You are on page 1of 1

Hayaan mo Kami!

Isa sa mga nauusong isyung panlipunan, hindi lamang sa ating bansa kundi sa buong mundo ay
ang diskriminasyon. Sa bawat sulok ng kanto, sa siyudad man o probinsya, maraming tao ang
nabibiktima ng diskriminasyon.
Ano nga ba ang diskriminasyon (discrimination)? Ang diskriminasyon ay ang ang pagtatrato
nang masama sa isang tao dahil lamang sa kanilang kulay ng balat, kasarian, katayuan, estado sa
buhay at sa kanilang iba pang pampersonal na katangian. Sa pamamaraan ng masasamang salita
o pampisikal na pang atake ay ilan lamang sa iba’t-ibang uri nito. Isa itong hindi makatarungang
gawain na nilalabag ang karapatang tao ng kung sino man.
Isa sa mga uri ng diskriminasyon ay ang diskriminasyon sa lahi/kulay ng balat. Ito ay nangyayari
sa mga bansa katulad ng Estados Unidos kung saan ang mga taong itim ang natatanging kulay ng
balat ay inaakusa sa mga krimen at tinatawag sa mga di kaaya-ayang mga salita o “racial slurs”.
Ang “Black Slavery” ay isa sa mga historikal na pangyayari na nagdulot ng malaking
impluwensiya sa pakikipaglaban kontra sa diskriminasyon. Ito ay naganap sa bansang Africa
kung saan ikinalakal ang kanilang mga mamamayan bilang mga alipin sa ibang bansa.
Isa rin sa mga biktima ng diskriminasyon ay ang mga miyembro ng LGBTQ+ Community. Sa
loob ng maraming taon, ang isang katotohanan na mahirap tanggapin ay meron paring mga tao
ang hindi tanggap ang mga miyembro nito. Sila parin ay nakakaranas ng bullying sa personal
man o online. Sa opinion nga ng ibang mga tao, ang pagiging “bakla” o baliko sa biyolohikal na
kasarian ay isang malaking kasalanan sa Panginoon. Dulot nito, ang mga miyembro ng
komunidad na ito ay nagsulong ng ilang “movement” na sumusuporta laban sa pang-aapi sa
kanilang mga kapwa. Isa narin dito ang ginaganap na Pride Month tuwing buwan ng Hunyo.
Sa ating mundong ginagalawan, ito ay nababalot ng kasamaan na kailan man na hindi maiiwasan
o mawala. Ang disiplina ay nagsisimula sa ating kaniya-kaniyang mga tahanan. Bilang mga
magulang responsibilidad nila ay turuan ng magagandang asal ang kanilang mga anak. Sapagkat,
ito ay dala-dala nila kahit saan man sila mapunta.
Bilang mga tao na gusting ipaglaban ang tama, responsibilidad rin nating protektahan ang bawat
isa. Sa mga mapanghusga, mapang-api at masasama, malaking tulong na ang pagtanggap sa ating
kapwa tao. Iba man ang kulay, estado sa buhay, o sa kasarian, sila parin ay mga tao na karapat-
dapat sa salitang respeto.

You might also like