You are on page 1of 5

College of Education

Mga batayang Pilosopiyang Pinoy

BAYAD NGA

● Sa pag sakay sa pampasaherong sasakyan lalo na sa jeepney, dito makikita ang maling
kaugalian ng Pilipino na naging kaugaliang itinuturing na gawi, isang gawing hindi maganda.
Kapag papasok sa loob ng jeepney, tiyak na pipiliin ang upuan sa bandang dulo sa my
pintuan pababa at papasok.
● Isa sa hindi magandang gawi ay ang pagpapaabot ang pasahe o bayad. Gamit ang wika na tila
nawala na ang kagandahang asal sa pakikisuyo sa pag-abot sa bayad.
Kapag may sukli at iaabot sa sinuklian, madalang pa sa patak na ulan ang maririnig na
"pasalamat sa mga nagkusang kumuha at umabot ng bayad para ibigay sa kanya. Ang
pagbibigay halaga sa kultura, lalo na kung ito ay mabuti, kailangan itong patatagin at
ipagpapatuloy upang mahalin ng susunod na henerasyon.
● Dapat tandaan na hindi maaaring mabuhay ang tao kung walang pagpapahalaga sa lahat ng
mga bagay sa kanyang kapaligiran.
● Habang lumalaki ang bata ay hinuhubog siya sa kultura o gawi na mga taong nagpapalaki sa
kanya. Kaya napakalaki ng responsibilida ng mga tagadala at taga lipat ng gawi at mga
pagpapahalaga. Ang mahusay na paglipat ng mga pagpapahalaga sa pamamagitan ng
mabuting halimbawa ng mga magulang, mga nakakatanda at mga guro.
● Ang gawi kaugalian, pamumuhay at edukasyon ay naging bahagi ng pilosopiyang taglay ng
tao, bitbit ang pagmamalaki na dahil sa pilosopiyang pilipino, magpapatuloy ang pag-ikot ng
mundo ng mga Pilipino.
● Ang kultura ay naging sandigan ng bawat bansa upang mabigyan ng buhay ang
pagkakakilanlan sa pamamagitan ng gawi at kinaugaliang nag-uugnay sa ating pagkatao.
Nararapat na bigyang halaga at iwaksi ang mali kahit pa sa maliliit ng bagay.
Ang kaasalan at kaugalian ay bahagi ng pilosopiya ng buhay ng tao na ibig mabuhay ng
maayos at kapaki-pakinabang sa lipunang kanyang ginagalawan.

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education
NAGPAPAKATOTOO LANG AKO, AKO ITO (RAMDAM KITA)
● BANTAYAN AT PAMAHALAAN ang inyong emosyon. It could make or break your
relationships.
● Young people are emotional sinasadya man nila o hindi. Nagmumula ito sa kanilang
nagbabagong katawan. May parte ng kanilang utak na kailangan pang magmature-ang
prefrontal cortex na siyang responsable sa pagkontrol ng emosyon at tamang pagdedesisyon.
Huwag na kayong magtaka kung bakit moody sila at padalosdalos kung magdesisyon. May
mga bago din silang karanasan kaya hindi nila alam kung paano mag-react sa mga sitwasyon.
● Ganundin, hindi lahat ng masakit sa feelings ay mali. Kailangang disiplinahin ang emosyon
upang huwag malinang ang maling habits of the heart. Kapag hindi tayo marunong magtimpi.
bibigay tayo sa lahat ng tukso ng buhay. Ito ang madalas kong madinig: "Nagpapakatotoo
lang ako! Ingat ka sa pagsasabi niyan. Ayos lang mag tapat sa sarili at huwag magpanggap.
Pero ibang usapan ang ibulalas ang mga negatibong ugali at pagpapahalaga sa ngalan ng
pagpapakatotoo. Kung taga-sunod ka ni kristo. Kailangang patayin mo ang luma mong
pagkatao at isuot ang damit ng katuwiran.
INCREASE YOUR EMOTIONAL INTELLIGENCE (El) Maraming matalinong tao ang
nalulubog sa kalungkutan kapag dumadaan sa matinding pressure at stress ng buhay.
mas kailangang matatag ang El (emotional intelligence) ng bawat isa. Basically, may apat na
elemento ang EL ayon sa pinakasikat at most-widely used na EQ (Emotional Quotient)
measurement ang MSCEIT (Mayer, Salovey and Caruso Emotional Intelligence Test). Ang
test ay binuo ng mga propesor mula sa Yale University at University of New Hampshire.

1. Percieving Emotions (pagkilala sa emosyung ipinapakita mo at ng iba)


2. Facilitating Thought (abilidad na tumugon sa pamamagitan ng emosyon at gamitin ito
nang tama sa iba't ibang sitwasyon)
3. Understanding emotions (pag-unawa sa mga sanga-sanga o halu-halong emosyon ng
isang tao at malaman kung bakit sila nagkakaganoon)
4. Managing emotions (pangunguna o pagri-regulate sa emosyon tulad ng galit upang
maging maayos ang pakikitungo sa iba)

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education
Here are some Ideas on how can we develop our emotional management skills.
Watch your thoughts. GIGO Garbage in garbage out. Salain ang pumapasok sa utak. The
heart is Deceitful kaya dapat binabantayan ng matinong isipan. Kung ano ang ating iniisip ay
kanya na ring mararamdaman.
Never attempt to please all people. Hindi mo trabahong pasayahin ang lahat ng tao kasi
hindi mo naman talaga kaya. Kapag nakasandig sa pagtanggap ng iba ang kaligayahan mo,
mapapariwala ka. Kapag nagbago sila at ang mundo, maaring magbago rin ang pagtingin nila
sa iyo.

