You are on page 1of 4

lOMoARcPSD|9266963

Katangian-NG-WIKA - Komunikasyon

Psychology (Pamantasan ng Lungsod ng Maynila)

StuDocu is not sponsored or endorsed by any college or university


Downloaded by Arianne Rose Fangon (yhanyhanarianne15@yopmail.org)
lOMoARcPSD|9266963

KATANGIAN NG WIKA
1.) Ito ay may masistemang balangkas.
 Nakaayos satiyak na balangkas
 Nakabatay sa balarila or grammar at ponema, morpema, hanggang sintaks.
 Halimbawa:
nag-aaral Anna siya mabuti makapasa pagsusulit -> Si Anna ay nag-aaral nang
mabuti upang makapasa siya sa pagsusulit.
2.) Ito ay binibigkas na tunog.
 Ang wika ay binubuo ng mga tunog.
 Pinagsama-samaang tunog upang makalikha ng mgasalita.
3.) Ito ay pinipili at isinasaayos.
 Layunin ng wikaang magkaroon ng epektibong komunikasyon na may malinaw na
mensahe.
4.) Ito ay arbitraryo.
 Ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng gumagamit nito.
 Halimbawa:
Ang salitang bahay kapag isinalin sa ibang wika ay:
Ilokano – balay
Chavacano – casa
Tausug – bay
5.) Ito ay patuloy na ginagamit.
 Isang katangian ng wika ay ang pagiging gamitin. Ito ay kasangakapan sa komunikasyon.
6.) Ito ay nakabatay sa kultura.
 Nagkakaiba-iba ang wika nang dahil sa iba-ibang kultura.
 Halimbawa:
Ice Formations (Filipino vs. Ingles)
7.) Ito ay dinamiko o nagbabago.
 Ang wika ay nadaragdagan ng bagong bokabularyo habang lumilipas ang panahon.
 Halimbawa:
Ang salitang bomba ay nangangahulugan na:
- pampasabog
- igiban ng tubig mula sa lupa
- sikreto o baho ng mga kilalang tao

Downloaded by Arianne Rose Fangon (yhanyhanarianne15@yopmail.org)


lOMoARcPSD|9266963

DIMENSYON NG WIKA
1.) Dimensyong Heograpiko
 Ang wikang ginagamit ay batay sa particular na rehiyon. lalawigan, o pook.
 Halimbawa:
Cebuano – Cebu
2.) Dimensyong Sosyal
 Nakabatay ang wika sa pangkat panlipunan.
Halimbawa:
Wika ng mga LGBTQI
Wika ng mgamatatanda

BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA


Ipinapaliwanag sa teoryang sosyolingguwistikong pinagbabatayan ng ideya ng pagiging
heterogenus ng wika ang pagkakaron ng barayti ng isang wika. Ayon sa teoryang ito, nagmula
ang mga barayti ng wika sa pagkakaiba-iba ng mga indibiduwal na nabibilang sa magkaibang
lipunan, interes, hanap-buhay, at kulturang kinabibilangan. Dahil rito, ayon kay Constantino
(2006), may dalawang dimension ang baryabilidad ng isang wika.

1. Dayalek
Ito ang wikang nabuo mula sa pangunahing wika ng isang lalawigan na
kadalasang sinasalita sa iba’t-ibang baying nasasakupan.

Halimbawa:

Tagalog—Maynila Tagalog—Cavite

Tagalog—Bulacan Tagalog—Quezon

Tagalog—Batanggas Tagalog—Laguna

2. Ekolek
Karaniwang nalilikha ito at sinasalita sa loob ng mga kabahayan. Taglay nito ang
kaimpormalidad sa paggamit ng wika subalit nauunawaan naman ng mga taong
gumagamit nito.

Halimbawa:

Pappy—ama Mcguyver—karpintero

Mumsy—ina Lady Gaga—lola

Downloaded by Arianne Rose Fangon (yhanyhanarianne15@yopmail.org)


lOMoARcPSD|9266963

3. Ethnolek
Nalikha ang wikang ito sa mga etnolinggwistikong pangkat.
Halimbawa:
Wika ng mga Tagausug Wika ng mga Ivatan
Wika ng mga Ifugao Wika ng mga Kankanai

4. Idyolek
Taglay ng wikang ito ang pansariling katangian sapagkat personal ang paggamit
nito.

5. Pidgin
\ Nabuo ang wikang ito dahil sa pangangailangan ng mga tagapagsalita at wala itong
pormal na anyo.
Halimbawa:
Grabe talaga pards, nainlababo na yata ako.
Dyusku day!! Paminta eber ang istatus symbol niya!

6. Rehistro/Jargon
Nabuo ang wikang ito dahil sa iba’t-ibang propesyon na umiiral sa isang lipunan.
Halimbawa:
‘muhon’ sa isang karpintero
‘segue’ sa isang script writer
‘Trancendental phenomenon’ sa isang philosopher

7. Sosyolek
Ito ay isang uri ng pansamantalang wika na nalikha dahil sa sosyalisasyon
na kadalasang nagbabago-bago ng anyo sa paglipas ng panahpn
Halimbawa:
Pagdiriwang—parti, tipar, gimmick

Downloaded by Arianne Rose Fangon (yhanyhanarianne15@yopmail.org)

You might also like