You are on page 1of 24

LEARNING ACTIVITY SHEET 1

Pangalan: __________________________________________ Petsa: _________


Asignatura: Health Baitang: 5 Quarter: 4 Week: 1

MGA KATANGIAN AT LAYUNIN NG PANGUNANG LUNAS

Background Information for Learners


Ang paunang tulong-panlunas o pangunang-lunas (first aid) ay ang pagbibigay
ng pangunang tulong, at pangangalaga sa mga taong napinsala ng sakuna o
karamdaman habang hinihintay ang pagdating ng doktor. Ito rin ay pampakalma at
pampabawas sa kirot na nararamdaman sa pinsalang natamo ng isang tao.

May 3 pangunahing layunin ang pangunang lunas, ito ay ang mga sumusunod:
 mapatagal o mapanatili ang buhay ng tao
 mabawasan o maibsan ang kirot na nararamdaman
 maiwasan ang paglala ng pinsala at karamdaman
Ang pangunang lunas ay may mahalagang papel na ginagampanan upang
tumulong makapagligtas sa oras ng sakuna. Ito ay ang pangmadaliang pagkalinga o
paglalapat sa mga taong napinsala ng sakuna o karamdaman.

Sa pagbibigay ng pangunang lunas, naiibsan ang kirot o sakit na


nararamdaman habang hinihintay ang medikong atensiyon mula sa mga doktor.
Mahalagang maging alerto at handa sa pagdating ng anumang uri ng sakuna.
Ang biktima ay dapat bigyan ng karampatang pangunang lunas upang matiyak ang
kaniyang kaligtasan at upang hindi lumubha ang kaniyang kondisyon. Maiiwasan ang
dagdag na pinsala kung ang taong tutulong o maglalapat ay may sapat na kasanayan
at sumailalim sa isang aralin at pagsasanay ng pagsasagawa nang tamang paglalapat
ng pangunang tulong-lunas.

Learning Competency
 Explains the nature and objectives of first aid
(H5IS-IVa-34)

Activity 1 Halina’t Suriin Mo


Panuto: Isulat ang TAMA kung wasto ang isinasaad sa pangungusap at MALI
kung hindi wasto.

1
1. Naiiwasan ng pangunang lunas ang paglala ng mga pinsalang natamo o
naramdaman.
2. Ang mga taong nagbibigay ng pangunang lunas ay dapat na may sapat na
kaalaman at kasanayan.
3. Maraming nakararamdam ng matinding kirot dahil sa paglapat ng pangunang
lunas.
4. Dapat na bukas o walang balakid ang daanan ng hininga ng biktima upang
mapanatili ang buhay.
5. Nagkakaroon ng matinding pinsala ang biktima dahil sa kaalaman sa
pagbibigay ng pangunang lunas.

Activity 2 Unawain at Punan Mo


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong at punan ang patlang sa
kasunod nito.
1. Paano mo ilalarawan ang kabutihang naidudulot ng pangunang lunas?
Ang paglalapat ng pangunang luna _________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Ano ang maaaring mangyari kapag walang kaalaman at kasanayan ang taong
magbibigay ng pangunang lunas sa taong nasaktan?
Kapag ang isang taong magbibigay ng pangunang lunas ay walang
kaalaman, maaaring magdulot ito ng ________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Ano ang mahalagang papel ng pangunang lunas sa buhay ng biktima ng
pinsala o aksidente?
Ang pangunang lunas ay napakahalaga sapagkat ______________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________

Activity 3 Halina’t Ipaliwanang Mo


Panuto: Sa pamamagitan ng pagsulat ng maikling talata, ipaliwanag sa sarili
mong pakaunawa ang nais ipahiwatig ng kasabihan na nasa loob ng kahon.

“Kaalaman sa paglapat ng pangunang lunas, maiibsan ang


sakit na dinaranas.”

2
Rubriks:

Krayterya 5 4 3 2 1
Kaisahan Lahat ng May isa na May May tatlong Walang
pangungusap pangungusap dalawang pangungusa kaugnayan
ay ang walang pangungusap p na walang sa paksa
tumatalakay kaugnayan sa na walang kaugnayan ang mga
sa iisang paksa. kaugnayan sa sa paksa pangungu
paksa paksa sap

Mensahe Organisado Maayos ang Medyo Hindi Hindi


at malinaw pagtalakay sa maayos ang gaanong maunawaa
ang mensahe pagtalakay sa maayos ang n ang
pagatalakay mensahe pagtalakay mensahen
sa mensahe sa mensahe g nais
ipahiwatig

Answer Key
Activity 1
1. TAMA
2. TAMA
3. MALI
4. TAMA
5. MALI

Activity 2
(Maaaring maging sagot)
1. Ang paglalapat ng pangunang lunas ay nakapagliligtas o nakapagpapatagal
buhay ng isang tao, nakapagpapabawas ng sakit o kirot ng nararamdaman ng
taong nasakuna at naiiwasan ang paglala ng pinsala o karamdaman,
2. Kapag ang isang taong magbibigay ng pangunang lunas ay walang
kaalaman, maaaring magdulot ito ng dagdag na pinsala o kirot sa taong
naaksidente o nagkaroon ng pinsala.
3. Ang pangunang lunas ay napakahalaga sapagkat napapatagal nito ang
buhay ng isang tao.

