You are on page 1of 9

College of Education

YUNIT III: ANG KALAGAYAN NG WIKANG FILIPINO

2b. VARAYTI NG WIKANG FILIPINO

LAYUNIN:

I. Nabibigyang kahulugan ang Varayti ng Wikang Filipino;


II. Napapangkat-pangkat ang uri ng Wikang Filipino; at
III. Naiuugnay sa realidad ng buhay ang tiyak na paggamit ng iba't-ibang Varayti ng
Wika.

PAGTATALAKAY SA PAKSA:

Alonzo (2002), "Ang Varayti ng Wika ay isang maliit na grupo ng formal o makabuluhang
katangian na nauugnay sa partikular na uri ng katangiang sosyo-sitwasyonal."

VARAYTI

 Kilala sa Ingles na "variety"


 Ito ay sanhi ng pagkakaiba ng uri ng lipunang ating ginagalawan, heograpiya,
edukasyon, okupasyon, edad, kasarian at kung minsan, uri ng pangkat etniko.

MGA URI NG VARAYTI NG WIKA

a) IDYOLEK
 Personal na paggamit ng salita ng isang indibidwal.

Halimbawa:

I. "Magandang Gabi Bayan"- Noli de Castro


 "Hindi ka namin tatantanan"- Mike Enriquez
 "Di umano'y"- Jessica Soho

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education
b) DAYALEK
 Ito ay nalilikha ng dahil sa heograpikong kinaroroonan.
 Ito ay ginagamit ng mga tao ayon sa partikular na rehiyon o
lalawigan na tinitirhan.

Halimbawa:

 Tagalog- "Mahal kita"


 Hiligaynon- "Palangga ta gid ka"
 Bikolano- "Padangat taka”

c) SOSYOLEK/SOSYALEK
 Uri ng barayti na pansamantala lang at ginagamit sa isang partikular
na grupo.

Halimbawa:

 Oh my God! It's so mainit naman dito (Naku, ang init naman dito!)
 Wag kang snobber (Huwag kang maging suplado)
 Wiz ko feel ang mga hombre ditech, day!
 Oh my God, nakatabi ko kanina si Crushiecakes
 Kosa, pupuga na tayo mamaya
 Pare, punta tayo mamaya sa mega. Me jamming dun

d) ETNOLEK
 Nagmula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.

Halimbawa:

 Bulanim- pagkahugis buo ng buwan


 Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo
tuwing panahon ng tag-init at tag-ulan

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education
 Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain
Province
 Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
 Kalipay – tuwa, ligaya, saya

e) EKOLEK
 Kadalasang nagmumula sa mga bibig ng bata at matanda
 Mga salitang kadalasang ginagamit sa tahanan

Halimbawa:

 Palikuran- banyo/kubeta
 Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
 Pamingganan – lalagyan ng plato
 Pappy – ama/tatay
 Mumsy – nanay/ina

f) PIDGIN
 Walang pormal na estraktura at tinatatawag ding "lengwahe ng wla
ninuman".
 Ginagamit ng mga tao na nasa ibang lugar o bansa

Halimbawa:

 Ako punta banyo (Pupunta muna ako sa banyo)


 Hindi ikaw galing kanta (Hindi ka magaling kumanta)
 Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
 Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
 Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
 Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko.
Bibigyan kita ng diskawnt.)

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education
 Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas
ang iyong grado.)

g) CREOLE
 Pinaghalo-halong salita ng indibidwal mula sa magkaibang lugar
hanggang sa naging personal na wika

Halimbawa:

 Mi nombre- Ang pangalan ko


 Yu ting, yu wan, a?- Akala mo espesyal ka o ano?
 Di donde lugar to? – Taga saan ka?
 Buenas dias – Magandang umaga
 Buenas tardes – magandang hapon
 Buenas noches – Magandang gabi

h) REGISTER
 Espesyalisadong ginagamit sa isang partikular na pangkat o domain.

TATLONG URI NG REGISTER

a. PARAAN O PAANO NAG-UUSAP (MODE OF DISCOURSE)

Halimbawa:

 Nagbayad po kami ng tama at nasa oras, bakit po kami pinutulan ng ilaw?


 Magandang araw po, kami po ay Kasapi ng kabataang Barangay,naatasan po kami
na gumawa ng sensus tungkol sa bilang ng mga naninirahan sa ating pook.
 Mag aral kayong mabuti para sa inyong kinabukasan.
 Nakakalungkot isipin na pumanaw na ang pinagpipitagan at hinahangaan naalagad
ng sining.

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education
 Hindi na tumitigil ang pag taas ng halaga ng langis kailangan tayong mag tipid sa
lahat ng bagay.

b. PAKSA NG PINAG UUSAPAN (FIELD OF COURSE)

Halimbawa:

 Kung ang pinag uusapan ay tungkol sa komunikasyon ang paksang pinag uusapan
ay tungkol sa radyo, telebisyon, cellphone, email, internet, at wika.
 Kung ang paksa ng pinag uusapan ay tungkol sa elektroniks,ang paksa ng pinag
uusapan ay tungkol sa transmitter, alternator, automatic control regulator, boltahe,
at iba pa.
 Kung ang paksa ng pinag uusapan ay tungkol sa panitikan ay tungkol sa nobela,
tula, dula, maikling kuwento, awit, aklat, manunulat, kasaysayan, at iba pa.
 Kung ang paksa ng pinag uusapan ay tungkol sa pagpipinta ang paksa ng usapan
ay tungkol sa brush, canvas, kulay ng pinta, larawan o paksa, kuwadro, ilaw at iba
pa.

c. TONO NG KAUSAP (TENOR OF DISCOURSE)

Halimbawa:

 Anak pagbutihin mo ang iyong pag-aaral, ikaw ang modelo ng iyong mga kapatid.
 Itay, sana kung maari dagdagan po ang baon ko dahil tumaas na ang pamasahe at
mga bilihin.

