You are on page 1of 4

KADIWA-Binhi

Distrito ng Tarlac Central


“Isulong ang Ikapagtatagumpay ng lahat ng mga gawain sa Iglesia”

Paksa: “Understanding One’s Personality”


Petsa ng Pagsasagawa: Buwanang Pulong ng Agosto

Layunin:
1. Maipaunawa sa mga kabataan ang iba’t ibang uri ng pagkatao ng isang indibidwal
2. Makapagbigay kaalaman sa kung paano mapapabuti ang pakikitungo o
pakikisalamuha sa isa’t isa sa kabila ng pagkakaroon ng iba’t ibang personality.

Programa ng Pulong:

I. Pahayag ng paninindigan
II. Pag-awit ng Kapisanan Hymn
III. Panimulang Panalangin (PD Tagasubaybay)
IV. Pagwelcome sa pulong ng lahat ng kaanib sa kapisanan (esp. Doktrina at Sinusubok)
V. Pagtalakay sa mga AGENDA
VI. Pagpapakilala sa “GUEST SPEAKER”
VII. Pagtalakay sa paksa
VIII. Pagpapayo at Pangwakas na Panalangin.(Destinado-Ministro/Manggagawa)

PANIMULA
Sa araw-araw na ating pakikimuhay, karaniwan na sa atin na tayo ay nakakasalamuha ng mga
tao na may iba’t ibang personalidad. Sa katunayan, maging sa loob ng Iglesia, iba’t iba rin ang
pagkato nating magkakapatid. Sa kabila man ng ating pagkakaiba, mahalaga na manatili ang pag-
uunawaan sa bawat isa. Kaya sa paksang ito, tatalakayin natin kung ano nga ba ang iba’t ibang uri ng
personality ng isang tao at ano ang dapat nating gawin upang sila ay mapakitunguhan natin ng
mabuti.
Ang personality o pagkatao ay tumutukoy sa karakter, gawi at pag-uugali ng isang tao na
nagtatatag ng sarili niyang pagkakakilanlan. Ayon teorya ni William Moulton Marston, isang
sikolohiko, ang pagkatao ng isang indibidwal ay maaaring maihanay sa apat na uri ng behavioral
traits. Bago natin ito talakayin, alamin muna natin kung saang behavioral traits mapapabilang ang
ating personality sa pamamagitan ng sitwasyon na babanggitin.

Malapit ng magsara ang pintuan ng isang elevator nang may isang taong humabol na sumakay. Sa loob
ng elevator, mayroon ng apat na taong nakasakayna may iba’t ibang reaksiyon sa pangyayari.
Si A na ayaw maghintay at nagmamadaling ipasara na ang pintuan ng elevator.
Si B na masayang nagbukas ng pintuan at bumati sa bagong kasama.
Si C na ngumiti sa bagong sakay at matiyagang naghihintay na magsara ang pinto.
Si D na kinakalkula kung kakayanin pa ng capacity ng elevator ang bigat ng limang taong nakasakay

ANG APAT NG URI NG BEHAVOIRAL TRAITS

1. Dominant (A). Kung ikaw si “A” sa sitwasyon na nabanggit, ikaw ay napapabilang sa


Dominant Personality. Ang mga indibidwal na may ganitong personalidad ay mga born leader
dahil mas pipillin nila na maguna kesa sumunod. Sila ang mga natatanging inidibidwal na may
tiwala sa sariling kakayahan, marunong mag-organisa at may kaalaman sa kung paano
makakamit ang kanyang mithiin dahil nakatuon ang kanyang isip sa pagtatamo ng mabilis at
magandang resulta (result-oriented).

2. Influencing (B). Kung ikaw naman si “B”, ikaw ay napapabilang sa Influencing Personality.
Ang ilan sa mga katangi-tanging karakter ng mga indibidwal na may ganitong personalidad ay
ang pagiging masigla at optimistic (positive thinker). Hindi sila takot na matuon sakanila ang
pansin ng mga tao o maging center of attention dahil natural na rin sakanila ang pagkakaroon ng
sense of humor. Sila ang mga indibidwal na nagbibigay kasiyahan sa grupo at nagbibigay ng
encouragement at positive vibes sa kanyang mga kasamahan.