3
Activity 3

Rubriks sa Pagpapaliwanag sa Pamamagitan ng Pagsulat ng Maikling Talata

Krayterya 5 4 3 2 1

Kaisahan Lahat ng May isa na May May tatlong Walang


pangungusap pangungusap dalawang pangungusa kaugnayan
ay ang walang pangungusap p na walang sa paksa
tumatalakay kaugnayan sa na walang kaugnayan ang mga
sa iisang paksa. kaugnayan sa sa paksa pangungu
paksa paksa sap

Mensahe Organisado Maayos ang Medyo Hindi Hindi


at malinaw pagtalakay sa maayos ang gaanong maunawaa
ang mensahe pagtalakay sa maayos ang n ang
pagatalakay mensahe pagtalakay mensahen
sa mensahe sa mensahe g nais
ipahiwatig

REFERENCES:

1. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-health- q1q4
2. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Batayang Aklat pp.200-203
3. Masigla at Malusog na Ktawan at Isipan 5 Manwal ng Guro pp. 103-104

LAS Development Team

EDERLYN I. MORALES -Writer -Alabangpuro Elementary School


VILMA C. NIDUA -Content Editor -Polangui General Comprehensive High School
SHERYL JOY R. BURCE -Language Editor -Polangui General Comprehensive High School
MARY ROSE C. CRUZADA -Layout Editor -Tiwi Agro-Industrial School
ALAN L. LLANZANA -Ilustrator -Marcial O. Ranola Memorial School
MINVILUZ P. SAMPAL -Content Reviewer & -Schools Division Office of Albay
Technical Consultant

4
LEARNING ACTIVITY SHEET 2
Pangalan: __________________________________________ Petsa: _________
Asignatura: Health Baitang: 5 Quarter: 4 Week: 2

PANUNTUNAN NG PANGUNANG LUNAS

Background Information for Learners


Isa sa karaniwang dahilan kung bakit may mga taong nag-aatubiling tumulong
sa isang biktima ng sakuna o biglaang karamdaman ay kaba at takot. Sa bawat
paglapat ng pangunang lunas, kailangang maisaalang-alang kung ligtas at hindi
makakalala ito sa kalagayan ng isang taong napinsala.

Narito ang ilang mga panuntunan na dapat sundin sa pagbibigay ng pangunang


lunas.

1. Tiyakin kung ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima ng pinsala o


karamdaman. Mahalagang maging mapanuri bago lapitan ang biktima at
umpisahang bigyan ng pangunang lunas. Suriin ang lugar. Magmasid sa paligid
at siguraduhing ligtas na lapitan ang biktima at hindi ka mismo mapapahamak
sa paglapat. Siguraduhin na walang dagdag na kapahamakan na idudulot sa
biktima ang paglapit at paglapat ng lunas.

2. Unang isaalang-alang ang kaligtasan ng biktima sa pinsala o karamdaman.


Alisin kaaagad sa katawan ng biktima ang anumang bagay na mabigat na
nakadagan o nakapatong sa kaniyang katawan. Sa mga tao naman na biktima
ng kuryente kapag kasalukuyan itong nangyayari, patayin kaagad ang
pinagmumulan ng kuryente at ilipat sa ligtas na lugar ang biktima.

3. Magsagawa ng pangunang pagsusuri. Unahin munang suriin ang mga may


kaugnayan sa daanan ng hangin, ang bibig, at ilong ng biktima. Kung walang
balakid sa daananng hininga, dapat na isunod na suriin ang pinsala na may
kaugnayan sa sirkulasyon o pagdaloy ng dugo sa katawan. Dapat ding alamin
kung kailangan ng biktima ng resusitasyong kardyopulmonaryo o CPR
(Cardiopulmonary Resuscitation)

4. Isagawa ang madaliang aksiyon o kilos. Unahin ang dapat unahin. Dapat
tandaan ng mga tagapagbigay ng pangunang tulong panlunas ang ABC o mga
hakbang sa pagbibigay ng mga paunang tulong-pansagip ng buhay bago
magpatuloy sa pagbibigay ng iba pang paglalapat ng pangunang lunas.

1
A- Airway o Daanan ng Hangin
Suriin ang bibig at ilong bilang daanan ng hangin. Ang mga may malay
na tao ay makapagpapanatili ng pagkakabukas ng sarili nilang daanan ng
hininga. Subalit kung walng malay ang biktima, wala itong kakayahang
panatilihing bukas ang daanan ng hangin. Maaaring hindi gumagana ang
bahagi ng utak na likas at kusang nangangasiwa sa gawaing ito

B- Breathing o Paghinga
Pakinggan, tingnan, at damhin ang mga senyales o palatandaan ng
paghinga. Kapag ang biktima ay hindi humihinga o nahihirapang huminga,
luwagan ang kaniyang kasuotan, siguraduhing walang nakabara sa kaniyang
ilong, bibig, at lalamuna at bigyan ng artipisyal na respiration.

C- Circulation o Pagdaloy ng Dugo


Hanapin ang pulso sa galanggalangan (wrist) o sa leeg. Kung walang
makapang pulso, magsimula na sa chest compression.

Kapag naiayos at napainama na ang ABC, maaari nag magbigay ng iba pang
gawaing-panlunas kung kinakailangan. Ito ang 3B, nangangahulugan ito na dapat
suriin muna at lutasin ng tagabigay lunas ang anumang kaugnay sa buga ng paghinga,
bago subuking sugpuin ang mga suliraninng kaugnay sa balong ng dugo ,mula sa
katawan ng pasyente, at mga baling buto.

 Breathing o Bunga ng Paghinga (Bantay-Hininga)


 Bleeding o Balong ng Dugo
 Broken bones o baling buto

5. Humingi ng tulong
Kapag walang sapat na kaalaman sa paglapat ng pangunang lunas, huwag
magdalawang-isip na humingi ng tulog sa eksperto o espesyalista upang
makapagsalba ng isa o mahigit pang buhay.

