Professional Documents
Culture Documents
Verona 12-ABM
TTh (9:00-11:00)
Crab Mentality
Ang crab mentality ay salita na nagmula sa kung paano kumilos ang mga alimango sa isa't-isa
kung nakapaloob sa iisang lugar. Ang crab o alimango kapag inilalagay sa timba ay nag-uunahang
umakyat upang makalabas. Sa pag-akyat nito, hinahatak paibaba ng ibang alimango ang kanilang kapwa
alimango upang hindi makalabas sa timba. Ang salitang "crab mentality" ay na malawak na ginagamit sa
Pilipinas para sa mga Pilipino na nanghahatak pababa ng kapwa nila na nakaaangat sa buhay. Ang
katangiang ito ay isa sa mga rason kung bakit hindi umuunlad ang ating bansa. Hindi ito ng
nagpapalaganap ng pagkakaisa, pagpapakumbaba, at pagiging responsable.
Paano ba natin malalabanan ang crab mentality? Sa panahon ngayon na talamak na ang
paggamit ng social media, mataas na ekspektasyon at kaliwa't kanan na kompetisyon, hindi nakagugulat
kung paano mabilis dumapo ang crab mentality sa ating mga sistema. Sa katunayan ay minsan nagiging
ganto rin tayo. Sa kabilang banda, lahat tayo ay sasang-ayon na ito ay masama at kailangan natin
humanap ng paraan upang mapuksa ito. Pero paano? Paano nga ba? Simple lang, maniwala ka sa sarili
mo at maniwala ka rin sa kakayahann ng iba. Maging mapagpasalamat at mapagpahalaga. Maging isang
halimbawa ng tao na may positibong pananaw palage. Kung lage tayong may magandang pananaw sa
lahat ng mayroon tayo, mabibigyan natin ng halaga ang lahat ng bagay maliit man ito o malaki. Matuto
tayong tumanggap ng mga pagpupuna mula sa ibang tao. Tanggapin ang mga ito at gawing motibasyon
upang mas magsumikap sa buhay at mas mapabuti ang sarili para magsilbing inspirasyon sa iba. Maging
masaya ka para sa iba. Kung totoong hanga tayo sa tagumpay ng iba ay totoong masaya rin tayong
makita sila sa ganoong estado. Gawing motibasyon ang tagumpay ng iba. Tigilan natin ang panghahatak
paibaba ng iba bagkus ay magtulungan tayong maging matagumpay.
Marami kang makikilalang iba't ibang klase ng tao sa buhay mo at ang iba sa kanila ay magiging
malaki ang epekto sa kung paano mo tingnan ang buhay at mundo. Maging tagapaglaganap ng
inspirasyon at positibong pananaw. Hindi pa huli upang mangarap sa mas magandang Pilipinas. Maaari
nating umpisahan sa ating mga sarili, mas maging mabuti tayo sa iba. Huwag nating kalimutan ang
pagkakaisa, pagpapakumbaba at pagiging responsable upang hindi lang para sa sarili natin ang tagumpay
kundi pati na rin sa ibang tao.