You are on page 1of 5

Life Application &

Missional Guide
Mission: To love God, to 8 January 2024
love people and make Issue No. 051

disciple – making leaders

Paano Magtatagumpay Sa Iyung Goals


I. PRAY AND CARE: (appoint 1 person to facilitate)

- Have each group discuss what they are thankful for this week.
- Have each person tell what verse has impacted them during their quite time with God?
- Have one or two prayer partner share their experience in praying for one another

II. MILESTONE OF THE MISSION: (appoint 1 person to facilitate)

- Have each member tell what happened as they trusted God for their goals and their “I
will within” statements.

III. PREPARING FOR MISSION:

Introduction:
Marahil nagbuo ka ng mga goals para sa taong ito, kaya lang ay natatakot ka na baka hindi mo magawa
o mabigo ka ulit gaya noong mga nakaraang taon. O kaya naman hindi mo alam kung ano ang gagawin
mo para matiyak na magagawa mo ang mga ito at ng sa gayon ay maparangalan mo ang Diyos sa iyong
buhay. Pagusapan natin ang tatlong hakbang na kailangan natin upang masigurado na matupad ang
ating mga goals.

How To Succeed With Your Goals

L - Let Go Of the Past


I - Increase Forward Progress
P - Pursue Purposeful Living

1- Let Go Of the Past

Filipos 3:13 MBB "Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang
ginagawa ko: habang nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan."

Kailangan nating matutunan na hindi tayo dapat manatili sa nakaraan. Ang sabi ni Pablo ay kinakalimutan
niya ang nakaraan. Ang bawat tagumpay, accomplishments, kabiguan man o failures sa nakaraan ay hindi
dapat maging hadlang sa pag-abot ng iyung goals at purpose. Kagaya ni Pablo, na maraming narating at
naranasan na tagumpay at pagkatalo, pero hindi niya hinayaan na maging hadlang ang kanyang
nakaraan sa kanyang future. Totoong importante na matuto tayo sa nakaraan pero hindi tayo pwedeng
mabuhay sa nakalipas.

Q Sa anong mga paraan makakatulong ang pagbitaw sa nakalipas na tagumpay o kabiguan upang
matupad mo ang layunin ng Diyos sa iyung buhay? Alalahanin ang isang pagkakataon kung kailan
naramdaman mong na-stuck ka sa nakaraan. Paano makakatulong ang pagtuon sa purpose ng Diyos para
sa iyong hinaharap upang malampasan mo ito?

Important Note: Please watch the video message on YouTube or Facebook before our lesson. This will Page 1|5
help you better engage with the discussion. The life application guide is designed to complement the
video message.
Mission: To love God, to
love people and make
disciple – making leaders
2- Increase Forward Progress

Filipos 3:13-14 MBB 13 Mga kapatid, hindi ko ipinapalagay na nakamit ko na ito. Ngunit isang bagay ang
ginagawa ko: habang nililimot ko ang nakaraan at sinisikap na marating ang layuning nais kong makamtan,
14 nagpupunyagi ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin
ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na nasa langit.

Ang sabi ni Pablo ay hindi niya kini-claim na nakamit na niya ang lahat ng gustong ipagawa at lahat ng
gustong mangyari ng Diyos sa kanya. Sabi sa talata ay "hindi ko pinapalagay na nakamit ko na ito" at dahil
dito patuloy siyang nagsisikap na marating o matupad niya yung layunin ng Diyos para sa buhay niya.
Imagine mo ito napakarami niyang accomplishments. Nagtatag siya ng maraming church sa Asia Minor at
Europe, nakapagbahagi sya ng mabuting balita sa higit na 50 cities. Lumaganap ang Kristyanismo lagpas
sa boundary ng Judea sa pamamagitan niya. Siya ang nagsulat ng 14 books sa New Testament.
Pinakamarami sa lahat ng author ng Biblia. Gumawa din siya ng mga alagad gaya ni John Mark at Timothy
at nag-mentor din sya ng maraming teachers at preachers. At kahit nasa kulungan sya, ay naipalaganap
niya pa din ang mabuting balita sa mga gwardya. Pero tignan mo sinasabi niya na hindi pa ako naka-
arrive. Sabi niya "Anong aking ginagawa ngayon? sabi niya nililimot ko yung nakaraan, yung mga
accomplishments ko at failures nililimot ko yan para magawa ko pa ang susunod kong gagawin.

Q Anong mga hakbang ang maaari mong gawin upang maiwasan ang pagiging kampante sa iyong
kasalukuyang espiritwal na kalagayan? Paano mo mapapanatili ang kababaang-loob na patuloy na
matuto at lumago sa iyong ministeryo, na kinikilala na mayroon pang mas marami na makakamit sa
kaharian ng Diyos?

Carl Sandburg “Before you go to sleep, say to yourself, ‘I haven’t reached my goal yet, and I’m going to be
uncomfortable, and to a degree unhappy, until I do.”