Learning Competency
 Discusses basic first aid principles (H5SU-IVb-35)

Activity 1

Panuto: Isulat ang DG kung nararapat na isagawa ang ipinapahayag sa bawat


sitwasyon sa pagbibigay ng pangunang lunas at HDG naman kung hindi dapat
gawin ang ipinapahayag na sitwasyon.

2
1. Maglapat ng pangunang lunas kaagad sa biktima kahit walang sapat na
kaalaman.
2. Unang isaalang-alang ang kaligtasan ng sarili.
3. Tiyaking ligtas na lapatan ng pangunang lunas ang biktima.
4. Humingi ng tulong sa kaklase na walang kasanayan sa paglapat ng pangunang
lunas.
5. Magsagawa ng pangunang pagsusuri bago maglapat ng pangunang lunas.

Activity 2
Panuto: Talakayin o magbigay ng mga hakbang na dapat mong isagawa sa
mga sumusunod panuntunan ng pangunang lunas na nasa loob ng kahon

1. Tiyakin kung ligtas na lapatan ng ______________________________


pangunang lunas ang biktima ng _____________________________
pinsala o karamdaman. _____________________________

Unang isaalang-alang ang _________________________________


2. kaligtasan ng biktima ng pinsala o _____________________________
karamdaman.
_____________________________

3. Magsagawa ng pangunang _____________________________


pagsusuri.
_____________________________
_____________________________

Activity 3
Panuto: Talakayin at isulat ang mga gagawin mo sa mga sumusunod na
sitwasyon

1. Bakit kinakailangan na masiguro natin ang ating sariling pangkaligtasan bago


natin isagawa ang paunang lunas sa mga biktima ng aksidente?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

2. Bilang isang mag-aaral, paano mo maibabahagi ang mga panuntunan sa


pangunang lunas sa iba pang kasapi ng iyong pamilya?
______________________________________________________________

3
Answer Key

Activity 1
1. HDG
2. HDG
3. DG
4. DG
5. DG

Activity 2
(Maaaring Sagot)
1. Suriin muna ang lugar. Siguraduhin muna na walang dagdag na kapahamakan na
idudulot sa biktima ang paglapat at pagtapat ng lunas. Alamin muna kung ano ang
nararamdaman ng pasyente.
2. Laging isaalang-alang ang kapakanan ng biktima ng sakuna sa lahat ng
pagkakataon at dapat alamin ang pangyayaring nagaganap. Alisin kaagad sa
katawan ng biktima ang anumang bagay na mabigat na nakadagan o nakapatog
sa kaniyang katawan,
3. Suriin muna ang mga may kaugnayan sa daanan ng hangin, ang bibig, at ilong ng
biktima. Suriin din ang pinsala na may kaugnayan sa sirkulasyon ng dugo sa
katawan. Dapat ding alamin kung kailangan ng biktima ng resusitasyong
kadyopulmonarryo o CPR.

Activity 3
(Maaaring sagot)
1. Kinakailangang masiguro ang sariling pangkaligtasan para maging epektibo at
maayos ang pagbibigay ng pangunang lunas sa biktima at para maiwasan ang
pagkakaroon ng sariling pinsala.
2. Ikukuwento at ibabahagi ko sa ibang kasapi ng pamilya ang mga panuntunan ng
pangunang lunas at ang kahalagahan ng pagsunod sa mga ito.

REFERENCES:

1. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-health-
q1q4
2. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Batayang Aklat pp.204-206
3. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Manwal ng Guro pp. 106-107

LAS Development Team

EDERLYN I. MORALES -Writer -Alabangpuro Elementary School


VILMA C. NIDUA -Content Editor -Polangui General Comprehensive High School
SHERYL JOY R. BURCE -Language Editor -Polangui General Comprehensive High School
MARY ROSE C. CRUZADA -Layout Editor -Tiwi Agro-Industrial School
ALAN L. LLANZANA -Ilustrator -Marcial O. Ranola Memorial School
MINVILUZ P. SAMPAL -Content Reviewer & -Schools Division Office of Albay
Technical Consultant

4
LEARNING ACTIVITY SHEET 3
Pangalan: __________________________________________ Petsa: _________
Asignatura: Health Baitang: 5 Quarter: 4 Week: 3-4

PANGUNANG LUNAS PARA SA SUGAT AT BALINGUYNGOY

Background Information for Learners


Ang sakuna at karamdaman ay walang pinipiling panahon at lugar. Ilan sa mga
ito ay ang pagkakaroon ng sugat at balinguyngoy. Maaaring mangyari ang mga ito
kanino man maging sa bahay, paaralan, lugar ng hanapbuhay o pasyalan. Nararapat
na alam natin ang tamang pagbibigay lunas sa sinumang nakaranas ng mga ito.

Narito ang mga hakbang sa pagbibigay lunas sa may sugat at nakakaranas ng


balinguyngoy.

Pinsala at Kondisyon Pangunang Lunas


Sugat/Wound  Hugasan ang sugat gamit ang sabon at tubog at
linisang mabuti upang matanggal ang dumi.
Gumamit ng sterilized tweezers kapag nililinisan
ang ilalim na bahagi ng sugat na natatakpan nang
nakalaylay na balat. Huwag lagyan ng alkohol,
patak ng iodine, o merthiolate ng direkta sa
nakabukang sugat upang maiwasang mapinsala
ang laman at mapadali ang pagpapagaling ng
sugat. Linisan ang sugat gamit ang hydrogen
peroxide. Iwasang maglagay ng antibiotic, cream,
o ointment kapag hindi pa nalinisan nang mabuti
ang sugat.

