You are on page 1of 6

Nabawasan, bilang ng mga nagugutom?

Ayon sa inilabas na survey ng Social Weather Stations (SWS), bumaba umano ang bilang ng mga
nagugutom sa third quarter ng 2023. Ito ay dahil umano sa epektibong pagtugon ng pamahalaan sa
dinaranas na kahirapan. Noong Setyembre ay bumaba ng 9.8 percent ang mga nakaranas ng gutom. Mas
mababa umano ito sa naitalang 10.4 percent noong Hunyo.

Pero kung titingnang mabuti ang ginawang survey, ang pagbaba ng bilang ng mga nagugutom ay naitala
sa Visayas at “Balance Luzon”. Sa Metro Manila at Mindanao ay nananatiling mataas ang bilang ng mga
nagugutom o mga walang makain.

Marami ang walang hanapbuhay kaya nagkakaroon ng kagutuman. At maaaring tama na mataas ang
bilang ng mga nakararanas ng gutom sa Metro Manila at maski sa Mindanao dahil nga sa kawalan ng
trabaho.

Noong nakaraang linggo ay bumisita muli si President Ferdinand Marcos Jr sa United States—ikalawang
beses niyang pagbisita—una ay noong Mayo 5, 2023. Sa bawat pagbisita niya sa mga bansa, lalo sa U.S.
lagi niyang sinasabi na nakakuha siya ng investment package. Iyon daw ang maganda niyang pasalubong
sa mamamayan. Hindi lamang sa U.S. kundi sa iba pang bansa—Saudi Arabia, Japan, Korea at iba pa na
nagnanais magnegosyo sa Pilipinas.

Marami ang nakararanas ng gutom at kung hindi magkakaroon ng pagkakakitaan ang nakararaming
Pilipino, nahaharap sa matinding pagsubok ang bansa. Nararapat na makalikha nang maraming trabaho
at magagawa iyan kung ang pagtutuunan ng pamahalaan ay ang pagpapaunlad sa agrikultura na dating
hinawakan ng Presidente.

Hayaan ang ICC

Nag-file si Manila Representative Bienvenido Abante Jr. ng House Resolution No. 1477 na humihikayat sa
government agencies na makipagtulungan kay International Criminal Court (ICC) Prosecutor Karim Khan
sa pag-iimbestiga sa war on drugs ng Duterte administration. Sabi naman ng Department of Justice
(DOJ), pag-aaralan itong mabuti dahil hindi na miyembro ng ICC ang Pilipinas. Bumitaw ang Pilipinas sa
ICC noong Marso 17, 2019.

Nakapagtataka lang na laging sinasabi ng mga nagpatupad ng war on drugs ng Duterte administration na
walang nangyaring pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao. Kung walang paglabag, bakit tutol na
magsagawa ng imbestigasyon ang ICC.

Sabi ni Marcos sa panayam ng Center for Strategic & International Studies kaugnay sa human rights si-
tuation ng Pilipinas sinabi niya na nagkaroon ng pag-abuso sa pagpapatupad ng war on drugs. Masyado
raw umanong nag-pokus sa enforcement ang nakaraang administrasyon. Ito umano ang dahilan kaya
umabuso ang mga elemento ng pamahalaan sa pagpapatupad nito na naglagay naman sa sitwasyon na
nalabag ang karapatang pantao. Ayon pa kay Marcos, maraming police officials ang nasangkot sa illegal
na droga kaya naman hiningi niya ang courtesy resignation ng mga ito.

Sa war on drugs ng Duterte administration na nagsimula noong 2016, umabot sa 6,252 ang namatay. Ang
masaklap, ang mga napatay ay napatunayang inosente sa drug charges. Kabilang sa mga napatay ng pulis
sa isinagawang drug operation ay mga inosenteng kabataan. Kabilang dito sina Kian delos Santos, Carl
Angelo Arnaiz at Reynaldo “Kulot” de Guzman. Si Kian ay sapilitang inaresto ng mga pulis sa Caloocan
City at saka walang awang binaril habang nakaluhod at nagmamakaawa. Si Arnaiz ay tinaniman ng droga
saka pinatay. Si Kulot ay sinunog at natagpuan ang bangkay sa Nueva Ecija.

