LAMG Transform The Way You Minister Serve Like Jesus

You might also like

You are on page 1of 6

Life Application &

Missional Guide
Mission: To love God, to 12 November 2023
love people and make Issue No. 043

disciple – making leaders

Transform the way you minister: Serve Like Jesus!


I. PRAY AND CARE:
- Have each group discuss what they are thankful for this week.
- Have each person tell what verse has impacted them during their quite time with God?
- Have one or two prayer partner share their experience in praying for one another

II. MILESTONE OF THE MISSION:


- Have each member tell what happened as they trusted God for their goals and their “I will
within” statements.

III. PREPARING FOR MISSION:


Introduction:

Matapos mong matanggap ang pagmamahal ng Diyos sa iyo sa pamamagitan ng paglilinis


Niya ng iyung kasalanan ay marahil nais mo ding ibigay ang buhay mo sa Kanya sa
paglilingkod. Ang pagsunod sa Kanya sa paglilingkod ay ang iyung pinakamataas na
ekspresyon ng pagmamahal sa Kanya. Ang pinaka epektibong paraan ng paglilingkod na
nagkakaron ng bunga ay ang pagli-lingkod na gaya ng ginawa ng Panginoong Hesus.

Roma 5:8 ASD 8 Ngunit ipinakita ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo ay
makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.

Q Ayon sa talata ay paano naglingkod ang Panginoong Hesus sa mga taong makasalanan?
Ang pagmamahal ay higit pa sa pagsasabi ng “i love you” kung hindi ang pagmamahal ay
pinapakita sa pamamagitan ng aksyon at ang aksyon na ito ay paglilingkod. Ang
pagmamahal at paglilingkod ay hindi lang para sa mga taong nagmamahal sa iyo o sa mga
taong mabuti din ang turing sa iyo kung hindi ang pagmamahal ay para din sa mga taong
hindi kamahal-mahal.

How to Serve Like Jesus


1. Compassionately.

Mateo 9:36 ASD 36 Nang makita niya ang napakaraming tao, nahabag siya sa kanila
sapagkat nanlulu-paypay sila at nangalat katulad ng mga tupang walang pastol.

Isinakripisyo ng Panginoong Hesus ang kanyang sarili at ginawa Niya ang lahat ng Kanyang
ginawa dahil sa Kanyang pagmamahal at habag sa mga tao. Ang motivation Niya ay
compassion.
Compassion = “to suffer together.” or “the heart that trembles in the face of suffering.”

Page 1|6
Mission: To love God, to
love people and make
disciple – making leaders

Ibig sabihin hindi ka lang basta nalungkot sa pinagdadaanan ng isang tao kung hindi willing
ka ring mahirapan para lang makatulong sa kanya na mapawi ang kanyang kahirapan. Ang
tunay na pagkahabag ay gagawin mo ang paglilingkod kahit mahirapan ka, kahit mapuyat
ka, kahit mabawasan ang iyung oras sa ibang pinagkakaabalahan mo, at kahit lunukin mo
ang iyung pride.
Q Gaano mo kamahal ang iyong asawa, ang iyong anak, ang iyong kapatid, ang iyong
magulang, at ang mga kasamahan mo sa trabaho?
Q Gaano mo sila kamahal na nagbunga ng iyong pagkahabag sa kasasapitan nila kung
hindi nila makikilala ang Panginoong Hesus? Ano ang iyung naging aksyon kahit mahirap ito
gawin?
Q Mayroon bang tao na nadapa sa kasalanan ang kailangan mo patawarin upang mailapit
mo siya sa Diyos, maibalik sa ministry at maibalik sa kanyang paglilingkod sa Diyos?

Jim Elliot. "He is no fool who gives what he cannot keep to gain what he cannot lose."

2). Selflessly.

Galacia 5:13 ASD 13 Ngayon mga kapatid, tinawag kayo ng Diyos upang kayo ay maging
malaya. Huwag lamang ninyong gamitin ang inyong kalayaan na maging pagkakataon
para sa makalamang pita. Sa halip, sa pamamagitan ng pag-ibig ay maglingkod kayo sa
isa’t isa.

Maaaring pagkatapos tayong linisin at iligtas ng Diyos ay may tendency tayong abusihin ito
at mag-focus pa rin sa makasariling pagnanasa. Ang paglilingkod ay pagtanggi na sa sarili
at pagsunod sa kalooban ng Diyos. Ito ay pagpapakumbaba gaya ng ginawa ng
Panginoong Hesus noong sumunod Siya sa kalooban ng Kanyang Ama na magsakripisyo ng
Kanyang buhay sa krus.

1 Pedro 2:16 MBB 16 “...mamuhay kayo bilang mga alipin ng Diyos.”

Romans 1:1 NIV “Paul, a servant of Christ Jesus,...”

Philippians 1:1 NIV “Paul and Timothy, servants of Christ Jesus,...”

Q Ano ang tawag ni Pablo sa kanilang sarili?

