You are on page 1of 3

MGA HALIMBAWA NG

BARAYTI AT REGISTER NG
WIKA

Taga-ulat: JEANNE P. ARROYO


MGA BARAYTI NG WIKA

1. Idyolek – bawat indibidwal ay may sariling istilo ng pamamahayag at pananalita na naiiba sa bawat
isa.

MGA HALIMBAWA:

 "Magandang Gabi Bayan” ni Noli de Castro


 “Hindi ka namin tatantanan” ni Mike Enriquez
 “Ito ang iyong Igan” ni Arnold Clavio
2. Dayalek – Ito ay barayti ng wika na nalililkha ng dimensiyong heograpiko. Ito ang salitang gamit ng
mga tao ayon sa partikular na rehiyon o lalawigan na kanilang kinabibilangan.

MGA HALIMBAWA:

 Tagalog = Bakit?
 Batangas = Bakit ga?
 Bataan = Baki ah?
3. Sosyolek – na minsan ay tinatawag na “Sosyalek”. Ito ay uri ng wika na ginagamit ng isang
partikular na grupo.

MGA HALIMBAWA:

 Repapips, ala na ako datung eh (Pare, wala na akong pera)


 Oh my God! It’s so mainit naman dito. (Naku, ang init naman dito!)
 Wa facelak girlash mo (walang mukha o itsura ang gelpren mo o kaya ay pangit ng gelpren mo)
4. Etnolek – Isang uri ng barayti ng wika na nadebelop mula sa salita ng mga etnolonggwistang grupo.

MGA HALIMBAWA:

 Vakuul – tumutukoy sa mga gamit ng mga ivatan na pantakip sa kanilang ulo tuwing panahon
ng tag-init at tag-ulan.
 Bulanim – salitang naglalarawan sa pagkahugis buo ng buwan.
 Laylaydek Sika – Salitang “iniirog kita” ng mga grupo ng Kankanaey ng Mountain Province.
5. Ekolek – barayti ng wika na kadalasang ginagamit sa loob ng ating tahanan.

MGA HALIMBAWA:

 Palikuran – banyo o kubeta


 Silid tulogan o pahingahan – kuwarto
 Pamingganan – lalagyan ng plato
6. Pidgin – Ito ay barayti ng wika na walang pormal na estraktura. Ito ay binansagang “nobody’s
native language” ng mga dayuhan.

MGA HALIMBAWA:

 Ako kita ganda babae. (Nakakita ako ng magandang babae.)


 Kayo bili alak akin. (Kayo na ang bumili ng alak para sa akin.)
 Ako tinda damit maganda. (Ang panindang damit ay maganda.)
7. Creole – mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalo-halong salita ng indibidwal,
mula sa magkaibang lugar hanggang sa ito ay naging pangunahing wika ng partikular na lugar.

MGA HALIMBAWA:

 Mi nombre – Ang pangalan ko


 Di donde lugar to? – Taga saan ka?
 Buenas dias – Magandang umaga

REGISTER NG WIKA– minsan sinusulat na “rejister”, ito ay barayti ng wikang espisyalisadong ginagamit ng
isang partikular na domeyn. Ito ay may tatlong uri ng dimensyon.

a.) Paksa ng Pinag-uusapan (field of course) – ang layunin at paksa nito ay naayon sa larangan ng mga
taong gumagamit nito.

b.) Paraan o Paano nag-uusap (mode of discourse) – paraan kung paano isinasagawa ang uri ng
komunikasyon.

c.) Tono ng Kausap (Tenor of discourse) – ito ay naayon sa relasyon ng mga nag-uusap.

MGA HALIMBAWA NG REGISTER:

 Mga salitang jejemon


 Mga salitang binabaliktad
 Mga salitang ginagamit sa teks
 Mga salitang ginagamit ng mga iba’t-ibang propesyon gaya ng mga doktor

You might also like