on the premise that I own the property. Pero hindi tayo in control of the
property. Ayan magsabi sila [and mga Tsino], 'Of course, I will allow you.' Kaya pinabalik."

Nangyari raw ang pag-uusap sa pagitan nila ni Xi taong 2016, na una nang binansagang unconstitutional ng mga
kritiko.

Bilang tugon, pinapurihan si Digong ng kolumnistang si Li Qingqing sa "Global Times," isang tabloid na ginagabayan
ng People's Daily ng Chinese government.

Aniya, kahanga-hanga ang mapayapang asta ng presidente sa kabila ng pagtutol dito ng ilang Pilipino at mga
"instigador" mula sa Estados Unidos.

"Why did Duterte persist in acting in a peaceful, cooperative and restrained...? Because Duterte has realized that
putting disputes aside and seeking cooperation with China brings most benefits to his country," wika ni Li.

(Bakit mapayapa, nakikipagtulungan at mahinahon si Duterte? Dahil alam niyang makikinabang ang kanyang bansa
sa pag-iisang-tabi sa alitan at pakikipagtulungan sa Tsina.)

Pinahuhupa raw ng "cooperative development" sa pagitan ng dalawang bansa ang tensyon sa rehiyon na siyang
maghahawan ng panibagong landas sa pakikipagtulungan.

Dagdag pa ni Li, ino-"over-interpret" lang daw ng ibang bansa ang pagkilos ng Tsina sa South China Sea kung kaya't
binabansagan silang "bully."

"[I]f these countries really hope for peace and stability in the South China Sea, they should focus on joint development
rather than hyping the South China Sea issue and badmouthing China," paliwanag pa sa dyaryo.
(Kung gusto talaga ng mga bansang ito na maging mapayapa ang South China Sea, dapat ay pagtuunan na lang nila
ng pansin ang join development kaysa siraan ang Tsina at patiningin ang agawan ng teritoryo sa South China Sea.)

Ang WPS ay matatagpuan din sa loob ng South China Sea.

Matatandaang kinatigan ng Permanent Court of Arbitration ang sovereign rights ng Pilipinas sa EEZ nito sa WPS
noong 2016, kontra sa nine-dash line claim ng Tsina.

'Joint development pabor sa Tsina, Pilipinas'

Ngunit ano nga ba ang tinutukoy ni Li na joint development sa pagitan ng dalawang bansa?

Taong 2018 nang maglabas ng joint statement ang Pilipinas at Tsina kung saan sinabi nilang pipigilan nilang pag-
initan ang isa't isa sa loob ng nasabing katubigan.

"Both sides agree to exercise self-restraint in the conduct of activities in the South China Sea that
would complicate or escalate disputes and affect peace and stability."

Pumirma rin sa 29 kasunduan sina Duterte at Xi, kabilang ang memorandum of understanding sa joint oil and gas
development sa WPS.

"For the Philippines, a country that used to rely heavily on oil imports, such a joint development with China in the
South China Sea not only eases Manila's pressure of imports, but also reduces its over-reliance on the international
energy market," sabi pa ni Li.

(Para sa Pilipinas, na bansang umaasa noon sa pag-aangkat ng langis, hindi lang nito maiibsan ang pressure na
mag-import, ngunit mababawasan din nito ang sobrang pag-asa sa pandaigdigang merkado.)

Ang mga ganitong kasunduan daw ay pakikinabangan nang husto ng Pilipinas sa paglaon ng panahon.

"Instead of struggling with disputes, doesn't such win-win cooperation bring greater advantage to both sides?"

(Kaysa magpakahirap sa pakikipag-away, hindi ba't panalo ang magkabilang panig sa ganitong pakikipag-isa?)

Kung totoo raw na hindi marunong magpigil ang Tsina, sana raw ay matagal na nitong ginamit ang lakas-militar nito
upang agawin ang mga islang okupado ng ibang bansa.

Sa ngayon, hawak ng Tsina ang "big three" islands sa Spratly Islands na inaangkin ng Pilipinas, kabilang dito ang
Fiery Cross Reef, Mischief Reef at Subi Reef.

Una nang naiulat na nilagyan na ito ng missile systems ng Tsina.

AGAWAN SA TERITORYO SA WEST PHILIPPINE SEA, TINALAKAY SA 2017 UP ALUMNI COUNCIL MEETING
Naging sentro ng talakayan ang usapin tungkol sa West Philippine Sea sa ginanap na 2017 University of the
Philippines (UP) Alumni Council Meeting.