Ang volunteer ay namimili lang kung kailan at saan siya magse-serve. Ang servant ay magse-
serve kahit saan, kahit kailan at kahit anong mangyari.

Q Matatawag mo ba ang sarili mo na servant? Saang area ng iyung buhay ang kailangan
mong paunlarin sa pagiging servant?

John Bunyan
“You have not lived today until you have done something for someone who can never repay
you.”

Page 2|6
Mission: To love God, to
love people and make
disciple – making leaders

3). Intentionally

Juan 12:26 MBB 26 Ang naghahangad na maglingkod sa akin ay dapat sumunod sa


akin, at saanman ako naroroon ay naroroon din siya. Pararangalan ng Ama ang
sinumang naglilingkod sa akin.”

Ang sinumang naghahangad na maglingkod sa Panginoong Hesus ay dapat sumunod


sa Kanya. Ang pagsunod sa Kanya sa araw-araw ng ating buhay ay hindi madali. Madali
tayong ma-distract sa ibang bagay at mawala ang ating focus sa Kanya. Kaya
kailangan nating maging intensyonal na hingin sa Diyos ang kanyang direksyon sa araw-
araw, mag plano at sundin ito.

Ang Panginoong Hesus ay busy din sa Kanyang ministry arawaraw subalit intensyonal
Siya sa pagbibigay ng panahon sa mga taong kailangan Niyang gamutin, turuan, iligtas
at iba pa.

Mateo 20:31-32 MBB 31 Pinagsabihan sila ng mga tao at pinatahimik, ngunit lalo silang
nagsisigaw, “Panginoon, Anak ni David, mahabag po kayo sa amin!”
32 Tumigil si Jesus, tinawag sila at tinanong, “Ano ang gusto ninyong gawin ko sa inyo?”

Q Sa kabila ng pagiging abala ng Panginoong Hesus sa maraming gawain ay ano ang


ginawa ng Panginoong Hesus nung nakita Niya ang pangangailangan ng mga bulag?

Q May kilala ka bang tao na sobrang busy niya para maistorbo ng ibang tao? May
impression ka din ba sa sarili na ikaw ay hindi pwedeng ma-istorbo dahil sa iyong
schedule?

Page 3|6
Mission: To love God, to
love people and make
disciple – making leaders
IV. GOING ON THE MISSION:
Q Paano mo palalalimin ang iyung pangunawa sa pangangailangan ng iyung pamilya,
kamaganak, katrabaho at kaibigan upang mapaglingkuran mo sila ng may
kahabagan? Anong hakbang ang nais mong gawin upang maranasan din nila ang
habag at pagpapatawad ng Diyos?

Q Anong sacrifices or adjustments ang kailangan mong gawin sa iyung buhay upang
mabigyan mo ng prayoridad ang kabutihan ng ibang tao at hindi ng iyung sarili? Paano
mo pauunlarin ang humility upang ang iyung paglilingkod ay naka-focus sa
kapakinabangan ng ibang tao at hindi sa iyung personal na recognition?

Q Anong specific goals ang gusto mong makamit sa mga taong gusto mong makakilala
sa Panginoong Hesus at sa mga tao na ginagawa mong alagad. Meron ka bang
actionable steps na pwede mong ibahagi para sa ikatatagumpay ng iyung goals?

Q Mula dito sa iyung listahan o L4 list ay gumawa ka ng iyung "I will within" o "Aking
gagawin sa loob ng" patungkol sa pagbabahagi sa kanila ng mabuting balita.
Sample of L4 list (Lift, love, liberate, lead)

The L4 list is a tool to keep track of individuals we are committed to lifting up in prayer,
loving with genuine care, sharing the gospel to liberate them, and leading them through
a discipleship group.

1.________________________________________
2.________________________________________
3.________________________________________
4.________________________________________
5.________________________________________
6.________________________________________
7.________________________________________
8.________________________________________
9.________________________________________
10.________________________________________

Page 4|6
Mission: To love God, to
love people and make
disciple – making leaders
SMART GOAL GUIDE

Ang SMART ay isang acronym na kadalasang ginagamit para tukuyin ang epektibong mga
layunin at mga adhikain. Bawat letra sa SMART ay tumutukoy sa isang partikular na katangian na
dapat taglayin ng isang layunin. Narito kung ano ang ibig sabihin ng bawat letra ng SMART,
kasama ang mga praktikal na halimbawa para sa bawat katangian:

S (Specific): Ang iyong layunin ay dapat malinaw at maayos na tukuyin. Ito ay dapat sumagot sa
mga tanong na sino, ano, saan, kailan, at bakit.

Halimbawa: Sa halip na magtakda ng malabo o hindi tiyak na layunin tulad ng "Gusto kong
maging malusog," maaring gawing malinaw ito sa pamamagitan ng pagsasabi, "Ako ay tatakbo
ng 30 minuto bawat umaga bago pumasok sa trabaho upang mapabuti ang aking kondisyon sa
puso."

