You are on page 1of 4

+Opening Prayer+

Sa ngalan ng Ama, Anak at Espirito Santo

Panginoon naming pinakamakapangyarihan sa lahat, humihingi po kami ng kapatawaran sa lahat ng


nagawa naming pagkakasala sadya man o hindi sinasadya, pinagpapasalamat po namin ang lahat ng
biyayang aming natatanggap sa araw araw na kami ay nabubuhay at sa kaligtasan ipinagkaloob nyo sa
amin, hinihiling po namin ang isang mapagpalang araw sa bawat isa sa amin at naway gabayan niyo po
kami sa aming mga gagawin at mga matututunan.

Sa ngalan ng Ama, Anak at Espirito Santo

+Ilahad ang Pamagat ng Bagong Paksa+

Magandang umaga sa lahat, sa araw na ito ating tatalakayin ang patungkol sa unang utos ng Diyos na
itinuturing pinakamahalagang utos sa lahat. Ang paksang ito ay magbibigay sa atin ng mahalagang aral
patungkol sa pag-ibig.

+Mahalagang Tanong+

1. Ano ang sinasabi sa unang utos ng Diyos?

2. Bakit kailangan natin ibigin ang Diyos ng higit sa lahat?

Format B

I. Pahayag ng Salita ng Diyos

1.1 Ipahayag ang Salita ng Diyos

Mc. 12:34-39

34 Nagtipun-tipon ang mga Pariseo nang mabalitaan nilang napatahimik ni Jesus ang mga Saduseo. 35Isa
sa kanila, na dalubhasa sa Kautusang Judio, ang nagtanong kay Jesus upang subukin ito. 36“Guro, alin po
ang pinakamahalagang utos sa Kautusan?” tanong niya.

37 Sumagot si Jesus, “Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, nang buong kaluluwa, at
nang buong pag-iisip. 38 Ito ang pinakamahalagang utos.

1.2 Pagtatanong Tungkol sa Salita ng Diyos

> Sino ang tunay na nagmamahal sa tao maging sinuman o anuman sila?

-Ang Diyos

> Ano ang pinakamahalagang utos ang nabanggit?

-Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat.


> Ano ang dapat gawin upang masuklian ang pagmamahal ng Diyos?

-Sumampalataya/ Ibigin ang Diyos ng higit sa lahat

1.3 Pagbubuod ng Salita ng Diyos

Ipinapahayag sa atin ng Panginoon ang pinakamahalagang utos, ang umibig sa Diyos ng buong puso,
kaluluwa at pag-iisip. Kaakibat ng pagmamahal sa Diyos ay ang pagtitiwala natin na tayo ay kanyang
patuloy na ginagabayan at gayundin ang kanyang pagmamahal sa buong sanlibutan.

II. Sitwasyon ng Buhay

2.1 Gawain

Ihahati ang klase sa apat na grupo. Sa pamamagitan ng "role play" ipapakita nila kung paano
maisasabuhay ang unang utos na: Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat. Bibigyan sila ng 10 minuto upang
mag-isip at mag-ensayo.

2.2 Palalimin ang Pagpapahalagang Tinatalakay

VALUE IDENTIFICATION

+ Ano ang dapat nating gawin upang masabi na minamahal natin ang Diyos?

(Magsimba, magdasal, sumampalataya, gumawa ng mabuti at iba pa... )

Mahalaga na tayo ay marunong sumampalataya at sumunod sa mga utos ng Panginoon gayundin ang
pagpapakita ng ating pananampalataya at pagsasagawa ng kanyang mga salita.

-Value Definition-

> Ano ang ibig sabihin ng pinakamahalagang utos?

Umibig sa Diyos ng higit sa anu pa man.

-Value Purification-

> Ano ang mangyayari kung iibigin natin ang Diyos?

Magkakaroon tayo ng buhay na walang hanggan sa piling ng Diyos.

> Ano ang magiging resulta ng hindi pag-ibig sa Diyos?

Tayo ay magdudusa sa parusa o apoy ng impyerno.

> Bakit ito ang pinakamahalagang utos?

Sapagkat kapag ito ay nasunod, ang mga ibang utos ay maisasabuhay at magagawa ng tama.
-Action Plan-

Sa paanong paraan maipapakita ang ating pagmamahal sa Diyos.

(Magsimba, magdasal, sumampalataya, gumawa ng mabuti at iba pa... )

2.3 Pagtatagpo

Ang pagmamahal ay naging isa sa pinakamagandang nararanasan ng isang tao lalo na kung nasusuklian
ito ng pagmamahal din. Ang pagmamahal sa Diyos ang una dapat nating matutunan dahil ito ay klase ng
pagmamahal na hindi masasayang at mababalewala. Ito din ang magiging pundasyon ng isang tao upang
maging siya ay kaibig-ibig at ito ay makapagbibigay ng positibong epekto sa bawat nagsasagawa nito.

2.4 Linkage

+ Bilang isang kabataan, paano natin maisasabuhay ang pinakamahalagang utos?

(Magsimba, magdasal, sumampalataya, gumawa ng mabuti at iba pa... )

III. Pahayag ng Pananampalataya

3.1 Doctrine

May isa lamang tayong Panginoon, isang Diyos at Ama nating lahat gumawa sa lahat at suamasalahat.

(Efeso 4:4-6)

3.2 Moral

Sa pamamagitan ng ating pagsamba, panalangin at pagsasakripisyo naipapakita natin ang pag-ibig sa


Diyos.

(KIK 2095, 2019 KPK 884, 923)

Kwento ni San Jose Luis Sanchez del Rio...

3.3 Worship

Ibigin mo ang Diyos ng higit sa lahat ng bagay ito ang unang utos ng Diyos.

(Deuteronimo 6:4-5)

3.4 Buod

Tayo ay may iisang Diyos lamang na dapat ibigin, at ang ating pag-ibig ay mapapakita lamang sa
pamamagitan ng panalangin, pagsamba at sakripisyo.

IV. Tugon ng Pananampalataya


4.1 Paninindigan

> Ang pagmamahal ay una dapat ibinibigay sa Diyos.

4.2 Pagtatalaga

> Sumulat ng liham (love letter) para sa Diyos.

4.3 Pagdiriwang

Kantahin ang "Lord I Offer my Life"

You might also like