You are on page 1of 2

PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS

Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro


Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

WEEK 5 – Kalayaang Kaloob sa Atin, Panagutan Natin

I. Kalayaan
• Ayon kay Sto. Thomas Aquinas, ang kalayaan ay kakayahan ng tao na italaga ang kanyang
sarili tungo sa isang mabuting layunin at magtakda ng mga hakbang sa pagkakamit nito.
• Ang tao ang nagdidikta sa kaniyang kilos at pasya at walang sinomang maaaring gumawa nito
para sa kanya.
• Malaya tayong piliin ang gusto natin ngunit hindi tayo malayang makapipili sa bunga ng
desisyon o kilos natin.

II. Kalayaan at Responsibilidad


• Ang kalayaan ay may kaakibat na responsibilidad sa sarili at kapwa.
• Malaya tayong magpahayag ngunit nagiging tunay lamang ang paggamit ng kalayaan kung ang
mga salitang mamumutawi sa ating bibig ay makapagpapabuti sa ating kapwa.
• Ayon kay Mindo & Salera (2018), kalayaan ang makagawa ng kilos nang walang hadlang at
naglalayong magmahal at maging responsable.

III. Tugon sa Tunay na Kalayaan


• Ayon kay Lipio (2004), ang tunay na kalayaan ay kalayaang kabahagi ang kanyang kapwa.
a. May dalawang (2) Aspeto ng Kalayaan (Lipio, 2004):
i. Kalayaan mula sa - kailangang maging malaya ang isang indibidwal mula sa
sariling interes, pagmamataas, katamaran at iba pang hadlang.
ii. Kalayaan para sa - dapat makita ng indibidwal ang kapwa bago ang sarili at
gagamitin niya ang kanyang kalayaan upang tumugon sa kahingian ng
sitwasyon at pagkakataon. Ito ang diwa ng pagmamahal at paglilingkod sa
kapwa.

Mahalagang Katanungan: Paano natin epektibong maipararating o maipadarama ang paglilingkod at


pagmamahal gamit ang berbal/di-berbal na komunikasyon?

• Bilang kabataan, maaari nating ipadama ang paglilingkod at pagmamahal sa kapwa sa


pamamagitan ng malusog na komunikasyon at pagnanais sa tama at mabuti. Mainam din na
mag-isip at magnilay tayo sa ating mga sinasabi upang hindi makapanakit ng damdamin. Sa
di-berbal na komunikasyon, maari nating iparating ang pagmamahal at paglilingkod sa
pamamagitan ng boluntaryong pagtulong sa kapwa ng walang hinihiling na kapalit. Maaari rin
nating maipakita ang pagmamahal sa pamamagitan ng pagyakap, paghalik, at pag-aruga sa
ating kapwa.

WEEK 6 – Dignidad: Taglay Nating Lahat

I. Dignidad
● Ang dignidad ay mula sa salitang Latin na dignitas, mula sa dignus o “Karapat-dapat.”
PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS
Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro
Linangan ng Pagtuturo at Pagkatuto
Daang Taft, Maynila

● Nangangahulugan na ang tao ay karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang mula


sa ibang kapwa.
● Nag-uugat din ang dignidad sa pagiging bukod-tanging nilikha ng tao at pagtataglay ng
isip at kilos-loob.
● Ito rin ay isang bagay na nagdudulot ng karapatan ng tao sa lahat.

II. Pagkilala sa Dignidad ng Kapwa


● Pantay ang dignidad ng lahat tao sa mundo.
○ Hindi ito kagaya ng reputasyon na nakabatay lamang sa pagtingin ng ibang tao.
● Ang dignidad ay hindi maaaring mapataas o mapababa.
○ Ang dignidad ay nananatili anoman ang ating kulay, kasarian, relihiyon, mayaman
o mahirap, bata o matanda.
● “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo”- Golden rule.
○ Ang gintong aral ay nagpapahiwatig na ang bagay na makakabuti sa iba ay
makakabuti rin sa atin. Samantala, ang makakasama sa ibang tao ay makakasama
rin sa atin.
● Ang kahirapan ang kadalasang sanhi sa paglabag ng paggalang sa dignidad ng tao
kung saan ito rin ang nagiging sanhi ng diskriminasyon.
● Halimbawa ng mga Diskriminasyon
○ Hindi pantay na pagtingin sa mga pangkat-etniko (Indigenous People)
○ Pambubully sa mga may kapansanan.

III. Pangangalaga sa Dignidad ng isang Tao


● May iba’t-ibang karanasan ang ating kapwa at ikaw bilang tao ay maaaring makatulong sa
pagpapataas ng pagtingin nila sa kanilang sarili.
● May mga bagay na wala sa kontrol ng tao ngunit ikaw ay mahalaga at pinagkalooban ng
dignidad anoman ang iyong kapansanan, kasaysayan, kalakasan. at kahinaan.
● Dapat nating matutunang pangalagaan ang ating sarili dahil tayo ay katangi-tanging nilikha
ng Diyos na hindi maaaring maulit (Unrepeatable) at palitan (Irreplaceable).

Mahalagang Katanungan: Paano ko pangangalagaan/poproteksiyunan ang aking sarili laban sa anomang


diskriminasyon?

• Ang pangangalaga sa sarili ay nagmumula sa pagtanggap sa ating sarili at sa ating kapwa bilang
katangi-tanging nilikha ng Diyos at karapat-dapat sa pagpapahalaga at paggalang dahil tayo ay
pantay-pantay. Sa kabila ng iba-iba nating sitwasyon at limitasyon, lagi nating isaalang-alang
sa lahat ng pagkakataon ang kabutihan at karapatan ng bawat isa upang matiyak natin ang
paglutas sa anomang uri ng diskriminasyon at kapahamakan.

You might also like