You are on page 1of 3

Department of Education

Division of Cebu Province


DISTRICT OF BOLJOON
Boljoon, Cebu
JUNIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT
Unang Panapos na Pagsusulit sa Edukasyon sa Pagpapakatao - 9
S.Y. 2020- 2021
Quarter 2, Week 1-2

Pangalan: ___________________________ Grade/Sec: _____________ Petsa: __________ Iskor: _____

UNANG BAHAGI:
Panuto: Piliin ang tamang sagot na nakapaloob sa kahon sa bawat sitwasyong ibinigay.
Isulat ang titik ng iyong sagot sa patlang.
A. Karapatan sa buhay B. Karapatan sa pribadong C. Karapatang magpakasal
ari-arian
D. Karapatang pumunta E. Karapatang sumamba o F. Karapatang magtrabaho o
sa ibang lugar ipahayag ang maghanapbuhay
pananampalataya
G.Tungkulin na H. Tungkulin na magpunyagi I. Tungkulin na suportahan ang
mapangalagaan ang sa trabaho o hanapbuhay pamilya at gabayan ang mga
kalusugan anak
J. Tungkulin na igalang K. Tungkulin na igalang ang
ang bawat boundary relihiyon

______1. Nagsabi na ang 32 gulang na si Mary Jean sa kaniyang ina na mag-aasawa na siya.
Napagtapos na niya ang kanyang dalawang kapatid at nasa Junior High School na bunso. Ngunit
sinabi ng kanyang ina na kailangan munang magtapos ang huli bago siya mag-asawa. Siya lang
ang inaasahan ng kanyang ina.
______2. Si Saif ay isang Muslim, siya ay nakapagtapos naman ng pag-aaral sa kolehiyo.
Minsang nag-aplay ng trabaho sa isang kilalang kompanya at sigurado siya sa kanyang sarili na
pasok siya sa mga kwalipikasyong hinahanap sa isang aplikante. Subalit laking lungkot niya ng
siya ay hindi tinanggap dahil siya raw ay isang Muslim.
______3. Mula ng lumakas ang kita ng negosyong catering ni Aling Delia, nangangailangan siya
ng karagdagang waiter. Noong una, sapat ang sinusuweldo niya sa mga ito at libre ang pagkain
nila lalo na kapag may overtime sa trabaho. Ngunit nang nagkatampuhan si Aling Delia at ang
kanyang asawa, nagpasiya ito na bumili ng condominium upang maiwasan ang stress na sanhi ng
tampuhan nila. Dahil dito, hindi na tumatanggap ng sapat na pasahod ang mga waiter at hindi pa
nila ito natanggap sa takdang araw.
______4. Isang buwan ng kasambahay si Ida sa Pamilya Hermoso. Sa nakaraang isang linggo,
tatlong bahay sa kanilang kapitbahay ang inakyat ng magnanakaw. Natakot si Gng. Hermoso
dahil hindi niya kilala nang ganap si Ida. Inisip din ni Gng. Hermoso na baka makipagkaibigan ang
mga magnanakaw kay Ida at dahil dito, baka pasukin din ang kanilang bahay kapag siya lang ang
tao rito. Nagpasiya si Gng. Hermoso na huwag ng palabasin ng bahay si Ida, kahit bumili sa
tindahan sa loob ng subdivision.
______5. Malaki ang pensyong natatanggap ni Mrs. Delos Reyes kung kaya’t nakapagbibigay
siya ng donasyon sa mga bahay-ampunan. Subalit pinipigilan siya ng kanyang mga kaanak sa
ginagawa niyang ito, tinatakot siya ng mga anak na iiwan siyang mag-isa sa kanilang bahay at
bubukod na lamang sila kapag gagawin pa niya ito.
______6. Gustong makipaglaro ni Anna na isang batang Muslim sa mga batang nasa parke ngunit
nang siya’y palapit na bigla na lang itong nagsipagtakbuhan at pasigaw na sinabing ayaw nilang
makalaro ang isang Muslim.
______7. Ito ay tungkulin na kilalanin ang limitasyon ng sariling kalayaan at pribadong espasyo ng
kapwa.
______8. Ito ay karapatang magkaroon ng marangal na hanapbuhay maging magtrabaho man sa
ibang bansa upang mapaunlad ang estado ng buhay.
______9. Ito ang karapatan na dapat mangibabaw sa ibang karapatan kung sakaling ito ay
malagay sa panganib tulad sa panahon ng tag gutom, kalamidad, o pandemya.
______10. Ito ay karapatan na hindi mai-aalis sa tao dahil kailangan niya ang ari-arian upang
mabuhay nang produktibo at nakikibahagi sa lipunan.
______11. Ito ay karapatang bumuo ng sariling pamilya.
______12. Ito ay tungkulin na maging isang mabuting halimbawa sa mga anak, pag-iwas sa
eskandalo na maging sanhi ng pagkasira ng pangalan ng pamilya.
______13. Ito ay tungkulin na tumutukoy sa obligasyon ng bawat isa na magpapagamot kung may
sakit at pumunta sa ospital kung kinakailangan.
______14. Ito ay karapatang lumipat o tumira sa ibang lugar na may oportunidad tulad ng trabaho
o komportableng buhay o ligtas sa panganib.
______15. Ito ay karapatan ng bawat tao sa pagpili ng kanyang relihyon upang makatulong sa
kanyang relasyon sa Diyos at pakikipagkapwa-tao.
______16. Ito ay tungkulin na maging tapat sa kanilang trabaho at maging sa kanilang
empleyado.

