You are on page 1of 3

DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY

Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES


DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga
Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
Academic Year 2023-2024 FIRST SEMESTER
URL: http://dhvsu.edu.ph

ANG WIKA BILANG MAHALAGANG SALIK SA PAGBABAGONG LIPUNAN


➔ Ang wikang binibigkas ng isang tao ay naglalahad ng pagkakakilanlan ng kanyang pinagmulan. Ito rin ay
nagsilbing daan para magkaintindihan at magkaunawaan ang mga mamamayan sa isang bansa. Ang wika ay
mahalaga at kinakailangan ng isang bansa maging ng tao sapagkat ito ang ginagamit sa pakikipagkomunikasyon,
pakikipag-ugnayan, at pakikipagtalastasan ng bawat mamamayan. Ito ay talagang napakahalaga dahil kung wala ito,
ang ekonomiya ay hindi lalago o uunlad kung ang mga tao ay hindi nagkakaisa o nagkakaintindihan.
Edward Sapir
➔ Ang wika ay isang likas at makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin at mithiin.
Carol (1964)
➔ Ang wika ay isang sistema ng mga sagisag na binubuo at tinatanggap ng lipunan.
MGA HALIMBAWA NG MGA PAGBABAGO SA WIKA

Pagkakaroon ng mas maraming barayti ng wika.


Pag-usbong ng Teknolohiya
➔ Naging sanhi ng pagkalimot sa pangunahing kaalaman kagaya ng wastong paggamit ng salita at ang
kahalagahan ng pagtangkilik sa ating sariling wika; ang wikang Filipino.
BARAYTI NG WIKA
➔ Ang barayti ng wika ay dulot ng pagkakaiba ng antas ng edukasyon, hanapbuhay o trabaho, henerasyon ng
pagkabuhay o edad, pamumuhay sa lipunang kinabibilangan, at maging lokasyon o heograpiya ng isang lugar.

1. IDYOLEK
➔ Bawat indibidwal ay may sariling estilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat isa. Gaya ng
pagkakaroon ng personal na paggamit ng wika na nagsisilbing simbolismo o tatak ng kanilang pagkatao. Ito ay
mga salitang namumukod tangi at yunik.
✓ Mga Halimbawa:
o “Magandang Gabi, Bayan!” ni Noli de Castro
o “Hindi ka namin tatantanan!” ni Mike Enriquez
o “Ito ang iyong Igan.” ni Arnold Clavio
o “Hoy, gising!” ni Ted Failon
o “Ang buhay ay weather weather lang.” ni Kim Atienza
o “I shall return.” ni Douglas MacArthur
2. DAYALEK
➔ Ito ay barayti ng wika na nalilikha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng mga tao ayon sa
partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan. Tayo ay may iba’t ibang uri ng wikang
panrehiyon na kung tawagin ay wikain o dayalekto.
✓ Mga Halimbawa:
o Tagalog - Bakit?
o Batangas - Bakit ga?
o Ilocos - Bakit ngay?
o Pangasinan - Bakit ei?
3. SOSYOLEK
➔ Ito ay pansamantalang barayti lamang. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang partikular na grupo. Ang mga
salitang ito ay may kinalaman sa katayuang sosyo-ekonomiko at kasarian ng indibidwal na gumagamit ng mga
naturang salita.
✓ Mga Halimbawa:
o “Repapips, ala na ako datung eh.” (Pare, wala na akong pera.)
o “Oh my God! It’s so mainit naman dito.” (Naku, ang init naman dito!)
o “Sige ka, jujumbagin kita!” (Sige ka, bubugbugin kita!)
o “May amats na ako ‘tol.” (May tama na ako kaibigan/kapatid o kaya ay lasing na ako
kaibigan/kapatid)

DHVSU Vision Mission


Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic
Region in producing globally competitive professionals who are capable of creating, development of students to become globally competitive professionals through quality
applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of
development of the humanity and society. society.
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES
DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga
Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
Academic Year 2023-2024 FIRST SEMESTER
URL: http://dhvsu.edu.ph

✓ Mga Halimbawa ng Sosyolek:


