You are on page 1of 8

9

EDUKASYON SA PAGKAKATAO
QUARTER 4 – MODULE 6

Hakbang sa Pagbuo ng
Personal na Pahayag ng
Misyon sa Buhay

1
Modyul 6: Mga Hakbang sa Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon
sa Buhay

UNANG BAHAGI

Ang pagkakaroon ng mga hakbang sa pagtupad ng personal na misyon sa buhay ay lubos na


makatutulong upang matiyak ang tagumpay. Ilan sa mga dapat isaalang-alang sa paggawa ng mga hakbang sa
pagtupad ng mga personal na misyon sa buhay ay ang sumusunod: a. Tiyakin kung ang pagpapasiyang
gagawin ay makatutulong sa pag-abot ng iyong misyon; b. Mahalagang kilala natin ang ating mga sarili upang
matiyak ang pagpili sa mga naisin sa buhay; at c. Magtala kung kailan at gaano katagal gugugulin o gagawin
ang mga hakbang upang magkaroon ng ideya sa tiyak na pag-abot ng mga personal na misyon. Sa pagbuo ng
PPMB, dapat na nasasagot nito ang mga katanungang: (1) Ano ang layunin ko sa buhay? (2) Ano-ano ang
aking mga pagpapahalaga? (3) Ano ang mga nais kong marating? (4) Sino ang mga tao na maaari kong
makasama at maging kaagapay sa aking buhay?

Sa modyul na ito ay inaasahang maipamamalas mo ang mga sumusunod na kaalaman, kakayahan at


pag-unawa:
14.2 Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay
(EsP9PK-IVc-14.2)

Sa nakaraang aralin ay nalaman mo na sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay


(PPMB) ay dapat mong isaalang-alang ang tatlong pahayag sa pansariling pagtataya. Ano ang mga ito?

Hakbang sa Pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay

Ano nga ba ang misyon? Ang misyon ay ang hangarin ng isang tao sa buhay na magdadala sa kaniya
tungo sa kaganapan. Para sa iba ito ay pagtupad sa isang trabaho o tungkulin nang buong husay na may
kasamang kasipagan at pagpupunyagi.

Lahat ng tao ay may nakatakdang misyon sa buhay. At dahil iba-iba ang tao, iba-iba rin ang kanilang
misyon. Maaaring isagawa ang misyong ito sa pamilya, kapuwa, paaralan, simbahan, lipunan o trabaho o
gawain na iyong ginagawa. Kung kaya’t mahalaga na ngayon pa lamang ay makabuo ka ng iyong PPMB
upang mula dito ay makita mo o masalamin kung saan ka patungo.

Mula sa misyon ay mabubuo ang tinatawag na bokasyon. Ang bokasyon ay galing sa salitang Latin
na “vocatio”, ibig sabihin ay “calling” o tawag. Ito ay malinaw na ang bawat tao ay tinawag ng Diyos na
gampanan ang misyon na ipinagkaloob niya sa atin. Ito ay mahalaga sa pagpili mo ng propesyong akademik,
teknikal-bokasyonal, sining at disenyo at isports pagkatapos mo ng Senior High School.

May pagkakaiba ba ang propesyon sa misyon? Ang propesyon ay trabaho na ginagawa ng tao upang
siya ay mabuhay. Ito ang resulta ng kaniyang pinag-aralan o matagal ng ginagawa at naging eksperto na
siya dito. Ang bokasyon naman ay katulad din ng propesyon ngunit nagiging mas kawili-wili ang paggawa
para sa tao. Mas lalo siyang nasisiyahan sapagkat nagagamit niya ang kaniyang mga talento at hilig sa
kaniyang ginagawa. Hindi niya nararamdaman ang pagkabagot. Hindi nagiging kumpleto ang araw sa kaniya
kung hindi ito magagawa sapagkat ito ang nakapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang buhay. Mula dito ay
hindi na lamang simpleng trabaho ang kaniyang ginagawa kundi isang misyon na nagiging isang bokasyon.

2
Dito tunay na nagkakaroon ang tao ng tunay na pananagutan sapagkat naibabahagi niya ang kaniyang sarili
at kumikilos siya para sa kabutihang panlahat.

Sa nakaraang modyul, natalakay ang mga katanungan na may kaugnayan sa pagbuo ng Personal
na Pahayag ng Misyon sa Buhay, Upang lubos at ganap na maisagawa ang pagbuo ng PPMB, ngayon
naman ay aalamin mo ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Buhay (Hakbang upang
mapatatag ang mga elemento sa pagbuo ng PPMB ).

Upang ikaw ay lubos na magabayan sa pabuo ng iyong PPMB, narito ang halimbawang ginawa ng isang guro.

