You are on page 1of 1

Uri ng Diskriminasyon; Ignominy

Guevarra, Arrence Lien A. - 10 Gracious

Sa usapan ng diskriminasyon, isa sa mga una mong naiisip ay racism, age discrimination o
disability discrimination ngunit sa sanaysay na ito, pag uusapan natin ang shaming. Ang
shaming ay isang uri ng diskriminasyon na ang pangunahing layunin ay ang pagpapahiya sa
isang tao. Maaari itong maging body shaming, ignorance shaming, smart shaming, HIV or
STI shaming, at marami pang iba.

Ang body shaming ay isang kilos ng pagpapahiya sa isang tao dahil sa katangian ng
kanilang katawan. Ito ay maaaring magresulta sa maraming negatibong bagay katulad ng
insecurity, stress, anxiety, body consciousness at maaari pang iba. Habang ang intellectual
shaming katulad ng ignorance at smart shaming ay tumutukoy sa pagkritiko o panghuhusga
sa mga tao, sa pagiging ignorante sa mga bagay bagay, o sa pagiging maalam. Smart
shaming ay ang gawa ng panunuya sa isang taong mas matalino kaysa sa iba, halimbawa
nito ay ang mga pangungusap na, “Ikaw na magaling!”, “dami mong alam!”. Ignorance
shaming ang tawag sa pagpapahiya ng isang maalam o matalino na tao sa ibang tao dahil
hindi sila pamilyar sa impormasyon na tinutukoy. Ang mga ito ay nagdudulot sa ibang tao ng
anxiety at low self esteem. Maraming tao rin ang nahihiyang ipaalam ang kalagayan ng
kalusugan sa ibang tao dahil natatakot silang mahusgahan. Halimbawa nito ay sa mga
pasyenteng nadiagnose ng HIV o STI, ang mga tao ay nagkakaroon ng ibang pagtingin sa
kanila, nagbabago ang akto sa kanila, at marami pang ibang klase ng pang didiskrimina.

Ang diskriminasyon ay naranasan ng iba’t-ibang tao sa iba’t-ibang bansa, araw- araw. Ang
pagtingin sa ibang tao nang may panghuhusga ay hindi mabuting gawain. Hindi rin naman
ito nakakabuti kung kaya’t wala kang benefit na makukuha mula sa pang didiskrimina. Sa
mata ng Diyos, ang bawat tao ay pantay pantay— walang nakakaangat at walang
nakakababa.

Ano nga ba ang mga paraan upang masulusyonan ang diskriminasyon?

Una ay ang page- educate na sisimulan sa mga bata. Ang mga bagay na natutunan natin sa
kabataan ang karaniwang kaugalian na maaadopt natin hanggang sa paglaki, mabuting simulan
ang pagbabago at ang pagiging mabuting tao sa murang edad. Pangalawa ay dapat matuto tayo
na respetuhin, pahalagahan ang tradisyon, kultura at mga nakagawian ng ibang tao. Huwag
nating i-encourage ang mga taong gumagawa ng discrimination, subukan nating ipaliwanag sa
kanila ang hindi magandang dulot ng discrimination sa mga tao, ipaalam ang kanilang
pagkakamali at hayaang akuin ang pagkakamali.

Ang bawat tao ay may kakayahang magbago, sa matagal na panahon o sa mabilis mang
panahon. Maraming mabuting bagay ang maaari mong gawin upang mabawi ang mga maling
nagawa. The potential for character growth is limitless.

You might also like