You are on page 1of 7

Baitang 1

Panuto: Tukuyin ang pangalan ng letra at itunog ang mga ito.


1. Tt 15. Jj
2. Gg 16. Oo
3. Hh 17. Bb
4. Ss 18. Yy
5. Dd 19. Rr
6. Qq 20. Ff
7. Ll 21. NGng
8. Ññ 22. Aa
9. Zz 23. Xx
10. Ww 24. Mm
11. Nn 25. Vv
12. Cc 26. Pp
13. Ii 27. Kk
14. Uu 28. Ee
Baitang 2
Panuto: Basahin ang sumusunod na salita.
1. dok-tor
2. tren
3. bra-so
4. med-yas
5. kra-yo-la

Panuto: Basahin ang sumusunod na salita at gamitin sa


sariling pangungusap.
6. sa-la-min
7. pa-a-ra-lan
8. ga-tas
9. ha-la-man
10. man-sa-nas
Baitang 3
Bahaghari

Berde, dilaw, asul at pula,


Mga kulay na madalas makita.
Ipikit man ang aking mga mata,
Bahaghari pa rin ang nakikita!
Malawak na kalangitan,
Ito’y aking kukulayan,
Ating mundo man ay ulanin
Bahaghari ay lilitaw rin.

1. Ayon sa tula, ano-anong mga kulay ang madalas nating makita?


a. berde, dilaw, asul at itim
b. berde, dilaw, asul at pula
c. berde, dilaw, asul at puti
d. berde, dilaw, asul at kahel
2. Ano ang kaniyang nakikita kapag ipinipikit ang kaniyang mga mata?
a. bahaghari
b. kadiliman
c. kalawakan
d. makukulay
3. Ano ang nais gawin ng manunulat sa malawak na kalangitan?
a. aabutin
b. hahawakan
c. kukulayan
d. titingnan
4. Saan lumilitaw ang bahaghari?
a. sa kalangitan
b. sa kalawakan
c. sa kalupaan
d. sa ilalim ng karagatan
5. Tukuyin ang kahulugan ng salitang ulanin.
a. kasiyahan
b. pagsubok
c. papawiin
d. pumapatak
6. Sa tuwing lilitaw ang bahaghari, anong mensahe ang hatid nito?
a. kahirapan
b. kalungkutan
c. pag-asa
d. pag-unlad
7. Bigyang-kahulugan ang mga linyang ito:
Ating mundo man ay ulanin
Bahaghari ay lilitaw rin.
a. maging maalaga sa kalikasan
b. huwag malungkot kung umuulan
c. huwag mawalan ng pag-asa kung may problema
d. maganda ang kapaligiran natin kung may bahaghari
8. Alin sa sumusunod ang damdaming inilarawan sa tula?
a. kawalan ng pag-asa
b. kalungkutan kung umuulan
c. masaya dulot ng makulay na kalangitan
d. maging matatag sa panahon ng problema
9. Bilang isang batang tulad mo, ano ang mararamdaman mo kung makakita ka ng
bahaghari sa langit?
a. kaba
b. lungkot
c. saya
d. takot
10. Anong mensahe ang napulot mo sa tulang binasa?
a. maging masipag sa bahay
b. maging responsible sa sarili
c. huwag susuko sa mga problema
d. huwag maging mapagbigay sa kapwa
Baitang 4
Basahin ang tula at sagutin ang sumusunod na tanong.

Tahanan
Halaw sa
Obra Ko, Gabay Mo

Simula nang ako’y mabuhay


Magulang ang sa aki’y gumabay
Palagi kong isinasabuhay
Mga aral at payo nilang ibinibigay.
Biyayang maituturing na mula sa Ama
Ang magkaroon ng masayang pamilya
Salamat sa aking ama at ina
Sa lahat ng sakripisyo at pag-aaruga
Mamahalin ko ang aking magulang
Higit pa sa kaninuman
Aking susuklian, kanilang kabutihan
At di magsasawang sila ay pagsilbihan

Mga Tanong:
1. Sino ang gumabay mula ng siya ay mabuhay?
2. Bakit kailangang isabuhay ang mga aral at payo mula sa magulang?
3. Paano mo pinasasalamatan ang iyong ama at ina?
4. Bilang isang mag-aaral, Nais mo rin bang magkaroon ng masayang pamilya?
5. Anong aral ang mapupulot sa tulang binasa?
6. Ano-ano ang palaging isinasabuhay ng anak sa tula?
7. Paano mo ilalarawan ang pamilya sa tula?
8. Bilang ganti sa magulang, ano ang gagawin ng anak ayon sa tula?
9. Tukuyin ang mensahe ng tula.
10. Bilang mabuting anak, paano mo masusuklian ang pagmamahal sa iyo ng iyong
mga magulang?
Baitang 5

AMA NG WIKANG PAMBANSA


Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Ayaw niya na may masayang na
panahon dahil naniniwala siya na ang oras ay ginto. Ayon sa kanya, ang magagawa ngayon ay
hindi na dapat ipagpabukas pa.

Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya, at
matapos nito ay naging senador. Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington, United
States of America. Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya ay isang abogado. Di nagtagal,
siya ay naging pangulo ng Senado ng Pilipinas at nahalal na pangulo ng Komonwelt o ng
Malasariling Pamahalaan noon.
Si Quezon din ang nagpasimula sa pagkakaroon natin ng pambansang wika. Kung hindi
dahil sa kanya, walang isang wika na magbubuklod sa lahat ng Pilipino. Dahil dito, siya ay
tinawag na “Ama ng Wikang Pambansa.”

1. Ano-anong katangian mayroon si Manuel L. Quezon bilang lider?

2. Nagampanan ba niyang lahat ang kaniyang tungkulin? Paano?

3. Paano niya ipinakita ang pagiging isang masipag na lider?

4. Bilang isang mag-aaral, Paano mo maipakikita ang pagmamahal sa Wikang


Pambansa?

5. Bakit tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa si MLQ?

6. Isa-isahin ang mga naging gampanin sa bansa ni MLQ?

7. Tukuyin ang winika ni MLQ na “ang magagawa ngayon ay huwag ng


ipagpabukas pa.

8. Sa pangungusap na “Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan,” ano ang iba
pang kahulugan ng salitang kawal?

9. Tukuyin ang kasalungat na kahaulugan ng magbubuklod sa pahayag.

10.Kung bibigyan ka ng pagkakataon na maging Pangulo ng inyong klase, alin sa mga


katangian ni MLQ ang pipiliin mo at bakit?
Baitang 6

BUHAYIN ANG KABUNDUKAN


Ang mga kabundukan ay isa sa magagandang tanawin sa ating kapaligiran. Taglay nito
ang mga punungkahoy na nagbibigay ng ating mga pangangailangan. Makikita rito ang sari-
saring mga halaman na nakalulunas ng ibang karamdaman, mga orkidyas, mga ligaw na
bulaklak at mga hayop.
Ang mga punungkahoy at iba pang halaman ay tumutulong sa pagpigil ng erosyon o
pagguho ng lupa dulot ng ulan o baha. Nagsisilbi rin itong watershed para sa sapat na
pagdaloy ng tubig.
Subalit marami sa mga kabundukan natin ang nanganganib. Ang dating lugar na
pinamumugaran ng mga ibon at mga ligaw na bulaklak ay unti-unti nang nasisira. Dahil sa
patuloy na pagputol ng mga punungkahoy, marami na ang nagaganap na mga kalamidad tulad
ng biglaang pagbaha sa iba’t ibang pook.
Sa pangunguna at pakikipagtulungan ng Department of Environment and Natural
Resources (DENR), ang ahensya ng bansa na tumutugon sa pag-aalaga ng kapaligiran at
kalikasan, ang pagkasira ng kabundukan ay nabigyan ng solusyon. Ang reforestation o
muling pagtatanim ng puno kapalit ng mga pinutol o namatay na mga puno ay isa sa mga
programa ng DENR. Maraming tao ang natuwa dito at inaasahan nila na darating ang
panahon na manunumbalik ang kagandahan at kasaganaan ng mga kabundukan.
Mga Tanong:
1. Isa-isahin ang mga magagandang tanawin na tinukoy sa seleksyon?

2. Anong ahensya ng gobyerno ang nangangalaga sa kapaligiran at kalikasan?

3. Ano ang tawag sa muling pagtatanim ng puno kapalit ng pinutol o namatay na


puno?

4. Tukuyin ang mabubuting dulot ng watershed ng mga puno?

5. kung patuloy na mauubos ang mga puno sa kabundukan, sa iyong palagay ano-
ano ang maaaring mangyayari sa kapaligiran?

6. Ano-ano ang nakukuha sa kabundukan na magagamit sa pang araw-araw na


pangangailangan ng tao?

7. Ayon sa teksto, ano ang nagiging sanhi ng mga kalamidad ?

8. Anong damdamin ang nangingibabaw sa mga hayop sa kagubatan kapag may


mga taong dito ay pumupunta upang putulin ang mga punongkahoy?

9. Ano ang salitang kasingkahulugan ng pagguho ng lupa?

10. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pangangalaga sa kapaligiran?

You might also like