Bilang isang mapagmahal at matiyagang guro na patuloy na naglalakbay sa buhay, ang bawat
araw ay nagsisilbing hamon na tunay. Kung kaya’t ang mga layunin ay kailangan na makamit at sa
puso ay laging masambit: (1) pananalig sa Diyos ay dapat ipakita upang laging gabayan sa tuwina (2)
patuloy na pag-aaral ay kailangan upang higit na maging kapaki-pakinabang (3) pagtulong sa mag-
aaral sa problemang kanilang pinagdaraanan ay magiging susi upang sila ay mapangiti (4) pagiging
tapat sa tungkulin ang hain sa bawat araw ay dapat gagawin.

PPMB ni Gng. Crisostomo, isang guro

Mula sa PPMB ng isang guro, narito ang mga hakbang upang lalong mapatatag ang mga elemento
nito. Mahalaga na ikaw ay gumawa ng matrix o talahanayan dahil makatutulong ito nang malaki upang lalong
maging tiyak ang mga isusulat sa pahayag.

Elemento Hakbang na Gagawin Takdang Oras/ Panahon


Pananalig sa Diyos ✓ Regular na pagdarasal ✓ Pagkagising sa umaga ,
✓ Pagsisimba bago at pagkatapos kumain
✓ Pagbabasa ng salita ng Diyos at bago matulog.
✓ Pagdarasal bago magsimula ✓ Tuwing araw ng Linggo
ang bawat klase ✓ 25 minuto bago matulog
✓ Araw-araw mula Lunes-
Biyernes
Patuloy na pag-aaral ✓ Pagkuha ng Masteral Units ✓ Tuwing Sabado at mga araw
✓ Pagbabasa ng mga angkop na ng bakasyon
babasahin na may kinalaman sa ✓ 1 oras araw-araw
asignaturang itinuturo ✓ 1 beses sa isang linggo
✓ Paggamit ng bagong kaalaman
na makatutulong sa ikagaganda
ng aralin sa araw-araw
Pagtulong sa mag-aaral sa ✓ Pagbibigay ng payo o ✓ Tuwing araw ng Biyernes
problemang kanilang counseling ✓ Minsan sa loob ng isang
pinagdaraanan ✓ Pagdalaw sa kanilang tahanan buwan
✓ Pakikipag-ugnayan sa magulang ✓ Bigayan ng card
Pagiging tapat sa tungkulin ✓ Pagpasok at pag-uwi ng tamang ✓ Araw-araw
oras ✓ Araw-araw
✓ Pagsusumite ng mga hinihingi ✓ Araw-araw
na dapat ipasa sa paaralan
✓ Pagtuturo nang maayos dahil ito
ang aking misyon

3
Narito naman ang halimbawa ng PPMB ng isang mag-aaral.

Balang araw ay nais kong maging isang arkitekto at instrumento sa pagpapahayag ng pagmamahal
ng Diyos at pagpapalaganap ng Kaniyang mga salita at karunungan sa lahat, lalo na sa kabataan, maliit na
bata at mga tinedyer
IKALAWANG BAHAGIsa pamamagitan ng pag-aaral nang mabuti, pagsasaliksik at pag-alaala sa walang
hanggang pagmamahal ng Diyos sa lahat ng aking ginagawa.

Elemento Hakbang na Gagawin Takdang Oras/ Panahon


Pag-aaral nang mabuti ✓ Pagbabalik-aral sa mga ✓ 2 oras araw-araw
nagdaang aralin
✓ Regular na pag-aaral ng mga
asignatura

Pagsasagawa ng pananaliksik ✓ Pananaliksik sa mga problema ✓ Isang beses isang Linggo


na kinakaharap ng lipunan
✓ Pananaliksik tungkol sa mga
atensiyon sa kabataan, maliliit
na bata at mga tinedyer
Pag-alaala sa Diyos ✓ Panalangin ✓ Araw-araw
✓ Pagdalo sa Banal na Misa ✓ Tuwing Linggo
✓ Pagsali sa mga gawain sa ✓ Sabado at Linggo
simbahan at organisasyon

IKALAWANG BAHAGI

Gawain I
Panuto: Mula sa acronym na MISYON, bumuo ng mga salita o pangungusap na maglalarawan o magbibigay
ng halaga sa salitang ito. Gawin ito sa sagutang papel.

MISYON
M-
I -
S-
Y-
O-
N-

4
Gawain II
Panuto: Gamit ang Venn Diagram sa ibaba, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Misyon at
Bokasyon. Kopyahin ang pormat sa ibaba at isulat ang sagot sa sagutang papel.

