You are on page 1of 22

PAKIKIPAGKAPUWA-

TAO

Aralin 6

Hinanda nina:

Eurika Amor at
This Photo by Unknown author is licensed under CC BY-NC-ND.

Marvin Martillan
Sino ako? Sino sila?

Ang tao sa sarili niya ang tangi lamang nakaaalam ng kanyang


kaisipan, pakiramdam, o emosyon, mga gawa lihim man o hayag.
Subalit bilang tao, tayo rin ay may hangganan at may kahinaan na
maaaring sa ating sarili ay hindi natin ganap na maunawaan mismo.
Ito ay patunay na hindi rin natin lubos nabatid kung sino talaga tayo.
Sino ako? Sino sila?

Totoo na sa ibang pagkakataon, ang mga maliliit na gawa ng kabutihan ay hindi


madalas napapansin. Ito ay dahil ang atensyon ng karamihan ay madalas naka-focus
lamang sa mga mahahalagang pangyayari o malalaking gawain. Sa ganitong kaso, ang
motibasyon at intensyon ng tao sa pagtulong ay hindi masyadong nabibigyang-pansin,
kahit pa ang kanilang mga munting tulong ay may malaking epekto sa buhay ng iba.
Hinuhusgahan ang tao, batay sa nakikita sa kaniya ng kaniyang kapuwa.
Huwag na ipaalam sa kaliwang kamay ang
ginagawa ng kanan.

Hindi ipinagmamalaki o ipinagmamayabang ang mga


kabutihang nagawa. Ito ay nagpapakita pagpapakumbaba
sa kabila ng anumang tagumpay o magandang gawain na
nagawa ng isang indibidwal. Ang kasabihang ito ay
nagtuturo na ang tunay na kabutihan ay nagmumula sa
puso nang walang anumang hinihinging kapalit o pagkilala
mula sa iba.
Ang isinantabi

Sa halip na nagsasama-sama ang mga tao sa


isang grupo may mga taong hindi isinasali at
hinahayaan sa isang tabi o sa gilid. Tabi ka
muna! Maghintay ka muna sa tabi-tabi,
tatawagin ka namin kung kailan ka namin
gustong isali.
Ang isinantabi

Madalas, hindi napapansin ang ati ng


mabubuti ng gawa, at sa halip ay ang mali
ang nagiging tanda sa ati n. Ngunit mas
mati ndi ang epekto ng mga haka-haka ng
iba na nauuna sa anumang aksyon.
Bakit ba sila isinasantabi?
Ang pagsasantabi ay bunga ng takot at kakulangan sa
pag-unawa sa kalagayan ng iba.

Ito ay nagdudulot ng pag-iwas sa mga taong may sakit at


kapansanan, at ng pagiging mapagmataas sa mga kilala
at kauri.

Ito rin ay nagbubunga ng pagiging bingi sa mga salita ng


iba, dahil sa takot na magsalita at sa takot na unawain
ang iba pang mga tao.
Ang isinasantabi
Madalas, hindi napapansin ang ating
mabubuting gawa, at sa halip ay ang mali
ang nagiging tanda sa atin. Ngunit mas
matindi ang epekto ng mga haka-haka ng
iba na nauuna sa anumang aksyon.
KAMI LABAN SA TAYO

Ang akin ay sa iyo at ang iyo ay sa akin dahil atin naman


ang mga ito. Ang tayo ay
ang pagpapasailalim sa isang payong ng kaisahan.
Sa loob ng tayo
ay madaling nakapagbabahaginan dahil ang turing sa isa't-
isa ay kapuwa, kabahagi ko
at ksama na nakasuob sa isang layunin.
Kami laban sa tayo

Ang tayo ay ang pagpapasailalim sa isang payong ng kaisahan. Sa loob ng


tayo ay madaling nakapagbabahaginan dahil ang turing sa isa't-isa ay
kapuwa, kabahagi ko at ksama na nakasuob sa isang layunin.
Kami laban sa tayo

Ang kami naman ay isang pangkat na nagsasama-sama sa loob ng tayo.


Nagpapangkat pangkat ayon sa pagkakatulad. Kalaban ang turing sa hindi
kasapi.

"Amin" ang wika ng kami, hinahati-hati nila sa kanilang mga sarili ang
atin at itinuring na hiwalay ang sarili sa kapuwa. Ang kami ay ang
itinakda ng pangkat na magiging sila. Anumang hindi kasali sa sarili ay
iba- sila.
Kaiba

Ang paghihiwahiwalay na ito ay nagdudulot ng pangyayari kung saan ang


mga tao ay pinipilit baguhin ang kanilang sarili at sumunod sa isang
pangkat para lamang mapabilang sa "kami." Ito'y nagreresulta sa pagkawala
ng personal na pagkakakilanlan at ang pangangailangan na maging
katanggap-tanggap lamang sa mata ng naghaharing pangkat. Sa proseso,
maaaring mawala ang orihinal na pagkakakilanlan ng isang tao, na
nagreresulta sa kawalan ng sarili at pagiging bahagi na lamang ng "kami."
Kaiba

Paglabag ito sa biyaya ng pagkakaiba ng tao. Ang kaiba ay pagkabukod-


tangi. Ang bawat tao ay kaiba sa iba. Baka kamukha rin siya ng iba na
maitim at hindi matangos ang ilong. Baka katulad din siya ng iba na
magaling kumanta. Pare-pareho silang isinilang sa Pilipinas. Ngunit, ang
nagpaiba sa kanya ang bukod-tanging pinaghalu-halo sa kanya ng mga
katangiang karaniwan lamang. Buhat sa iba-ibang kombinasyon ng
karaniwang elemento ang isang kaibang tao.
Ka-iba