Kung naniniwala ang kasalukuyang administrasyon na nagkaroon ng pag-aabuso ang Duterte


administration sa pagpapatupad ng war on drugs, anong dahilan at tutol silang mag-imbestiga ang ICC.
Hayaang makapag-imbestiga para mahukay ang katotohanan at maisilbi ang hustisya sa mga
napagkamalan at naabuso ang karapatan.
Malayang nakagagalaw ang mga criminal

Pangamba ang hatid ng mga nangyaya¬ring krimen ngayon. Kahit saang lugar ay nangya¬yari. May
pinapatay sa loob mismo ng kanilang bahay, tindahan, tanggapan, at sa sasakyan partikular sa
pampasaherong bus sa harap nang maraming tao. Saang lugar pa ba ligtas ngayon ang mamamayan

dalawang pasahero ng bus habang naglalakbay sa Carranglan, Nueva Ecija noong Miyerkules ng tanghali.
Banayad na tumatakbo ang Victory Liner bus sa bulu¬bunduking lugar sa Bgy. Minuli, Carranglan, tumayo
ang dalawang lalaking pasahero. Lumakad palapit sa dakong unahan ng bus. Pagtapat sa unahang upuan
sa dakong kanan, bumunot ng baril ang isa sa mga lalaki at pinagbabaril ang babae at lalaki na nakaupo
na pawang tinamaan sa ulo.

Pina¬sok si Jumalon ng dalawang lalaki sa kanyang opi¬sina sa loob ng kanyang bahay at pinagbabaril
habang nagla-live broadcast. Patay si Jumalon.

Kahapon, isang barangay kagawad sa Davao del Norte ang pinagbabaril sa loob mismo ng kanyang
tanggapan. Mabilis na tumakas ang mga suspect. Noong nakaraang linggo isa pang barangay kagawad sa
Pasay ang pinagbabaril at napatay.

Patuloy na pagdami ng Chinese vessels sa WPS

Patuloy ang pagdami ng Chinese maritime militia vessels sa West Philippine Sea (WPS) na sa huling
report ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ay nasa 40 hanggang 45. Ayon sa AFP, noong nakaraang
buwan ay 10 hanggang 15 lamang nama¬mataang barko ng China pero ngayon ay nagmistulang mga
pukyutan na sila na nagkukulumpon partikular sa Rozul Reef at Pag-asa Island.

Sabi ni Western Command (WesCom) chief Vice Adm. Alberto Carlos, walang indikasyon na aalis ang mga
nagkalipunpon na mga Chinese militia vessels at dumarami pa nga raw ang mga ito. Balak umano nilang
maghain ng diplomatic protest sapagkat ang lugar na kinaroroonan ng militia vessels ay teritoryo ng
Pilipinas. Nakikipag-ugnayan umano sila sa National Task Force on West Philippine Sea para sa paghahain
ng protesta sa China.

Ang senaryong ito ay noon pa ginagawa ng China¬. Noong Marso 7, 2021, umabot sa 220 barko ang
nagkalipunpon sa Julian Felipe Reef. Nang maghain ng protesta ang Pilipinas, sinabi ng China na
nagtatago o sumisilong lamang ang mga barko sa reef. At sabi pa ng China, mga mangingisda¬ raw ang
laman¬ ng mga barko at hindi armado. Nag¬kakanlong umano ang mga barko ng mangi¬ngisda dahil
masama ang lagay ng panahon.

Sa ngayon, dapat maghanda ang AFP sapagkat patuloy ang pambu-bully ng China. Hindi dapat maagaw
ang pag-aari ng Pilipinas. Maghain ng protesta. Labag sa soberenya ng Pilipinas ang pagpasok ng mga
barko sa sakop ng Pilipinas.
Eliminate Violence Against Women

It’s been 30 years since the United Nations General Assembly issued the Declaration on the Elimination
of Violence Against Women. As the international day for the elimination of this type of violence is
marked today, the UN reports that violence against women and girls remains one of the most pervasive
human rights violations in the world.

The UN estimates that worldwide, 736 million women have suffered physical, psychological or sexual
violence at the hands of intimate partners or non-partners at least once in their life. “This scourge has
intensified in different settings, including the workplace and online spaces, and has been exacerbated by
post-pandemic effects, conflicts and climate change,” the UN declared as it kicks off today the UNiTE
campaign to prevent violence against women and girls. The 16-day activism culminates on Dec. 10,
International Human Rights Day.

In the Philippines, there has been some progress in protecting women against various forms of
harassment including catcalling. Republic Act 9262 – the Anti-Violence Against Women and Children Act
of 2004 – contains some of the toughest provisions against domestic violence including emotional,
psychological, physical and sexual. The victim can be a wife, ex-wife or her child, or any woman with
whom the offender has a sexual or dating relationship, or with whom he has a child.

