You are on page 1of 3

Analysis of the Filipino Affective Concept of Understanding as Opposed to the

Western Rational Concept: Damdamin VS Rationality


By: Renz Marion C. Caras

Ang tao ay isang nilalang na nag-iisip. Ito ay isang depinisyon na binigay ng mga
taga-kanluran mula pa sa panahon ng mga griyego. Ang depinisyong ito ay naging
nakasanayan na at tinangkilik ng karamihan. Ngunit ang depinisyon bang ito ay maaaring
gamitin sa pangkalahatan? Sa ating mga Pilipino ba ay ganito rin ang pagtingin natin sa
mga tao?
Kadalasan, ang rason sa mga hidwaan at bangayan sa ating bansa ay ang di-
pagkakaintindihan. Ito ay makikita lalong-lalo na sa babae at lalaki. Hindi nagkakaroon ng
pagkakaintindihan sapagkat may kaibahan sa depinisyon ng “pag-iintdi” sa isa’t isa. Dahil
sa emosyon na isinasantabi muna, nagkakroon ng mas malaking butas sa pagitan ng
dalawang taong hindi magkaiintindihan. Malamang karaniwan sa sitwasyon ng dalawang
individual na may hidwaan na ang isa ay pinag-iisipan at idinadaan sa masusing pagsusuri
ang sitwasyon. Sa pagsusuring ito ay makikita na walang siyang ginawang mali. Ngunit
bakit may di pagkakaintindihan? Ito ba’y dahil wala talagang tama sa dalwa? O baka naman
hindi dapat utak ang pairalin kundi emosyon? Tingnan natin ang salitang understand.
Kapag suriin nating manuti at paglaruan ang mga salita lumalabas na ang understand ay
isang kognitibong pamamaraan. Sa ating mga Pilipino, ano ba ang understand? Hindi ba’t
ito’y pag-uunawa? Paglaruan natin ang salitang ito at makikita natin ang dalawang salitang
dinugtong: pag-una at awa. Lumalabas na ang konsepto ng understand ng mga taga-
kanluran ay kabaliktaran ng sa ating pampilipinong konsepto. Kung sa kanila ay pinaiiral
ang pag-iisip, ang sa atin nama’y ang damdamin o emosyon. Balikan natin ang sitwasyon
ng babae at lalaki na magkasintahan. Hindi ba kadalasn ang lalaki ang rasyonal at ang
babae naman ang emosyonal? Bakit may ganitong pagkakaiba? Hindi naman ito dahil sa
ang lalaki ay natural na rasyonal at ang babae ay natural na damdamin. Ito ay dahil sa
pagkakadungis ng atin kulturang nang sa mga taga-kanluran. Nag-asimila na ng kultura at
mentalidad nila ang ating kultura. Dahil dito marami ang nawawalan na ng kanilang
pagkasarili sa konteksto ng damdamin. Pano ba talaga natin mga Pilipino tinitingnan ang
ating sarili?
Kung ihahambing natin ang ating mga sitwasyon sa lipunan sa sitwasyon ng
kanluran, kitang-kita ang pagkaka-iba. Para sa kanila ang nakakaintindi ay ang taong
empatiko. Ngunit kadalasan ay simpatico lamang ang naipapakita nila. At ang nakaka-
intirga nga ay ang kanilang pagpapakita ng kanilang pag-unawa na dapat ang puso o
pasyon ang pairalin, madalas pinag-iisipan pa nila ang kanilang dapat maramdaman. Ayon
kay Platon, ang taong mas pinapahalagahan ang isip sa pasyon ay siyang taong may tunay
na may maganadang kaluluwa. Ang sikat na kasabihang “think before you act” ang
ipinapalabas ni Platon. Ngunit hindi sa lahat ng sitwasyon utak ang umiiral. Dahil iba-iba
ang rasyonalidad ng mga tao, hindi nagkakaroon ng tunay na paguunawaan.
Sa sitwasyon naman ng mga pilipino, tayo’y namumuhay na katabi an gating kapwa.
Sentimento ang pinapairal natin. Totoo na tulad ng rasyonalidad iba-iba rin ang emosyon at
karanasan ng mga tao, ngunit sa ating konsepto ng pag-uunawa mas pinapahalgahan
muna natin ang nararamdaman ng iba bago ang sa ating sariling kapakangan. Sa tingin ko
na mas dalisay itong pagkatao kaysa sa pinapauna ang pag-iisip sa pag-iintindi. Sa
konseptong ito ng pag-uunawa ay mas kinkatawan natin ang etika ng tao sa kanyang
kapwa. Ngunit ito ay hindi basta-bastang unawa lamang sa pangangailangan ng ating
kapwa. Ito ay ang tamang balanse ng etika at ng ating pagkatao. Ang konsepto ng pag-
unawa ay direktang pumapasok sa tema ng hustisya. Ang pag-unawa ay hindi lamang
simpleng konsepto na tungkol sa damdamin. Nagkakaroon tayong mga pilipino ng ideya ng
hustisya dahil sa pag-uunawa. mas binibigyan nating halaga ang panganga-langan ng
ating kapwa. Halimbawa, isang ina na may tatlong anak. Ang isa mataba at masustansiya,
ang isa ay tamang-tama lamang ang laki at malakas ang resistensya at ang huli nama’y
medyo payatin at sakitin. Sa ideya ng pag-uunawa, natural na ang atensyon at pag-aaruga
ng ina ay sa mas nangangailangan nito at ito ay sa sakiting anak. At dahil rin sa konsepto
nating Pilipino tungkol sa unawa, ay mauunawaan ng dalawang masiglang kapatid ang
sitwasyon. Sa pag-aaral ng konsepto ng pag-unawa bilang basehan ng hustisya,
nagkakaroon na rin tayo ng ating konsepto ng etika taliwas sa moralidad na itinuro lamang
ng mga bastardong prayle ng panahon ng kastila, ngunit isang etika na umuugat sa ating
kultura at pagkaka-intindi ng pagkatao at sarili. Dahil sa ating konsepto ng pagkatao
maitatanong natin sa ating mga sarili “ano ba ang dapat gawin?”. Gumagawa tayo ng tama
hindi dahil sinabi ito ng iba ngunit dahil nauunawaan natin ang kasalukuyang sitwasyon at
gagawin ang tama at karapatdapat.
Ngunit malabo ang konsepto na ito sa pangkalahatan ng mga pilipino. Ito ay dahil sa
dungis na nadala ng westernization natin. Dahil sa ating konsepto n gating sariling kahinaan
at inferiority sa mga taga-kanluran ay nagbunga sa ating kultura ang pagiging walang
pakialam sa kanyang paligid. Nagkakaroon ng pampilipinong ‘stoysismo’ sa ating lipunan
kaya’t unit-unting natutunaw ang ating kulturang maunawain. Ang mga bagay na sakop n
gating mga indibidwal na sarili lamang ang ating binibigyang priyoridad. Ang kultura nating
mga Pilipino ay duming-dumi na ng teknolohiya at pagkasarili. Hindi na natin nauunawaan
ang tunay na kahalagahan ng ating mga sarili at ang ating kapwa. Away dito, gulo doon,
hanggang saan ba ito matatapos? Bakit tayo nakakaranas ng ganitong mga pangyayari sa
ating lipunan? Sino ang dapat na sisihin? Tingnan natin ang ating mga sarili at mauunawan
natin na tayo mismo ang may gawa.