3. Steady (C). Kung katulad mo naman si “C”, ikaw ay napapabilang sa Steady Personality.
Karaniwan sa mga indibidwal na may Steady Personality ang pagiging mapagbigay lalo na sa
mga taong malapit sakanya, maunawain at mapaghinuhod (patient). Sila rin ay karaniwang
mga good listeners at kadalasang maaasahan at mapagkakatiwalaan.

4. Compliant (D). Kung kapareho mo namang mag-isip si “D”, ikaw ay napapabilang sa


Compliant Personality. Ang mga indibidwal na may Compliant Personality ay gumagawa at
nag-iisip sa analitikal at sistematikong kaparaanan na kadalasang nakabatay sa mga
impormasyong bunga ng pananaliksik at pag-aaral. Kung ang Dominant Personality ay result-
oriented, ang Compliant Personality naman ay karaniwang detailed-oriented. Inaalisa nila ang
bawat detalye ng isang sistema, kung paano ang proseso nito at kung ano ang mali at magiging
mali sa proseso.

ANU-ANO ANG KAHINAAN NG MGA NABANGGIT NA PERSONALIDAD AT PAANO SILA


PAKIKISAMAHAN?
1. Dominant (A). Dahil sa kagustuhang laging manguna, may mga pagkakataon na hindi
naisasaalang-alang ng Dominant Personality ang authority ng mga taong mas nakakataas
sakanya. Maaari rin silang masumpungan sa pakikipagtalo at sa hindi pakikinig at
pagtanggap sa opinyon ng iba dahil sa tiwala at bilib sa sariling kakayahan. Kaya mahalaga na
maibigay sa mga may ganitong personalidad ang kaukulang respeto at pag-unanwa.

2. Influencing (B). Madali namang mawala sa focus ang may Influencing Personality. Dahil sa
kagustuhan na laging napapansin, mas gusto nila na sila ang pinapakinggan kesa nakikinig.
Nais ng mga may ganitong personalidad na sila ay ma-appreciate at mabigyang puri sa mga
bagay na kanilang ginagawa.

3. Steady (C). Nahihirapan namang sumabay o mag-adjust sa mga pagbabago ang mga may
Steady Personality dahil mas madali para sa kanya ang sumunod sa kung ano ang
nakasanayan. Kapag nakakaranas naman ng frustrations o nakakaramdam ng galit, mas
pipillin ng may ganitong pagkatao ang umiwas sa gulo kesa harapin ito kaya itinatago na
lamang nila ang kanilang galit at hinanakit. Kaya mahalaga na maramdaman nila ang comfort
sa isang tao nang sa gayon maihayag nila ang kanilang saloobin.

4. Compliant (D). Tulad naman ng Steady Personality, madalas din umiiwas sa anumang gulo
ang may Compliant Personality. Takot din silang magkamali at mas gusto na mapag-isa
pagdating sa mga bagay na kanilang ginagawa. Mataas din ang kanilang standard dahil sa
kanilang pagiging perfectionist. Importante para sakanila na maramdaman ang tiwala ng
kanyang mga kasamahan at ang integridad sa bawat ginagawa.

PAGLALAGOM

Madalas tayong makasalamuha ng iba’t ibang uri ng tao ng may iba’t ibang uri ng personalidad.
Maaaring may mga pagkakataon na naitatanong natin kung bakit ganoon ang ugali ng taong yaon o
kung bakit gayon ang kanyang pakikitungo. Ang unang hakbang sa pag-unawa sa mga taong ating
nakakasalamuha ay ang pagsasaisip na hindi lahat ng tao ay katulad mo o sa wikang Ingles
“Everyone is not like you”. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay pagsasaalang-alang at
pagbibigay halaga na sa loob ng Iglesia Ni Cristo, sinisikap natin ang mapanatili ang Pag-iibigang
Magkakapatid at sa pag-iibigan nariyan ang pag-uunawaan at pagtanggap sa isa’t isa magkakaiba
man ang ating personalidad.
Naghanda:

Lokal ng Maligaya

Binigyang Pansin:

Solomon V. Donato
KSKP

You might also like