You are on page 1of 2

NAVOTAS – Gabay sa Buwanang Pulong February 2021

DUTIES OVER STUDIES


I. PANIMULA
Sa panahon natin ngayon na may pandemya at mga sakit na lumalaganap sa buong mundo, hindi
pa rin nawawala ang edukasyon na kailangan ng mga tao. Patuloy pa rin ang pag-aaral kahit tayo
ay nasa ating mga tahanan. Hindi masamang mag-aral ng mabuti at mag-sipag sa mga pag-aaral.
Ang pag-aaral ay isa sa mga utos ng ating Panginoong Diyos ngunit alamin natin kung ang pag-
aaral ba ang gagawin nating prayoridad sa ating mga buhay bilang mga kabataang Iglesia Ni
Cristo?

II. PAGTATALAKAY
A. Ano ba ang tungkulin nating mga Kabataang Iglesia Ni Cristo?
Tayong mga kabataang Iglesia Ni Cristo, ang isa sa ating mga tungkulin ay mahalin at
igalang ang ating mga magulang na unang utos ng ating Panginoong Diyos na may kalakip
na pangako. Gayundin ang ating mga pag-aaral na ito ay utos rin ng ating Panginoong Diyos
kaya marapat rin nating pagtuonan ng kasipagan dahil dito magsisimula ang magagandang
kinabukasan na ipagkaka-loob sa atin ng ating Panginoong Diyos.

B. Bakit dapat na “Duties Over Studies” o “Ang tungkulin dapat ang higit kaysa sa Pag-
aaral”?
Sa loob ng Iglesia Ni Cristo na ating kinaaaniban ngayon ay may iba’t ibang tungkulin na
pinagkakatiwala sa atin. Ito ay para sa ikaa-ayos ng kabuuan ng Iglesia Ni Cristo. Ngunit sa
ating mga estudyante na kaanib sa Iglesia Ni Cristo, dapat ba nating pabayaan ang ating
mga tungkulin para sa ating pag-aaral? Dapat ba nating mas ipag-pauna ang mga pag-aaral
kaysa sa ating mga Tungkulin na ipinagkaloob ng ating Ama?

C. Mga Kahadlangan sa pagtupad ng Duties Over Studies


 Schedule- Kapag biglang may pagbabago sa schedule ng pag-aaral sa pag-tupad
 Exam and Quizzes- Sa twing matatapat ang araw at oras ng exam at quizzes sap ag-
tupad
 Tambak na Gawain- Mga hindi nagawang gawain kaya tumambak na at nagamit na
ang oras ng pag-tupad.
 Pagka-tamad- Hindi ginagawa ang mga bagay na naka-takdang gawin kaya may
napababayaan.

D. Paano natin matutupad ang pagpapa-una sa pag-tupad ng tungkulin higit sa pag-aaral o


Duties over Studies?
 Tumanggap ng Tungkulin- Para maipag-pauna ang pag-tupad ng tungkulin ay dapat
mayroon na tayong tungkulin
 Huwag tumanggi sa t’wing inaalok ng tungkulin-Sapagkat ito ay isang regalo na
mula sa ating Panginoong Diyos
 Paggawa ng Planner- Upang maayos ang pagkaka-sunod-sunod ng mga gampanin.
 Time Management-Upang walang masayang na oras at lahat ng gampanin ay
maisagawa
 Prioritize our Duties-Sapagkat wala ng higit na mas mahalaga kaysa sa pag-tupad
 Know Your Limitations- Alamin kung hanggang kalian ang panahon ng pag-aaral
sap ag-tupad upang parehas mabigyan kahalagahan ang parehong bagay.
 Know your responsibilities-Alamin kung ano ang mahahalagang responsibilidad
bilang isang mag-aaral lalo na ang responsibilidad ng isang Maytungkulin
 Have Plans-Magkaroon ng plano kung paano isasagawa o maipagsasabay ang pag-
tupad at pag-aaral upang walang mapabayaan
 Know Your Goals-Alamin kung ano ang ninanais na resulta sa pag-aaral at pag-
tupad upang lalong mapahalagahan at mahalin ang ginagawang pag-aaral at pag-
tupad ng tungkulin.
 Mag-panata-Walang imposible kung tayo ay hihingi ng tulong sa ating Panginoong
Diyos upang kahit na gaano karami ang gampanin natin bilang mga estudyante at
bilang isang maytungkulin ay tulungan tayo ng Ama na manindigan at unahin parati
ang paglilingkod natin sa Kaniya.

III. PAGLALAGOM
Sa bawat pagsasakripisyo para sa ating tungkulin ay huwag ikalungkot bagkus atin
itong ikagalak sapagkat ito ay pagpapagal at pagmamalasakit para sa tungkulin. Lalo na
ngayon sa taong ito ay lalong pinaigting ang gawaing pagpapalaganap at ang lahat ng
Gawain na inilulunsad ng Pamamahala. Para sa ating mga kabataang Iglesia Ni Cristo, tama
lamang na pahalagahan ang pag-aaral, sa katunayan ay isa ito sa mg autos ng ating
Panginoong Diyos na pahalagahan ang pag-aaral. Ngunit, huwag rin nating kalimutan na
lalong mahalaga ang pag-tupad ng mga tungkuling pinag-kaloob sa atin ng ating Panginoong
Diyos. Unahin nating parati ang pag-tupad ng tungkulin sapagkat ditto tayo makalalapit sa
ating Ama para sa ating mga pangangailangan sa ating Ama para sa ating pangangailangan
sa ating buhay gayundin sa ating pag-aaral. Higit sa lahat, gamitin natin ang karapatan
nating manalangin upang magtagumpay tayo sa ating mga pag-aaral lalo’t higit sa t’wing
tayo’y tumutupad ng gampanin, at kahit mahirap pagsabayin ang pag-aaral at pag-tupad ay
mayroon tayong Panginoong Diyos tayo na tiyak na tutulong at gagabay sa atin.

You might also like