 Paraan ng Direktang Pagdiin ng Sugat


1. Direktang diinan ang mismong sugat sa
pamamagitan ng gasa o ng malapad at makapal
na panyo
2. Kung ang pulso ang nagdurugo, epektibo ang
pagtataas nito sa posisyong mas mataas sa
puso, at matapos nito ay ang pagdiin sa sugat.

Hindi Direktang Pagdiin ng Sugat


 Kung labis ang pagdurugo mula sa malalaking
ugat kasabay nang paglabas ng dugo sa pagpintig
ng puso, ang direktang pagdidiin ay maaaaring
hindi maging sapat para matigil ang pagdurugo. Sa
mga pagkakataong ito, idiin ang mga daliri sa

1
malaking ugat sa posisyong mas malapit sa puso
kaysa sa mismong sugat.

Posisyon ng Sugat Kung Saan Dapat Maglagay ng


Diin
 Diinan ang harap ng tainga kapag ang mukha ang
nagdurugo.
 Diinan ang ilalim ng kilikili kung nagdurugo ang
itaas na bahagi ng braso
 Kapag nagdurugo ang ilalim ng siko, diinan ang
loobang bahagi nito.
 Kapag nagdurugo ang binti, diinan ang itaas na
bahagi ng hita.

Balinguyngoy/Nosebleed  Umupo nang tuwid at iyuko nang baghagya


paharap ang ulo at pisilin ang, alambot na bahagi
ng ilong sa ibaba ng bony bridge. Upang
makahinga ang biktima, kailangang nakabuka ang
bibig. Kapag ang pagdurugo ay hindi humonto
pagkatapos ng 20 minuto, maglagay ng malamig
na panyo o bimpo (cold compress) sa noo at sa
nose bridge. Kahit huminto na ang pagdurugo
kailangan pa ring lagyan ng malamig na panyo o
bimpo ang noo at nose bridge upang mapadali ang
pagsasaayos ng blood vessels.
 Kapag hindi pa rin huminto ang pagdurugo sa
dalawang beses na pagbibigay ng pangunang
lunas, dalhin kaagad ang biktima sa doktor o sa
emergency room

Learning Competency
 Demonstrates appropriate first aid for common injuries or conditions
(H5IS-IV-C-J-36)
- Wound
- Nosebleed

Activity 1
Panuto: Ipakita sa pamamagitan ng pagguhit ang paraan ng pagbibigay lunas
sa may sugat. Sa ibaba ng bawat larawan ay isulat ang pangunang lunas na
isinasaad sa larawan. Iguhit ito sa bond paper.

2
Rubriks sa Pagguhit
KRAYTERYA 5 4 3 2 1
Pagkamalikha Lubos na Nagpamalas Nagpakita ng Hindi Walang
in nagpamalas ng kahanga- pagkamalikh gaanong ipinamalas
ng hangang ain sa nagpakita ng na
pagkamalika pagkamalikh pagguhit pagkamalikh pagkamali
hin sa ain sa ain sa khain sa
pagguhit pagguhit pagguhit pagguhit
Kaangkupan Lahat ng Malinaw ang Medyo Di gaanong Hindi
larawang detalye ng malinaw ang malinaw ang angkop at
iginuhit ay mga detalye ng detalye ng hindi
tama ang larawang mga mga malinaw
kaisipan, iginuhit larawang larawang ang mga
kompleto at ngunit may 1 iginuhit iginuhit larawan
malinaw ang na larawan ngunit may 2
detalye na hindi na larawan
tama ang na hindi
kaisipan tama ang
kaisipang
ipinapahayag

Activity 2
Panuto: Sa tulong ng isang kasapi ng pamilya, isagawa mo ang mga paraan
sa pagbibigay ng pangunang lunas sa taong nakakaranas ng balinguyngoy.
Magpakuha ka ng larawan habang isinasagawa mo ang mga hakbang. Sa
isang bond paper, iprint ang mga larawan na nagsasagawa ka ng pangunang
lunas. Sa ibaba ng bawat larawan, isulat ang mga hakbang na isinasagawa mo
batay sa ipinapakita sa larawan.
Rubriks:
KRAYTERYA 5 4 3 2 1
Lahat ng mga Naisagawa ng Naisagawa ng Hindi-gaanong Hindi
panuntunan tama ang tama ang mga naisagawa ng naisagawa ng
sa pagbibigay mga hakbang hakbang tama ang mga tama ang
Pagsasagawa lunas sa may maliban sa maliban sa hakbang sa lahat ng
balinguyngoy isang dalawang pagbibigay panuntunan
nasunod at panuntunan o panuntunan o lunas batay sa sa pagbibigay
naisagawa ng hakbang na hakbang na ipinapakita sa lunas batay sa
tama batay sa isinasaad sa isinasaad sa larawan isinasad sa
ipinapakita sa larawan larawan larawan
larawan

Presentasyon Ang lahat ng May isang May dalawang Karamihan na Walang


larawan ay larawan na larawan na larawan ay inilagay na
may angkop walang walang hindi angkop deskripsiyon
na angkop na angkop na ang sa bawat
deskripsyon deskripsiyon deskripsiyon deskripsiyon larawan