Minsan sa ating buhay di natin nakikita na ang buhay natin ay napakakumplekado


na pala. Kahit ang kabataan ngayon ay masyadong abala sa buhay at pag-iisip. Dahil sa
patuloy na pagbabago ng panahon at ang pag-usbong ng teknolohiya, napaka-ironikong
ispin na ang tao ay patuloy na naghahanap ng mga paraan upang maging simple at
mapadali ang gawain sa pang araw-araw ngunit ang mga paraang ito ay lumalabas lamang
na lalo pang nagpapakumplika ng simpleng buhay ng tao. Ang mga problema sa ating mga
buhay ang palaging bumabagabag sa atin. Kadalasan ang tao ay nagtutuon lamang ng
pansin sa mga pagsubok na dumadating sa kanyang buhay at hindi na napagtutuonan ng
pansin ang ibang mga simpleng bagay na nakalimutan natin ay bahagi pa pala ng ating
mga buhay.

Ang ating buhay ay hindi lamang ang mga ugat na dinadulayan ng ating dugo, ang
buhay ay ang mga ugat din na dinadaluyan at dinadaanan ng mga taong ating
napakikitunguhan sa labas ng ating katawan sa ating buhay. Kung aabutin din natin ang
pangangailangan ng ibang tao at pagtataguyod ng ugnayan, kung tulay imbis na pader ang
ating itayo, ang mundo ay mapupuno ng pagkakaunawaan, kapayapaan at kaligayahan.

You might also like