Despite the tough provisions in the law, domestic violence continues in the country, across all income
groups. As the UN reported, the offense remains largely unreported worldwide “due to the impunity,
silence, stigma and shame surrounding it.” Even educated, financially independent Filipino women who
are fully aware of the protection provided under RA 9262 hesitate to report violence inflicted by their
husband, partner or boyfriend. There is confusion surrounding what constitutes marital rape and forced
sexual acts.

ICC Investigation

As Solicitor General Menardo Guevarra has lamented, probers are having a tough time finding witnesses
and material evidence to establish EJK cases. Last year, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla urged
police officers involved in the killings to come out and testify, promising them protection under the
Marcos administration. There are no takers so far

Guevarra told “The Chiefs” on OneNews that separating the legit kills from the extrajudicial is needed to
build a case for possible murder as a crime against humanity – the Rome Statute offense that the ICC is
pursuing against Rodrigo Duterte when he was mayor and then president.

The country has a law covering crimes against humanity: Republic Act 9851, the Philippine Act on Crimes
Against International Humanitarian Law, Genocide, and Other Crimes Against Humanity.

Harry Roque, Duterte’s lawyer in the first criminal case filed against him after his presidency, says those
pushing for an ICC probe can instead file a case in the Philippines for violation of RA 9851. Incidentally,
Harry says the criminal case against Duterte is proof that the country’s justice system is working.

Duterte has said he is willing to face any complaint filed against him in connection with his brutal
campaign against illegal drugs – but only in the Philippines.

What will he do if the Marcos administration decides to make the country rejoin the ICC?
Jeepney drivers hold another transport strike as Marcos fails to act on campaign promise

MANILA, Philippines – Jeepney drivers under the Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator
Nationwide (PISTON) kicked off another transport strike on Monday, November 20, to protest the
government’s December 31 deadline for them consolidate into cooperatives under the Public Utility
Vehicle Modernization Program (PUVMP).

PISTON’s three-day transport strike is a clear indication that many jeepney drivers and operators are
against consolidation, as less than 60% of traditional jeepneys have joined the PUVMP

According to government data, only 95,869 out of 170,086 jeepney units nationwide – or 56.37% – have
consolidated as of October 31, 2023 since it was strongly pushed by then-President Rodrigo Duterte in
2017 or six years ago.

The Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) insists that the program does not
intend to phase out the iconic jeepney, but aims to, at minimum, upgrade its parts to make it
environment-friendly. But PISTON isn’t convinced.

According to data from the Department of Energy and LTFRB, there are over 9 million registered vehicles
in the Philippines. Of the total, jeepneys comprise only over 250,000. Of the total jeepneys, around a
quarter operate in Metro Manila.

While jeepneys play an important role in providing services in the country, studies have found that
diesel-powered jeepneys contribute 15% of the total particulate matter emissions in Metro Manila.

Other Point of Views

The Center for Energy, Ecology and Development (CEED) earlier argued that air pollution reduction
efforts “would be negligible if modernization efforts focused on jeepneys compared to private vehicles.”

PISTON and Manibela are also campaigning against the high cost of shifting to modern jeepneys and
buses.

A traditional jeepney costs around P150,000 to P250,000. A modern e-jeepney would force drivers and
operators to cough up as much as P2.8 million, a 1,766.7% increase in cost.

The LTFRB said that a subsidy of P160,000 will be provided, but this is only 5.7% of the total cost of the
modern jeepney
KAWAWA naman ang Philippine National Police (PNP) na nasisira dahil sa kagagawan mismo ng sariling
mga miyembro. Tama ang kasabihan na walang ibang sumisira sa bakal kundi ang sariling “kalawang”.
Imagine, marami nang naging PNP chief at lahat sila tinangkang kaskasin ang kalawang sa
pinamumunuang organisasyon pero nabigo sila. May natatanggal silang kalawang pero kapiranggot lang
at makaraan lang ang kaunting panahon, muli na namang nabuo ang kalawang at mas matindi pa kaysa
dati.

Pinakabagong kontrobersiya ngayon sa PNP ay ang police colonel na nagpaputok at nanutok ng baril sa
isang restobar sa Quezon City. Nakilala ang opisyal na si Lt. Col. Mark Julio Abong, dating hepe ng QCPD-
CIDU at ngayon ay nakatalaga sa Legal Service Department ng PNP headquarters.