MISYON BOKASYON

PAGKAKATULAD
DDAD

SUSI SA PAGWAWASTO

Gawain I
Malayang Pagsagot
Gawain II
Malayang Pagsagot

SANGGUNIAN:

Inilimbag ng Pamahalaan Kagawaran ng Edukasyon. 2015. Edukasyon sa Pagpapakatao-Ikasiyam na Baitang Modyul


para sa Mag-aaral.Unang Edisyon.Pasig City

https://www.google.com/search?q=pamantayan+sa+pagsulat+ng+tula&tbm=isch&source=iu&ictx=1&fir=iOn_JRWVFWR2
PM%252CAdW8QBcZIhSJmM%252C_&vet=1&usg=AI4_-kTimrx54b6GW7Uj-
Q81RuR2o7TUuQ&sa=X&ved=2ahUKEwjM_Z-
n25XtAhUPa94KHe0DAiwQ9QF6BAgKEEU&biw=1366&bih=657#imgrc=S6rdcQpNpaU

https://jaypeepefanio.wordpress.com/2015/06/06/tagalog-inspirational-quotes-13/

https://lasalyanongguro.weebly.com/fil7---modyul-1.html

https://www.pinterest.ph/pin/160300067970432345

5
Republic of the Philippines
Department of Education
Region I
Division of Pangasinan II
Binalonan
WORKSHEETS IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 9
Quarter 4, Week 6

Most Essential Learning Competency:


1. Natutukoy ang mga hakbang sa pagbuo ng Personal na Pahayag ng Misyon sa Buhay (EsP9PK-IVc-14.2)

Pangalan:__________________________________________________ Petsa:_____________________
Baitang/Seksyon:____________________________________________ Iskor: _____________________

Gawain A.1
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang letra ng tamang sagot sa sagutang papel.

______1. Ito ay ang hangarin ng tao sa kaniyang buhay na magdadala sa kaniya sa kaganapan.

a. Misyon
b. Bokasyon
c. Propesyon
d. Tamang Direksyon

______2. Ang Personal na Misyon sa Buhay ay maaaring mabago o palitan.

a. Tama, sapagkat araw-araw ay mayroong nababago sa tao.


b. Mali, sapagkat mawawala ang tuon ng pahayag kung ito ay babaguhin o papalitan.
c. Tama, sapagkat patuloy na nagbabago ang tao sa konteksto ng mga sitwasyon sa buhay.
d. Mali, sapagkat ito na ang iyong saligan sa buhay. Magkakaproblema kung babaguhin pa.

______3. Alin sa mga sumusunod ang hindi kahulugan ng Personal na Misyon sa Buhay?.

a. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa. .


b. Ito ay batayan ng tao sa kaniyang pagpapasiya.
c. Magandang paraan ito upang makilala ang sarili.
d. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong mangyari
sa iyong buhay.

______4. Alin sa mga sumusunod ang kahulugan ng propesyon?

a. Ito ay gawain tungo sa paglilingkod sa kapuwa.


b. Magandang paraan ito upang makilala ang sarili.
c. Ito ay trabaho na ginagawa ng tao upang siya ay mabuhay, resulta ng kaniyang pinag-aralan.
d. Ito ay katulad ng isang personal na kredo o motto na nagsasalaysay ng nais mong mangyari
sa iyong buhay.

6
______5. Ang tunay na misyon ay ang paglilingkod sa Diyos at kapuwa. Ano ang maibibigay nito sa tao
sa oras na isinagawa niya ito?.

a. kabutihan
b. Kaligtasan
c. kaligayahan
d. kapayapaan

Gawain A.2
Panuto: Gamit ang Venn Diagram sa ibaba, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Propesyon at
Bokasyon. Kopyahin ang pormat sa ibaba at isulat ang sagot sa sagutang papel.

PROPESYON BOKASYON
PAGKAKATULAD

Gawain A.3
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pahayag na nasa ibaba. Pagkatapos, ibigay ang sariling opinyon
sa pahayag na ito. Sa pagsagot, maglaan lamang ng hanggang tatlong pangungusap. Gawin ito
sa sagutang papel.

“Ang Magandang Kinabukasan ay para sa mga taong nagtitiwala sa kanilang Kakayahan”

---Jaypee Pefanio---

_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

7
Gawain B: PERFORMANCE TASK (25 PUNTOS)
Panuto: Bumuo ng isang malayang tula na may pamagat na “ TULA NG BUHAY KO” na nagpapahayag sa
kung ano ang gusto mong tahakin na misyon sa buhay.

“ TULA NG BUHAY KO”

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________
_____________________________________________

PAMANTAYAN SA PAGGAWA
Laang Puntos
Nilalaman 10
Pagkakabuo 8
Wastong baybay at bantas 4
Kalinisan 3
Kabuuang Puntos 25

You might also like