Know your limits. Tandaan ang tatlong ito: ang magagawa mo, ang magagawa ng ibang tao
at ang magagawa ng Diyos. Huwag mong problemahin ang mga bagay na hindi mo dapat
pinoproblema (i.e. reaksyon ng iba sa Sitwasyon). Huwag mo ring tangkaing gawin ang mga
bagay na Diyos lang ang makagagawa (i.e. baguhin ang kapwa mo). Stick to your
responsibility and domain. Huwag kontrolin ang hindi mo kayang kontrolin.

No emotional dependency. Ito ang yugtong umaasa ka na sa iba upang mapunuan ang iyong
emotional needs. Mahirap isandal sa tao ang iyong buhay dahil lahat tayo ay nagkakamali
and people may fail you. Kapag emotionaly- dependent ka, prone ka sa pang-aabuso ng iba
dahil darating ang pagkakataon na mas pipiliin mong masaktan kaysa iwan ka nila.

Get rid of toxic relationships. Hindi lahat ng kasama mo sa buhay maganda ang idudulot sa
iyo. May mga taong uubos ng energies mo dahil malulusaw nila ang inyong dignidad.
Inaabuso ang iyong kabaitan dahil take lang sila nang take samantalang ikaw ay give lang
nang give. Isang paraan ng Panginoon na maayos ang buhay mo ay ilayo ka sa kanila. Huwag
mo silang panghinayangan. Sa maraming pagkakataon, hindi sila kawalan kundi mga
emotional baggages mo lang na dapat mo nang bitiwan.

Huwag makati ang dila. May dalawang elemento ang tsismis. First, gossip is talking about
other people behind their backs. Kapag wala ang taong pinag-uusapan, tsismis iyun. Hindi
mo masasabi ang isang tsismis kapag kaharap mo ang taong inyong pinag-uusapan. Second.
It usually involves negative or private details that put the individual in a bad light. Maaring
totoo ang mga bagay na pinag-uusapan ngunit hindi na dapat pinagkakalat dahil sumisira sa
reputasyon ng taong inyong pinag-uusapan. Gossips "demonizes" the person.
Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education
Cool ka lang. Mahirap ang maraming kaaway. Lumalalim ang mundo mo. Choose your
battles. May mga taong kahit napakaganda ng iyong ginagawa at sinasabi ay hahanapan ka ng
butas para atakihin ang iyong pagkatao. Learn to deal with them. Hindi lahat ng alitan dapat
pinapatulan. Habang tumatanda ka, dapat mas lumalawak ang iyong pang-unawa, nagiging
mas mabait sa iyong kapwa. Kasi mas nagagalugad mo ang bawat anggulo ng buhay na
nagbibigay sa iyo ng kaalaman kung bakit nangyayari ang bagay-bagay. Parte ng maturity
iyan.

Forgive forgive din kahit walang time. Kung hindi ka marunong magpatawad, para kang
nagdadagan ng isang malaking bato sa iyong dibdib. Nakaka-stress iyan. Holding on to your
grudge will do you more harm than good. Sabi nga ni Elsa ng Frozen: "Let it go!" Lason sa
buhay ang hindi nagpapatawad. hindi ang kaaway mo ang uber-affected sa ganyang scenario.
Ikaw ang nalalason ng puso mong galit at magulo.

Lumiliit ang iyong mundo. Habang may galit ka sa iyong puso parang may lubid na
nagdudugtong sa iyo sa taong hate na hate mo. Forgive so that you can be freed!

Speak truth in love. May mga pagkakataon na bagamat mahal mo ang isang tao ay
kailangang sabihin mo sa kanya ang masakit na katotohanan. Pero may rule diyan: We must
always speak truth with love and compassion. Ika nga ng Christian author na Si Warren
Wiersbe: truth without love is brutality. Love without truth is hypocrisy." Sinuportahan din
ito ni kumpareng Ravi Zacharias: "if truth is no under girded by love, it makes the possessor
of that truth obnoxious and the truth repulsive." A friendly rebuke is crucial in strengthening
friendships. Pero dapat private muna iyan at hindi binobroadcast sa social media.

People don't care how much you know until they know how much you can. Nakikinig lang
tayo sa mga taong minamahal natin. You have to eam the trust of people so that you can
access their mind and heart. Kahit totoo ang ating sinasabi ngunit hindi nila nararamdaman
ang iyong love, everything would fall on deaf ears. Kahit masakit ang katotohanan na
kailangan nilang malaman, hindi nila iyon mamasamain dahil alam nila na sinasabi mo iyon
out of concern at hindi out of condemnation.

SANGGUNIAN:
Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)
College of Education
https://www.scribd.com/document/484828004/Ugnayan-ng-wika-kultura-at-lipunan

Taga-ulat:
Alinsog, Karen Lou C.
BSED FILIPINO 2A

Accredited: Accrediting Agency of Chartered Colleges and Universities of the Philippines (AACCUP)
Member: Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC)
Agricultural Colleges Association of the Philippines (ACAP)

You might also like