You are on page 1of 1

DISKRIMINASYON

Ang diskriminasyon ay ang hindi pagturing sa kapwa ng pantay-pantay dahil naiiba sila.
Ito ay nakakaapekto ng negatibo sa napakaraming tao araw-araw. Ang isa sa pinaka-laganap na
diskriminasyon ay maoobserbahan sa lahi. Ngunit, marami ring iba’t ibang uri ng diskriminasyon
gaya ng sa kasarian, kultura, relihiyon, at pagkatao/.
Kung tayo ay magbalik tanaw sa ating kasaysayan, masasabi natin na mas mahirap ang
sitwasyon ng mga biktima noon keysa sa kasalukuyan. Gaya lamang ng pagtrato ng mga
espanyol sa mga indio ay hindi makatarungan. Isa sa mga ebidensya nito ay ang pagtitiis ng mga
Pilipino ng tatlong daan tatlumpung tatlong taon. Nagdusa ang ating mga ninuno ng lubha.
Akalain niyo yun? Ikompara natin ito sa diskriminasyon sa kasalukuyan.
Ngayon, ang diskriminasyon ay nakikita sa bawat sulok ng mundo. At ang unang
makikitaan kung saan ang napakaraming diskriminasyon ay sa social media. Maraming tao ang
nag-ttype bago nila isipin kung ano ang magiging resulta sa kanilang komento. Ngunit, kahit na
nagsisi sila sa kanilang ginawa ay hindi pa rin mawawala ang sugat na dulot ng kanilang
panlalait.
Ang pagdidiskrimina sa ibang tao ay daan para mas tumaas ang tingin sa sarili. Sino ba
naman ang matutuwa pag nanging biktima ka ng diskriminasyon? Ang mga biktima ng
diskriminasyon ay hindi ligtas, nahihirapan at nagigipit Kailangan ito sugpuin dahil ang
pagdidiskrimina sa ibang tao ay nasa loob ng ating kontrol. Kailangan ito maiwasan upang
manatiling buhay ang sangkatauhan. Ngunit nasa desisyon natin kung tayo ay magpapakita ng
respeto sa bawa’t isa.
Ang ating lipunan ay umumuunlad at mas rumerespeto sa ibang kultura kaya mas lumiit
ang isyu ng diskriminasyon. Ngunit ang katotohanan ay hindi mawawala ang diskriminasyon.
Maraming salamat po.

You might also like