You are on page 1of 19

MGA ISYUNG

LOKAL AT NASYONAL
Mga tatalakaying isyu
1. Diskriminasyon
2. Pagtaas ng Populasyon
3. Pagtaas ng presyo ng mga bilihin
4. Nakababahalang pagtaas ng Krimen
5. Pag-aagawan ng Bansang Tsina at
Bansang Pilipinas sa West Philippine Sea
6. Paglawak ng Learning Gaps sa bansa
7. Mga Isyu sa Social Media
Diskriminasyon
Ang diskriminasyon ay ang pagtrato sa isang tao
o grupo ng mga tao ng hindi patas, dahil sa
kanilang kasarian, edad, lahi, relihiyon, katayuan
sa buhay, pisikal na kakayahan, kasarian, seksuwal
na oryentasyon, at iba pang mga katangian. Ito
ay isang malawakang suliraning panlipunan na
may mga negatibong epekto sa mga indibidwal at
sa lipunan.
Ageism
Ang diskriminasyon sa edad o
“ageism”ay resulta din ng pagtingin sa
at pagdisenyo ng lipunan batay sa
mga pangangailangan ng mga mas
bata o mas matatandang tao, na hindi
naghahanap ng mga paraan upang
isama ang lahat ng mga tao, anuman
ang edad.
Gender
Ang diskriminasyon ay
nangyayari kapag ang isang
tao’y trinato nang masama o
pinagkaitan ng isang serbisyo
o benepisyo dahil sa kanilang
identidad ng kasarian o
pagpapahayag nito.
Racism
Ang diskriminasyon batay sa lahi ay
may kinalaman sa hindi kanais-nais na
pagturing sa isang tao dahil mula siya
sa partikular na lahi o dahil sa mga
personal na katangian na nauugnay sa
lahi (gaya ng karakter ng buhok, kulay
ng balat, o ilang partikular na
katangian ng mukha).
Classism
Class Discrimination/Social Status
Discrimination na kilala rin bilang
“classism”, ay pagtatangi o
diskriminasyon batay sa uri ng
lipunan. Kabilang dito ang mga
indibidwal na saloobin, pag-uugali,
sistema ng mga patakaran at
kasanayan na itinakda upang
makinabang ang nakatataas na uri sa
kapinsalaan ng mas mababang uri.
Pagtaas ng populasyon
Ang paglaki ng populasyon ay nagdulot nang
paglobo ng pangangailangan ng ating bansa at
pagkakaroon ng mas malaking obligasyon ng
pamahalaan na hawakan.

Binubuo man ng maraming mga isla, ang


bansang Pilipinas ay napabilang sa "Top 20" na
mga bansang may pinakamalaking populasyon sa
buong mundo. Ayon sa Commission on
Population (POPCOM) of the Philippines, ang
kabuuang populasyon ng Pilipinas noong
Septiyembre 24, 2022 ay umabot sa humigit-
kumulang 113,310,330 (113.3 milyon).
Pagtaas ng prenso ng mga bilihin
Ang pagtaas ng mga bilihin ay ang
kakulangan sa suplay na nagdudulot ng
pagtaas ng mga presyo ng bilihin gaya na
lamang ng gulay, isda, at purong asukal.
Hindi lamang bilihin ang tumaas, maging
ang mga singil sa renta sa bahay, singil sa
tubig, kuryente, gas at iba pang
produktong petrolyo. Sinasabi na mas-
asahan pa ang pagtaas ng presyo ng mga
bilihin sa susunod na buwan.
Nakababahalang pagtaas ng Krimen
Ang krimen ay isang karumaldumal na mga
pangyayari, ito din ay paglabag sa
pangkaraniwang batas o batas publiko. Kasabay
sa pagtaas ng populasyon ay ang siya ring
pagtaas ng mga krimeng nagaganap sa loob ng
bansa. Kadalasan na ang nagiging bunga ng
kahirapan ay ang paggawa ng krimen o ang
paggawa ng masama
8 Pinakamatinding Krimen sa Bansa
1. Droga (Drug Use)
2. Pangungurakot (Corruption)
3. Terorismo (Terrorism)
4. Pagdukot sa Biktima
5. Karagasan sa Kababaihan (Violence Against
Women)
6. Panggagahasa
7. Pang-aabuso sa mga Bata (Child
Abuse/Labor)
8. Pagpatay at Abortion
Pag-aagawan ng Bansang Tsina at
Bansang Pilipinas sa West Philippine Sea
ang West Philippine Sea o South China Sea
ay ang dagat na matatagpuan sa kanlurang
bahagi ng Pilipinas at sa timog bahagi
naman ng Tsina. Ang nasabing teritoryo ay
hitik sa mga yamang dagat tulad ng isda,
kabibe, at dagat damo at ito rin ay
mayaman sa langis kung kaya’t maaaring
magmina dito nglangis at krudo.
Paglawak ng Learning Gaps sa bansa
Tumutukoy sa relatibong pagganap ng
bawat indibidwal na mag-aaral—ibig
sabihin, ang pagkakaiba sa pagitan ng
aktwal na natutunan ng isang mag-aaral
at kung ano ang inaasahan niyang
matutunan sa isang partikular na antas ng
edad o baitang.
Mga Isyung Online
Ang social media ay tumutukoy sa sistema ng
pakikipag-ugnayan sa mga tao na kung saan sila ay
lumilikha, nagbabahagi at nakikipagpalitan ng
impormasyon at mga ideya sa isang virtual na
komunidad at mga network. Ito rin ay itinuturing
na isang pangkat ng mga Internet-based na mga
aplikasyon na bumubuo ng ideyolohikal at
teknolohikal na pundasyon ng Web 2.0 na
nagbibigay-daan sa paglikha at pakikipagpalitan ng
nilalaman na binuo ng gumagamit
Scam
Ang scam ay paraan ng panloloko sa
ngalan ng pera o kasamaan. Ang
pangako ng scams ay mabilis at
malaking halaga ng pera o produkto
kaya naman maraming naloloko nito
taon-taon.
Cyberbullying
Ang Cyberbullying ay isang kasanayan
kung saan ang isang indibidwal o
grupo ay gumagamit ng Internet
upang mangutya, manggulo o
makakasama sa ibang tao. Ang
pinsala sa lipunan at emosyonal na
naidulot ng mga cyberbullies ay
lumalaki sa - o humahantong sa -
pisikal na pambu-bully sa offline na
mundo.
Fake news
Mga maling kwento na lumalabas na
balita, kumakalat sa internet o
gumagamit ng iba pang media,
kadalasang nilikha para
makaimpluwensya sa mga pananaw sa
pulitika o bilang isang biro.
Social Media Addiction
Ang pagkagumon sa social media ay
isang karamdaman sa pag-uugali kung
saan ang mga kabataan o mga young
adult ay nabighani sa social media at
hindi nila nabawasan o napigilan ang
kanilang paggamit ng online media sa
kabila ng malinaw na mga negatibong
kahihinatnan at malubhang mga
disbentaha.
Salamat sa
pakikinig!

You might also like