3- Pursue Purposeful Living.

Filipos 3:14 MBB 14 nagpupunyagi ako patungo sa hangganan upang makamtan ang gantimpala ng
pagkatawag sa akin ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus, ang buhay na nasa langit.

Ang sabi dito ay nagpupunyagi Si Pablo "para makamtan ang gantimpala ng pagkatawag sa akin ng Diyos
sa pamamagitan ni Cristo Jesus" kaibigan Kung ikaw ay nanampalataya sa Panginoong Jesus, at ikaw ay
nakipag-isa na sa Kanya ikaw ay kasama sa mga tinawag ng Diyos. Ang ibig sabihin ay merong purpose
ang Diyos sa iyong buhay at ito yung inaasahan ng Diyos na tutuparin mo. Kaya nga kung gusto mo
pagtagumpayan ang mga goals mo ngayung taon ay kailangan mo isabuhay ang buhay na may layunin.

Now maaaring tinatanong mo, paano ko ba malalaman ang purpose ng Diyos sa buhay ko? Kaibigan
kailangan mo suriin ang iyong sarili kung nasaan ang passion mo? Ano ang mga bagay na ginagawa mo
na kung saan ay nakakaramdam ka ng kaligayahan. Alamin mo din kung ano ang mga talent na meron ka
at pagisipan mo kung saan mo gagamitin yung mga talents na binigay ng Diyos sa iyo. Pwedeng ang talent
mo ay tungkol sa iyong trabaho, o kaya pa tungkol sa iyong hobbies. Tingnan mo kung paano mo ito
magagamit para sa Diyos. Tapos tanungin mo yung mga tao na nakapaligid sayo at hingin mo yung
kanilang feedback at ideas at ang pinakaimportante ay kapag nakita mo kung saan ng passion mo ay
gamitin mo ito agad para maglingkod.

Q Isipin ang mga talentong ibinigay sa iyo. Paano mo magagamit ang mga kaloob na ito hindi lamang sa
iyong personal na buhay, kundi pati na rin sa paglilingkod at pagpaparangal sa Diyos? Anong mga hakbang
ang maaari mong umpisahan upang matiyak na ang iyong personal at ministerial na mga goals ay
nananatiling naka-align sa direksyon ng Diyos?

Billy Sunday “More men fail through lack of purpose than lack of talent.” -

Important Note: Please watch the video message on YouTube or Facebook before our lesson. This will Page 2|5
help you better engage with the discussion. The life application guide is designed to complement the
video message.
Mission: To love God, to
love people and make
disciple – making leaders

IV. GOING ON THE MISSION:

1. Paano mo masusukat ang iyong espirituwal na pag-unlad at manatiling


motivated na tuloy-tuloy na lumago pa ng husto? Anong mga goals ang iyong
itinakda para sa iyong personal at ministerial na paglago, at paano ka
nagtatrabaho upang makamit ang mga ito?

2. Paano mo magagamit ang iyong mga talento at kaloob upang maglingkod sa


Diyos at sa iba? Bilang isang lider, paano mo masisiguro na ang iyong buhay at
ministeryo ay sumasalamin sa layunin at kalooban ng Diyos?

L4 list (Lift, love, liberate, lead)

The L4 list is a tool to keep track of individuals we are committed to lifting up in prayer,
loving with genuine care, sharing the gospel to liberate them, and leading them through
a discipleship group.

1.________________________________________
2.________________________________________
3.________________________________________
4.________________________________________
5.________________________________________
6.________________________________________
7.________________________________________
8.________________________________________
9.________________________________________
10._______________________________________

Important Note: Please watch the video message on YouTube or Facebook before our lesson. This will Page 3|5
help you better engage with the discussion. The life application guide is designed to complement the
video message.
Mission: To love God, to
love people and make
disciple – making leaders
SMART GOAL GUIDE

Ang SMART ay isang acronym na kadalasang ginagamit para tukuyin ang epektibong mga
layunin at mga adhikain. Bawat letra sa SMART ay tumutukoy sa isang partikular na katangian na
dapat taglayin ng isang layunin. Narito kung ano ang ibig sabihin ng bawat letra ng SMART,
kasama ang mga praktikal na halimbawa para sa bawat katangian:

S (Specific): Ang iyong layunin ay dapat malinaw at maayos na tukuyin. Ito ay dapat sumagot sa
mga tanong na sino, ano, saan, kailan, at bakit.

Halimbawa: Sa halip na magtakda ng malabo o hindi tiyak na layunin tulad ng "Gusto kong
maging malusog," maaring gawing malinaw ito sa pamamagitan ng pagsasabi, "Ako ay tatakbo
ng 30 minuto bawat umaga bago pumasok sa trabaho upang mapabuti ang aking kondisyon sa
puso."