3
Answer Key
Activity 1
Rubriks sa Pagguhit
KRAYTERY 5 4 3 2 1
A
Pagkamalik Lubos na Nagpamal Nagpakita Hindi Walang
hain nagpamala as ng ng gaanong ipinamal
s ng kahanga- pagkamali nagpakita as na
pagkamali hangang khain sa ng pagkama
kahin sa pagkamali pagguhit pagkamalik likhain
pagguhit khain sa hain sa sa
pagguhit pagguhit pagguhit
Kaangkupa Lahat ng Malinaw Medyo Di Hindi
n larawang ang malinaw gaanong angkop
iginuhit ay detalye ng ang malinaw at hindi
tama ang mga detalye ng ang malinaw
kaisipan, larawang mga detalye ng ang mga
kompleto iginuhit larawang mga larawan
at malinaw ngunit iginuhit larawang
ang may 1 na ngunit may iginuhit
detalye larawan 2 na
na hindi larawan na
tama ang hindi tama
kaisipan ang
kaisipang
ipinapahay
ag

Activity 2
Rubriks:
KRAYTERYA 5 4 3 2 1
Lahat ng Naisagawa Naisagawa Hindi- Hindi
mga ng tama ang ng tama ang gaanong naisagawa
panuntunan mga mga naisagawa ng tama
Pagsasagawa sa hakbang hakbang ng tama ang ang lahat
pagbibigay maliban sa maliban sa mga ng
lunas sa may isang dalawang hakbang sa panuntuna
balinguyngoy panuntunan panuntunan pagbibigay n sa
nasunod at o hakbang o hakbang lunas batay pagbibigay
naisagawa na isinasaad na isinasaad sa lunas
ng tama sa larawan sa larawan ipinapakita batay sa
batay sa sa larawan isinasad
ipinapakita sa larawan
sa larawan

4
Presentasyon Ang lahat ng May isang May Karamihan Walang
larawan ay larawan na dalawang na larawan inilagay na
may angkop walang larawan na ay hindi deskripsiy
na angkop na walang angkop ang on sa
deskripsyon deskripsiyon angkop na deskripsiyon bawat
deskripsiyon larawan

REFERENCES:

1. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-inhealth-
q1q4
2. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Batayang Aklat pp.208-210
3. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Manwal ng Guro pp 109-110

LAS Development Team

EDERLYN I. MORALES -Writer -Alabangpuro Elementary School


VILMA C. NIDUA -Content Editor -Polangui General Comprehensive High School
SHERYL JOY R. BURCE -Language Editor -Polangui General Comprehensive High School
MARY ROSE C. CRUZADA -Layout Editor -Tiwi Agro-Industrial School
ALAN L. LLANZANA -Ilustrator -Marcial O. Ranola Memorial School
MINVILUZ P. SAMPAL -Content Reviewer & -Schools Division Office of Albay
Technical Consultant

5
LEARNING ACTIVITY SHEET 4
Pangalan: __________________________________________ Petsa: _________
Asignatura: Health Baitang: 5 Quarter: 4 Week: 5-6

PANGUNANG LUNAS PARA SA KAGAT NG INSEKTO AT KAGAT NG HAYOP

Background Information for Learners


Minsan, hindi maiwasan na makagat tayo ng insekto tulad ng bubuyog. Sa hindi
naman inaasahang pagkakataon ay may nababalitaan tayo na nakagat ng aso o pusa.
Dapat alam natin ang pangunang lunas sa mga sitwasyong nabanggit para tayo ay
makapagbigay tulong sa mga taong nakarananas nito.
Sa pagbibigay mg pangunang lunas sa taong nakagat ng insekto o nakagat ng
hayop, ang mga sumususunod na hakbang ang dapat gawin.

MGA PINSALA AT PANGUNANG LUNAS


KONDISYON
Kagat ng Insekto/ Insect  Hugasan ang bahagi ng katawan na nakagat ng
Bite insekto gamit ang sabon at tubig. Maaari ring
gamitin sa paghuhugas ang alkohol, suka, katas ng
lemon o kalamansi. Ang bawang ay maaari ring
ikiskis (rub) sa bahagi na nakagat.
 Tanggalin ang karayom na iniwan ng bubuyog o
ibang insekto sa pamamagitan ng marahang
pagkayod sa balat ng kutsilyo, kuko, o matalas na
bahagi ng isang bagay. Iwasang tanggalin ito sa
pamamagitan ng tiyani, dahil kapag nadiin ito
maaaring magkaroon ng mas maraming
kamandag sa loob ng katawan. HUgasan ng sabon
at tubig ang sugat, at lagyan ito ng yelo o cold
compress sa bahaging may kagat upang
mapabagal ang pagkalat ng kamandag.
 Kapag alam ng biktima na siya ay sensitibo sa
kamandag ng bubuyog, alamin kung may dal
siyang hirenggilya ng injectable adrenaline
(epinephrine). Kung mayroon, gamitin ito agad at
dalhin siya agad sa ospital.
 Kapag walang adrenaline, at nagsisimulang
mabuo ang sintomas ng malalang allergic reaction
ng biktima, talian ang braso o bahagi ng katawang