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education
MGA TEORYA SA VARAYTI NG WIKA

A. TEORYANG HETEROGENOUS AT HOMOGENOUS

 Teoryang Heterogenous- Ang Heterogeneous ay mula sa salitang heterous " na


nang inga- hulugang magkaiba at "genos" naman ay uri o lahi. Sa Heterogeneous
na wika naman ay nauuri ang mga wika sa iba't ibang baryasyon o barayti. May
mga aspetong sumasaklaw sa pagkakaiba-iba nito, gaya ng heograpiya, kasarian,
edad, grupo, antas ng pamumuhay at uri ng sosyodad na ginagalawan ng
nagsasalita. Maihahanay din sa Heterogeneous ang mga salitang di-pormal at mga
naimbento lamang ng mga ibat- ibang grupo sa ating lipunan. Ito ay mga salitang
ginagamit sa ibat-ibang pamamaraan at istilo pero ang kahulugan ay iisa din
lamang. Andiyan ang mga salitang nabuo sa mga Kalye o mga pabalbal na uri ng
mga salita.

HALIMBAWA:

● fudra o fader - Ama


● Mudra, maderaka o mama - Ina

 Teoryang Homogenous- Ayon sa Merriam-Webster Dictionary, ang salitang


homogeneous ay nagmula sa salitang Griyego na "homogenes" na mula "hom"
nangangahulugang uri o klase at "genos" naman na nangangahulugang ng
kaangkan o kalahi. Kung gayon, ang salitang homogenous ay nangangahulugang
isang klase mula sa iisang lahi o angkan. Kung ilalapat natin ito sa wika, ito ay
tumutukoy sa pagkakaroon ng iisang anyo at katangian ng wika. Ang
Homogeneous na wika ay tinuturing na isang pormal na mga salita na may
pamatayan dahil ito ay kinikilala, tinatanggap at ginagamit ng karamihan pag
nakapag-aaral sa wika. Ito ay gumagamit ng bokabularyo na mas komplikado

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education
kaysa sa ginagamit sa araw-araw na usapan. Ito ay sinasabing ang pagkakatulad ng
mga salita, ngunit dahil sa paraan ng pagbabaybay at intonasyon o aksent sa
pagbigkas ito ay nagkakaroon ng ibang kahulugan.

MGA HALIMBAWA:

● PUno - (Tree) sa ingles


● puNO - Wala ng espasyo

● SAma - (join) sa ingles


● saMA - (Bad) sa ingles

● BAka - na hayop na cow sa ingles.


● baKA - hindi sigurado

B. Teoryang Accomodation (Accomodation Theory) (Giles, 1982)

 nakapokus ang teoryang ito sa taong kasangkot sa sitwasyong pangwika sa proseso


ng pag-aaral at pagkatuto ng pangalawang wika.

 a) Linguistic Convergence - nagkakaroon ng tendensiya na gumaya o bumagay sa


pagsasalita ang isang gumagamit ng wika upang bigyang-halaga ang pakikiisa,
pakikisama at pagmamalaki na siya ay kabahagi ng pangkat.

 b) Linguistic Divergence - pinipilit na ibahin ng taong gumagamit ng wika ang


kanyang pagsasalita upang mabukod sa kausap, di-pakikiisa at pagbuo ng sariling
pagkakakilanlan/identity.

C. Teoryang Sosyolinggwistiko

 Ito ay batay sa pamamalagay na ang wika ay isang panlipunang phenomenon.


Nagiging makabuluhan ang anumang pahayag, aksiyon, at salita ng indibidwal

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education
kung ito ay nakakonteksto sa loob ng lipunan at ikinokomunika sa ibang grupo o
indibidwal. Dahil naman dito nakakabuo ng iba’t-ibang konteksto ang paggamit ng
wika dahil sa iba’t iba rin ang tao na may iba’t-ibang gawain, papel, interes,
saloobin, at pananaw ang kasangkot sa proseso ng komunikasyon.

D. Teoryang Interference Phenomenon at Interlanguage

 Interference phenomenon- ay ang tumatalakay sa impluwensya ng unang wika sa


pangalawang wika. Dito nabubo, halimbawa, ang Taglish dahil sa di- maiwasang
pagpasok ng mga katutubong wika ng mga bansang naging kolonya ng mga bansa
na ang katutubong wika ay Ingles.

 Interlanguage - ang tinatawag na mental grammar na nabubuo ng tao pagdating


ng panahon sa proseso ng pagkatuto nya ng pangalawang wika. Halimbawa nito
ang mga salitang madalas nating ginagama, na dahil sa sobrang dalas y
andadagdagan natin ito ng gamit (nominalisasyon). Dito ay binabago ng
tagapagsalita ung grammar sa pamamagitan ng pagdaragdag pagbabawas at
pagbabagong mga alituntunin.

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education

SANGGUNIAN:

https://www.studocu.com/ph/document/benguet-state-university/college-of-teacher-
education/barayti-ng-wika-uri-at-ang-mga-halimbawa-nito/33193737

https://www.studocu.com/ph/document/notre-dame-of-dadiangas-university/bs-bilogy/
pananaw-at-teorya/35841187

https://www.studocu.com/ph/document/cotabato-state-university/bs-secondary-
education/aralin-6-interference-phenomenon-at-interlanguage/30234670

TAGA-ULAT:

ARROYO, JEANNE P.

BARGO, ALEYAH KAYE A.

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)

You might also like