M (Measurable): Ang iyong layunin ay dapat may paraan para subaybayan ang iyong progreso
at malaman kung kailan mo ito na-achieve. Ito ay dapat masusukat o matutumbasan.

Halimbawa: Kung ang iyong layunin ay mag-ipon ng pera, gawing masusukat ito sa
pamamagitan ng pagsasabi, "Ako ay mag-iipon ng $500 bawat buwan sa aking savings
account."

A (Achievable): Ang iyong layunin ay dapat makatwiran at ma-attain batay sa iyong mga
mapagkukunan, oras, at kakayahan.

Halimbawa: Kung ikaw ay baguhan sa pagluluto, ang pagtatakda ng layunin na maging


Michelin-star chef sa loob ng isang buwan ay maaaring hindi makakamit. Sa halip, maaari kang
magtakda ng ma-attainable na layunin tulad ng, "Ako ay mag-aaral ng limang bagong lutuing
recipe sa loob ng tatlong buwan."

R (Relevant): Ang iyong layunin ay dapat may kinalaman sa iyong buhay at akma sa iyong
pangunahing mga adhikain.

Halimbawa: Kung ang iyong pangmatagalan na layunin sa karera ay maging abogado, isang
kaugnay na maikling layunin ay maaaring, "Ako ay magtatapos ng aking bachelor's degree sa
political science upang makakuha ng angkop na pundasyon para sa law school."

T (Time-bound): Ang iyong layunin ay dapat may tiyak na oras o deadline para sa pagkumpleto.

Examples:
"Ako ay maglalaan ng oras para sa araw-araw na panalangin at debosyon kasama ang aking
asawa, upang pag-usapan ang plano ng Diyos para sa aming pagsasama at humingi ng
Kanyang patnubay at karunungan."

"Ako ay maglalaan ng 30 minuto bawat gabi para magbasa at talakayin ang mga kwento mula
sa Biblia kasama ang aking mga anak, upang ituro sa kanila ang pagmamahal at mga aral ng
Diyos."

"Ako ay mag-oorganisa ng lingguhang pagpupulong para pag-aralan ang partikular na bahagi


ng Bibliya at ang mga praktikal na aplikasyon nito sa aming buhay.

Important Note: Please watch the video message on YouTube or Facebook before our lesson. This will Page 4|5
help you better engage with the discussion. The life application guide is designed to complement the
video message.
Mission: To love God, to
love people and make
disciple – making leaders

DISCIPLESHIP GROUP’S ACCOUNTABILITY QUESTIONS (TAGALOG)

Santiago 5:15-16 ASD


15 Ang panalanging may pananampalataya ay makakapagpagaling sa taong
maysakit at siya ay ibabangon ng Panginoon. Kung mayroon siyang naga-wang mga
pagkakasala, siya ay patatawarin. 16 Ipahayag ninyo ang inyong mga pagsalangsang
sa isa’t isa. Manalangin kayo para sa isa’t isa, upang gumaling kayo. Ang mabisa at
taimtim na panalangin ng taong matuwid ay higit na malaki ang magagawa.

Upang magkaron ng mas malalim na koneksyon at espiritwal na paglago, mayroong


isang mahalagang konsepto na dapat nating isaalang-alang: ang pagkakaron ng
pananagutan sa isa't isa. Ang pagsasagawa nito ay nagbibigay-daan sa atin na
palakasin ang relasyon natin sa ating mga minamahal, mga kaibigan, at mga katrabaho
tungo sa pagiging kalarawan ng Panginoong Hesus.

Week 2 Accountability Questions: Ugnayan at Pamilya


1- Ginawa mo bang priority ang iyung pamilya? Anong mahalagang gawain ang
iyong ginawa para sa iyong asawa o pamilya ngayung linggo?

2- Paano ka nakipaglaban sa mga kasalanan? Ano ang mga kasalanan na


nagbigay ng pasanin sa iyong paglalakad sa Diyos ngayong linggo?

3- Anong mga hakbang ang iyong ginawa upang mapabuti ang iyong relasyon sa
iyong asawa o mga kaibigan? Ano ang maaari mong gawin para mapaunlad
ito?

4- Ano ang mga paraan kung paano ka pinagpala ng Diyos ngayong linggo?
Paano mo ibinahagi ang mga pagpapala mo?

5- Ano ang mga bagay na nagbigay ng kalungkutan o alalahanin sa iyo? Sila ba'y
umagaw sa iyong atensyon at pagiisip? Ano ang iyong ginawa tungkol dito? Ano
ang maaari mong matutunan sa nangyari?

6- Nakompromiso mo ba ang iyong integridad sa anumang paraan o


nagsinungaling ka tungkol sa mga tanong na ito?

Important Note: Please watch the video message on YouTube or Facebook before our lesson. This will Page 5|5
help you better engage with the discussion. The life application guide is designed to complement the
video message.

You might also like