1
may kagat upang huwag kumalat ang lason at
itakbo kaagad sa ospital.
 Kung ang kagat ay galing sa gagamba o alakdan,
ihiga nag biktima. Siguraduhin na ang bahaging
kinagatan ay mas mababa kaysa posisyon ng
puso.
Kagat ng Hayop tulad ng Rabies ang nakukuha ng biktima sa kagat ng aso o
Aso o Pusa/Animal Bite pusa. Ito ay dulot ng virus na may malalang epekto sa
central nervous system. Nagmumula ang virus na ito
sa kagat o laway ng isang hayop na tagapagdala ng
rabies. Bawat dapuan ng rabies ay tiyak na kamatayan
ang sasapitin kung hindi mabibigyan ng agarang lunas.
 Kung may malay ang pasyente tanungin kung
saang bahagi siya nakagat. Kung walang malay o
hindi makausap, hanapin ang bakas ng kagat.
 Linisan nang mabuti ang sugat gamit ang tubig at
sabon. Makakatulong ito upang mapigilan ang
pagkalat ng impeksiyong dala ng iba pang duming
karaniwang namamalagi sa bibig ng hayop. Maaari
rin itong makatulong sa pagpigil sa pagkalat ng
virus ng rabies.
 Paduguin ang sugat na mula sa kagat ng aso, pusa
o anumang haop na may rabies. Gawin ito habang
hinuhugasan ang bahaging nakagat. Pahiran ito ng
lakohol, povidone-iodine, o anumang gamot
pansugat.
 Huwag kalimutang kunina ng pangalan ng may-ari
ng alagang hayop na nakakagat sa pasyente.
Kunin din ang kaniyang tirahan at numero sa
telepono o cellphone upang maging madali ang
koordinasyon, lao na’t kailangang obserbahan din
ang kaniyang alaga.
 Kapag mahirap malaman kung saan nagmula ang
hayop, ipagbigay alam ang sitwasyon sa
kinuukulan para mahuli ito at maobserbahan.

Learning Competency
 Demonstrates appropriate first aid for common injuries or conditions
(H5IS-IV-C-J-36)
- Insect Bite
- Animal Bite

2
Activity 1
Panuto: Basahin at sagutin ang sitwasyon na nasa loob ng kahon.

Namimitas ng mga bulaklak sa hardin si Megan kasama ang


kaniyang pinsan na si Maricel. Biglang narinig ni Megan na umiiyak si
Maricel, nakagat na pala ng bubuyog ang kaniyang pinsan sa braso. Kung
ikaw si Megan, paano mo lalapatan ng pangunang lunas ang iyong pinsan?
Isagawa ang mga hakbang sa pagbibigay lunas sa taong nakagat
ng insekto at idikit ang larawan mo sa pagsasagawa nito sa kasunod na
graphic organizer.

Itala sa unang kolum sa organizer ang mga hakbang na iyong gagawin at sa


ikalawang kolum naman ay ilagay mo ang iyong larawan na nagsasagawa nito.

HAKBANG SA PAGBIBIGAY LARAWAN NG PAGSASAGAWA NITO


LUNAS SA KAGAT NG
INSEKTO

3
Activity 2
Panuto: Basahin, unawain at sagutin ang sitwasyon sa ibaba.

`
Nakatanggap ng tawag si Angela sa kaniyang matalik na kapitbahay na si
Trishia. Nagpapatulong ito kung ano ang nararapat niyang gawin para matulungan
niya ang kanyang nakababatang kapatid na si Jun na sinakmal ng aso sa binti. Wala
ang kanilang mga magulang para matulungan sila. Dali-daling pumunta si Angela sa
bahay ng kaniyang kapitbahay para tulungan si Trishia. Ano sa palagay mo ang
pasunod-sunod na dapat na gawin ni Angela?

Iguhit sa isang bond paper ang mga pasunod-sunod na dapat na gawin ni


Angela sa pagbibigay lunas sa nakababatang kapatid ni Trishia na si Jun na
nakagat ng aso sa binti.

Rubriks:

KRAYTERYA 5 4 3 2 1
Kaangkupan Tama lahat Malinaw ang Medyo Di gaanong Hindi
at ang detalye ng malinaw ang malinaw ang angkop at
Kawastuhan kaisipang mga detalye ng detalye ng hindi
ipinapahayag larawang mga mga malinaw
sa bawat iginuhit larawang larawang ang mga
larawan, ngunit may 1 iginuhit iginuhit larawan
kompleto at na larawan ngunit may 2
malinaw ang na hindi na larawan
detalye tama ang na hindi
kaisipan tama ang
kaisipang
ipinapahayag

Kalinisan ng Napakalinis Malinis ang Bahagyang Di-gaanong Hindi


Gawain ng ng pagkakaguhi malinis ang malinis ang nagpapaki
pagkakaguhit t ng mga pagkakaguhit pagkakaguhit ta ng
ng mga detalye sa sa mga kalinisan
larawan larawan larawan sa
pagguhit

4
Answer Key
Activity 1

HAKBANG SA PAGBIBIGAY LARAWAN NG PAGSASAGAWA NITO


LUNAS SA KAGAT NG
INSEKTO
1. Hugasan ang braso gamit
ang sabon at tubig. Maari
ring gumamit sa
paghuhugas ang alkoho,
skuka o katas ng
kalamansi.
2. Tanggalin ang karayom
na iniwan ng bubuyog o
ibang insekto sa
pamamagitan ng
marahang pagkayod sa
balat ng kutsilyo, kuko o
matalas na bahagi ng
bagay.
3. Kung ang biktima ay
sensitibo sa kagat ng
bubuyog, alamin kung
may dala siyang
hirenggilya ng injectable
adrenaline. Kung
mayroon, gamitin ito agad
at dalhin siya sa ospital.
4. Kapag nagsisimulang
mbuo ang sintomas ng
malalalang allergic
reaction ng biktima, talian
ang braso upang huwag
kumalat ang lason at
itakbo kaagad sa ospital.
5. Ihiga ang biktima.
Siguraduhin na ang
bahaging kinagatan ay
mas mababa kaysa
posisyon ng puso.