 Gay Linggo - Ang wika ng mga gay na kabilang sa LGBTQIA+ Community. Ginamit nila ito upang
mapanatili ang kanilang pagkakakilanlan kaya binago nila ang tunog o kahulugan ng salita.
 Konyo - Ito ay isang baryant ng Taglish o salitang Ingles na hinahalo sa Filipino kaya nagkakaroon ng
code switching.
 Wikang Balbal o Kalye - Ito ay di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang
partikular na grupo ng lipunan.
 Jejemon - Usong-usong wika mula sa pag-tetext. Kakaiba ang istilo ng pagsusulat ng mga salitang
ang kayarian ay kakaiba.
4. EKOLEK
➔ Ito ay tumutukoy sa mga salita at wikang ginagamit sa loob ng tahanan. Ito rin ay ang ginagamit sa pakikipag-
usap araw-araw.
✓ Mga Halimbawa:
o Silid tulugan o pahingahan – kuwarto
o Pamingganan – lalagyan ng plato
o Pappy – ama/tatay
o Mumsy – nanay/ina
o Palikuran – banyo o kubeta
5. ETNOLEK
➔ Mayroon namang mga salitang likas at naging pagkakakilanlan na ng mga pangkat etniko sa bansa. Ang tawag
sa Barayting nabuo nila ay etnolek. Batay ito sa mga etnolonggwistikong pangkat sa Pilipinas.
✓ Mga Halimbawa:
o Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon ng tag-
init at tag-ulan
o Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan
o Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province
o Palangga – iniirog, sinisinta, minamahal
o Kalipay – tuwa, ligaya, saya
6. CREOLE
➔ Ito ay ang pinaghalo-halong salita ng indibidwal, mula sa magkaibang lugar hanggang sa naging personal na
wika. Halimbawa rito ay pinaghalong salita ng Tagalog at Espanyol (ang Chavacano), halong African at
Espanyol (ang Palenquero), at ang halong Portuguese at Espanyol (ang Annobonese).
✓ Mga Halimbawa:
o Mi nombre – Ang pangalan ko…
o Di donde lugar to? – Taga saan ka?
o Buenas dias! – Magandang umaga!
o Buenas tardes! – Magandang hapon!
o Buenas noches! – Magandang gabi!
7. PIDGIN
✓ Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s native language” ng mga
dayuhan. Ito ay ginagamit ng dalawang indibidwal na nag-uusap na may dalawa ring magkaibang wika. Sila ay
walang komong wikang ginagamit. Umaasa lamang sila sa mga “make-shift” na salita o mga pansamantalang
wika lamang.
✓ Mga Halimbawa:
o Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)
o Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
o Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
o Suki ikaw bili akin ako bigay diskawnt. (Suki, bumili ka na ng paninda ko. Bibigyan kita ng diskawnt.)
o Ikaw aral mabuti para ikaw kuha taas grado. (Mag-aral ka ng mabuti upang mataas ang iyong grado.)

DHVSU Vision Mission


Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic
Region in producing globally competitive professionals who are capable of creating, development of students to become globally competitive professionals through quality
applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of
development of the humanity and society. society.
DON HONORIO VENTURA STATE UNIVERSITY
Cabambangan, Villa de Bacolor 2001, Pampanga, Philippines COLLEGE OF BUSINESS STUDIES
DHVSU Main Campus, Villa de Bacolor, Pampanga
Tel. No. (6345) 458 0021; Fax (6345) 458 0021 Local 211
Academic Year 2023-2024 FIRST SEMESTER
URL: http://dhvsu.edu.ph

8. REGISTER
➔ Ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng isang partikular na domeyn. May isang salita o termino
na nababago ang kahulugan ayon sa larangan o disiplinang paggagamitan nito.
➔ Pareho ang salita ngunit magkaiba ang kahulugan.
✓ Mga Halimbawa:
o Ang salitang “COURT” ay maaaring magkaroon ng ibang kahulugan ayon sa register o larangang
kinabibilangan nito.

SALITA: COURT COURT


Larangan: Politika Sports
“Lugar o bulwagan kung saan isinasagawa “Lugar kung saan idinaraos
Kahulugan: ang paghahatol.” ang mga gawaing pang-isports.”

Ang usapin ukol sa lupain ay Ang laro natin mamayang hapon


Pangungusap: pag-uusapan na lamang natin sa Justice court. ay gaganapin sa Santulan court.

o Ang salitang “KAPITAL” ay maaaring magkaroon ng dalawang kahulugan ayon sa register o


larangang kinabibilangan nito.
SALITA: KAPITAL KAPITAL
Larangan: Negosyo Heograpiya
Kahulugan: Puhunan Kabisera o punong lungsod

Pangungusap: Nangangailangan ako ng kapital na 50,000 Ang kapital ng bansang Pilipinas


para sa aking itatayong negosyo sa tindahan. ay ang lungsod ng Maynila.

DHVSU Vision Mission


Vision – A DHVSU envisions of becoming one of the lead universities in the ASEAN Mission – DHVSU commits itself to provide a conducive environment for the holistic
Region in producing globally competitive professionals who are capable of creating, development of students to become globally competitive professionals through quality
applying and transferring knowledge and technology for the sustainable instruction and services; innovation and research towards the sustainable development of
development of the humanity and society. society.

You might also like