IKALAWANG BAHAGI:
Panuto: Gumuhit ng isang larawan na nagpapahiwatig ng isa sa alinmang uri ng karapatan
at ipaliwanag ang larawan sa LONG SIZED BOND PAPER.

RUBRICS SA PAGBUO NG LARAWAN


PAMANTAYAN 1 2 3 4 PUNTOS
Pagkamalikhain Hindi naging Naging Mas naging Lubusang
malikhain sa malikhain sa malikhain sa nagpamalas ng
pagguhit sa pagguhit sa pagguhit sa pagiging malikhain sa
larawan. larawan larawan pagguhit sa larawan.
Paglalahad sa Hindi naging Naging malinaw Mas naging Lubusang malinaw
sitwasyong napili malinaw ang ang malinaw ang ang pagpapaliwanag
(Mensahe) pagpapaliwanag pagpapaliwag sa pagpapaliwanag sa larawang napili
ng larawan ukol larawang napili sa larawang napili ukol sa karapatan
sa karapatan ukol sa ukol sa karapatan
karapatan
Nakakapukaw ng Di masyadong Medyo Nakakapukaw ng Lubusang
Damdamin nakakapukaw nakakapukaw ng interes ang nakakapukaw ng
ng interes sa interes ang paglalahad sa interes sa
mambabasa paglalahad sa karapatang napili mambabasa ang
karapatang paglalahad sa
napili karapatan
Kalinisan at Di malinis at Naging malinis Mas naging Lubusang napakalinis
kaayusan maayos ang at maayos ang malinis at maayos at maayos ang
awtput pagkakagawa ng ang pagkakagawa pagkakagawa ng
awput ng awput awput
KABUUANG
PUNTOS

Prepared by:
APRIL ROSE A. MAGBANUA
JHS-T1
Reviewed by:
FRANJHIELYN P. GOLVIN
SHS-T3, District EsP Coordinator
Summative Test in Edukasyon sa Pagpapakatao - 9
Quarter 2, Week 1-2

SUSI SA PAGWAWASTO

PART 1:
1. C
2. E
3. F
4. A
5. B
6. E
7. J
8. F
9. A
10. B
11. C
12. I
13. G
14. D
15. E
16. H

PART II:

(Refer to Rubrics)

You might also like