You are on page 1of 4

ORASYON

1. Ano nga ba ang orasyon?

Ito ay mga panalangin na sinasambit para mawalang bisa ang anumang karamdaman na
paniniwalang gawa ng sinuman o naistorbo dahil sa masamang espiritu.

2. Kelan nagsimula ang orasyon?

Nagsimula ito noong panahon pa ng ating mga ninuno bago tayo sakupin ng mga Español
kung saan naging parte ng ating kultura dahil sa paniniwala na makakapagbibigay lakas at
proteksyon laban sa hinaharap na pagsubok.

3. Ano ang mga paunaing kagamitan ang ginamit para sa orasyon?

Ayon sa mga istorya, ang anting-anting ang paunaning ginagamit upang maranasan ang
kapangyarihan na galing sa itaas na kung saan pinaniniwalang ito ang pinagmumulan ng
kanilang lakas na hindi mapipigilan ng sino’y man. Nagiging mas epektibo ang mga ganito sa
pagsasambit ng mga orasyon o bulong sa pamamagitan ng pagsasaulo ng Latin.

4. Ano ang mga halimbawa ng orasyon?

May iba’t ibang klase ng orasyon na sinasambit base sa mga sitwasyon. Katulad ng
‘pamako’ na kung saan pwede maparalisa ang sino man, ‘tagabulang’ na kung saan hindi ka
makikita, ‘kabal at kunat’ na kung saan hindi ka matataga, at ‘tagaliwas’ na kung saan
maiiwasan ang mga bala ng baril. At dahil din sa impluwensiya ng Catholismo lalong pinagtibay
ang mga ganitong paniniwala na tinatawag na ngayon ‘angelus’ na kung saan naging daan para
lumalalim sa pananampalataya ng mga Pilipino.

5. Sino-sino ang mga gumagamit nito?

Kung babasahin natin ang ating kasaysayan, maraming kilalang mga tao ang gumagamit
nito katulad nila Emilio Aguinaldo na dinala niya ang ‘Santisima Trinidad’ noong panahon ng
Rebulasyon ng mga Pilipino, Andres Bonifacio at mga katipunero, Heneral Antonio Luna,
Nardong Putik, Tiagong Akyat, Gregorio Aglipay at si Valentin “Tatang” delos Santos na sikat
sa pagiging

6. Epektibo nga ba ang orasyon?

Ayon sa mga nakaranas nito, epektibo ang orasyon lalo na kung magaling magsambit ng
mga berso ang albularyo o kabisado niya ung mga lunas sa bawat sakit. May sabi-sabi din na
dapat sundin ang mga kagustuhan ng espiritu dahil possible na maka-disgrasya ito sa iba. Kaya
mina’y ari na gawain nila ito sa mga tagong lugar na kung saan mas lalo pa nila mahahasa ang
kapangyarihan ng kanilang ‘anting-anting’. Isang halimbawa dito ay ung pagsusulat ng berso sa
isang kapirasong papel at ididikit sa noo ng pasente gamit ang laway nito para malaman kung ito
ba ay kulam o sumpa.

Pero ayon sa mga experto, hindi dapat pinapraktis ang mga ganitong bagay dahil sa
possible na mali ang diagnosis nito. Marami din kasing mga kaso na dahil sa pag-aakala na ubo o
sipon lamang, yun pala ay malala nang sakit. Kaya kung may mga nararamdaman na or hindi na
alam kung ano ang gagawain, wag mag-atubili na pumunta sa mga doktor upang mabigyan ng
tamang diagnosis at reseta para maiwasan ung possible ng pagkalat ng sakit. Walang masama sa
alternatibong gamot katulad ng mga herbal dahil napatunayan naman din itong epektibo pero
wag na sana natin samahan pa ng kung ano-ano dahil hindi natin alam kung ano maidudulot nito.

7. Opinion ko sa orasyon

Dahil nangaling ako sa pamilya ng mga doktor, alam ko kung ano ung mga dapat na
solution na hindi ka naghihinala, katulad ng pagsakit sa ipin na pwede gawaan ng remedio para
maibsan ang sakit sa pamamagitan ng pagpapakulo ng mainit na tubig na may asin upang
kinabukasan makaya ang magpatingin sa experto.

At bilang isang Kristiayano, alam natin na pinagbabawal ng ating Panginoon sa

pamamagitan ng kanyang mga salita na pawang na dapat alahanin natin lalo’t na ito ay isang
karumal-dumal na kasalanan sakanya dahil sa pagsambit ng mga orasyon na hindi naayon sa
kalooban niya. Tandaan din natin na nanalangin tayo hindi lamang dahil sa ating mga
kagustuhan pero dahil ito ay iyong kommunikasyon mo sa Panginoon. Kaya dapat tayo lumapit
na may pagkakumbaba at puso na handa sumunod sa kagustuhan niya. Sabi nga sa Mateo 6:7
(Ang Biblia, 2001) “At sa pananalangin ay huwag kayong gumamit ng walang kabuluhang
paulit-ulit, na tulad ng ginagawa ng mga Hentil, sapagkat inaakala nilang sila ay pakikinggan
dahil sa marami nilang salita.” kaya maging maingat sa bawat salita na sinasabit.

You might also like