Ayon sa mga witness, dumating sa bar si Abong na lasing kasama ang ilang kaibigan. Kinuwelyuhan at
sinaktan ang isang waiter. Hinahanap umano ni Abong ang store manager ng bar. Nang hindi makita
nakipagtalo na si Abong sa iba pang customer hanggang nagpaputok na umano ito ng baril. Tinutukan
din umano ng baril ni Abong ang iba pang tao sa bar. Dumating ang mga tauhan ng QCPD-CIDU sa bar at
dinakip si Abong. Nakumpiska rito ang Glock 40 pistol na may 9 na bala.

Kinasuhan siya ng alarm and scandal, paglabag sa Omnibus Election Code, physical injuries, at slander. Si
Abong ay una nang nasangkot sa “hit and run” sa isang traysikel kung saan namatay ang drayber.
Kinasuhan sa QC-PLEB si Abong.

Nakapagtataka kung bakit nakatalaga pa rin si Abong sa Legal Service Department ng PNP gayung may
kaso siya. May pagkakamali ba rito ang PNP? At ano ang masasabi rito ng DILG? Dapat bang magpatuloy
sa serbisyo ang pulis na may kaso?

Ipinag-utos naman ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa QCPD na magsagawa ng malaliman at mabilis
na imbestigasyon sa pananakit at pagpapaputok ng baril ni Abong. Ayon kay Belmonte, kinokondena niya
ang anumang insidente ng karahasan lalo na ang pagmamalabis sa tungkulin ng isang lingkod-bayan.
Wala umanong puwang ang ganitong pag-uugali sa lungsod na kanyang pinamumunuan.

Hindi lamang si Abong ang mistulang “kalawang” na sumisira sa PNP kundi napakarami pa. Purgang-
purga na ang mamamayan sa ginagawang kabuktutan ng mga alagad ng batas. Napakarami na nilang
atraso sa mamamayan.

Sa susunod na buwan, magtatalaga na ng bagong PNP chief. Harinawang ang maitalaga ay may
kakayahang supilin ang ginagawang kasamaan ng mga alagad ng batas. Puksain ang “kalawang” sa PNP!
EDITORYAL — ‘Scalawags’ sa PNP
patuloy sa pagdami
Nito lamang Miyerkules, kinasuhan ang ilang pulis nangikil sa 13 preso.
Bukod sa pangingikil, inakusahan din ng illegal na pag-aresto at detention ang
pitong pulis. Kasama sa kinasuhan ang station commander na si Maj. Marvin
Aquino at mga pulis na sina Master Sgt. Romulo Meligrito. Staff Sgt Nikko
Dave Marquez, Staff Sgt. Mark Steven Sison, Cpl Richard R Gozum, Cpl
Diosdado Buenconsejo Villamor Jr., at Cpl Jaypee Mangilit.

Sa report ni IMEG director Brig. Gen. Warren De Leon kay PNP chief Gen.
Benjamin Acorda, Jr., nakatanggap sila ng impormasyon na may mga
inaaresto at ikinukulong sa Police Station 2 at hinihingan ng pera ng mga
pulis. Wala ring kasong isinampa. Hinihingan umano ng mga pulis ng P30,000
ang mga naaresto kapalit ng hindi pagsasampa ng kasong may kinalaman sa
droga. Dinala na sa Camp Crame ang mga pulis para sampahan ng kaso.

Patuloy sa paggawa ng labag ang mga pulis. Nang umupo si General Acorda
noong nakaraang Abril, nangako siya na magsasagawa ng internal cleansing
sa PNP. Binalaan niya ang mga “scalawags” lalo ang mga nasasangkot sa
illegal drugs na mananagot sa batas.

Hindi lamang si Abong ang mistulang “kalawang” na sumisira sa PNP kundi


napakarami pa. Pinakabagong kontrobersiya ngayon sa PNP ay ang police
colonel na nagpaputok at nanutok ng baril sa isang restobar sa Quezon City.
Nakilala ang opisyal na si Lt. Col. Mark Julio Abong, dating hepe ng QCPD-
CIDU at ngayon ay nakatalaga sa Legal Service Department ng PNP
headquarters.

Ayon sa mga witness, dumating sa bar si Abong na lasing kasama ang ilang
kaibigan. Kinuwelyuhan at sinaktan ang isang waiter. Hinahanap umano ni
Abong ang store manager ng bar. Nang hindi makita nakipagtalo na si Abong
sa iba pang customer hanggang nagpaputok na umano ito ng baril. Tinutukan
din umano ng baril ni Abong ang iba pang tao sa bar. Dumating ang mga
tauhan ng QCPD-CIDU sa bar at dinakip si Abong. Nakumpiska rito ang Glock
40 pistol na may 9 na bala.

You might also like