You are on page 1of 3

FORTH PERIODICAL TEST

FILIPINO VI
S.Y. 2019-2020

TEST I. Basahin ang sumunod na kuwento at unawaing mabuti ang inihatid nitong mensahe.

Kapuri-puring Bata

Nag-aaral ng leksiyon si Daniel nang marinig niya ang sunudsunod na katok sa pinto. “Sino po,
iyan?” tanong niyang parang nabigla. “Ang Kumareng Etang ng nanay mo,” sagot ng panauhin. Binuksan
ni Daniel ang pinto at pinapasok ang panauhin. “Maupo muna kayo, Aling Etang. Tatawagin ko po si
Inay,” magalang na sabi ng bata. Bago pumasok sa kuwarto upang tawagin ang ina, inabutan pa niya ng
pahayagan ang panauhin upang di mainip.
“Inay… Inay… naghihintay po sa labas ang Kumareng Etang ninyo,” balita niya sa kanyang ina. “A,
ganoon ba, sige, sabihin mong sandali lang at lalabas na ako,” sagot ng ina. Lumabas ng kuwarto si
Daniel at lumapit sa panauhin na nakita niyang nagbabasa. “Mawalang-galang na po sa inyo, sandali lang
po at lalabas na si Inay.” “Sige, iho, salamat sa iyo,” ganting tugon ni Aling Etang.

Isulat ang Letra A-D ayon sa wastong pagkakasunud-sunod nito sa kwentong binasa.
1. Lumabas si Daniel sa kuwarto at lumapit sa panauhin.
2. Inabutan ng pahayagan ang panauhin upang hindi mainip.
3. Binuksan ni Daniel ang pinto at pinapasok ang panauhin.
4. Nag-aaral ng leksiyon si Daniel nang marinig ang sunud- sunod na katok sa pinto.

TEST II. Isulat sa patlang ang uri ng pangungusap. Gamitin ang mga sumusunod na titik: PS (pasalaysay), PT
(patanong), PD (padamdam), PU (pautos )
5. . Dahan-dahan ka at maputik ang lupa.
6. Dito tayo sasakay ng dyip.
7. Hoy, Bawal sumingit sa pila!
8. May bababa bas a highway?
9. Pakitulungan ang matanda sa pagsakay.
10. Mahaba pala ang pila tuwing umaga.

TEST III.Suriin ang mga pangungusap kung ito ay pormal na salita o di-pormal na salita. Piliin ang titik ng
tamang sagot.
11. Ang magkakapatid ay laging nagtutulingan.
a. Pormal na salita b. Di-Pormal na salita
12. Dangal ang pinaka kailangan ng sundalo.
a. Pormal na salita b. Di-Pormal na salita
13. Ewan ko ba diyan sa taong yan.
a. Pormal na salita b. Di-Pormal na salita
14. Ire na ang damit na hinihiram mo.
a. Pormal na salita b. Di-Pormal na salita
15. Malaking tulong sa mga bata ang makapag-aral.
a. Pormal na salita b. Di-Pormal na salita

TEST IV. Ibigay ang kahulugan ng may salungguhit na matalinghagang salita. Bilugan ang titik ng wastong
kahulugan.
16. Ang bukirin nina Don Pedro ay di-maliparang uwak.
a. ubod ng lawak b. hindi malawak c. ubod ng liit d. makipot
17. Magagasgas ang bulsa ng tatay sa darating na pista.
a. mauubos ang pera b. madudukutan ang bulsa
c. magkakagastos ng malaki d. mananakawan
18. Hindi mabuti ang ugali ng batang may sanga-sangang dila.
a. sinungaling b. tahimik c. madaldal d. mabilis magsalita
19. Parang mga basang sisiw ang naulilang mga anak ni Aling Corazon.
a..kaawa-awa b.mayayabang c.maingay d.tahimik
20. Sobrang sukal sa ilong ang amoy ng basura sa Payatas.
a. maram b. mabango c. mabaho d. malinis

TEST V.Basahin ang mga sumusunod na salita. Bilugan ang titik ng salitang maiuugnay rito.
21. sasakyan: ___________
a. transportasyon b. komunikasyon c. telepono d. liham
22. uling: __________
a. panggatong b. pagkain c. gulay d. prutas
23. dagat: __________
a. magsasaka b. mangingisda c. mag-aararo d. manananim
24. guro:___________
a. paaralan b. simbahan c. bahay d. palengke
25.higaan :__________
a. tulugan b. upuan c kainan d. laruan

TEST VI. Tukuyin ang bawat salita. Isulat sa patlang kung piksyon o di-piksyon .
26. Diksyunaryo
27. Talambuhay ni Dr. Jose Rizal
28. Amat ng Uwak
29. Pahayagan
30. kasaysayan

TEST VII. Basahin ang talata at unawain ang mga tanong . Piliin ang titik ng tamang sagot

Pagaalaga ng Hayop

Sabado ng umaga, nagmamadaling bumaba ng bahay si Mang Carlos upang pumunta sa likod-bahay. Doon,
makikita ang kaniyang inaalagaang ibaʻt ibang alagang hayop. May mga bibe, manok, kambing at mga baboy. Ito
ang ,nagsisilbi niyang libangan mula nang tumigil siya sa pagiging kawani ng gobyerno sa edad na animnapu at
lima. Dito lumalakas ang kaniyang katawan at nagsilbing ehersisyo sa araw-araw. Bukod ditto, nagsisilbi pang
hanapbuhay na may malaking kita