5
Activity 2
(Ang sagot ay nakadepende sa rubriks)

Rubriks:

KRAYTERYA 5 4 3 2 1
Kaangkupan
at Tama lahat Malinaw ang Medyo Di gaanong Hindi
Kawastuhan ang detalye ng malinaw ang malinaw ang angkop at
kaisipang mga detalye ng detalye ng hindi
ipinapahayag larawang mga mga malinaw
sa bawat iginuhit larawang larawang ang mga
larawan, ngunit may 1 iginuhit iginuhit larawan
kompleto at na larawan ngunit may 2
malinaw ang na hindi na larawan
detalye tama ang na hindi
kaisipan tama ang
kaisipang
ipinapahayag
Napakalinis Malinis ang Bahagyang Di-gaanong Hindi
Kalinisan ng ng ng pagkakaguhi malinis ang malinis ang nagpapaki
gawain pagkakaguhit t ng mga pagkakaguhit pagkakaguhit ta ng
ng mga detalye sa sa mga kalinisan
larawan larawan larawan sa
pagguhit

REFERENCES:

1. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-health-
q1q4
2. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Batayang Aklat p.211
3. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Manwal ng Guro pp 110-111

LAS Development Team

EDERLYN I. MORALES -Writer -Alabangpuro Elementary School


VILMA C. NIDUA -Content Editor -Polangui General Comprehensive High School
SHERYL JOY R. BURCE -Language Editor -Polangui General Comprehensive High School
MARY ROSE C. CRUZADA -Layout Editor -Tiwi Agro-Industrial School
ALAN L. LLANZANA -Ilustrator -Marcial O. Ranola Memorial School
MINVILUZ P. SAMPAL -Content Reviewer & -Schools Division Office of Albay
Technical Consultant

6
LEARNING ACTIVITY SHEET 5
Pangalan: __________________________________________ Petsa: _________
Asignatura: Health Baitang: 5 Quarter: 4 Week: 7-8

PANGUNANG LUNAS PARA SA KAWALANG MALAY AT KAGAT NG AHAS

Background Information for Learners


Napakahalagang mag-aral at magsanay ng mga pangunang lunas sa bawat
pinsala at kondisyon dahil hindi natin tiyak ang maaaring mangyari sa atin at sa mga
taong nakapaligid sa atin. Bilang mag-aaral, mahalaga na mayroon kang kaalaman sa
pagbibigay ng pangunang lunas para makatulong sa pagsagip ng buhay sa mga
nangangailangan ng tulong

Narito ang ilang karampatang panlunas para sa kagat ng ahas at kawalang-


malay.

PINSALA O KONDISYON PANGUNANG LUNAS


Kagat ng Ahas/Snake Bite  Panatilihing nakaupo at iwasang maigalaw ng
biktima ang kaniyang katawan. Ang paggalaw ng
katawan gaya ng paglalakad ay nakapagpapabilis
ng pagkalat ng kamandag ng kagat ng ahas sa
katawan. Paupuin siya sa puwestong ang
bahaging nakagat ng ahas ay mababa sa posisyon
ng puso.

 Gumamit ng kurbata, sinturon, telang mahaba o


lubid sa pagtali sa bandang braso o binti, na may
apat hanggang anim na pulgada sa itaas ng sugat.
Gawin ito ng lapat at maginhawa ngunit maluwang
nang bahagya, at maaaring magkasya ang isang
daliri sa loob. Itaas ang banda ng ilang pulgada pa
kapag namaga ang sugat.

 Kapag may snake-bite kit, gamitin ang extractor


upang makapagtanggal ng mas maraming
kamandag. Undan ang direksiyon na nakasulat sa
kit. Maging maingat ngunit mabilis ang pagkilos.
Hanggang 35 porsiyento ng kamandang ay
maaaring matanggal kung gagamitin ang extractor
sa loob ng unang limang minuto matapaos na
makagat ng ahas.

 Pigaiin ang sugat upang matanggal ang


kamandag hanggat makakaya ng biktima kung
walang snake-bite kit. Ang kamandag ng ahas ay

1
maaari ding sipipin ng taong walang sugat na
bukas o hiwa sa loob at labas ng kaniyang bibig.
Habang sinisipsip, ibuga ang kamandag palabas
at pagkatapos ay linising mabuti ang loob ng bibig
ng sumipsip ng kamandag.

 Pagkatapos tanggalin ang kamandag, hugasan


ang bahaging nakagat ng ahas ng sabon at
maligamgam na tubig.
Kawalang-Malay  Paupuin ang may karamdaman sa isang silya at
ibaba ang ulo sa pagitan ng mga tuhod

 Pahigain na ang ulo ay mas mababa kaysa


kinalalagyan ng mga paa. Ito ay upang padaluyin
ang dugo sa ulo

 Suriin ang pulso at paghinga kung malakas. Kung


ang paghinga ay mabilis at malakas ang pulso,
kumuha ng supot na papel o plasttik na may sapat
na laki upang dito pahingain ang biktima. Kung
hindi siya muling magkamalay sa loob ng 15
hanggang 20 minuto. Dalhin agad ito sa
pinakamalapit na pagamutan.

 Tumawag ng manggagamot o kaya dalhin ang


pasyente sa pinakamalapit na ospital.

 Kung ang pasyente ay hindi pa nakakakain sa loob


ng anim na oras o higit pa, o di kaya’y may
diabetes, bigyan ng kaunting fruit juice.

Learning Competency
 Demonstrates appropriate first aid for common injuries or conditions
(H5IS-IV-C-J-36)
- Snake Bite
-Fainting

Activity 1
Panuto: Sa tulong ng kasapi ng pamilya, isagawa ang mga hakbang sa
pagbibigay lunas sa taong nakagat ng ahas. Ivideo ang pagsasagawa o
pagsasadula nito.