M (Measurable): Ang iyong layunin ay dapat may paraan para subaybayan ang iyong progreso
at malaman kung kailan mo ito na-achieve. Ito ay dapat masusukat o matutumbasan.

Halimbawa: Kung ang iyong layunin ay mag-ipon ng pera, gawing masusukat ito sa
pamamagitan ng pagsasabi, "Ako ay mag-iipon ng $500 bawat buwan sa aking savings
account."

A (Achievable): Ang iyong layunin ay dapat makatwiran at ma-attain batay sa iyong mga
mapagkukunan, oras, at kakayahan.

Halimbawa: Kung ikaw ay baguhan sa pagluluto, ang pagtatakda ng layunin na maging


Michelin-star chef sa loob ng isang buwan ay maaaring hindi makakamit. Sa halip, maaari kang
magtakda ng ma-attainable na layunin tulad ng, "Ako ay mag-aaral ng limang bagong lutuing
recipe sa loob ng tatlong buwan."

R (Relevant): Ang iyong layunin ay dapat may kinalaman sa iyong buhay at akma sa iyong
pangunahing mga adhikain.

Halimbawa: Kung ang iyong pangmatagalan na layunin sa karera ay maging abogado, isang
kaugnay na maikling layunin ay maaaring, "Ako ay magtatapos ng aking bachelor's degree sa
political science upang makakuha ng angkop na pundasyon para sa law school."

T (Time-bound): Ang iyong layunin ay dapat may tiyak na oras o deadline para sa pagkumpleto.

Examples:
"Ako ay maglalaan ng oras para sa araw-araw na panalangin at debosyon kasama ang aking
asawa, upang pag-usapan ang plano ng Diyos para sa aming pagsasama at humingi ng
Kanyang patnubay at karunungan."

"Ako ay maglalaan ng 30 minuto bawat gabi para magbasa at talakayin ang mga kwento mula
sa Biblia kasama ang aking mga anak, upang ituro sa kanila ang pagmamahal at mga aral ng
Diyos."

"Ako ay mag-oorganisa ng lingguhang pagpupulong para pag-aralan ang partikular na bahagi


ng Bibliya at ang mga praktikal na aplikasyon nito sa aming buhay.

Page 5|6
Mission: To love God, to
love people and make
disciple – making leaders
DISCIPLESHIP GROUP’S ACCOUNTABILITY QUESTIONS (TAGALOG)

Santiago 5:15-16 ASD


15 Ang panalanging may pananampalataya ay makakapagpagaling sa taong
maysakit at siya ay ibabangon ng Panginoon. Kung mayroon siyang naga-wang mga
pagkakasala, siya ay patatawarin. 16 Ipahayag ninyo ang inyong mga pagsalangsang
sa isa’t isa. Manalangin kayo para sa isa’t isa, upang gumaling kayo. Ang mabisa at
taimtim na panalangin ng taong matuwid ay higit na malaki ang magagawa.

Upang magkaron ng mas malalim na koneksyon at espiritwal na paglago, mayroong


isang mahalagang konsepto na dapat nating isaalang-alang: ang pagkakaron ng
pananagutan sa isa't isa. Ang pagsasagawa nito ay nagbibigay-daan sa atin na
palakasin ang relasyon natin sa ating mga minamahal, mga kaibigan, at mga katrabaho
tungo sa pagiging kalarawan ng Panginoong Hesus.

Week 4: Pag-uugali at Ugnayan

1- May pagkakataon ba na umiral ang iyung pride ngayung linggo? Nagkaron ba ng


pagkakataon na nagsalita ka ng masama laban sa iba? Meron ka bang kinasuklaman
o pinagtaasan ng boses ngayung linggo?

2- Nagpakita ka ba ng servant’s heart this ngayung linggo? Paano mo ito ginawa? Ano
ang ginawa mo para sa iba ngayong linggo?

3- Mayroon bang pagkadismaya na iyong naranasan ngayong linggo? Paano mo ito


tinugunan?
Pinakitaan mo ba ng may respeto at malasakit ang iyong mga kaklase, katrabaho, at
mga kasamahan sa pamamagitan ng pagpapakita ng habag at pagmamahal ng Diyos
sa iyong mga salita at gawa? Ano ang maaari mong gawin upang mapabuti ang iyong
mga relasyon sa kanila?

4- Ano ang antas ng iyong character kung ito ay ikukumpara sa Galacia 5:22-23 at
Galacia 5:19-21?

5- Paano mo ipinakita ang joy ngayong linggo? Mayroon ka bang mapagpasalamat na


attitude sa Diyos? Nagkaron ka ng galit o tampo sa Kanya? Paano ito nangyari? Ano
ang gagawin mo patungkol dito?

6- Nakompromiso mo ba ang iyong integridad sa anumang paraan o nagsinungaling ka


tungkol sa mga tanong na ito?

Page 6|6

You might also like