31. Ano ang nagsisilbing libangan ni Mang Carlos?


a. paghahalaman b. pagbababuyan c. pagtitinda d. pangingisda
32. Anu-ano ang mga alagang hayop ni Mang Carlos?
a. ahas, usa, kambing, at pusa c.bibe, manok, kambing at mga baboy
b. aso, pusa, baka at kalabaw d. baka, kambing, kalabaw, at mga pato
33. Saan makikita ang mga alagang hayop ni Mang Carlos?
a. sa harapan ng bahay c. sa likuran ng bahay
b . sa may bakanteng lote d. sa may tumana
34. Bukod dito, nagsisilbi pang hanapbuhay na may malaking kita. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit
ay ______________.
a. Trabaho b. Libangan c. Ehersisyo d. Aralin
35. Paano kaya inaalagaan ni Mang Carlos ang kanyang mga hayop?
a. pinapakain ng mabuti c. nililinis ng mabuti ang tirahan nito.
b. pinaiinom ng tama d. lahat ng nabanggit.

TEST VIII. Tukuyin ang bahagi ng pahayagang isinasaad sa bawat sitwasyon. Bilugan ang itik ng tamang
sagot.
36. Si. G. Dugeno ay naghahanap ng trabaho. Saang bahagi ng pahayagan niya matatagpuan ang mga anunsiyo
tungkol sa bakanteng trabaho?
a. pangulong-tudling b. pampelikula c. anunsyo klasipikado d. palakasan
37. Palabas na ang pelikula ng paborito mong artista. Anong bahagi ng pahayagan ang iyong bubuksan?
a. palakasan b. pampulitika c. pampelikula d. pangulong-tudling
38. Gusto mong malaman ang nakuhang iskor ng paborito mong koponan sa basketbol kahapon. Saan mo ito
hahanapin?
a. pampelikula b. palakasan c. obitwaryo d.anunsiyo klasipikado
39. Gusto mong basahin kung ano ang opinyon ng editor tungkol sa isyu ng mga magsasaka. Saan mo ito
makikita?
a. seksyon ng komiks b. editoryal c. pampulitika d. pangulong-tudling
40. sinagutan ni jane ang palaisipan sa pahayagan. Saang bahagi ng pahayagn niya matatagpuan ang
palaisipan?
a. palakasan b. palaisipan c.editoryal d.pampulitika
TEST IX.Sagutan ang mga tanong gamit ang dayagram. Piliin ang titik ng tamang sagot

BUWANANG GASTUSIN NG PAMILYA TARUC

5%
10%
24%

10%

20%
26%

5%

Upa sa Bahay24% Pagkain Iba pang Gastusin


Bayad sa Paaralan Bayad sa Ilaw at Tubig Damit

41. Ilang bahagdan ang naitabi ng pamilya ni G. Taruc?


a. 5% b. 8% c. 20% d. 24%
42. Aling gastusin ang pinakamalaki sa lahat?
a. upa sa bahay b. pagkain c. bayad sa paaralan d. ipon
43. Aling dalawang gastusin ang kumakatawan sa kalahati na kita ni G. Taruc?
a. pagkain at damit b. pagkain at bayad sa paaralan
c. pagkain at upa sa bahay d. ipon at pagkain
44. Ilang bahagdan ang kalamangan ng upa sa bahay sa bayad sa paaralan?
a. 2% b. 4% c. 6% d. 10%
45. Aling dalawang gastusin ang katumbas ng bayad sa paaralan?
a. damit at bayad sa ilaw at tubig b. iba pang gastusin at damit
c. iba pang gastusin at bayad sa ilaw at tubig d. pagkain at damit

TEST X. Tukuyin ang mga bahagi ng Liham.


46. Lubos na gumagalang,
a. pamuhatan b. bating panimula c.bating pangwakas d. katawan ng liham
47. Mahal kong G. Gomez,
a. pamuhatan b. bating panimula c.bating pangwakas d. katawan ng liham
48. 39 Juan Luna St.
Binalonan, Pangasinan
Ika-5 ng Enero 2018
a. pamuhatan b. bating panimula c.bating pangwakas d. katawan ng liham
49. Kim Pelayre
a. lagda b. bating panimula c.bating pangwakas d. katawan ng liham
50. Ikinalulungkot ko pong sabihin sa inyo na hindi naging patas ang ating lipunan sa mga taong may
kapansanan. Naging sagabal kasi sila sa maayos na takbo ng mga kaganapan, sa daan, pamilihan, sasakyan at
maging sa paaralan. Nais ko pong imungkahing bigyan sila ng sariling lugar sa mga pampublikong sasakyan at sa
mga pampublikong lugar. Higit sa lahat magkakaroon po sana sila ng ibang kurikulum sa paaralan na angkop sa
kanilang kakayahan.
a. lagda b. bating panimula c.bating pangwakas d. katawan ng liham

You might also like