You are on page 1of 2

College of Education

MGA BATAYAN SA PILOSOPIYANG PINOY


B. TALANGKA MENTALITY

Ang mga Pilipino ay kilala sa mga magagandang katangian at pag- uugali ngunit hindi maiiwasan na may
mga hindi rin tayong magagandang kaugalian at isa nalamang dito ang talangka mentality.

Ang talangka ay isang uri ng alimango. Ngunit mas maliit pa ito kaysa sa karaniwang alimango. Ayon sa
isang diksyonaryo, ang talangka mentality o mas kilala bilang utak talangka ay isang paglalarawan raw sa
taong nais makaangat sa buhay sa pamamagitan ng paghatak sa iba nang pababa. Ang utak talangka ay isang
ugali raw natin mga pinoy na hinihila ang kapwa natin pababa imbis na tulungan ang iba. Ang mga taong
may ganitong uri ng pag-iisip ay ayaw na ayaw malamangan kung kaya't hinihila nila pababa ang mga taong
nagnanais umangat. Mahilig at ginagawang kompetensiya ang lahat ng bagay na dapat ay hindi naman. Nais
ng mga taong may talangka mentality na sila lamang ang aangat at titingalain ng nakararami. Kung sila man
ay hindi magtagumpay sa isang bagay, ayaw nila na makukuha ito ng iba. Imbes na tulungan ay patuloy pa
niya itong ibinababa, Kahit na halos tapakan kana nila, wala pa rin silang pakialam basta mapabagsak ka
lang nila. Sa madaling salita, ang talangka mentality ito ang mga taong inggitera, mga taong makasarili at
hindi iniisip ang kapakanan ng ibang tao at ang mga taong takot maangatan o malamangan ng iba.

Maihahalintulad natin ito sa mga alimango na kapag inilagay natin sila sa isang timba mapapansin natin na
sila ay nag uunahang umakyat sa timba upang makalabas. Subalit sa pag-akyat nito. Hinahatak ng ibang
alimango ang kanilang kapwa alimango para hindi ito makalabas sa timba.

Isang halimbawa nito, ay kung may isang dating karaniwang tao ang biglang uunlad o mararating ang
tagumpay, asahan natin na bukod sa mga pupuri ay nandun din ang sangkatutak na kung ano-ano ang
sasabihing hindi maganda sa kanya. Malimit din ang ganitong tagpo sa trabaho. Sangkatutak na apakan at
siraan ang nangyayari para maiangat lang ang sarili sa kanilang mga employer. .

Hindi naman lahat ng mga pinoy ay utak talangka. Ngunit may mangilan-ngilan pa rin talagang mga tao na
ang kilala lamang niya ay ang kanyang sarili at ayaw niyang uunlad ang iba. Talagang niyakap na nila ang
ganitong ugali, kaya naman sa tuwing may nagtatagumpay, may talangka pa rin talagang hindi masaya.
Subalit hindi nila alam na kapag hinihila niya pababa ang isang tao, mangyayari din ito sa kanya.

C. TAPAT KO, LINIS KO

Marami sa atin na gustong maging malinis ang ating kapaligiran. Pero may iba na walang pakialam kung
marumi ang kapaligiran. May mga taong gumagawa ng karatula para maging malinis ang kapaligiran at
sundin ng mga tao upang malaman na Hindi lahat iasa sa iba at lahat ng basurahan ay may tamang lagayan.

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education
Kanya-kanyang linis sa kani-kanilang lugar, ngunit naging iba ang dating ng mensahe. Masasabi natin na
may magandang naidulot ang karatulang "Tapat ko, Linis ko" para manatiling malinis ang ating kapaligiran.
Subalit di natin maiwasang sabihin na tila isa itong pamamaraan ng pagiging makasarili at walang pakialam
sa iba. Maraming nagsasabi na tayo raw na mga Pilipino ay mapanlamang, pero di naman lahat sapagkat
marami sa mga Pilipino ang mayroong magagandang kalooban at mapagbigay.

Sa Bibliya, mayroong sinabi ang Panginoong Hesus, "mahalin ninyo ang inyong kapwa tulad ng inyong
sarili". Pagpapatunay na tayong tao ay marapat na maging mapagbigay at hindi maging mapanlamang sa
kapwa. Ang pagiging mapagbigay ay isang katangian na ipinagmamalaki ng mga Pilipino. Marahil ang pag
uugaling ito ay naging kaugalian na, at nauwi na ring maging kultura.

Kailangang makita ng lahat ang kagandahan ng tunay na kaugalian na dapat manahin at isalin sa mga
susunod na henerasyon sa pamamagitan ng pagtanggap kung ano ang tama at nararapat na gawi. Dahil pag
naisalin sa bagong henerasyong ang mga di kagandahang pag-uugali ay napakalaking pananagutan ng mga
taong nagsalin nito sapagkat magiging gawing kakalakhan ng mga nag-aakalang tamang gawi ang kanilang
ginagawa.

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)

You might also like