You are on page 1of 1

Mga minamahal kong kababayan, mga kaibigan, ilang taon na tayong nakikibaka upang mapanindigan  

ang ating
mga pinaniniwalaan. Sa paglipas ng panahon ay tila lalong lumalaki ang ating pagkakaiba, halo-halong kultura,
hiwa-hiwalay na ideya. Laganap ang panghuhusga. Kapag ang isang tao ay naiiba para sa kanyang mga
nakakasalamuha, siya ay minamaliit, isinasantabi. Hindi ba natin nalalaman na sa t’wing nangyayari ito ay
nababawasan ang dignidad ng bansa pati na rin ang respeto sa ating mga sarili?
Deskriminasyon. Mababa ang tingin sa iba dahil sa pag-iisp na sila ang nakatataas. Deskriminasyon. Bumabase
lamang sa panlabas na anyo at hindi sa kakayahan. Deskriminasyon. Namimili, humuhusga, isinasantabi, kinukutya,
sinasaktan, nasasaktan. Nagiging sarado ang ating mga isipan. Wala na ang diwa ng pagkakaisa. Wala na ang diwa
ng pagkakaisa. Wala na ang pagkakapantay-pantay. Lumilipol, sumisira. Deskriminasyon.
Ang bansang hitik sa deskriminasyon, ay isang bansang walang kalayaan. Sa lagay ng ating mundo ngayon, hindi
natin masasabing Malaya tayo. Marami pa rin sa atin ang nakararanas na mawalan ang karapatan. Lahat tayo ay nag-
iisip na tayo ay nakatataas sa iba. Kaya’t nagkakaroon ng paghahambing. Pilit ipinalalabas na mas magaling, mas
maganda at nakahihigit tayo kaysa sa ibang lahi, sa ibang grupo.
Mga kasariang hindi kabilang sa babae’t lalaki, iba ang kutis, iba ang hitsura, iba ang relihiyon. Ilan lamang yan sa
mga nakararanas ng deskriminasyon. Kailan ba ito matatapos? Kalian ba ito mag-iiba? Hindi ba natin kayang
magkaroon ng pantay na pagtingin sa isa’t isa?
Narito akami ngayon upang ipabatid sa inyo ang aming layunin: matigil na ang paglaganap ng ganitong kalagayan.
Kailangan na itong mawakasan. Lahat naman tayo ay naghahangad ng isang mundong matiwasay, isang mundong
marunong umintindi. Matatapos ang lahat ng kawalang respetong ito kung sisimulan natin ito sa ating mga sarili.
Panahon na upang subukan nating iwasan ang pagiging mapanghusga. Panahon na para tayo ay maging isa. Maging
tunay na malaya.

Ang panliligalig dahil sa lahi ay isang anyo ng diskriminasyon. Kabilang dito ang mga pagpuna, mga biro,
pambabastos, pagpapakita ng mga retrato o kilos na nakakainsulto sa iyo, nasasaktan ka o panliliit sa iyo dahil sa
iyong lahi o ibang mga dahilan na may kinalaman dito.  
Ang diskriminasyon dahil sa lahi ay kadalasan maaaring hindi gaanong mapapansin, tulad ng pagtakda sa iyo sa mga
trabahong hindi gaano kanais-nais, o ang hindi magbigay ng pagpapayo at pagsasanay.  Ito’y maaari rin
nangangahulugan humarap sa mga iba`t ibang pamantayan ng trabaho na naiiba sa ibang mga empleyado, ang hindi
bigyan ng apartment dahil mukha kang Katutubo, o humaharap sa kinikilingang usisa ng pulis  habang
nagmamaneho o ng seguridad bantay sa isang shopping mall.  

Sa paglipas ng panahon, unti-unti na ring namulat ang mga tao na wala sa kulay ng balat ng tao ang kanyang
kahalagahan o di kaya naman kagalingan. Lahat ng tao, puti man o itim, pula man o dilaw, kayumanggi o mulato ay
pare-pareho.

Ang pagkilanlan at pagtugon sa diskriminasyon dahil sa lahi


Ang mga organisasyon ay dapat kumilos upang siguraduhin na hindi sila lumalahok, hindi nila tinatanggap o
pinahihintulutan na mangyari ang diskriminasyon o panliligalig dahil sa lahi.
Mabuting mag-umpisa sa pagbubuo ng isang matatag na programa laban sa kapootang lahi, na makakatulong na
maiwasan at  makakatugon sa mga indibidwal at sistemikong anyo ng diskriminasyon dahil sa lahi.  Maaaring
kabilang dito ang:  
 Ang pangongolekta ng numerikong data batay sa lahi, sa mga angkop na panahon  
 Pananagot sa kasaysayan ng pagkawalan dahil sa lahi  
 Ang pagbalik-aral ng mga polisiya, mga kaugalian, mga paraan ng pagdedesisyon, at kultura sa lugar ng
trabaho, para malaman  ang mga masamang epekto
 Ang paglagay at pagpapatupad ng mga polisiya at mga programa ng edukasyon tungkol sa kapootang lahi,
diskriminasyon, at panliligalig.  

You might also like