You are on page 1of 1

EsP Reviewer

A. Ang mataas na tunguhin ng isip ay katotohanan.


B. Ang tunghin naman ng ating kilos-loob ay paggawa ng kabutihan.
C. Ang katagang “Ang dignidad ng tao ang batayan ng moral na pamumuhay ng isang lipunan” ay nangangahulugan
na ang dignidad ay hindi nasusukat sa uri ng hanapbuhay kundi mula sa pagkatao.
D. Maituturing na tunay na katangian ng kalayaan ang katagang “Malaya ako kung naisaalang-alang ko
ang kabutihang panlahat.”
E. Kapag may regular tayo na panalangin at may Panginoon ang ating sarili , ito ay may malaking maitulong sa
paghubog ng ating konsesnsiya at nagiging payapa ang ating puso at nagkaroon din ng panatag na
kalooban.
F. Kung ang panlabas na pandama ay depektibo, nagkakroon ito ng epekto sa isip. Ang pahayag ay” Tama ,
dahil ang panlabas na pandama ang nagbibigay kaalaman sa isip .”
G. Sa kamangmangang ito ay may pamamaraan pa na magawa o malampasan sa pamamagitan ngpagtatanong,
pananaliksik o pag-aaral ay tinatawag na Kamangmangang Madaraig na siyang dapat gawin ng bawat
indibidwal.
H. Mapanatili ang mataas na antas ng dignidad ng tao kung isabuhay ang pagpapahalaga at paggalang
sa kapwa kahit anuman ang kanilang katayuan sa buhay, lahi, kulay, o relihiyon.
I. Ang” Kalayaan para sa (Freedom for) “ay malaya ang tao sa pagiging makasarili at mailagay ang
kapawa na una bago ang sarili.
J. Ang tao ay walang control sa mga pangyayri sa labas ng sarili ngunit ang nagaganap sa loob ay pwede nating
pigilin at pamahalaan upang ganap tayong malaya sa mga negatibong katangian.
K. Ang pundasyon ng Batas Moral ay: “Gawin ang mabuti at iwasan ang masama”
L. Sa proseso ng paghubog ng konsensiya ginamit ang isip nang may mapanagutan ang palaging isakilos ang
ginawang pagkiling o pagpili sa mabuti , pagiging mapanagutan sa anumang kilos na gagawin, pagsasabuhay ng
mga birtud at pagpapahalaga, at pakikihalubilo sa mga taong tumutulong sa paghubog ng mga moral na
pagpapahalaga.
M. Kailangan ng tao ang “higit pa sa malayang kilos-loob upang maging malaya”. Ang pahayag aynagpapahiwatig na
ang kalayaan ay may kakambal na responsibilidad .
N. Kailangang lumaya ang tao mula sa makasariling interes, pagmamataas, katamaran, at iba pang negatibong pag-
uugali dahil maaring nakasentro lamang siya sa kanyang sarili kaya hindi makakamit ang
kalayaan.
O. Ang dignidad ay nangangahulugang pagiging karapat-dapat ng tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa
kanyang kapwa.
P. Sa yugtong ito, nakikita ng tao ang kanyang pagkilos bilang pagtugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod sa
kapwa tungo sa kanyang kaganapan bilang isang tao. Ito ang simula ng pagkilos ng “konsensiyang moral” na “
Religious level.”
Q. Ipagtanggol ang karapatan at dignidad laban sa pang-aalipin ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFW). Ito
ay nagsangguni nang pagtanggol sa dignidad ng paggawa.
R. “Ibinibigay ng isip ang katuwiran bilang isang kakayahan upang maimpluwensyahan ang
kilosloob”.Nangangahulugan ito na “ nakadepende ang kilos-loob sa ibinigay na impormasyon
ng isip.”
S. Ang krisis ay isang kritikal na pangyayari sa ating buhay na kalimitan ay negatibo pero mayroon namang
positibo.
T. Ang pinakamahalagang ari-arian ng isang tao na hindi maiwaksi hanggang kamatayan ay ang kanyang
karangalan.

You might also like