Bukod sa pagtatalakay ng mahahalagang isyu ng lipunan, layunin din ng taunang pagpupulong ang pagbuo at
pagpasa ng mga resolusyong ihahain ng UP alumni sa Board of Regents, Kongreso, Senado, mga ahensiya ng
gobyerno, at mga pribadong grupo.

Naging pangunahing tagapagsalita sa naturang pagpupulong ang isa sa 2017 Most Distinguished Alumni awardees
na si Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Sinimulan ni Carpio ang kaniyang lektura sa pagbabahagi ng kasaysayan ng agawan sa naturang teritoryo.
Nagsimula aniya ang agawan sa teritoryo nang ilabas ng Tsina ang nine-dash line at ten-dash line na mariing
tinutulan ng iba’t ibang bansa sa Asya gaya ng Brunei, Indonesia, Malaysia, Vietnam, at Pilipinas.

Paliwanag ni Carpio, nagsimula ang unti-unting pagsakop ng Tsina sa pinag-aagawang teritoryo noong taong 1932,
kung kailan inangkin nito ang mga isla ng Paracel. Pagpapalawak ng puwersa militar at ekonomiya ang itinuturong
dahilan ni Carpio kung bakit interesado ang Tsina sa West Philippine Sea dahil sagana aniya ito sa yamang-dagat,
langis, petrolyo, at mineral.

Iginiit ni Carpio na iba ang pag-unawa ng Tsina sa ginagawang pagtutol ng Pilipinas. Aniya, “China is saying that the
dispute in the South China Sea is a dispute between China and the US, and the US is trying to contain the peaceful
and economic cries of China. That’s wrong. Our dispute with China is simple – China wants to grab all the waters here
including all the fish, oil, gas, and mineral resources.”

Inilatag din ni Carpio sa naturang pagpupulong ang ilang mga lumang mapang makapagpapatunay na ang Pilipinas
ang bansang may soberanya sa West Philippine Sea. Isa sa mga mapang ito ang 1734 Murillo Velarde Map, na
siyang kauna-unahang opisyal na mapa ng Pilipinas na gawa ng isang Kastilang pari.

Sa kabila ng matitibay na ebidensya ng Pilipinas, iginiit ni Carpio na hindi pakikipaggiyera laban sa Tsina ang
solusyon sa isyu ng agawan sa nasabing teritoryo. Paliwanag ni Carpio, “The President has already said either talk
with China or go to war with China. This is a false option… First, the Philippine Constitution prohibits war as an
instrument of national policy… You cannot use war to conduct foreign policy to claim any territory. Second, the UN
charters outlawed war as a means of settling disputes between states… There is a reason why we went to an
UNCLOS tribunal – because war is not an option.”

Iminungkahi rin ng mahistrado ang pagsasagawa ng ilang mga hakbang upang mapagtibay ang naging hatol ng
arbitration court habang nakikipag-usap sa Tsina. Ayon kay Carpio, maaaring makipagnegosasyon sa iba pang mga
bansa sa Asya na nagpahayag din ng kanilang pag-angkin sa pinag-aagawang teritoryo.

“We can also come to an agreement with Vietnam, Malaysia, Indonesia, and Brunei to sign an agreement that we all
agree that there is no island or reef or atoll in the Spratlys that can generate an EEZ [Exclusive Economic Zone]. That
will leave China as the only state that is claiming an EEZ out of those islands in the Spratlys. It will be isolated,”
pagmumungkahi ni Carpio.

Tinalakay rin ni Carpio ang isang panukalang batay kay American professor Dr. John McMamus. “Parties claiming the
Spratlys should declare the Spratlys as a marine protected area. Suspend their territorial claims for the next hundred
years, convert all those military facilities to… marine research centers and eco-tourism centers… Allow only coast
guard vessels, no military vessels… Because without the Spratlys, you cannot get fish in the South China Sea,”
pahayag ni Carpio.

Nanindigan naman ang Senior Associate Justice na hindi maaaring isuko ng Pilipinas ang laban para sa West
Philippine Sea, lalo pa’t pinanigan na ito ng arbitration court sa The Hague, Netherlands noong 2016.

Makatutulong din aniya kung magiging maalam ang bawat Filipino tungkol sa isyu ng West Philippine Sea upang mas
mapaigting ng Pilipinas ang soberanya nito sa nasabing teritoryo.

Idinaos sa pangunguna ng UP Alumni Association Council ang naging pagpupulong nitong Agosto 18, 2017 sa Ang
Bahay ng Alumni, UP Diliman.

You might also like