You are on page 1of 3

Redoblado, Lanz Gilver M.

Section 14

Formative Assessment #6
Sagutan ang mga sumusunod na katanungan

1. Bahagi na ng kulturang Pilipino ang paniniwala sa mga supernatural o paranormal na


pangyayari. Iba’t ibang mga kwento na ang ating mga narinig mula pa pagkabata at
hanggang ngayon ay namamayagpag pa rin ang gayong mga kwento. Mga istorya
tungkol sa mga aswang, maligno, nuno, multo, duwende at iba pa ang mga nagpasalin
salin at madalas na naiikwento sa mga bata. Ano sa iyong palagay ang dahilan sa
likod ng pagkalat o pamamayagpag ng ganitong mga kwenton? At ano ang
implikasyon nito sa kabataang Pilipino?

  Ang mga paniniwalang ito ay nagsimula pa sa ating mga ninuno na patuloy paring dumadaloy
sa ating kultura, ang paniniwalang ito ay maaring nagmula sa impluwensya ng animism kung
saan ang ating mga ninuno ay naniniwala na hindi lang tayong mga tao ang naninirahan dito sa
ating mundo. Sa kadahilanang nagsimula ito sa ating mga ninuno ito na rin ang nagsilbing ugat
kung bakit patuloy parin itong namamayagpag hanggang sa ngayon, lalo’t na kapag naikwento
ito sa bata kung saan mataas pa ang ating mga imahinasyon at kung ano man ang mga kaganapan
na hindi nito mapaliwanag ay agada gad maihahambing sa mga supernatural o paranormal na
pangyayari. Ang mga kabataang nakwentuhan ng mga ito ay ipagpapatuloy o maipapasa sa
kanilang magiging anak ang mga paniniwala hanggang sa maging kultura na ang mga ito na
umiikot sa buong komunidad, kapag dumadami ang naniniwala sa mga haka haka ay mas
nagiging konkretong paniniwala ito na patuloy na mananatili sa pagtagal ng panahon. Ang
maaring implikasyon nito sa kabataang Pilipino ay maaring paniwalaan o hindi paniwalaan ang
mga ganito bagay at ang mga ganitong kaisipan at paniniwala ay wala pang sapat na ebidensya
upang mapatunayan ang mga ito, naipapakita lamang nito na isa sa malaking epekto ng
pagkakaroon ng mga gantong kaisipan ay dahil sa impluwensya na karamihan ay naniniwala sa
mga ganito.

2. Ang mga babaylan noong unang panahon ay pinaniniwalaan may kakayahan mag
pagaling ng mga karamdaman sa pamamagitan ng mga pagsasagawa ng mga ritwal.
Sila ang isa sa mga unang ebidensya ng pananampalataya sa animismo bago pa man
ang pagdating nang mga kastila. Sa modernong panahon ay mayroon pa rin bakas ng
mga faith healers na di umano’y kayang magpagaling ng karamdaman gamit lamang
ang mga salita at “hand gestures” at mayron din naman mga debotong naniniwalang
nakakagaling nga ito kaysa sa Agham. Sa iyong pananaw, ano ang relasyon at epekto
ng faith healing sa Sikolohiya ng mga Pilipino?
Ang faith healing ay maari nating sabihing dulot ng isang “placebo effect” kung saan ang
ating kaisipan ay malaking bahagi kung paano natin nacocontrol ang ating nararamdaman.
Bungad nga ng matinding paniniwala, halimbawa sa isang relihiyon kung saan ang patron ay
isinasabing nakakagawa ng milagro at ang lahat ng maniniwala dito ay maliligtas sa kung ano
mang sakit ang mararanasan, Ang mga idelohiyang ganito ang isa sa mga dahilan kung bakit ang
mga Pilipino ay mas pinipili ang mga ganitong paniniwala na hindi nakabase sa agham at ang
mga nakasaad sa libro na mga milagro ay walang mga konkretong patunay ngunit sa kabila nito
dahil malakas ang kanilang paniniwala at pananampalataya mas nararamdaman nilang ligtas at
gumagaling sila sa ganitong paraan sapagkat ayun ang nabubuo sa kanilang isipan at ang
katawan ay sumusunod lamang kung sa ano ang nangingibabaw sa ating kaisipan, ngunit hindi
ito tuluyang gumagaling ito’y sadyang nakakalimutan lamang at maari pang lumala. Sa aking
perspektibo tulad ng mga faith healing ay isang malaking kabaliktaran ng agham, maaring
parehas ang layunin na pagalingin ang pasyente ngunit magkaiba ang epekto.