2
Rubriks sa Pagsasagawa

KRAYTERYA 3 2 1
Pagkakaganap Mahusay at Naisagawa ng Hindi naisagawa
tama lahat namahusay ang nang tama ang mga
naisagawa mga gawain hakabang sa
ang mga ngunit may isa o pagbibigay lunas
hakbang sa dalawang
pagbibigayhakbang ang di-
lunas gaanong tama
ang
pagsasagawa
nito
Kalinawan ng Video Napakalinaw Malinaw ang Di-malinaw at di
at kompleto pagkakakuha ng kompleto ang
pagkakakuha video ngunit pagkakakuha ng
ng video sa may isa o video sa
pagsasagawa dalawang pagsasagawa ng
ng hakbang gawain ang hakbang
hindi kompleto
ang mga
detalye

Activity 2
Panuto: Isagawa ang kasunod na mga hakbang sa pagbibigay ng pangunan
lunas. Magpakuha ka ng larawan sa pagsasagawa nito. Idikit ito sa bond paper
at maglagay ng detalye o deskripsiyon sa bawat larawan. Kumuha ng kapareha
sa miyembro ng pamilya na bibigyan mo ng pangunang lunas.

Rubriks sa Pagsasagawa
KRAYTERYA 5 4 3 2 1
Kaangkupan
at Tama lahat Malinaw ang Medyo Di gaanong Hindi
Kawastuhan ang detalye ng malinaw ang malinaw ang angkop
kaisipang mga detalye ng detalye ng at hindi
ipinapahayag larawang mga larawang mga malinaw
sa bawat maliban a isa iginuhit ngunit larawang ang
larawan, na hindi may 1 na iginuhit at pagsasa
kompleto at gaanong larawan na may 2 na gawa na
malinaw ang tama ang hindi tama larawan na ipinapaki
detalye pagsasagawa ang na hindi tama ta sa
pagsasagawa ang mga
pagsasagawa larawan

Kaugnayan Detalyado at Detalyado at Magkaugnay Bahagyang Hindi


ng larawan magkaugnay magkaugnay ang mga magkaugnay magkaug
sa lahat ang lahat ang larawan sa ang mga nay ang
deskripsyon larawan at larawan at deskripsyon mga

3
deskripsiyon deskripsiyon ngunit hindi larawan at larawan
nito maliban sa gaanong deskripsyon at
isa detalyado ang deskripsi
paglalarawan yon

Answer Key
Activity 1
(Magiging gabay ang rubriks sa pagsasagawa ng gawain)
Rubriks sa Pagsasagawa

KRAYTERYA 3 2 1
Pagkakaganap Mahusay at Naisagawa ng Hindi naisagawa nang
tama lahat na mahusay ang mga tama ang mga
naisagawa gawain ngunit may hakabang sa
ang mga isa o dalawang pagbibigay lunas
hakbang sa hakbang ang di-
pagbibigay gaanong tama ang
lunas pagsasagawa nito

Kalinawan ng Video Napakalinaw Malinaw ang Di-malinaw at di


at kompleto pagkakakuha ng kompleto ang
pagkakakuha video ngunit may isa pagkakakuha ng video
ng video sa o dalawang gawain sa pagsasagawa ng
pagsasagawa ang hindi kompleto hakbang
ng hakbang ang mga detalye

Activity 2
(Magiging gabay ang rubriks sa pagsasagawa ng gawain)
Rubriks sa Pagsasagawa
KRAYTERYA 5 4 3 2 1
Kaangkupan
at Tama lahat Malinaw ang Medyo Di gaanong Hindi
Kawastuhan ang detalye ng malinaw ang malinaw ang angkop
kaisipang mga larawang detalye ng detalye ng at hindi
ipinapahayag maliban a isa mga larawang mga malinaw
sa bawat na hindi iginuhit ngunit larawang ang
larawan, gaanong may 1 na iginuhit at pagsasa
kompleto at tama ang larawan na may 2 na gawa na
malinaw ang pagsasagawa hindi tama larawan na ipinapaki
detalye ang na hindi tama ta sa
pagsasagawa ang mga
pagsasagawa larawan

Kaugnayan Detalyado at Detalyado at Magkaugnay Bahagyang Hindi


ng larawan magkaugnay magkaugnay ang mga magkaugnay magkaug
sa lahat ang lahat ang larawan sa ang mga nay ang
deskripsyon larawan at larawan at deskripsyon mga

4
deskripsiyon deskripsiyon ngunit hindi larawan at larawan
nito maliban sa gaanong deskripsyon at
isa detalyado ang deskripsi
paglalarawan yon

REFERENCES:
1. https://www.slideshare.net/lhoralight/k-to-12-grade-5-learners-material-in-health-
q1q4

2. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Batayang Aklat pp.212-216

3. Masigla at Malusog na Katawan at Isipan 5 Manwal ng Guro pp 109-111

LAS Development Team

EDERLYN I. MORALES -Writer -Alabangpuro Elementary School


VILMA C. NIDUA -Content Editor -Polangui General Comprehensive High School
SHERYL JOY R. BURCE -Language Editor -Polangui General Comprehensive High School
MARY ROSE C. CRUZADA -Layout Editor -Tiwi Agro-Industrial School
ALAN L. LLANZANA -Ilustrator -Marcial O. Ranola Memorial School
MINVILUZ P. SAMPAL -Content Reviewer & -Schools Division Office of Albay
Technical Consultant

You might also like