Sa kabilang banda, maaari yatang tingnan ang negatibong pagsi-sila


at pagka-kami bilang positibong pagbibigay linaw sa mga hangganan
ng mga indibidwal sa loob ng tayo. Dahil sa paghiwalay ng tayo sa
maraming mga kami at sila, ikaw at ako, nagkaroon ng isang pang-
unawa sa kasarinlan ng bawat indibidwal. Iba at hiwalay ang isa't
isa. Hindi lamang sila isa kasama ng iba. Iba sila sa iba kahit na
nasa loob sila ng tayo.
Ka-iba

Ang anak, bagaman bit-bit ang apelido ng magulang, nakatira sa isang bahay,
at kumakain ng pare-parehong pagkain, iba pa rin sila sa kanyang mga magulang.
May isang kinapaloloobang saysay na binubuo ang estudyante at paaralan. May
pinagbabahaginang saysay ang pamilya. Ito
ay sa kabila ng sariling pagsubok ng anak na buuin ng kanyang-
kanyang saysay, iba ang bawat isa
at dahil dito, mananatili silang hiwalay sa kanyang kapwa.
Ka-iba
Hindi masama ang paghihiwalay na ito. Sa katunayan, mahalagang sangkap ito ng pagiging
tao dahil sa pamamagitan nito, nagagawa ng tao ang itaguyod ang kanyang sarili at tingnan
ng mundo ayon sa kanyang mga sariling pangangailangan at tunguhin. Dahil sa pagiging
hiwalay ng tao, kaya rin nagiging posible na magbukas ng mga bagong landas sa
kasaysayan, isipin mo kung sama-sama lamang ang lahat ng tao sa isang direksyon. May
pag-unlad kaya? Dahil sa halimbawa ng mga taong tumayo, humiwalay sa grupo, at
sumubok ng bagong landas, nasaksihan natin ang kamang hamanghang kakayahan ng mga
tao at nakita natin ang kayamanan ng mga posibilidad ng mundo.
Maka-tao, Huwag Matakot!

Ikinakabit ang unlaping "maka" upang ipahayag ang pagp


anig, pagsang-
ayon o pagpapahalaga sa pangngalang ikinakabit dito

Ito nga ang makataong pananaw.


Hindi lamang basta itinuturing ang tao bilang katulad o ka
sama tulad ng sa "tayo".
Hindi rin naman ihiniwalay lamang tulad ng sa "kami" at
"sila".
Maka-tao, Huwag Matakot!

Kinikilala ang parehong pagka-tayo, at pagka-kami, at sila, at higit pa, tao ako,
tao sila, tao tayo. Ang pangunahin katapatan ay sa tao. Ang iniikutan ng lahat
ay ang tao. Ibig sabihin, walang ibang layunin ang anumang pagkilos, pagawa,
at pakikipag-uunayan kundi ang ingatan at itaguyod ang pagkatao ng tao.
MAKA-TAO, HUWAG MATAKOT!

Sa pakikipagkapwa, ang batayan ay ang pagkilala sa dignidad ng bawat tao.


Hindi dapat nakasalalay sa katayuan, kapangyarihan, o yaman ang
pakikipagkapuwa. Mahalaga ang tunay na pagtingin sa mukha ng tao kaysa sa
kulay, yaman, o posisyon. Ang pagpapahalaga sa dignidad ay nakaugat sa
integridad at tapat na pagtingin sa sarili at sa iba. Iwasan ang ugnayan na
makasira sa dignidad at piliin ang mga pagpipilian na nagpapahusay sa pag-
unlad at kasiyahan ng bawat isa.
Ano at Sino

Laging kasama ang kaiba sa pagpili na ito. "Kasama" sa isang paraan na laging
iniisip ang tayo sa lahat ng pagpili. Makatutulong ba ito sa akin? Makabubuti ba ito
sa atin? Makasasakit ba ito sa ka-iba? Ang maka-taong pananaw ay pagpapaunlad sa
ako, ikaw, sila, kami, at tayo. Madalas ay itinuturing na kabaligtaran ang maka-
sarili ang maka-tao. Hindi ito tama, hindi pinapaboran ng maka-tao ang iba, hindi
rin inuuna ang sarili. Magkasama (at hiwalay din) ang lahat sa maka-tao. Tao ang
pinapanigan hindi ang kung sino, una ang ano bago ang sino.
Diyalogo

Ang diyalogo ay masalimuot na proseso ng pagsusubaybay, pag-unawa, at


pagpapahayag ng sariling pananaw. Ito'y nagbubukas ng pinto para sa masusing
pakikipagtalastasan at pagkakaunawaan sa pagitan ng magkakaibang pananaw at
karanasan.
Diyalogo

Ang diyalogo ay hindi lamang pag-uusap ng magkapuwa. Ang diyalogo ay


kapwa pagtataka, pagtatanong, paghanap, pagsagot, at pagkilos. Bitbit ang
sari-sariling mga ka-saysay-an ng mga magka-ka-iba, tumitingin sila sa meron
at nagbabahaginan ng kanilang nakikita. Maaaring nagkakasundo, maaaring
nagtatalo. Ang mahalaga, pag-uusapan nila ito upang matapos sa isang
kasunduan.

You might also like