3. Si Matilda ay isang dalaga na sa murang edad ay nawalan na ng mga magulang dahil


sa isang trahedya at lumaki sa malupit niyang tiyahin. Pag siya daw ay sinusumpong
ay nawawala ito sa katinuan lalo na tuwing malalim na ang gabi. Sa kanilang baryo
ay pinaniniwalaang sinapian siya ng isang masamang espiritu. Ang kababalaghan ng
sapi o “spirit possession” ay ang pag sanib ng kaluluwa o maligno sa isang tao. Ang
resulta nito ay ang pag-iiba ng biktima ng kanyang pananalita, galaw at maging ang
personalidad. Kung ito ay maiuugnay mo sa Sikolohiya, paano mo bibigyan ng
paghahambing at paliwanag ang tinatawag nating “sapi” sa kulturang Pilipino?

Sa aking perspektibo ang salitang sapi na sinasabi sa kulturang Pilipino ay ang pagkawa
naman sa sarili dulot ng mga trahedya sa sikolohiyang Pilipino. Malaki ang magiging epekto ng
mga kaganapan kay matilda noong sya ay nasa murang edad sapagkat ito ay magsisiling
pundasyon kung ano ang magiging katauhan nya sa ngayon, ngunit sa kadahilanang nakatanggap
at nakaranas sya ng pagmamalupit at mga trahedya na maaring makaapekto sa kanyang pagiisip,
ang mga pagbabago sa kanyang kilos, pananalita, at personalidad ay dulot ng paglayo nya sa
mga kaisapan na naganap noong siya ay nasa murang edad pa. Ang pagkawala nito sa sarili ay
hindi ibig sabihin ay may pumapalit na masamang espiritu, kung ating bubusisain ng maigi ay
maiintindihan naman natin ang kanyang magiging kalagayan matapos ng lahat ng mga nangyari
sakanya, Isa ito sa mga problema ng ilan nating mga kababayan na nabubulag na ng mga
paniniwalang pangrelihiyon o mga haka haka na hinding hindi makakatulong sa biktima, mali
ang kaisipan kaya’t mali din ang magiging paniniwala.

4. Gayuma o “love potions” ay popular na paggamit sa ating kultura ay isang inuming


pinaniniwalaan may kakayahang magpa-ibig o magpahulog ng loob sa sino mang
iinom nito, depende sa tagubilin ng gumawa nito at ito ay may iba’t ibang epekto
depende sa nag benta at gumagamit nito. Ano ang pananaw mo sa paniniwalang ito?

Ang paniniwalang ito ay maaring sumailalim din sa tinatawag na placebo effect kung saan
binibigyan nito ng lakas ng loob ang mga bumibili upang mapaibig nilang ang kanilang mga
gusto, kung saan nabubuo ang kaisipan na kapag ginamit ang mga ito ay tuluyang mapapaibig
nya ito at dahil sa matibay na paniniwala ay lalakas ang kanyang loob at maaring matanggal ang
kanyang kaba ang mag-iba ang kanyang pakikitungo sa binigyan ng gayuma at ang mga aksyon
na ito ang maaring dahilan kung bakit sa tingin ng iba na ito ay talagang mabisa, sa kabilang
banda naman ay dapat tandaan nating nasa ating mga kamay kung paano natin mabubuo ang mga
kaisipan at paniniwala, huwag agad sa mga paniniwalang walang konkretong ebidensya. Para sa
aking pananaw ay ang paniniwalang ito ay walang bisa at maaring magdulot ng masama sa
kalusugan ng mga iinom sapagkat hindi malinaw kung ano ang mga nilagay sa mga ito. Dulot ng
mga paniniwala na nagmula pa sa ating mga ninuno ay nadadala parin natin hanggang sa ngayon,
mga paniniwalang patuloy paring nanalantay sa ating kultur ana bumubuo sa ating pagkapilipino.

You might also like