You are on page 1of 14

Malawak na

Pagpapakahulugan/Kahulugan at
Katangian ng Kultura
Taga- ulat:
Genevieve Alaro
Upang lalong maunawaan ang kultura,narito ang
ilang katangian nito:
Natutunan

Ibinabahagi

Naaadap

Dinamiko
1.Natututunan

Ang tao ay isinilang at inalagaan ng mga magulang at kung


paano siya inalagaan,pinakakain,pinaliliguan ,pinapadamit at
iba pa ay isang proseso ng kulturang natututunan na nagsimula
sa pagkatuto sa kultura ng pamilyang kinabibilangan.

Hal.Kung ika'y ipinanganak sa probinsya at nanirahan sa


Maynila,malaki ang posibilidad na mas gamay mo ang kultura
sa siyudad.
a.Enkulturasyon
Proseso ito ng pakikipag -ugnayan o pakikihalubiho ng tao sa
kultura ng kanyang pamilya at sa kanyang lipunan.Nagsisimula
raw ito sa pagkasilang pa lamang sa kanya hanggang sa kanyang
kamatayan.

b. Akulturasyon
Proseso ito ng pakikipag -ugnayan at pakikihalubiho ng isang tao
sa bagong kultura.Nakukuha niya ang mga katangian ng iBang
kultura at nagiging bahagi siya ng kulturang iyon.
2.Ibinabahagi

Ang ibinabahagi ng kultura ay nagbubuklod sa mga


tao bilang isang pagkakakilanlan ng kanilang
pangkat.Sa ganitong paraan ay natututo ang tao para
mamuhay nang maunlaf at may alam para
maipagpatuloy ang mahusay at matiwasay na
pakikisalamuha niya sa kanyang kapwa.Bilang bahagi
ng Isang kultura,nagkakaroon ng pagbabahaginan ng
gawi,kilos at iba pa.
3.Naaadap
Ang kultura ay nag-aakomodeyt ng kapaligirang
nagkokondisyon sa isang tao sa likas o
teknolohikal na resorses.

Halimbawa: Ang kultura ng isang depres na


lugar ay iba sa kultura ng may kapangyarihan at
mayamang lugar,kaya ang isang sanay na sa
buhay mayaman ay nahihirapan sa buhay
mahirap dahil hindi niya nakagawian ang gayong
kondisyon o uri ng pamumuhay.
4. Dinamiko
Ang kultura ay may dinamikong sistema na patuloy na
nagbabago.Tulad ng wika,may mga kultura na mabilis
ang pagbabago at mayroon din namang hindi
nagbabago o mabagal ang pagbabago.Ang pagbabagong
ito ay nakikita sa estilo ng pananalita,estilo ng buhok at
iba pa.Ang teknolohiya ay nakapagdudulot ng malaking
pagbabago sa kultura.
5.Pangkabuuan
Tayo ay kabilang sa isang grupo na may sinusundang sistema upang
ipakita ang kabuuan,hindi lamang ang pagiging
indibidwal.Kadalasan ang sistema ay pinagkasunduan at ang
sinumang lumabag ay hindi gumagalang sa kultura.Isa para sa lahat
at lahat para sa Isa ang maaaring maging pilosopiya.

Hal.Kung taga - Pilipinas ka,bilang Filipino nakasanayan mo dapat


ang pagmamano sa mga nakakatanda
6.Magkakaiba
May mga kultura tayo ngunit maraming salik
upang ito ay magiging magkaiba. Maaaring
.

ang paniniwala o ang kinagisnang Lugar ang


magdidikta sa pagkakaiba ng mga
kultura.Kung ano ang bawal sa isa ay
maaaring sa isa.Dito lumalabas ating pag-
intindi at paggalang sa pagkakaiba.

Hal.Kung puwede sa mga Katoliko Ang


pagkain ng dinuguan,sa mga Iglesia ni
Cristo ito ay bawal.
7.Nagbabago o Nawawala
Ang pagtakbo ng panahon ay nakaaapekto sa lagay ng
kulturang mayroon isang grupo ng tao o lugar.Maaari
nitong palitan o patayin ang nabubuhay sa isang iglap
lamang.Pinakamalaking salik sa panahon ngayon ay
ang pag - usbong ng modernisasyon sa ating mundo.

Hal. Ang paglalaro ng mga bata sa kalye ay unti-


unting naglaho dahil sa teknolohiya.
Ang tradisyunal na pagluluto ng mga pagkain ay
napapalitan na ng mga makabagong pamamaraan.
8.Kailangan
Ito ay Isa sa mga nagbibigay- kulay sa ating pagkatao o
identidad upang tayo ay mas makilala pa ng lubos ng
iba.Ito ang dugong dumadaloy sa ating mga ugat kaya tayo
nabubuhay ng matiwasay.Ang kultura ay parang isang
damit na nagbibigay- proteksyon,ganda,at pagkatao
natin.Ang lipunan ay tila hubad kapag wala ang kultura.

Hal.Kilala ang Pilipinasa sa katatagan sa mga unos at


pagiging maaalaga sa mga bisita.
9.Naipapasa
Ang mga naunang henrasyon ay may malaking
gamapanin upang ihasik ang kinagisnang ningning
ng kultura sa mga sumusunod sa kanila nang hindi
ito namamatay.Masakit isiping maraming kultura
na ang namaalam sa ating.Kaya sa tulong ng mga
taong may busilak na pagmamahal sa kultura
maaaring maipasa ito.

Hal.Itinuturo ng mga nakakatanda sa kanilang


mga kaanak ang paggawa ng PAROL.
10.May kaugnayan sa
Lipunan
Ang kultura ang bubuo sa isang lipunan at
minsan,ang lipunan ang nagtatakda ng kung ano ang
magiging kultura.Inihayag sa ikalimang katangian ang
pangangailangan natin sa kultura dahil may malaking
gamapanin ito sa lipunan.

Hal.Kung ang duwa ng bayanihan ay gagamitin


laban sa ibang bansa,tayo ay magtatagumpay.
Tayong mga Filipino ang nagluklok sa mga taong
magbibigay sa atin ng mga batas .
Salamat sa Pakikinig!
THANkS

You might also like